Kabanata 22 (Warning)
Mature content/R-18
Kabanata 22: Heart’s Pov
“Heart!”
Halos napatalon ako sa pagsigaw ni Ali sa pangalan kong iyon.
Lito, gulong-gulo, at hindi makapaniwala ang nakaukit sa mukha niya ngayon, na hindi ko maintindihan kung bakit gano’n ang reaksyon niya.
Halos hilahin niya ako sa likod ng pader na malapit sa amin kung saan wala masyadong tao.
“Bakit?” nagtatakang tanong ko.
“Hindi ka ba talaga nagbibiro sa sinabi mo kahapon?” pilit niyang pagpapababa sa boses.
“Kailan ako nagbiro sa’yo kapag sinasabi kong may sasabihin ako sa’yong importante?” walang ganang tanong ko.
Wala ako sa ayos ngayon. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit wala naman akong gaanong ginagawa. Kanina ay nagising akong nasusuka kaya dumiretso ako sa banyo. Pagkatapos ay hinanap ko si Davil, na naabutan kong nagluluto na ng almusal sa kusina.
Hindi ko na nabanggit sa kaniya ang tungkol sa pagsusuka ko sa walang makabuluhang dahilan.
Unti-unting nanlaki ang mata niya. “Ibig sabihin…”
“Pumasok na tayo, bago pa tayo ma-late,” sabi ko at nangunang umalis.
Naiwan si Ali na tila wala sa sarili. Nakasunod lang siya sa akin nang papasok na ako sa room.
“Totoo?”
“Oo, kalat na rin ‘yon matapos lang kumpermahin ni sir.”
“Kung gano’n wala naman talagang sila ni prof Ysabelle. Pero si ma’am Ysabelle, akala mo ay merong sila ni sir Davil. Feelingera.”
“Shhh, Brianna. Baka may makarinig sa ‘tin.”
“Tsk!”
Iyon ang sari-saring naririnig ko sa mga kaklase sa pagpasok ko. Iyon agad ang bumungad. Napaisip tuloy ako, kung iyon din ba ang pinag-uusapan kanina ng mga nagkukumpulan na mga estudyanteng nadaanan ko.
“Hays! Ang swerte naman ng asawa ni sir Davil.”
“For sure, swerte rin ni sir Davil sa kaniya.”
“Deserve nila ang isa’t isa. Ang private person ni sir. Lowkey married na pala.”
Lihim akong napangiti. Tama, sobrang swerte ko kay Davil. Pero ako? ‘Yong sarili ko…hindi ko masabi na deserve niya ako. Kasi walang wala ako kumpara sa iba. Kailangan ko pang maging better para maging deserving.
Natahimik ang mga kaklase ko at napabalik sa kaniya kaniya nilang upuan nang pumasok ang professor na pinag-uusapan nila.
“Good morning, everyone. How’s your holidays so far?” walang kangiti ngiting saad ni prof Ysabelle.
“Masaya po!”
“Sana lahat masaya,” komento pa ng iba.
Dumapo sa akin ang tingin ni ma’am Ysabelle. Tumaas ang isang kilay niya sa akin. Napatikhim lang ako.
“Okay, everyone. Before we start our class. Gusto ko lang sabihin sa inyo ang mga patakaran ko sa klase ko.”
Tahimik ang buong klase habang nakikinig sa mga sinasabi ni ma’am Ysabelle. Kahit ang gumawa ng kunting ingay ay walang nagtangka.
“Simple lang naman ang house rules ko, right?” striktang aniya.
Lahat kami sumagot sagot.
“At isa pa,” saad pa ni ma’am Ysabelle. Napunta ulit sa akin ang masungit niyang tingin. “Bawal ipakita sa akin ang kalandiang mayroon kayo. Kung nasa loob ang kati niyo, mabuti naman. ‘Wag na ‘wag niyong ipagyabang ‘yan sa akin,” sabi niya habang hindi inaalis sa akin ang tingin.
Nag-init ang ulo ko pero nanatiling tahimik lang ako. Isa siya sa mga bagong professor namin ngayong 2nd semester.
Pagkatapos ng gawain ay denismis na rin kami ni ma’am Ysabelle, pero paalis na ako nang tawagin niya.
“Miss Salazar?”
“Yes, ma’am?”
“Maiwan ka muna. I want you to handle your section’s attendance.”
“Okay, ma’am.”
“Sige, hintayin na lang kita sa waiting shed,” sabi ni Ali.
Tinanguan ko ang kaibigan at lumapit kay ma’am Ysabelle. Wala ng ibang estudyante sa room. Ako at si ma’am Ysabelle na lang ang naiwan.
“Heto. Hindi ka naman siguro abenera?”
“Hindi naman po,” sagot ko.
Inabot niya ang attendance sheet, pero nang kukunin ko na iyon ay inilayo niya sa akin. I knew it, may iba pa siyang sadya.
“Naalala ko pala. Noong nakaraan, anong ginagawa mo sa office ni Mr. Santillan?”
“Ah–,” hindi niya ako pinatapos sa sasabihin.
“Hindi ko kasi maintindihan. Anong mayroon sa’yo na wala sa aming lahat? Bakit nakapasok ka sa office niya, samantalang kami, hindi masubukang pumasok doon dahil hindi man niya sabihin, pakiramdam namin pinagtatabuyan na niya agad kami. Especially kaming mga babae.”
“H-hindi ko pa alam…”
“Hindi mo ba talaga alam? Wala ka bang tinatago? Wala bang kayong tinatago ni sir Davil?” hininaan pa niya ang boses sa huling sinabi.
“W-wala po, ma’am. Hindi ko rin po alam.”
“Totoo? Wala ba kayong tinatago na relasyon?”
Labis na kumabog ang dibdib ko sa sinabi niyang iyon.
“Kamakailan lang ay nilinaw niya na walang namamagitan sa amin na inaakala ng nakararami ay may relasyon kami. At…sinabi niya pang may asawa na siya.”
Naging mapagmataas niya akong tiningnan.
“Wala ba talaga kayong secret affair? O…isa kang kabit? Estudyante ka pa lang ang dungis dungis mo na. May asawa na nilalandi mo pa, hindi porke bata ka pang tingnan.”
Kumuyom ang kamay ko.
“Mali ang mga paratang niyo para insultuhin ako ng ganiyan,” nagtitimping sabi ko.
Nanlaki ang mata ni ma’am Ysabelle, tila hindi inaasahan ang pagsagot ko.
“Pasensya na po ha. Karapatan ko pong ipagtanggol ang sarili ko sa maling pang aakusa niyo. Hindi lang pang aakusa ang ginagawa niyo, kundi pang iinsulto pa. Professional na kayo niyan?”
Ngayon ay para na siyang Bomba na malapit ng sumabog.
Hindi ko alam kung saan ko rin nakuha ang tapang kong ito para sagutin siya. Pero isa lang ang alam ko, naiirita ako sa kaniya. Naiirita ako kapag nakikita ko ang mukha niya. At lalong naiirita ako kapag naaalala ko ang mga panahon umaaligid siya kay Davil at mas pa ay iyong sabihin niyang boyfriend niya ang asawa ko.
“I will call you to the guidance. Now!” galit niyang sabi.
“At ano pong sasabihin niyo? Lumalaban ako sa inyo at hindi kayo nirerespeto kaya ipapa-guidance niyo ako? Eh kung sabihin ko rin po ‘yang mga sinabi niyo sa akin?”
Nanggigigil akong tiningnan ng babae. Kuyom na kuyom ang kamao niya at nagngingitngitan ang ngipin.
“Humanda ka, Miss Salazar. Kapag napatunayan kong nilalandi mo si sir Davil kahit may asawa na siya…ipagkakalat ko sa buong campus!” sabi pa niya bago nagmartsa palabas ng room.
Doon ako nakahinga nang maayos.
Wala ako sa sarili habang naglalakad. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa akin ngayon.
Hays! Bakit pinatulan ko pa siya e professor namin iyon! Ugh!
Pagsisisi ko. Nawala ang tapang ko ngayon na kanina lang ay sobra-sobra.
Pagkalabas ko ng campus ay nakita ko agad si Ali.
“Uuwi ka na ba? O dumaan muna tayo sa malapit na coffee shop?”
“Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa’kin ngayon, Ali. Parang gusto ko na lang matulog nang matulog,” sabi ko.
Napabuntong-hininga siya. “Naiintindihan ko. So uuwi kana?”
“May sasabihin ka ba?” tanong ko.
Ang hitsura niya kasi ay parang meron. Kilalang kilala ko ang kaibigan ko na ito.
“Ahm…so totoo nga?”
Hindi man niya diretsuhin ay tumango ako.
“Kaya pala kung papasukin ka niya sa office niya ay para kang reyna,” aniya na ikinatawa ko.
“Oo, reyna ako. Reyna niya,” sabi ko.
Umikot ang mata ni Ali pero napalitan din ng pigil na tili. Niyapos niya pa ang braso ko na parang fan na kilig na kilig.
“Ayaw ko ng magtanong nang magtanong, hindi mo naman obligasyon na sabihin sa akin lahat. Maiintindihan ko naman. Basta, kinikilig ako para sa inyo.”
“Salamat, Ali.”
“Nandito lang ako palagi!”
Natatawa akong tumango tango sa kaibigan.
“Bitaw at naiirita na ako,” sabi ko.
Sa wakas ay binitawan na niya ako, nakahinga ako ng maluwag.
“Ang sensitive naman!”
Nagkibit balikat ako. “Hanapin mo na kasi si Kris. Ikaw na mag-first move kung hindi niya magawa sa’yo. Para naman may yumayakap na sa’yo–“
“Tch! Grabe na talaga ang pagiging bully mo. Hmp! Bye na nga.”
Tumigil ang sundo niya sa harap namin. “Bye. Ingat sa pag-uwi, single ka pa naman.”
“Hmp! Bully! Mabuntis ka sana!” sabi pa niya at binilatan ako bago sumakay.
Sumakay na rin ako sa sundo ko nang tumigil sa harap ko. Hindi ko alam pero sabik na sabik na akong umuwi. Gusto ko na ulit mayakap si Davil. Hinahanap hanap ko na rin ang amoy niya!
Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si ate na paakyat sa hagdan. Nangunot ang noo ko.
“Anong ginagawa mo rito, ate? At para saan ‘yang dala mo?” tanong ko nang makita ang dala-dala niyang maliit na planggana na may lamang umuusok na tubig, samantalang may puting towel sa kabilang kamay.
“Oh, ano pa? Edi heto nagpapakaasawa kay Davil,” nakangiti niyang sabi.
Nagsalubong ang kilay ko.
“May lagnat si Davil, kailangan niya ako,” sabi niya at nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan.
Tila may apoy na sumiklab sa kalooban ko. At nakaramdam na kailangan kong pigilan ang babae sa kung anong balak gawin sa asawa ko.
Ako ang asawa. Hinding hindi ako makapapayag na may ibang babaeng gumagawa ng mga gawain ko.
“Ate, ako na ang gagawa niyan,” sabi ko habang patakbong umaakyat sa hagdan para maabutan siya.
“Tumigil ka, Heart. Wala kang kwentang asawa. Hinahayaan mong magkasakit ang asawa mo.”
“Ate–,”
Napatigil ako agad nang makapasok si ate sa kwarto namin ni Davil at pinagsarhan ako.
Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit naka-lock na iyon sa loob. Kinatokkatok ko iyon habang paulit ulit na tinatawag si ate.
“Ate, buksan mo ‘tong pinto ano ba!”
Pero hindi talaga binubuksan. Napaatras na lang ako at hinilamos ang mukha.
Napaluha ako sa labis na sama ng loob.
To be continued….
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro