Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 8

A/N: sorry po ulit sa long update, katatapos ng finals namin huhunesss lalabas na soon yung grade namin sa 1st sem, kabado bente ang lola nyo, ayaw ko kasi talagang ma cul kaya ayun dapat pasado lahat, pero hindi ko kinaya, ang mga exams ko bagsak, ginawa ko naman ang best ko, although may ibang subject lang na mataas score ko, sana palarin na manatili ako sa BSED major in Biological Science. I hope 🥲

Enjoy reading po 😽❤️

___

MIA PAULINE NIEZ

["Tulong, may tama si Master."]

"What? Anong tama?" Naguguluhan kong tanong kay Zach.

["Tangina."] Kunot noo akong napatingin sa cellphone ko ng ibaba niya yun. Nangibabaw naman sa akin ang kaba pero binaliwala ko na lang din dahil kasama ko si Synier.

Ngumiti lang ako sa kaniya ng magsalubong ang mga mata namin. This girl don't know that I hate her. Kung pwede ko lang ipamukha sa kaniya na nakakaawa siya ginawa ko na. Pero hindi niya pa oras, may oras sa lahat ng bagay.

"Hey girl, okay ka na ba sa mga pinamili natin?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Ohm, marami na 'to." Sagot niya naman.

"I'm hungry, let's eat first before we go to the next Mall." I said.

"May iba pa tayong pupuntahan?" Gulat niyang tanong.

"Yeah, so be ready, come on."

How pity she is, mayaman nga, hindi naman sanay sa mga ganitong klaseng gawain, useless.

Hinila ko na siya papunta sa isang kainan dito sa Mall, I order a lot of foods na pwede naming kainin. Money is not my problem, ang kailangan ko ngayon ay makuha ang loob niya.

After naming kumain ay hinila ko na naman siya kung saan-saan, alam kong pagod na siya dahil sa itsura niya na mas lalo kong ikinatuwa, hindi na siya masaya sa mga ginagawa niya.

"Restroom lang ako?" Paalam ko sa kaniya.

"Sure." Sagot niya naman. Pumunta na ako sa restroom para ayusin ang sarili ko, ang hagard ko na tingnan. Habang nag-aayos ako ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko.

"Yes Miss Red?" Kinakabahan kong sagot.

["Proceed to the mansion, we need to talk."]  Napahinga ako ng malalim dahil sa kaba.

Ano na naman kayang nangyayari?

Mabilis nw akong lumabas ng restroom, nakita ko naman si Synier na namimili pa rin ng bibilhin niya.

"Syn, I need to go, I have emergency, I'm sorry." Paalam ko sa kaniya.

"It's okay, sige na, bye." Bumeso lang ako sa kaniya bago naglakad na paalis.

Mabilis naman akong pumunta sa Mansion, nagulat ako dahil ang daming car ang nakaparada sa paligid nito. Sinigurado ko munang maayos ang pagkakalagay ng mask ko bago ako bumaba.

What's happening?

Mabilis naman akong pumasok sa loob, nakasalubong ko si Pink na dala-dala na naman yung pusa niya.

I forgot the name of her cat.

"What happening?" Tanong ko sa kaniya. May dala-dala siyang laptop at hindi man lang nakatingin sa akin dahil busy na busy siya do'n

"Emergency meeting daw po, wala pa naman po si Miss Red, nasa opisina niya pa po ata." Sagot niya naman at tinanguan ko na lang.

Naglakad ako papunta sa isang pinto kung saan doon ang meeting room, nakakarinig na ako ng ingay mula sa loob.

Pagbukas ko no'n ay nagulat ako dahil halos lahat ng kasali sa organization na 'to ay nandito sa harapan ko.

"White, what's up?" Lumapit sa akin si Purple at bumeso.

"I miss you." Sabi ko dito.

Lahat kami ay nagbatian, umupo na ako sa bakanteng upuan doon, habang nagku-kwentuhan kami ay biglang bumukas ang pinto at deri-deritsong pumasok si Miss Red.

"Quiet!" Sigaw niya. Lahat kami ay natahimik, nakakabingi, lahat kami takot sa kaniya. "Where's Blue?!" Tanong niya at sa akin nakatingin.

Why me?

"He has important meeti-"

"Mas importante kaysa dito?!" Lahat kami ay halos mapatalon sa gulat ng sumigaw siya.

Tangina.

"Alam nyo ba kung anong katangahan na naman ang nangyari?!" Bahagya siyang natawa. "White?!" Tawag niya, halos lumabas ang puso ko sa subrang ka ba. "I already told you, ikaw at su Blue ang magbabantay sa tagong organization sa gubat? Anong nangyari?!" Sigaw niya sa akin. Halos lahat sila ay nakatingin na sa akin ngayon.

"I... I didn't k-know..." Utal-utal kong sagot.

"That's it, wala kang alam kasi hindi mo inaayos ang trabaho nyo. Kayong lahat, kailan pa kayo matututo?!" Tiningnan niya kami isa-isa. "I build this organization to prevent evilness in this world, tinuruan ko kayong lumaban, tinuruan ko kayong ipagtanggol ang sarili nyo! Pero hindi ko kayong tinuruan maging pabaya sa trabaho!" Sigaw niya. "Sa una pa lang, unang araw pa lang na pumasok kayo sa organization na 'to, nangako kayo, nasaan na ang mga pangako nyo? Napako na ba lahat?!" Lahat kami ay nakayuko at hindi makatingin sa isa't isa ng deritso.

"Miss Red-"

"What?!" Galit niyang tanong kay Pink.

"Nakuha ko na po ang information na pinapakuha nyo sa akin." Pinakita niya kay Red ang laptop na dala-dala niya kanina.

"So, am I right, hindi kayla Black ang lugar na yun." Lahat kami ay nagtataka sa mga sinasabi niya.

Ano ba talagang nangyari?

"Alam nating lahat kung sino si Black, alam nating lahat kung anong pwede niyang gawin, ang kailangan natin ngayon ay alamin kung bakit sila sumugod sa lugar na yun! Understood?!"

Si Black sumugod sa tagong lugar na yun?

Never ko pa na meet si Black, ni isang beses hindi nag cross ang landas namin, dahil minsan kapag may labanan ay hindi ako kasama pero ang sabi ng ilan sa mga kasama namin ay mataas ang pangalan niya, kilala sa buong lugar na 'to at higit sa lahat makapanguarihan na tao.

Naglakad si Red papunta sa isang cabinet at may kinuhang box, dinala niya yun at pinatong sa lamesa kung saan nakikita naming lahat.

"Alam nyo ba kung bakit naging mortal kaming magkaaway ni Black?" Lahat kami ay nagkatinginan, nagbabakasakaling alam ng ilan pero lahat kami ay walang alam. "Because of this." Binuksan niya ang box at iniharap sa amin yun, halos malaglag ang mata naming lahat ng makita ang laman ng box.

Fuck. It's a diamond. A fucking red diamond.

"I don't want to talk how I got this, but we need to protect this diamond as we can." I can't believe this, totoong diamond. "May kasama itong necklace na hawak ngayon ni Black, alam nating lahat na si Black at Xander Ace Hentrov ay iisa."

Fuck? All this time si Black at Ace ay iisa? Tangina.

"Alam nyo na ang gagawin nyo, hindi tayo titigilan ng grupo ni Black hangga't hindi niya ito nakukuha, at hindi rin tayo titigil hangga't hindi natin nakukuha ang kwentas. Understood?!"

"YES MISS RED!" Sigaw naming lahat.

Gaano kahalaga ang kwentas na yun sa kaniya? Bakit na kay Ace yun at paano nakuha ni Ace kay miss Red? Kilala kaya ni Ace kung ano ang tunay na pagkatao ni Miss Red? Hindi ko rin pwedeng tanungin sa kaniya dahil alam kong magtataka siya kung bakit kilala ko si Miss Red.

"White, Purple, Pink, Green and Gray, I need you in my office right now. Meeting adjured." Isa-isa ng nagtayuan ang mga kasama namin. Naglakad naman kaming lima papunta sa office ni Red.

"Ano kayang kailangan niya?" Tanong ni Gray.

"Ano ba kasing ginawa nyo ate White ni kuya Blue bakit di nyo alam na may labanan na nangyari do'n, hindi ba kayo ang inutusan niya? Ipinagkatiwala niya sa inyo yun." Sabi naman ni Pink.

Hindi ko alam ang isasagot. Nasaan na ba kasi si Blue? Hiyang-hiya na akong humarap sa kanila dahil hindi ko nagampanan ng maayos ang trabaho ko, lalo pa akong kinabahan dahil baka mapatay ako ni Red.

___

ZACHARY KLIENS

Napailing ako bago pumasok sa kuwarto ni Ace, ang tanga naman kasi nitong isa na 'to, alam na maraming kalaban, sugod ng sugod.

"Okay na ba pakiramdam mo? Naalis ko na ang bala." Tanong ko sa kaniya, nakatulala lang siya ay malalim ang iniisip.

Malaki rin ang naitulong sa akin ng medisina at nagagamot ko si Ace kahit papaano. He told me to pursue medicine nung College kami at siya naman ay engineer, hindi nga lang kami pareho tumuloy sa gusto naming trabaho.

"Where's Xy?" Tanong niya.

"He's asleep now." Sagot ko naman. Mabuti na lang hindi nagising si Xy.

"You can go now, I'm fine."

"Anong tingin mo sa akin, gago? Sa lagay mong yan, you're fine?!" Inis kong tanong sa kaniya. Tiningnan niya lang ako saka sinamaan ng tingin. "Alam mo Ace," minsan ko lang siya tawaging Ace kaya malamang na nagtataka siya. "Anong pumasok sa utak mo at sumugod ka sa lungga nila Llander? Wala ka pang dalang ibang bata, kung napuruhan ko do'n ano na lang sasabihin ko sa Lola at Lolo mo? Kay Xy? Hindi mo man lang inisip ang anak mo." Sermon ko sa kaniya. Minsan ko lang gawin 'to sa kaniya kapag kailangan talaga.

"It's just-"

"Kahit ano pa yang paliwanag mo, mali pa rin ang ginawa mo, ikakasal ka pa naman tapos ganiyan pa ang pinanggaga-gawa mo, kawawa naman si Syn, mabubyuda ng maaga." Sinamaan niya ako ng tingin pero waka akong paki.

"Umalis ka na lang nga, baka mapatay pa kita." Inirapan niya ako na parang babae.

"Ang ganda rin ng love language mo ha, pumatay ng tao. Kung ayaw mo kay Syn, akin na lang, kapag nag divorce kayo kami naman magpapakasal-"

"Shut up!" Binato niya ako ng unan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw batuhin ko diyan, patay ka ba." Tumayo na ako ay naglakad papunta sa pinto. "Magpahinga ka na, may date kayo ni Synier bukas, ako na lang ang bahala, sasabihin ko di ka makakarating dahil masama ang pakiramdam mo." Hindi ko na siya hinintay magsalita at sinarado na ang pinto.

Lumiko ako papunta sa kuwarto ni Xy, nakita ko siyang naglalaro sa mini pad niya, akala ko tulog ns 'to?

"Kanina ka pa gising?" Gulat kong tanong sa kaniya.

"Tito Zach, can I see Mommy?" Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya.

"X-Xy? Sining Mommy?" Buong buhay ko ngayon ko lang siya narinig na binanggit ang salitang Mommy.

"Her." He show me his ipad at laking gulat ko ng makita ang picture ni Synier.

"Xy, he's not your Mommy okay-" paano niya nakilala si Synier?

"No, she's my Mommy." Sigaw niya sa akin at tinalikuran ako ng higa. Lumapit naman ako sa kaniya at tinabihan siya.

"Hindi mo oa naiintindihan kasi bata ka pa, matulog ka na muna, dito lang ako, I'll tell you a story-"

"Is it all about Super Man... Again?" Natawa naman ako dahil parang ayaw niya ng marinig ang kwento ni Super Man.

"Yes, ayaw mo na bang marinig yun?"

"I want another story, Tito Zach." He pouted.

Nag-isip naman ako ng ibang pwedeng kwento, nang may maisip ako ay umayos na ako ng higa.

"This story is all about your Daddy-"

"Yehey." Sigaw niya naman kaya napatawa ako.

"Xy, did you know your Daddy is a good man?" Tumango naman siya. "He help Tito Zach before, malapit na ako mamatay nun, pero dahil sa Daddy mo kaya buhay pa rin ako ngayon. I know you're mad at your Daddy, busy lang talaga ang Daddy mo kaya wala siyang time sa'yo, pero sasabihin ko sa'yo, mahal na mahal ka ng Daddy mo." Sabi ko sa kaniya. I look at him if he's listening to me, pero napangiti na lang ako ng makita siyang natutulog na.

Sana maintindihan mo ang Daddy mo.

Inayos ko ang kaniyang kumot bago ako lumabas ng kuwarto niya. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, may kailangan pa akong puntahan na importante.

Malapit na ako mamatay.

___

SYNIER FRUXELL

"How's your day honey?" Tanong sa akin ni Mommy pagkapasok ko ng mansion.

"Tired." Dumeritso kasi ako kanina sa office, hindi ko namalayan ang oras kaya hating gabi na ako naka-uwi, naabutan ko pa si Mommy na nagtatrabaho pa rin.

Matapos yun ay dumeritso na ako sa kuwarto ko para magpahinga. Pagkatapos kong gawin ang night routine ko ay natulog na rin ako pagkatapos.

"Synier, let's go ride there." The boy with red hair approach me, I don't know why he knows me. He's not familiar with me.

"I don't want to, I'm afraid of heights." Sagot ng batang ako.

"Don't worry, akong bahala sa'yo." He said and hold my hand while we're running. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nakita ko yung roller coaster, ramdam ng batang ako ang takot pero hindi siya umatras.

"Syn, hold my hand." Utos niya na agad ko namang sinunod. Kitang-kita ko sa mata ng batang lalaki ang saya, samantalang ako naman ay takot na takot, namumuo na ang mga pawis sa noo ko pero balewala yun sa lalaking kasama ko.

Halos mawala ang hininga ko ng biglang bumilis ang takbo ng roller coaster.

Hingal na hingal akong bumangon at pawis na pawis kahit may aircon naman sa kuwarto ko.

What was that?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro