Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18 (Warning)

Kabanata 18: Heart’s Pov

Napakapit ako ng maigi sa braso ni Davil nang bumaba kami sa sasakyan.

Namangha ako sa malaking bahay na bumungad sa amin. Halos kasing laki lang din nito ang bahay ni Davil, pero mas modern tingnan ang bahay ni Davil.

“Madame is waiting for you inside, sir,” sabi ng isang naka-unipormeng pang amerikano na lalaki, matapos kaming pagbuksan ng pinto ni Davil.

“Okay,” matipid lang na sabi ni Davil at nilampasan ang lalaki.

Nakilala ko na ang Lola niya noong araw ng kasal namin, pero hindi ko pa rin maiiwasan na makaramdam ng kaba at pressure ngayon.

“Tell me if you need anything, okay?”

“Okay.”

Sinalubong kami ng lamig at halo-halong tinig nang makapasok kami sa mansion. Malawak ang sala at may malaking chandelier sa gitna ng itaas.

Nagtatawanan ang tatlo sa sala. Napahawak ako sa tela ng suot nang makilala ang dalawa. Si mama at si ate.

“Oh my apo, Davil!” tuwang-tuwan ani ng matanda nang mapansin kaming pumasok. “Sa wakas ay dumating na kayo, mga apo!”

“Are we late?” pabirong tanong ni Davil na tinawanan ng matanda.

“No, no. Medyo natagalan lang kayo sa pagdating,” saad ng matanda na niyayakap nangayon ang apo.

“You know girls naman, Mamita. Baka natagalan lang po dahil kay Heart, to look more better and decent kaya nag-ayo pa,” singit ni ate na lumapit din sa amin.

Nakatanggap ako ng beso mula kay Mama at ate, na bahid ko ang ka-plastikan. Pero ngumiti ako ng malawak.

“Yeah, yeah. Pero kahit hindi naman mag-ayos ng sobra itong asawa ng apo ko ay maganda na,” sabi ng matanda.

Doon lang naging hindi pilit ang pagngiti ko. Nakaramdam din ako ng hiya dahil nagmula pa talaga sa Lola ni Davil ang compliment na iyon. Nakakatunaw ng puso.

Niyakap ko pabalik ang matanda nang yakapin ako at bineso. “Merry Christmas po, L-lola…”

“Merry Christmas din apo!”

Halos hilahin pa ako ng matanda palapit sa kinaroroonan nila kanina. Kaya napahiwalay ako kay Davil, pero nakasunod naman siya sa likuran namin.

Tumabi sa akin si Ate habang papalapit kami sa sofa. Nabahiran tuloy ulit ako ng pekeng ngiti.

“Merry Christmas, Heart. Grabe nakakasakit ka naman, hindi mo man lang kami binati ni Mama. Hmp! Ewan ko ba, parang nilalayo mo na ang loob mo sa amin ni Mama,” sabi ni ate, nakanguso pa at parang may pinararating.

Nagmukha akong masama sa mga sinabi niyang iyon. Hindi agad ako nakapagsalita dahil naiwang nakamaang ang labi ko.

“It’s my fault, hija. Sinalubong ko agad si Heart,” singit ng matanda sa tabi.

Napatango-tango ako. “A-ahm sorry ate. Merry Christmas,” sabi ko na lang.

Wala namang may kasalanan talaga. Ginagawa lang talaga ni ate ang mga magagawa niya para sirain ako sa paningin ng Lola ni Davil. Kabisado ko na ang ugali niyang iyan.

“Where’s Damon, Lola?”

“Ewan ko sa kapatid mong ‘yon kung nasa’n na–,”

“We’re here!” sagot ng bagong boses.

Napatingin kami sa pinto. Pumasok mula roon ang kapatid ni Davil, may kasamang babae na nakahawak sa braso ni Damon.

“Ah, finally! Palagi ka na lang late apo!”

Sinalubong ng matanda ang dalawa. Si Davil ay tumabi na ngayon sa akin. Iginaya niya ang couch sa likuran namin kaya naupo kami. Katabi ko siya, sa kabilang side ko naman ay si mama at si ate.

“I’m sorry, Lola. Dumaan pa kasi kami sa bilihan ng gifts. Merry Christmas.”

“Merry Christmas!” Binati rin ng matanda ang babaeng kasama ni Damon.

Maganda ito…nakakainggit. Mukha siyang artistahin.

“Dadalhin ko lang ‘tong regalo roon,” sabi ni Davil sa akin saka tumayo.

Dinala niya ang regalo namin kay Lola, ang regalo naman na binili ko para kay Mama at ate ay hawak ko pa. Hindi ko rin alam kung paano ito ibibigay.

Habang nag-iisip kung paano ko ibibigay sa dalawa ang regalong binili ko, lumipad sa mukha ko ang buhok ni ate matapos niya iyong hawiin. Tiningnan ko si ate, pero wala naman sa akin ang tingin niya kundi nasa babaeng kasama ni Damon.

Nakataas ang isang kilay ni ate habang pinagmamasdan ang babae.

“Merry Christmas,” bati ng babae pagkalapit sa harap namin.

Ang cheeky ng ngiti niya.

“Merry Christmas,” nakangiti kong bati. Binati na rin siya ni Mama, pero si ate ay tumango lang.

“Come on, sa dining na tayo mag-chitchat. Nakahanda na ang mga pagkain,” masayang ani Lola.

Kaya naman nagsitayuan na rin kami. Nangunang umalis ang matanda na sinundan ng dalawa. Sinenyasan ko na rin si Davil na ‘wag ng lumapit sa akin at sumunod na sa Lola at kapatid niya.

“Ahm, M-ma…” tawag ko kay Mama na susunod na rin sana.

Nilingon niya ako.

“Merry Christmas po.”

Inabot ko ang regalong nakabalot na binili ko para sa kaniya. Natuwa naman ang puso ko at hindi napigilang mapangiti nang tanggapin niya iyon nang walang sinasabi. Nilapag niya iyon sa kinauupuan niya.

“Iwan ko muna rito. Nakakahiya naman na dalhin ko pa ‘to sa hapag,” sabi niya at naghanda na ring umalis. “Sumunod na rin kayo rito.”

Sunod na hinarap ko ay si ate, na ngayon ay nakatingin na sa regalong hawak-hawak ko para sa kaniya.

Inabot ko iyon. “Merry Christmas, ate…”

Nanatili sa ere ang regalo dahil hindi niya agad kinuha. Pinagkatitigan niya lang iyon bago lumipat sa akin ang tingin.

“Ano namang gagawin ko riyan?”

Nawala ang ngiti ko. Nakaramdam ako ng pagbigat ng dibdib.

“Hindi ‘yan ang gusto kong regalo mo sa’kin. Ang gusto ko…ay ang asawa mo.”

Lalong bumigat ang dibdib ko. Matalim na siya ngayong nakatingin sa akin at wala talagang balak na abutin ang inaabot kong regalo niya.

“Maaari mo bang ibalot para sa akin ang asawa mo, mahal kong kapatid?” nginisihan niya ako ngayon ng matamis. “At promise, kapag binigay mo sa’kin ang asawa mo…hindi ka na aawayin ni ate, kahit kailan.”

Tila ako naging walang buhay na nakatayo ngayon sa harap niya. Sobra-sobra na ang sinasabi niya ngunit wala akong magawa kundi magpigil. Hindi kami p’wedeng magkagulo rito.

Marahan lang akong napailing na ikinatunaw ng ngisi niyang nakakaasar. Naging matalim ulit ang tingin niya sa akin.

“Ayaw mo? Ayaw mong ibigay? Pwes…hintayin mo lang at mapapasakin din siya.”

Mahina niyang tinampal tampal ang pisngi ko.

“Gusto mo akong kalabanin, ‘di ba? Humanda ka sa kamandag ko,” sabi niya saka ako tinalikuran at naunang umalis.

Kakalayo niya lang sa akin nang lumabas naman si Davil mula sa dining room. Diretso ang tingin niya sa akin.

Nilapag ko na lang ang regalo sa tabi ng regalo ni Mama at umalis na rin papunta dining.

“Hi, Davil. Merry Christmas!” bati ng ate ko nang magkasalubong sila ni Davil.

Tinanguan lang siya ng tipid ni Davil nang dirediretsong lumapit sa akin. Nilampasan niya lang ang ate ko.

“Bakit ang tagal mong sumunod,” malambing niyang saad saka ako hinalikan sa pisngi.

Gumapang sa baywang ko ang braso niya at iginaya na ako papasok ng dining room.

Hindi ko na pinansin si ate na natigilan habang pinanonood kami ni Davil. Hanggang sa malampasan na namin siya.

Hangga’t makakaya ko…lalayo ako sa gulong dala ni ate na gusto niyang simulan namin.

Hindi ngayon. Hindi sa puder ng pamilya ni Davil.

“Kasal? Magpapakasal na rin kayo? So sino ang unang makakapagbigay sa’kin ng susunod kong apo, sa inyo ng Kuya mo?” ang nadatnan naming sinabi ni Lola.

“Hindi kami magpapahuli ng misis ko,” saad ni Davil na ikinainit ng buong mukha ko.

Argh! Change topic please! Ayaw ko pa…

To be continued…..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro