Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 66

A/N: hindi na naman ako nakabawi 😭 sorry talaga, subrang busy, may report kami bukas pero dahil mahal ko kayo I tried my best para makapagsulat ng update HAHAHAHA good luck sa report ko! Sana di nyo'ko awayin kasi isang chapter lang nasulat ko 😭 enjoy reading HAHAHAHA mwuah ^^

___

SYNIER FRUXELL-HENTROV

"Hindi mo ba alam kung gaano kalaking gulo ang pinasok mo?" Mahina pero galit na sigaw ko kay Zach o Blue.

"Pero Miss-"

"Blue, kaibigan mo si Ace, paano kapag nalaman niyang ikaw ang may kagagawan ng pagtakas ng pamilya ni Gray? Pwede niyang balikan ang pamilya mo." Galit kong putol sa kaniya.

"Pero-"

"Kahit na kaibigan mo siya, Zach dapat nag-isip ka muna!"

"Wala na ako sa samahan nila, I also quit my job."

"Zach, nag-iisip ka ba?! Alam mo bang mas lalo ka niyang pag-iinitan kasi wala na siyang rason para buhayin ka?! Lalo na ngayon na wala ka na sa mga kamay niya at alam mo lahat ang pinang-gagawa ng kaibigan mo!" Inis kong sagot sa kaniya.

Pinipilit kong hindi sumigaw dahil baka marinig nila kami sa labas.

"Alam ko na lahat 'yan, kaya nga nandito ako ngayon sa'yo eh, tutulungan mo naman ako di ba?" Napahinga ako ng malalim at napasandalsa upuan ko. "Alam kong tutulungan mo'ko, ayaw ko nang gumawa ng masama, gusto kong bumawi." Dagdag niya pa.

"Tutulungan kita, pero tulungan mo rin ako." Napatango siya saka umupo din sa upuan sa harapan ko.

"Anong tulong?"

"Patayin natin si Ace." Deritso kong sagot.

Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"S-Seryuso ka ba?" Gulat niyang tanong.

"Mukha ba akong nagbibiro?!" Malamig kong tanong.

"P-Pero-"

"Hindi mo kaya? Kasi kaibigan mo siya?" Hindi siya nakasagot at umiwas ng tingin.

"May anak siya Red, kawawa si Xy kapag naiwan siya sa Lolo at Lola niya." Sagot niya.

"Ede ampunin mo si Xy, hindi naman siya totoong anak ni Ace."

"Kahit pa, napamahal na si Xy sa kaniya."

"Yun lang ang tanging paraan para matahimik na siya at hindi na gumawa pa ng kasamaan." Malamig kong sagot.

"Hindi ko kayang patayin siya." Mahina niyang sagot.

"Ede ako ang papatay." Hindi siya makatingin sa akin.

"Pero bago mo siya mapatay, kailangan ni Synier ng tulong natin," napatingin ako sa kaniya ng sambitin niya ang pangalan ko.

"Why would I help her?" Taas kilay kong tanong.

"Dahil papatayin din siya ni Ace." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Akala ko ba nagbago na siya?

"Paano ka naman nakakasiguro diyan?" Tanong ko, tumingin siya sa mga mata ko ng deritso.

"Narinig ng Mama ni Gray na binabalak ni Ace na patayin si Synier para makuha niya yung Red necklace at hindi lang siya, pati ang pamilya ni Synier."

"Bakit, na kay Synier ba ang red necklace?" Kunot noo kong tanong.

Bakit ba ako ang pinag-iinitan ng lalaki na yun? Eh wala nga sa akin yung kwentas, na kay Red.

"Sa dami ng pwede niyang pagbintangan si Synier pa talaga." Natatawa kong dagdag.

"I already told him about that, pero matigas siya, dahil si Synier lang daw ang nakakapasok sa bahay nila." Hindu ko mapigilang matawa dahil sa sinabi niya.

"Wala talaga siyang utak 'no? Saan napunta utak niya? Sa talampakan?" Natatawa kong sagot. "Kahit ilang red necklace pa ang bilhin ni Synier kayang-kaya niya." Sagot ko naman.

"Malaki lang talaga ang galit niya kay Synier."

"Kaya lang ba siya nagpakasal kay Synier para mag higanti?"

"Nadali mo," sagot niya. "Kailangan nating tulungan si Synier, dahil anytime pwede siyang mamatay."

"Kung papayagan ni Synier mangyari yun." Sagot ko naman.

"Alam kong hindi rin kayang gawin yun ni Ace, dahil nahulig na siya kay Synier, halata namang patay na patay siya sa asawa niya," Natahimik ako. "Kahit hindi niya sabihin sa akin, halatang-halata ko, kung paano siya tumingin, kung paano niya suyuin si Synier para bumalik sa kaniya, kilalang-kilala ko si Ace." Dagdag niya pa.

"Paano ka nakakasiguro?"

"Miss Red, na in love din ako at sa hindi ko pa inaasahang tao." Natatawa niyang sagot. "Ikaw ba na in love na?"

"Wala sa bukabolaryo ko ang mag mahal." Sagot ko naman.

"Sus-"

"Wag mo'ko simulan, Blue."

"Oo na nga, ito na aalis na, baka bigla mo'kong barilin eh." Natatawa siyang tumayo at sumaludo na parang sundalo sa akin.

"Umalis kana." Sagot ko dito.

"Yes, Miss Madam Red." Naglakad siya palabas ng opisina ko at ako naman ay napasandal muli sa upuan ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, takot at galit ang nangunguna dahil sa mga nalaman ko. Gusto kong pagsasampalin si Ace dahil sa kasamaan niya.

Subukan niya lang talagang idamay ang pamilya ko, may kalalagyansiya. Bakit ipinipilit niyang nasa akin ang red necklace, eh wala naman sa akin yun at hindi ko rin alam kung paano yun napunta kay Red.

Gusto mo ng gulo, pwes ibibigay ko sa'yo.

____

JAMES

"Boss, nakatakas ang bihag natin." Napamura ako ng malakas dito sa opisina ko dahil sa sinabi ng isa sa mga bantay namin sa hide out.

Pasimple akong sumilip sa opisina ni Ace at nakita siya doong nakatulala.

Mabilis akong lumabas ng opisina ko at bumaba ng kompanya.

"Gago ka, paano nakatakas?!" Galit kong sigaw sa kaniya nang makapasok ako ng elevator.

"S-Si Zach." Utal-utal niyang tanong na ikinatigil ko.

Tangina ka talaga Zach, gusto mo ata kaming patayin eh.

Mabilis kong binaba ang tawag para tawagan si Zach pero cannot be reach ang cellphone niya. Inis aking lumabas ng elevator at dumeritso sa kotse ko para puntahan ang hide out.

Mapapatay talaga kami nito ni Ace.

Nang makarating ako doon ay nagkakagulo na sila, hindi mapakali si Berto dahil alam kong takot din siya.

"Bakit nyo hinayaan si Zach?!" Galit kong sigaw kay Berto.

"Hindi namin naabutan-"

"Tatanga nyo talaga, alam nyo bang delekado tayo ngayon?!" Sigaw ko. "Umalis na kayo dito ngayon din kung gusto nyo pang mabuhay!" Sigaw ko sa kanila. "At wag na wag nyong sasabihin na si Zach ang nagpatakas sa mga bihag dahil pati kayo madadamay." Dagdag ko.

Tumango lang sa akin bago isa-isang umalis sa harapan ko, kabadong-kabado ako habang kinukuha ang cellphone ko sa bulsa ko. Bahala na kung anong mangyari.

I dialed Ace number, habang nagri-ring yun ay kabadong-kabado ako kung anong sasabihin ko sa kaniya, siguradong magagalir siya dahil nawala ang bihag namin at hindi ko na alam kung paano pa sila mababawi.

["What?"] Malamig niyang sagot.

"Nakatakas ang bihag natin." Mabilis kong sagot at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

["Fuck you! How did that happen?! Nasaan ang mga bantay?!"] Sigaw niya sa kabilang linya. Napapikit na lang alo sa subrang kaba dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Someone help then to escape," sagot ko naman. "Anong gagawin natin?"

["Hanapin mo kung sinong may gawa niyan at wag na wag kang babalik sa akin hangga't hindi mo nahahanap ang mga bihag, dahil kung hindi, ikaw ang papatayin ko!"] Sigaw niya sa akin at pinatayan ako ng cellphone.

Inis akong pumasok ng kotse ko at nag drive paalis doon. Pagod na din aking sundin si Ace, takot na din akong mamatay, sa laki ng kalaban namin ngayon, hindi malayong mamatay ako dito.

Sinubukan ko uling tawagan si Zach pero hindi ko pa rin siya ma-contact. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa maghanap, hindi ko na din alam ang gagawin ko.

Habang nagmamaneho ako pauwi sa amin ay nakasalubong ko ang ilang itim na van, kilalang-kilala ko kung kanino yun at kung saan papunta.

Bakit hindi ako sinabihan ni Ace?

Ang mga van na yun ay mga kakampi namin at sigurado akong may pinaplano na naman si Ace.

Ngayon na ba siya susugod kay Red? Ngayon niya na ba papatayin si Synier pati ang pamilya niya?

Kailangan kong sabihan si Zach.

"Tangina mo dre, sagutin mo na." Inis kong pinindot ang call sa number ni Zach at this time ay nag ring na.

["Ano na naman?!"] Inis niyang sagot.

"Tangina mo talaga, nasaan ka?!" Sigaw ko din.

["Nasa bahay na, bakit?"]

"Bobo, may balak atang masama si Ace ngayon, galit na galit siya kasi nakatakas ang bihag, papatayin ako nun kapag di ko nadala sa kaniya ang mga bihag, nando'n sa lumang bodega lahat ng bata ni Ace, hindi niya ako sinabihan pero kailangan mo ang tulong ni Red para kay Synier at sa pamilya niya." Mahaba kong paliwanag.

["Tangina talaga, kakauwi ko pa lang eh."] Reklamo niya.

"Sige wag ka kumilos, hayaan mong mamatay si Synier." Sagot ko naman.

["Kanino ka ba talaga kakampi ha? Sa akin o kay Ace?"]

"Sa ngayon, sa'yo, pagod na ako pero susunod pa din ako kay Ace, pang-bawi ko na din 'to, ang dami ko ng kasalanan eh." Natatawa kong sagot.

["Pumunta ka ngayon sa mansion ni Red, do'n ka magpaliwanag sa kaniya."] Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit naman? Eh kaaway nga natin yun." Sagot ko.

["Bobo ka talaga, kailangan natin ang tulong niya, tatawagan ko rin si Synier."]

"Ngayon na?"

["Try mong bukas pumunta, baka pati ikaw patay na."]

"Siraulo."

["Mas sira ulo mo, bilisan mo na."]

Matapos ko siyang maka-usap ay niliko ko na ang kotse ko papunta sa mansion ni Red. Baka wala pa ako sa gate ng mansion nila patay na ako eh.

Kahit kabado ay sumunod ako kay Zach, ito na lang din ang tanging paraan para matapos na ang kaguluhang ito, pagod na din ako humawak ng baril at subrang nakaka-konsensya na ang pumatay.

Nang makarating ako sa Mansion ay maraming sasakyan na akong nakita mula sa parking lot nila, malamang na nandito silang lahat ngayon.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumasok na ako kaagad sa loob. Nang malapit na ako sa pinto ay bigkang bumukas yun at ilang baril ang sumalubong sa akin, napataas naman kaagad ako ng kamay dahil ang dami nilang may hawak ng baril.

"Chill." Kinakabahan kong sagot sa kanila, nakuha ko pang ngumiti eh malapit na nga ako mamatay.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong no'ng nakakulay Brown na mask.

"Gusto kong maka-usap si Red." Sagot ko naman.

"Alam niyang pupunta ka?" Tanong naman ng kulay Green na mask.

"Maybe," kibit-balikat kong sagot.

"Akin na ang baril, cellphone, at iba pang armas mo." Kinuha ko ang cellphone ko at bulsa ko at ang baril sa likod ko, pero pagkapa ko do'n ay wala ang baril, bakit ngayon ko lang napansin na wala pala akong baril na dala.

"I don't have gun, cellphone lang." Inabot ko yun sa kaniya pero hindu ata siya kombinsido kaya may inutusan siyang kapkapan ako.

"Wala na." Sagot nung Gray ang mask.

"Brown and Gray, samahan nyo siya kay Miss Red." Tumango naman ang dalawa at ibinaba na nila ang hawak na baril, gano'n din ang iba nilang kasama.

Kaya nakakatakot sila eh.

Sumunod ako sa kanila papasok sa isang pinto, hindi ko alam kung saan yun pero dito lang din naman sa first floor, yun nga lang iikot pa sa likod para makapunta.

"Nasa loob si Miss Red, kumatok ka." Utos ka sa akin nung brown ang maskara.

Sinunod ko naman siya at kumatok ng tatlong beses sa pinto, tumingin muna ako sa kanila bago ko yun buksan ng dahan-dahan.

"James!" Tawag ng kung sino sa akin, napatingin naman ako sa nakamaskara na blue habang naglalakad siya papalapit sa akin.

Kunot noo ko siyang tiningnan, bakit kilala niya ako?

"Ako na ang bahala sa kaniya." Sabi niya do'n sa dalawang nakabantay sa akin.

Nauna siyang pumasok sa akin sa loob ng kuwarto na yun or I guess opisina.

"Miss Red?" Tawag nung naka mask na Blue.

Lumingon naman sa amin si Miss Red na may dalang baril.

"Oh James, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin at ibinaba ang baril na hawak niya kanina.

"P-Pinapunta po ako ni Zach," kinakabahan kong sagot, napalunok pa ako ng dalawang beses.

"Bakit daw?"

"May kailangan po akong sabihin eh, kasi po baka anytime susugod dito si Ace kasama yung iba naming kakampi, kaya gusto ko lang pong sabihin na maghanda kayo." Mahaba kong paliwanag.

"Bakit mo sinasabi sa amin 'yan?" Tanong ni Red.

"Pambawi ho, baka hindi na ako abutan ng buhay bukas eh, dahil sa kagagawan ni Zach." Nakangirit king sagot.

"Huh? Bakit?" Tanong nung naka mask na blue.

"Pinatakas ba naman ng gago yung bihag namin, ede ako ngayon ang patay," sagot ko naman. "Patay talaga ako kapag di ko nakita yung mag-iina na yun, pero wala na din ho akong balak hanapin sila, maganda na din yun para di na sila madamay, pakisabi na lang ho kay Gray na pasensiya na." Sagot ko.

"Paano ka na?" Tanong niya ulit.

"Ede sasama sa inyo, pero patay kung patay." Natatawa kong sagot.

Bahala na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro