KABANATA 74
A/N: hi sa mga naguguluhan at nalilito HAHAHAHAHA anyway medyo maraming error ang part na 'to dahil nawala yung unang sinulat ko 😭 but it's okay, tanda ko pa naman yung plot nun kasi may outline ako, but nanghihinayang pa rin ako sa time na naspend ko huhu. Enjoy reading purple hotdogsss ^^
___
XANDER ACE HENTROV
Kusang napakumo ang mga kamao ko dahil sa narinig ko. Tumayo naman siya sa pagkakakandong sa akin.
"Tutal gusto mo din naman siyang patayin, ede inunahan na kita, and may na discover ako," tumawa siya nang nakakaluko. "Wala naman pala sa kaniya yung red necklace, kasi all this time nasa akin yun," Mas malakas na ngayon ang tawa niya. "Hasyt, nakakaawa kayo."
Mas naging aggressive akong makawala sa pagkakatali ko.
Tangina, bakit ba ako pumayag magpatali dito?
Pilit kong kumakawala sa pagkakatali ng mga kamay ko. Gustong-gusto ko ng umalis dito at sapakin sa mukha si Red.
"Why did you kill her?!" Galit at medyo madiin kong tanong.
"Why wouldn't I?" Tumawa siyang muli. "Asawa mo siya, meaning kalaban ko din siya."
"Fuck you!"
"Teka, bakit parang nagagalit ka sa akin? E hindi ba yun naman ang gusto mo? Ang patayin siya?"
"THAT'S NOT WHAT I WANT!!" Sigaw ko sa kaniya.
"Why?!" Sigaw niya rin sa akin.
"B-Because..."
"Because what?!"
"Because I love her!" Sigaw ko at unti-unti nang tumulo ang mga luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan. "Y-You killed h-her..." Humihikbi kong sabi sa kaniya. "Y-You also k-killed me..." Hindi ko na kinaya ang sakit sa dibdib ko.
Ang bigat na sa dibdib at hindi ko na kayang itago pa. Napayuko ako habang umiiyak. Natahimik naman siya nang hindi ko malaman ang dahilan.
"Y-You love her?"
"Of course I love her, she's my fucking wife, Red!" Sigaw ko sa kaniya.
"But why you want to kill her-"
"I won't okay?! My Lolo does! He wants to kill Synier's family because he wants to revenge!" Sigaw ko ulit.
"B-But-"
"Since the wedding, alam kong mahal ko na siya..." Bumalik lahat sa alaala ko simula nung kinasal kami. "G-Gusto ko nang umalis kay Lolo, p-para maalagaan ko si Synier pati si Xy, p-pero hindi ko magawa... T-Takot ako Red, takot ako na baka patayin niya si Synier, na baka pati si Synier madamay... Ilang beses niya akong binantaan..." Umiiyak kong paliwanag.
"Liar!"
"I'm not!!" Sigaw ko ulit. "Alam kong nararamdaman niya yun, alam kong alam niya na mahal ko siya at ramdam ko rin na mahal niya ako, pero wala akong magawa kahit gustong-gusto ko na siyang umuwi, mas pinili kong huwag siyang kunin kasi alam kong mas ligtas siya sa pamilya niya, naiintindihan mo ba?!" Sigaw ko ulit.
"H-Hindi..." Napahinto ako sa pag-iyak nang marinig kong umiiyak din siya. "She doesn't love you!"
"Stop! I know she loves me!"
"No!"
"I know she loves me..." Bulong ko.
I feel it.
"Kill me!" Utos ko.
"If I'll kill you, para ko na ring pinatay ang sarili ko." Bulong niya.
Nagtaka ako sa sinabi niya pero isang labi ang dumampi sa mga labi ko.
Her lips is so familiar, hindi ko magawang alisin yung yung labi ko sa mga labi niya. Imbes na magalit ako ay hindi ako nag react.
Unti-unting bumabalik sa alaala ko ang lahat. I felt her warm kiss in mine, it's like a Deja Vu.
Ilang sandali lang ay siya na ang tumanggal ng kaniyang mga labi sa nga labi ko.
"W-Who are you?" My voice broke when I ask her.
"Someone you know." Sagot niya naman.
Unti-unting nagbagsakan ang mga luha sa mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali, I know her. I know her kiss, her touch, her warm kiss.
B-But... It's Red.
"W-Why you did kissed me?!" Galit kong tanong habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa mata ko.
Hindi siya nagsalita pero naramdaman ko ang kaniyang mga palad na pinupunasan ang luha sa mukha ko.
Fuck... It's her.
"Don't cry." Mahina niyang sabi at patuloy na pinupunasan ang luha ko.
"It's you, right?" Tanong ko.
"Yes, it's me, Red." Bulong niya at muli nang umalis sa harapan ko.
"Fuck, you're not Red!" Sigaw ko.
"It's me, Ace, don't be a delusional!" Sigaw niya pabalik.
"Remove this fucking tie!" Hindi niya ako pinansin, rinig ko ang pagkbang niya dahil sa heels na suot niya. "Red!!"
"I know you can do it yourself, your Lolo si waiting for you outside." Sagot niya at narinig ko na lang na sumara ang pinto.
"Wait!" Sigaw ko at muling bumukas ang pinto. "Please, release me," pagmamakaawa ko.
"Okay, in one condition?"
"What is it?"
"Say sorry and kneel down to me." I know she wants me to do that, kaya hindi na ako nagalinlangan pa.
"I will." Matapang kong sagot.
"But why? Luluhod ka sa harapan ko?" Nagtataka niyang tanong.
"Look, magpapahuli ba ako sa'yo kung gusto ko pang mabuhay?" Tahimik lang siya at halatang hinihintay ang sasabihin ko. "If you don't want to kill me, then trust me-"
"Huh?! Trust you? Kahit kailan hindi ka katiwa-tiwala, Ace."
"I know, but this time, ako lang ang makakapatigil kay Lolo, please let me go and let's end this fucking war!" Sagot ko sa kaniya.
"Give me an assurance na dapat nga akong magtiwala sa'yo."
Napaisip naman ako kung paano ko siya makukumbinsi, totoo lahat ng sinabi ko, gusto ko ng matapos lahat ng 'to, ayaw ko nang humawak ng baril para pumatay ng tao, sawang-sawa na akong sundin si Lolo, this time yung gusto ko naman ang susundin ko.
And I need to see Synier as soon as possible.
Hindi ako naniniwala kay Red na pinatay niya nga si Synier, dahil malakas ng kutob ko na buhay siya.
"Hindi ko na kukunin sa'yo ang mga diamonds." Mabilis kong sagot.
"Yun lang?"
"Ano pa ba ang gusto mo?"
"Kapalit ng lahat ng 'to, gusto ko ang magsilbi ka sa akin!" Madiin niyang sagot.
"I can't... If mabuhay ako after this, hinding-hindi na ako hahawak ng baril." Sagot ko naman. Narinig kong bahagya siyang natawa.
"You can't?" Natatawa niyang tanong. "Ikaw pa ba hindi hahawak ng baril?"
"Red, please, ayaw ko na ng ganitong buhay, gusto ko ng magbago kasama ang pamilya ko, please lang, let me go." Para tuloy akong babaeng nagmamakaawa.
"I'm not convince, sorry." Naglakad ulit siya palayo sa akin.
"Wait, okay fine." Wala na akong choice, kung hindi ako papayag sa gusto niya, hindi niya ako papakawalan.
"Papayag ka naman pala eh, pinapatagal mo pa." Lumapit ulit siya sa akin at doon ko na naramdam na tinatanggal niya ang tali ng nga kamay at paa ko.
Nang tuluyan niyang matanggal yun ay tinanggal ko na rin ang takip sa mata ko, at doon ko nakita si Red na nakatutok ang baril sa akin.
"You don't have to do that, I'm all yours." Sagot ko at inayos ang suot kong damit.
"Labas, hinahanap ka na ng demonyo mong Lolo." Napahinga ako ng malalim sala lumabas sa kuwartong yun.
This time, kailangan ko ng gawin ang tama, nakakapagod na nakaka-drain na.
Nang tuluyan na kaming makababa ay walang ibang laman ang isip kundi ang tapusin na 'to. Ayaw ko mang patayin si Lolo pero dahil pati ako ay ginagawa niyang alila, siguro mas tama nga yun.
Hindi ko maintindihan kung anong pinag-aawayan nila ni Red. Nakatingin lang ako sa kaniya at handa na siyang patayin kung may hawak lang akong baril.
Puro sila sigawan at halatang nag-aaway talaga, pero wala akong nagawa dahil hawak ako ng dalawang kasamahan ni Red.
"Xy?" Taka kong tanong nang banggitin niya ang pangalan ni Xy.
Hindi niya ako pinansin.
"Fuck, Red! Who's that?!" Galit kong sigaw.
Hindi na ako nakatiis kaya mabilis akong kumawala sa pagkakahawak ng dalawa niyang kasama at mabilis na lumapit sa kanila. Kaagad kong tinanggal ang maskara ng batang sumalo ng bala na dapat ay sa akin mapupunta.
"Fuck."
Tangina, anak ko nga.
Parang umakyat lahat ng dugo sa katawan ko nang makita ko si Xy na nahihirapang huminga, pinagmasdan ko ang buong katawan niya at ang balang tumama sa katawan niya.
Wala na akong pakialam kung anong mangyari sa akin, kaagad kong inagawa ng baril na hawak ng pinakamalapit sa akin at yun ang ginamit ko para iputok kay Lolo.
Yung mga tinuro mo sa'kin noon, sa'yo ko rin pala magagamit ngayon.
Habang binabaril ko siya ay sunod-sunod namang tumulo ang mga luha sa mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Magkasamang galit at sakit dahil sa nangyari sa anak ko. I'm a worse father. Wala akong kwentang Ama. Hindi ko man lang nabantayan ang anak ko, hindi ko man lang napansin na siya na pala ang kasama ko.
Ni hindi ko maramdaman na marami nang bala ang tumatama sa katawan ko, hindi ko na rin ramdam ang sakit dahil mas mabigat ang dibdib ko sa subrang galit.
I'm sorry, Xylo. I'm sorry son. Patawarin mo sana si Daddy.
Hindi ko naramdaman na bumagsak na pala ako sa sahig dahil sa panghihina. Parang biglang namanhid ang buo kong katawan dahil wala akong maramdamang sakit.
"Ace!!" Sigaw ng kung sino. Hindi ko na sila maintindihan at wala na rin akong naririnig. Nakatitig lang ako sa kisame ng lumang lugar na 'to.
I'm sorry, Synier. I'm sorry for what I did. Napakawala kong kwentang asawa at Ama, hindi ko man lang nagampanan ang dapat kong gampanan bilang isang pamilya.
Nang ipikit ko ang mga mata ko, ay isang alaala ang biglang pumasok sa isip ko.
"Ace, let's go, kailangan na nating magmadali." Tawag sa akin ni Cassandra, lumapit naman ako kay Mommy at Daddy at nagtago sa likuran nila.
"Ano ba yan Ace? Pumasok na kayo sa kotse." Utos naman ni Daddy. Tuwang-tuwa akong pumasok ng kotse at nagmadaling nagtago, kaya pagpasok ni Cassandra ay agad ko siyang ginulat.
"Ahhhhh!!!" Kunwaring sigaw niya. "Nagulat talaga ako Ace, grabe." Napasimagot naman ako ng makita ko siyang umirap.
Sumakay na rin ng kotse si Mommy at Daddy, si Daddy ang nagmamaneho ng kotse, I don't know where we going pero ang alam ko masaya ang araw na 'to.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang matataas na buildings na nadadaanan namin, hindi ko kasi makausap si Cassandra dahil naka headphones siya, ayaw magpa istorbo.
"Daddy, where are we going?" I ask him but he's busy talking to my mom that's why he can't hear me.
"I think Fruxell family is also there." My Dad said.
"I also think of that, but it's not matters because we're there for a business not to argue with them." Sagot naman ni Mommy.
I don't know what they're talking about.
Maya-maya pa ay huminto na ang kotse at mabilis akong bumaba, akala ko kung saan kami pupunta pero isang mataas na building ang bumungad sa amin.
"Hey Ace, come on." Hinila na ako ni Cassandra sa loob, sumama na lang ako sa kanila dahil ayaw ko rin namang maiwan.
After a moment, the event start, hindi ko makita si Mommy at Daddy dahil sa dami ng tao, tanging si Cassandra lang ang kasama ko.
"Ice cream?" Tanong niya.
"Ayaw ko." Sagot ko naman. Hindi niya naman ako pinansin at nagpatuloy lang kumain.
Tumayo ako nang hindi niya napapansin, naglakad ako papunta sa pintuan at nang palabas na ako ay may nakasabay akong batang babae. Sabay kaming tumakbo palabas ng pinto.
"Where I can hide?" Tanong niya.
"I don't know." Sagot ko naman habang tumatakbo kasabay niya.
"I'm not talking to you, insane." Inirapan niya ako habang patuloy pa rin kaming tumatakbo.
"I'm the only one here, except you're with someone I can't see." Nanlaki naman ang mata niya.
"Synier!!" Tawag ng kung sino.
"Shit, I need to hide!" Mas binilisan niya pa ang pagtakbo hanggang sa makalayo kami sa building na yun. Tumawid kami sa pedestrian lane at nakisabay sa ibang tumatawid doon.
"What's your name?" Tanong ko sa kaniya.
"Just call me, Syn." Tumango naman ako.
"I'm Ace."
Nakarating kaming dalawa sa amusement park malapit sa building na yun. Sumakay kami sa mga rides na pwede naming paglaruan hanggang sa nakita ko ang roller coaster. Nung una ay ayaw niya pang sumakay dahil takot siya pero sa huli ay napilit ko naman.
Nang matapos kami doon ay bumaba na kami, nagulat ako dahil putlang-putla na siya hanggang sa nawalan ng malay. Hindi ko alam kung saan hihingi ng tulong, may ilang mga tao na tumulong sa amin at dinala siya sa hospital, ako naman ay bumalik sa building para humingi ng tulong kay Cassandra pero laking gulat ko ng makarinig ng pagsabog.
"MOMMY!!! DADDY!!! CASSANDRA!!!" Umiiyak kong sigaw dahil yung building na sumabog ay kung saan naroon sina Mommy at Daddy pati na rin si Cassandra.
It's fucking traumatizing.
What's that?
Si Synier? Si Synier yung batang nakasama ko noon? But how?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro