Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 64

PURPLE

"Hindi ka ba matutulog?" Tanong sa akin ni Brown nang madatnan niya ako sa sofa dito sa mansion.

"Hindi, kailangan ko pang tapusin ang reports ko." Sagot ko naman dito.

"Ano ba 'yan, doctor ka na nga, tapos may reports pa?" Natatawa niyang sabi.

"Kapag naghihingalo kana, hindi talaga kita gagamutin!" Inirapan ko siya pero tumawa lang siya.

"Hoy joke lang, ito naman di mabiro." Lalo ko naman siyang inirapan kaya umalis na siya sa harapan ko.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko, mas gusto ko ngang dito gumawa ng reports ko kaysa sa condo ko para naman hindi ko maramdaman na ako lang mag-isa, tapos manggugulo pa itong Brown na 'to.

"Oh tubig, uminom ka muna." Nagulat ko ng ilahad sa akin ni Brown ang tubig sa baso.

"Wala bang kapalit 'yan?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Huh?"

"Eh kasi ngayon ka lang naging mabait sa akin, lagi mo akong inaaway eh." Napakamot siya sa batok niya kaya kinuha ko na yung baso sa kamay niya.

"Ang cute mo kasi asarin eh, ang bilis mo mapikon." Natatawa niyang sagot kaya inirapan ko siya.

He finds me cute?

"So nac-cute-an ka sa akin?" Pabiro kong tanong sa kaniya at handa na siyang asarin ulit.

"A-Ahmm... Sige do'n muna ako." Mabilis siyang nawala sa paningin ko kaya natawa ako ng subra.

Is he likes me?

Napailing ako ng tatlong beses dahil sa naisip ko, imposible.

In my young age, I became a doctor, not just an ordinary doctors, but the people in this mansion, they thought I was just a doctor, pero ang totoo hindi lang ako basta-basta doctor.

I am Nathalie Lopez, a famous younger doctor in our town. The only daughter of Nathan and Halie Lopez, the famous Doctor.

How I become Purple? Siyempre sa tulong ni Red. Lahat naman siguro kami tinulungan niya kaya nandito kami ngayon. Hindi ako magku-kwento kung bakit ako napunta sa lugar na 'to, pero this place made me realize that I'm not alone, nasa maling lugar lang ako.

Ang saya maging si Purple, pero buhay ang nakasalalay kaya nakakatakot din.

Nang matapos ko na ang ginagawa ko ay pinatay ko na ang laptop at sumandal sa sofa saka ipinikit ang mga mata.

Nakasanayan ko nang dito lagi gumawa sa sofa ng nga kailangan kong gawin instead na sa kuwarto ko. Nabubuhayan kasi ako ng loob kapag may kumakausap or nakikita akong tao na nasa paligid ko eh.

Siguro yung iba tinatawag nilang distractions yun, but for me, it's not. They also helping me, kaya super thankful ako kay Brown.

"Hindi ka pa matutulog?" Tanong niya ulit nang madaanan ulit ako kaya umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya.

"I'm done with my reports, so I guess matutulog na ako." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Huwag kana matulog," pilosopo niyang sabi kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Umaga na kaya, it's already 4:30 in a morning." Natatawa niyang dagdag na nagpalaki ng mata ko.

"Fuck!" Usal ko at tiningnan ang relo ko, totoo nga, nakakainis di ko man lang namalayan ang oras. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Inis king sabi sa kaniya at kinuha ang unan sa tabu ko para batuhin siya.

"Ayaw kitang isturbuhin," sagot niya naman at umilag sa unan.

"Anong ayaw?! Eh kanina ka pa nakatingin sa akin mula sa kusina, tapos hindi mo man ako magawang bulungan na umaga na!" Sigaw ko sa kaniya.

"Kasalanan ko pa pala kung bakit hindi ka nakatulog?!" Tanong niya.

Natahimik naman ako bago sumimangot. Pero bakit hindi ako sinakitan ng ulo? Hindi rin ako nakaramdam ng antok.

"Tulungan na lang kita sa mga gamit mo, dalhin na natin yan sa kuwarto mo at magpahinga kana." Kinuha niya yung ilang papers sa lamesa at binuhat yun.

Sumunod naman ako sa kaniya matapos kong masigurong ayos na ang lahat ng gamit ko.

"Bakit hindi ka natulog?" Tanong ko sa kaniya habang umaakyat sa hagdan.

"Hindi ako makatulog eh, ang pangit mo kasi." Sagot niya ay sinipa ko siya.

"Hindi mo pa nga nakikita ang mukha ko." Sagot ko naman.

"Yeah, pero kahit ano pa 'yang mukha mo, pangit ka pa rin, aray!" Inis ko siyang inunahan sa paglalakad nang masipa ko siya. "Ito naman di mabiro, hintay!" Habol-habol niya ako hanggang sa makarating kami sa taas.

Nang magkasabay kami sa paglalakad ay napahinto kami pareho nang makita namin si Gray na pilit binibuksan yung kuwarto ni Red.

So this is what Pink said.

"Gray?" Tawag ni Brown at mabilis na binaba ang mga gamit ko saka hinabol si Gray na mabilis na tumakbo.

Gano'n din ang ginawa ko, matapos kong maingat na ibinaba ang laptop ko ay tumakbo din ako para mahuli si Gray.

"What the hell are you doing?!" Inis kong tanong sa kaniya nang mahuli namin siya.

Pilit siyang kumakawala sa aming dalawa ni Brown pero hindi siya nagsasalita.

"Purple, open the jail room!" Utos ni Brown at mabilis ko namang sinunod.

Jail room ay kung saan kinukulong ang mga kasama namin na lumabas sa rules ng aming organization.

"T-Teka, wag!" Sigaw ni Gray, alam king malakas yun kaya malamang na nagising ang iba naming kasama na dito natulog sa mansion.

Nang mapasok namin siya ni Brown sa loob ay kaagad din naming sinara yun, pilit pa rin siyang sumisigaw na pakawalan siya pero hindi pwede.

We need to know what he was planning at kung bakit kuwarto ni Red ang gustong-gusto niyang pasukin.

"Parang awa nyo na, pakawalan nyo'ko dito!" Umiiyak niyang sigaw pero iniwan na namin siya doon ni Brown.

"Bukas na tayo mag-usap." Sagot ko sa kaniya bago siya talikuran.

Kinuha kong muli ang mga gamit ko saka ako pumasok sa kuwarto ko.

"Thank you." Sabi kay Brown ng ilapag niya sa lamesa ko ang mga gamit ko.

"Anong kayang plano ni Gray?" Nagtatakang tanong ni Brown at hinila ang game chair ko at umupo doon.

"I don't know." Sagot ko habang inaayos ang study table ko.

"Sige na, bukas na lang tayo mag-usap, kailangang malaman 'to ni Miss Red." Tumango ako kay Brown bago siya tumayo at lumabas ng kuwarto ko.

"Thank you ulit." Tumango din siya bago tuluyang sinara ang pinto ng kuwarto ko.

Mabilis naman akong humiga sa kama ko dahil ngayon lang ako nakaramdam ng antok at pagod. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.




Nagising ako sa subrang ingay galing sa labas, kahit antok na antok pa ako ay pinilit kong bumangon at sinuot ang maskara ko.

Paglabas ko ay nagkakagulo na sila dahil sigaw ng sigaw si Gray sa loob ng jail room.

"Bakit nasa loob siya?" Tanong ni Green.

"Ano bang ibigsabihin kapag nasa jail room? Di ba may kasalanan?" Sagot naman ni Pitch.

"Ilabas nyo'ko dito!!" Sigaw ni Gray sa loob.

"Please lang, tumahimik kana!" Inis na sabi ni Brown at nanggigigil na hinawakan ang bakal sa kuwarto na yun.

"Hindi, hangga't hindi nyo'ko inilalabas dito, kailangan kong makalabas kung hindi papatayin nila ang pamilya ko!" Umiiyak niyang sabi kaya nagtaka ako.

"Anong sabi mo?" Kunot noo kong tanong sa kaniya habang naglalakad papalapit doon.

"Purple, please, kailangan kong makausap si Miss Red." Sunod-sunod na tumulo ang kaniyang mga luha nang sabihin niya yun.

"Papunta na siya!" Sagot naman ni Pink habang may kinakalikot sa cellphone niya.

"P-Please..." Paki-usap pa rin ni Gray.

Parami na ng parami ang taong nakikiisyuso ngayon dahil rinig na ang boses ni Gray sa buong mansion.


Ilang sandali pa ay dumating na si Miss Red at mukhang hindi maganda ang gising niya dahil sa lakad niya pa lang ay halatang may galit na.

"Miss Red-"

"What's going on here?!" Mariin niyang tanong at lalong nanayo ang balahibo ko dahil sa takot.

"Miss Red!" Sigaw ni Gray at kaagad namang napatingin si Miss Red kay Gray na ngayon ay umiiyak pa rin.

"What the is your doing there, Gray?!" Unti-unti ng umalis ang ilan naming kasamahan dahil sa takot na pati sila ay madamay, gusto ko na rin sanang umalis pero kaming tatlo ang saksi ng ginagawa ni Gray kaya hindi pwede.

She's scary.

"Miss Red, I need to talk to you, please..." Umiiyak na sabi ni Gray.

"Purple, what's the meaning of this?" Halos mapatalon ako sa gulat ng banggitin niya ang pangalan ko.

"A-Ah a-ano po kasi..."

"Nung una nahuli siya ni Pink na pilit binubuksan yung kuwarto mo, and kaninang madaling araw nahuli namin siya ni Purple na gano'n pa rin ang ginagawa." Singit ni Brown.

"Tapos nung nahuli ko po siya sabi niya sa akin na huwag kong sabihin kahit kanino kasi mamamatay daw po ang pamilya niya kapag hindi niya nagawa ang kailangan niyang gawin." Naiiyak na sabi naman ni Pink at mas lalong naiyak si Gray dahil sa sinabi namin.

Galit na napatingin si Miss Red kay Gray at dahan-dahan itong naglakad papunta sa lalaki.

"Give me the key." Utos niya na mabilis namang sinunod ni Brown.

Nang mabigay niya na ay si Miss Red na ang nagbukas nito pero pumasok siya sa loob.

"Ano pong mangyayari kay kuya Gray?" Umiiyak na bulong ni Pink sa akin.

"Hindi ko din alam." Sagot ko sa kaniya.

"Leave us alone." Tumango kaming tatlo bago umalis doon.

Good luck na lang kay Gray.

___

GRAY

"Bakit gusto mong pumasok sa kuwarto ko?" Kabadong-kabado ako habang umiikot si Miss Red sa buong kuwarto. "Hindi ba nakalagay sa rules na pinagkasunduan natin na bawal kang pumasok sa kahit kaninong kuwarto maliban sa kuwarto mo?"

Wala akong nagawa kundi ang lumuhod dahil sa takot sa kaniya. Hindi ko man lang magawang magsalita dahil sa tension na binibigay niya.

"Pwede mo naman akong kausapin kung may kailangan ka," naglakad siya papunta sa akin at hinawakan ang baba ko at pilit pinapatingin sa kaniya. "Hindi kita sasaktan, huwag kang umiyak, now tell me, anong kailangan mo?"

"Ang Red Diamond at Black Diamond." Umiiyak kong sagot. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata niyang pula.

"At ano namang gagawin mo at gusto mong kunin yun?"

"U-Utos po ni Black." Mas lalong lumakas ang iyak ko ng marinig ko siyang nagmura.

"What the fuck?! At bakit naman gusto niyang kunin ang mga Diamonds?! At bakit ikaw ang inutusan niya?!"

"H-Hawak niya po ang pamilya ko, Miss Red kailangan ko ng tulong." Umiiyak kong sabi sa kaniya.

"Kailan ka inutusan ni Ace?!" Galit niyang tanong.

"Bago po magsimula yung laban natin sa Jinzu," Halos lumabas ang puso ko sa subrang kaba dahil sa galit ni Miss Red ng sipain niya yung upuan sa tabi ko. "Miss, hindi pwedeng malaman ni Ace na hindi ko nagawa ang inuutos niya." Palakas ng palakas ang iyak ko at nananakit na rin ang tuhod ko.

"Sa tingin mo ba kahit nakuha mo ang mga diamond bubuhayin niya ang pamilya mo?!" Sigaw niya sa akin na lalong nagpaiyak sa akin. "Kahit lumuhod ka sa harapan niya at umiyak ka ng dugo hinding-hindi niya kayo bubuhayin!" Dagdag niya.

"H-Hindi..." Umiiyak kong sagot.

"Alam mo kung gaano kasama si Ace, kaya kahit anong gawin mong pagtataksil sa samahan natin hinding-hindi mo maiililigtas ang pamilya mo," mahina niyang bulong. "Hindi ko alam kung paano ko gagawan ng paraan ang problema mo." Dagdag niya.

"M-Miss, tulungan mo'ko, patawad..."

"Hindi mo alam kung gaano kalaking problema ang binigay mo sa akin," umiling siya at nanggigigil na sa galit. "Bakit nauwi sa ganiyan ang problema mo? Anong atraso mo kay Ace at hinayaan mong lamunin ka niya?!" Sigaw niya sa akin.

"W-Wala..."

"Lumabas kana, kailangan ko mag-isip!" Sabi niya nang nakatalikod sa akin. "Wag na wag kang magsasalita hangga't hindi ko sinasabi, bilang parusa mo." Dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya.

Nauna siyang maglakad sa akin palabas habang ako naman ay napa-upo sa sahig dahil sa subrang takot.

Ano na lang ang mangyayari kayla Mama at Papa pati sa mga kapatid ko?

Hindi pwedeng malaman ni Ace na hindi ko nakuha ang diamond dahil siguradong papatayin niya ang pamilya ko. Hindi pwede.

Hindi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro