Kabanata 21 (Warning)
Mature content/R-18
Kabanata 21: Heart’s Pov
Ngayon ang unang araw ng second semester namin. Ilang buwan na lang ay third year college engineering na ako. Kaunting kimbot na lang.
“Akala ko ay late ka na namang papasok kanina,” ani Ali.
Palabas na kami ngayon ng campus. Katatapos lang ng klase namin. Sa malapit na coffee shop ang tuloy namin at doon manananghalian.
Inangat ko ang tingin sa kaibigan matapos isend ang mensahe sa driver ko. Sinabi ko na ‘wag niya muna akong sunduin ngayon, itetext ko na lang siya ulit.
“Hindi, nagigising na kasi ako ng alam ko,” natatawang sabi ko.
Pero ang totoo ay sabay na kami ni Davil kung magising. Siya, kailangan niya palaging maaga ang pasok dahil may iba pa siyang tinuturuan. Hindi naman kami p’wedeng magsabay sa pagpasok. Siguradong pagkakaguluhan kami ng mga estudyante.
‘Tsaka bawal din ang relasyon namin.
“Sandali pala, nagbago na ba ang isip mo?” maya-maya’y tanong niya.
“Ha? Saan?”
“Hindi ba noong nakaraan sabi mo may importante kang sasabihin sa akin?”
Aha! Buti na lang pinaalala niya. “Oo nga pala. Sasabihin ko sa’yo pagkarating natin,” sabi ko.
Hinawakan niya ako sa pulsuhan at halos hilahin na papasok sa coffee shop. Ilang gabi rin akong binabagabag niyon kaya mas mabuting ipaalam ko na rin siya kaniya. She’s my only trusted friend after all.
“Mag-order lang muna ako ng kape at cakes na rin. Anong sa’yo? ‘Yong favorite mo ba?”
Tumango ako. “Alam mo na ‘yon.”
Tumango siya at nilagay ang bag sa upuan na kaharap ko bago umalis. Amoy na amoy ang halo-halong amoy ng malinamnam na kape at cakes. Sa tuwing papasok kami rito noon ay takam na takam ako sa masarap na amoy na iyon, pero ngayon ay naninibago ako.
Parang hinahalukay ang tiyan ko dahil sa amoy.
“Here na ang coffee!” ani Ali na kararating lang.
Nilapag niya sa ibabaw ng table namin ang tray na dala-dala niya at isa-isang inalis doon ang kape. Nasingkot ko ang amoy, noon ay sarap na sarap ako sa amoy ng paborito kong kape, pero ngayon ay tila nasusuka ako na ewan!
Hindi ko pinahalata ang kaibigan tungkol sa nangyayari sa akin.
“Sandali lang ha, babalikan ko lang iyong cake natin,” aniya at umalis na rin.
Sa sandaling iyon ay hindi ko na makayanan ang amoy ng kape. Sukang suka na ako. Kaya habang wala pa si Ali ay tinakbo ko agad ang banyo.
Napuno ng ingay ng pagsusuka ko ang banyo. Mabuti na lamang ay walang ibang tao kundi ako lang. Pagktapos kong i-flash ang bowl ay lumabas ako ng cubicle at lumapit sa lababo para maghugas.
Gosh…bakit ganito?
Ang weird na ng nangyayari sa’kin lately. May sakit ba ako? Magkakasakit ba?
Kinapa ko ang leeg at noo ko. Normal lang naman ang init ko. Hays…bakit ganito.
“Heart?”
Nakita ko sa reflection ang pagpasok ni Ali.
“Hey! Masakit ba tiyan mo?” tanong niya at agad nilapitan ako.
Inilingan ko siya. “Hindi.”
Tinuyo ko ang kamay ko bago hinarap ang kaibigan.
“Are you sure? Ang sabi kasi ng staff na napagtanungan ko ay nagmamadali ka raw sa pagparito.”
Tumango tango ako. “Wala. Ihing ihi kasi ako…” sabi ko.
She sigh in relief.
“Oh ano? Okay ka na? Tara na.”
Sumunod ako sa kaibigan nang maunang lumabas. Nang makabalik kami sa table namin ay pa-simple kong tinakpan ang ilong ko para hindi maamoy ang kape.
“A-ahm, Ali…p’wede bang ipa-take out ko na lang itong coffee ko?”
Nangunot ang noo ng kaibigan ko. “Ha?”
“S-sa bahay ko na lang sana inumin.”
“Ayaw mong mag-take out na lang?”
Umiling ako. Dinampot ko ang kutsara ng cake at agad tinikman iyon. Lihim akong nagpasalamat nang magustuhan ko ang lasa nito, at walang nalasahan na weird katulad sa kape.
“Okay, saglit lang at ipati-take out ko ‘to, aniya at umalis na rin.
Halos ubos ko na ang strawberry cake na kinakain ko nang makabalik si Ali.
“Oh, himala hindi mo inunti unti,” saad niya nang masulyapan ang cake ko na kakapiranggot na lang.
“Tss, ang dami mo namang napapansin sa akin,” nakabusangot kong sabi na ikinatawa niya.
Nilapag niya sa lamesa ang naka-take out kong kape. Maluwag akong nakahinga dahil hindi ko na ito naaamoy.
“So ano ‘yong importanteng sasabihin mo? Don’t tell me isasama ka ng Mama mo sa pag-travel nila ng ate mo?”
“Hindi.” Ang layo naman agad ng nasa isip niya.
Napalingon lingon muna ako sa paligid. Wala kaming schoolmates, at wala ring nakaupo sa mesang malapit sa amin.
“Ahm, Ali…si sir Davil at ako ay kasal,” wala ng paligoy ligoy na sabi ko.
Naestatwa si Ali matapos kong sabihin iyon. Ang isusubo niya sanang cake ay naiwan sa tapat ng bunganga niya.
Ang laking akala ko na maniniwala siya, ngunit gano’n na lang ang pagkadismaya ko nang humalakhak siya ng tawa.
“What the hell! Heart, hindi ko alam na may lihim ka rin palang tingin kay sir katulad ng ibang estudyante,” tumatawang aniya.
Napailing iling na lang ako. “Bahala ka kung hindi ka maniniwala, hindi kita pipilitin,” sabi ko at inubos na lang ang natirang cake.
Tumigil din si Ali sa pagtawa niya nang mapansing seryoso ako.
“Hey, what’s wrong ba? Kanina ka pa weird. Pati mga sinasabi mo tuloy nakakabigla e.”
Nagkibit balikat lang ako.
“Haist! Unti-unti ka ng natutulad sa ibang mga scientist. Sa sobrang katalinuhan ay nagiging baliw na.”
“Whatever,” sabi ko na lang.
Ang seryoso sana naming usapan ay napunta sa asaran.
“Bakit abang na abang mo na sumulpot si Harvin? Gusto mong makita si Kris?” pang aasar ko.
“Tse! At least hindi kay sir!” aniya.
“Oh my! Edi inaabangan mo nga?”
“Argh! Ewan ko sa’yo, Heart!” asar niya sabi saka dinampot ang bag niya at tumayo. “Tara, umuwi na tayo. Baka may ibang nakakakilala rito sa kaniya, isumbong pa tayo.”
“Ayaw mo lang malaman ni Kris na crush mo siya, e!”
“Heart, ano ba!” asar talo niyang saad. “Oo na, okay?”
Ako ngayon ang napahalakhak.
Tinext ko na ang driver ko. Hindi nagtagal ay dumating na.
“Bye, Kris Ali,” paalam ko sa kaibigan.
Inirapan niya ako habang gumagalaw galaw ang bibig. “Bye! Secret admirer ni sir!” aniya na ikinatawa ko lang.
Pumasok na rin ako sa sasakyan. Sa byahe ay nakaidlip pa ako. Nagising ako saktong malapit na.
Bumaba ako ng sasakyan nang dala-dala ang kape. Lumapit ako sa bintana ni manong driver saka iyon kinatok.
“Ano ‘yon, ma’am? May kailangan pa po ba kayo?”
“Ah, inyo na lang po itong kape. Naalala ko, hindi pala ito ang kapeng gusto ni Davil,” sabi ko.
“Sige po. Salamat, Ma’am.”
Nakangiti kong tinanguan ang driver saka na naglakad papasok ng gate. Sa pagpasok ko ay siya namang paglabas ni Davil sa bahay.
Agad gumuhit sa labi ko ang ngiti. Si Davil naman ay lumawak ang ngiti. Napansin ko ang isa niyang kamay na may hawak-hawak na isan pirasong daisy flower.
“Hi, I was waiting for you,” aniya at sinalubong ako ng yakap.
“Dumaan lang kami sa coffee ng kaibigan ko,” sabi ko at ginantihan siya ng yakap.
Gustong gusto ko na nararamdaman ang init ng katawan niya, at ang amoy niya. Kung p’wede lang manirahan ng nakayakap sa kaniya, hindi na ako lalayo pa sa kaniya.
Bahagya siyang lumayo. Inipit niya ang daisy sa tainga ko. “Beautiful flower for my beautiful wife.”
“Thank you…”
Dinampian niya ako ng halik, at kung wala kami rito sa labas ay hindi ko na ilalayo ang labi ko sa labi niya.
“Let’s get inside. May binili ako para sa’yo,” sabi niya at ginaya na niya papasok.
“Yie. Talaga?” kinikilig na saad ko.
“Yes!”
Dinampian niya pa ako ng halik sa sintido.
Adik na rin yata ako sa halik niya sa akin, lalo na ang halik niyang hindi ko inaasahan.
To be continued….
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro