Kabanata 15 (Warning)
Mature content/R-18
Kabanata 15: Heart’s Pov
“Sayang, hindi natin nalaman ang score natin,” ani Ali.
Magkasama kami ngayon sa restaurant na malapit sa university. Dito kami dumiretso nang maabutan ko pa siya kanina sa labas ng campus, naghihintay ng sundo niya.
“Kaya nga, e,” pilit akong tumawa.
“Kung hindi pala ipapa-check sa’yo ni prof ‘yong exam natin, bakit ka niya pinapunta sa office niya? As in pinapasok ka ba?” a
Bahagyang nangunot ang noo ko. Parang ang big deal kung pinapasok ako sa office.
“Oo…b-bakit?”
Nanlaki ang mata niya at umawang pa ang labi. “Oh my! Seriously?! Hindi mo ba alam na never nagpapasok ng kahit sino si sir sa office niya?”
Bahagya akong natigilan at naguguluhang napaisip. “Weh?”
“Totoo ba, pinapasok ka?”
Tumango-tango ako. “Oo…”
“Sh*t! Ano kayang ibig sabihin niyon?”
“Bakit ba?” naguguluhan ng tanong ko.
“Hindi nga nagpapapasok ng kahit sino iyong si prof Santillan sa office niya, kahit iyong mga professors na madalas niyang kasabay sa cafeteria.”
Gano’n? Bakit?
“Kilala mo si prof Ysabelle, right? Siya ang rumored girlfriend ni prof Davil kasi palagi silang magkasama at sabay na pumupunta sa cafeteria. Wala nga lang nakakaalam kung pinapapasok siya ni prof sa office niya. Maganda rin si prof Ysabelle ah, hindi malabong magkagusto sa kaniya si prof Davil. Desente rin naman iyong si prof Ysabelle,” mahabang sabi ni Ali.
Dumating ang pagkain na in-order namin kaya sandaling nawala kami sa usapang iyon. Hindi ko maiwasang mapaisip.
Kahit ako, kung katulad lang din ako ni Ali at ng ibang estudyante na walang alam tungkol sa amin ni Davil…iyon din ang iisipin ko. Madalas ko rin silang makitang magkasama, eh, kahit na halatang hindi pinapansin ni Davil si prof Ysabelle.
Pero hindi p’wede. Alam kong bawal, pero kailangan kong ipaglaban ang nararamdaman ko at ang karapatan ko.
“Ahm, Ali.”
“Hmm?” Umangat ang tingin niya sa akin mula sa kinakain, nasa bibig pa ang kutsara.
“May sasabihin ako sa’yo…importante.”
“Ano ‘yon?”
“’Wag mong ipagsasabi sa iba, ah.”
“Sure! Ano ba ‘yon? Na-e-excite ako! Sabihin mo na!”
“Ang totoo…ako at si sir Davil ay–,”
“Uy, girls! Nandito rin pala kayo,” ang sumulpot na si Harvin, kasama ang dalawang kaibigan.
“Oh bakit may kailangan kayo?” tanong ni Ali, bahid ng inis. “Ang panget talaga ng timing niyo, kung kailan may sasabihin si Heart sa akin, eh!”
“Ay sorry.”
Malalim akong napabuntong-hininga. Siguro hindi pa ito ang tamang oras para ipaalam ko sa iba ang sitwasyon ko.
“Okay lang. So, bakit? May kailangan ba kayo?” tanong ko.
“Wala naman. Ahm…p’wede ba kaming maki-table?”
“Tss, sure!” ani Ali na may bahid pa rin na inis. “Kung ‘di mo lang nililigawan ang kaibigan ko ay ipagtatabuyan ko kayo rito,” mahina pa niyang bulong-bulong.
Masayang umupo ang tatlo sa table namin, sakto at may tatlo pang bakanteng upuan.
Habang kumakain kami ay napunta sa exam ang usapan namin. Since pare pareho kami ng course, magkakaiba lang ng section, ay pareho naming professor si Davil.
“Si Heart nga, martilyo ang dinrawing sa likod,” ani Ali at humalakhak.
“Iyon ang unang pumasok sa isip ko, e,” sabi ko.
Ang mahiwagang martilyo ni Davil.
“Ahm, Ali, right?” tanong ng isa sa mga kaibigan ni Harvin.
“Yup!”
“Ang cute mo,” sabi nito.
“Pfft!” pigil akong natawa nang matigilan si Ali at nagsimulang mamula ang mukha.
“A-ano ba ‘yang kinakain mo, panis na yata.” Umiwas ng tingin si Ali, halatang kinilig sa papuri ng lalaki.
“Aba si Kris, nagfi-first move na,” ani ng isa.
“Hoy tumigil ka nga!” ani ni Kris.
Nginisihan ko ng pang-aasar si Ali na pilit tinatago ang kilig sa kunwaring naiinis. Inirapan niya ako at sinipa sa ilalim ng lamesa.
“Sakto, Kris, single ‘yang kaibigan ko na ‘yan–“
“Heart! ‘Wag kang bully!” singhal ni Ali, namumula pa rin ang mukha.
Napahalakhak ako. Natutuwa ako sa reaksyon ng kaibigan ko. Ang cute niya talaga kapag naaasar.
Habang patuloy silang nag-uusap ay lumipat sa labas ang tingin ko. Dahil yari sa glass ang restaurant, nakikita ang labas mula rito sa loob. Nakita ko ang mama na may dalang bilao na may lamang bananaque.
Natakam ako, at parang naaamoy ko ang bananaque kahit imposibleng maamoy ko iyon mula rito.
“Bakit? Gusto mo ng bananaque?” saad ni Harvin sa tabi ko.
Tumango ako habang nakalabi, natatakam sa bananaque.
“Wait, bilhan kita,” aniya.
Agad akong lumingon kay Harvin, na tila kumikinang ang mga mata.
“P-p’wedeng dalawang stick? Iuuwi ko ‘yong isa,” sabi ko.
Nakangiting tumango si Harvin. “Sure. Libre ko na,” sabi pa niya nang bumunot ako ng pambayad.
Agad umalis si Harvin, hinabol ko pa siya ng tingin hanggang sa makalapit sa mama na tinakbo pa niya para maabotan.
“Hoy, Heart, anong klaseng tingin ‘yan? Parang laway na laway, ah. Para kanino? Sa bananaque o kay Harvin?” sabi ni Ali na bahagya pang lumapit sa akin.
Nilingon ko agad ang kaibigan at sinimangutan. “Sa bananaque, malamang! Kanina pa ‘ko naki-crave roon e.”
Bahagya siyang tumawa. “Grabe ang pag-crave, parang buntis,” aniya na ikinairap ko na lang.
Pinalagpas ko na lang sa kabilang tenga ang huling sinabi ni Ali. Hindi naman kasi porke nagki-crave ako ay buntis na. Hmp!
Hindi ko na naubos ang pagkain na in-order dahil pagkabalik ni Harvin ay agad ko ng nilantakan ang bananaque.
“Salamat, Harvin!”
“Walang ano man,” natatawa niyang saad.
Magkakasabay rin kaming umalis sa restaurant na iyon. Pero nagkahiwahiwalay na rin kami dahil iba na ang daan namin pauwi.
“Aalis ako kapag dumating na ang sundo mo,” ani Ali.
“Hindi na, mauna ka ng mauwi. Kanina pa naghihintay si kuya Lex sa’yo oh,” sabi ko.
“Okay lang ‘yan kay kuya Lex.”
“Ikaw bahala,” pagsuko ko.
Alam din ni Ali na may driver na rin ako. Pero hindi niya alam na dahil iyon kay Davil, dahil ang alam niya ay si mama ang nag-hire ng driver para sa akin.
“Alam mo, sana tuluyan ng magbago ang Nanay mo. Sana ma-appreciate kana niya. At sana, hindi ka na niya saktan,” usal ni Ali.
“Sana…” malalim akong napabuntong-hininga.
“Buti naman ay may sundo kana ngayon. Akala ko ay pababayaan ka pa rin niya kahit ganito na siya kayaman ngayon.”
Tipid na lamang akong napangiti.
Hindi ko naman masabi na mali siya ng inaakala. Hindi ko p’wedeng sabihin sa kaniya na tama ang pagkakaalam niya. Hindi pa siguro ngayon.
“Salamat, Ali, at nananatili ka sa tabi ko. Kung tutuosin ay marami kang p’wedeng maging kaibigan na iba, hindi lang ako.”
“Tch! Thank you rin!”
Niyakap pa ako ng baliw kong kaibigan at sumandal sa balikat ko habang parang bata na tuwang-tuwa.
Dumapo ang tingin ko sa sasakyang dumaan sa harap namin, ang kilala kong isa sa mga sasakyang pagmamay ari ni Davil. Pagkalampas ng sasakyan na iyon ay ang pagtigil naman ng isang sasakyan sa tapat namin, ang sundo ko.
“Oh, tara na, dumating na ang sundo ko,” sabi ko sa kaibigan at tinapik ang braso niya.
“Okay! Bye, Heart. Ingat!”
“Ingat!”
Tinanaw ko ang sasakyan ni Davil nang makasakay na ako. Maliit na agad iyon sa paningin ko, malayo na. May mga ginawa pa siguro sila ng girlfriend niya kaya pauwi pa lang siya.
“Tinawagan po ako ni sir kanina, ma’am, tinatanong kung nasundo ko na raw kayo. Ang sabi ko po ay sinabi niyong ngayon ko kayo sunduin dahil may pupuntahan pa kayo,” ani ng driver.
“Salamat, Kuya,” sabi ko at tinanguan siya sa rearview mirror.
Medyo mahaba ang byahe kaya napaidlip ako. Nagising ako saktong pumapasok na ang sasakyan sa village.
Bumaba ako pagkatigil ng sasakyan sa harap ng gate. Pagkapasok ko sa gate ay namataan ko ang sasakyan ni Davil sa garahe, iyong sasakyan na gamit niya kanina.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa mansion. Napatigil lang nang sa pagpasok ko sa sala ay nadatnan ko ang ate ko na halos isubsob na si Davil sa dibdib niyang halos lumuwa na sa suot niyang kulay itim na dress.
“Come on! Let’s grab some drinks! Mag-inuman tayo, hindi naman magagalit ang kapatid ko, e. Ako ang bahala!” malanding saad ng ate ko kay Davil.
“No,” malamig na sabi ni Davil na pilit namang lumalayo sa ate ko.
Kumuyom ang pagkakahawak ko sa bag.
Really? Sa harapan ko pa talaga sila?
“I-I’m home…” usal ko.
Napunta sa akin ang tingin ng dalawa. “No one cares,” ani ate.
“Well I care,” sabi ni Davil at mabibilis na humakbang palapit sa akin. “Hi, baby…how’s your day?”
Sa taas ni Davil ay halos mapatingag ako nang yakapin niya, matapos halikan ang pisngi ko.
“I-I’m good,” sagot ko.
Sa pagbalik ng tingin ko kay ate ay sobrang talim na ng tingin niya sa akin habang nagngingitngit ang ngipin.
Napalunok ako.
To be continued…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro