KABANATA 58
SYNIER FRUXELL-HENTROV
"Ano yun? Bakit nagsisigawan sila?" Gulat kong tanong kay Ace.
"Sa baba nanggagaling." Sagot niya naman, tumingin kami mula sa veranda at nagulat ako nang makita si Zach at Mia na tinututukan ng baril.
"Fuck!" Mura ni Ace bago mabilis na lumabas ng room namin. "Diyan ka lang, wag kang susunod!" Utos niya sa akin.
"Pero-"
"No buts, delekado sa labas, ako na." Wala akong nagawa kundi ang panuorin siyang lumabas. Inis akong bumalik sa veranda para tingnan ang nangyayari.
Ilang sandali pa ay hinila na paalis si Mia at yung batang lalaki, iniwan nila si Zach na tulala at hindi alam ang gagawin.
May ilan pang mga lalaki na tinututukan ng baril ang sinumang humarang sa daraanan nila.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Purple.
"Prepare our organization tomorrow." Utos ko sa kaniya.
["Yes madam."]
Kailangan ko na talagang umuwi ngayong gabi.
Nakita ko namang lumapit si Ace kay Zach kaya mabilis na akong bumaba, nakasalubong ko silang dalawa at hindi na alam ni Zach ang gagawin niya.
"Kailangan na nating umuwi." Hinila na ako ni Ace papunta sa parking lot kung saan nakalagay ang kotse niya.
"Ano bang nangyayari?" Kunwaring tanong ko. "Sino ang mga yun?"
"Jinzu," sagot ni Ace. Pumunta naman si Zach sa kotse niya. "Hindi ka pwedeng madamay kaya kailangan na nating umalis." Dagdag niya pa saka pinaandar ang kotse.
Maganda na rin na kinuha na nila si Mia para hindi na mahirapan si Zach na maging pain dahil siguradong lalo lang lalala ang gulo.
Nang maihatid ako ni Ace sa bahay ay kaagad siyang bumaba para puntahan ako, nagkunwari naman akong natatakot na nag-aalala para hindi niya mahalata na alam ko ang nangyayari.
"Ace?"
"Please, promise me na hinding-hindi ka lalabas ng mansion nyo," umiling ako, hinawakan niya ang kamay ko. "Synier, please lang, kahit tatlong araw lang, delekado eh, nakita mo ba kung paano nila kinuha si Mia?"
"Eh hindi naman kami ang nay atraso sa kanila eh, gusto ko ring tumulong-"
"Hindi, hindi ako papayag na tumulong ka!"
"Pero Ace-"
"Synier, kailangan mong maging ligtas, okay?"
"Ano? Tutunganga na lang ako dito habang kayo nasa kapahamakan?"
"Wala ka naman kasing matutulong do'n!" Mahina niyang sigaw sa akin, sapat na para patahimikin ako. "I'm sorry okay, pero ibang laban kasi ito eh, ayaw kong mapahamak ka pa, ayaw kong madamay ka, kaya please lang, kahit ngayon lang makinig ka muna sa akin." Wala akong nagawa kundi ang tumango.
"Iligtas nyo si Mia." Mabilis na tumango si Ace, he hugged me before kissing me on my lips.
"I promise, ibabalik ko siya ng buhay." Tumango ako sa kaniya.
"Mag-iingay kayo!" Muli niya akong hinalikan saka mabilis na sumakay sa kotse niya at nag drive paalis.
Mabilis naman akong pumasok ng mansion at sumalubong kaagad sa akin si Mommy at Daddy.
"How's Mia?" Nag-aalalang tanong ni Mommy.
"Hindi pa po siya nakukuha nila Ace eh, nando'n pa rin sa Jinzu," sagot ko naman. "Mommy, please wag na tayong mangialam sa kanila, baka madamay tayo eh, magtiwala na lang tayo kay Ace." Tumango naman si Daddy.
"That's right, wala rin tayong magagawa kung mangingialam tayo, wala munang lalabas ng bahay!" Utos niya saka kami iniwan ni Mommy.
"Saan ka ba nanggaling?" Nag-aalala niyang tanong.
"Magkasama po kami ni Ace." Pag-amin ko.
"Hindi ka talaga nakikinig, alam mo ba kung gaanong stress ang binigay mo sa Daddy mo? Ilang beses ka na naming sinabihan."
"Mom, I love him."
"Pero sinaktan ka niya-"
"Why? Sinaktan ka din naman ni Daddy dati eh," mahinahon kong sagot. "I love Ace, nung una siguro oo hindi ko siya mahal, pero habang tumatagal, Mommy do'n ko nare-realize kung gaano ko siya gustong makasama." Dagdag ko.
Napahinga naman ng malalim si Mommy saka tumango.
"Hindi na kita mapipigilan diyan, sige na, pumasok kana sa kuwarto mo at magpahinga." Utos niya.
"Okay, wag nyo na akong katukin sa kuwarto, gusto ko pong mapag-isa." Mabilis akong umakyat sa kuwarto ko hindi para magpahinga, kundi para magpalit ng damit.
Bilang si Red.
Humanap ako ng tiempo para makalabas sa veranda na lagi kong ginagawa. Dahan-dahan akong pumunta sa bodega at kinuha ang motor ni Red.
Napasinghap ako ng magliparan lahat ng alikabok mula doon. Nang tuluyan na akong makapabas ay mabilis akong nagpatakbo.
"What?" Sagot ko sa call mula kay Ace.
["Alam mo na ang nangyari?"] tanong niya.
"Yeah."
["Anong plano mo?"]
"Tuloy pa rin ang napag-usapan."
["Papunta ako sa mansion mo."]
"Okay, papunta na rin ako." Sagot ko naman.
["I saw you."] Sagot niya, maya-maya pa ay nasa tabi ko na siya at naka motor din. Yung mamahalin niyang motor.
Hindi ko alam pero halos magkapareho sila ni Red ng motor. Tumingin siya sa akin pero hindi ko makita ang expression niya dahil itim lahat ang suot niya at naka helmet din siya sa itim. Ako naman ay naka Red lahat.
"Bilisan mo." Sagot ko sa kaniya at naunang nagmaneho.
["Do you want a race?"] Nakangisi niyang tanong.
"Sure!" Sagot ko, maya-maya ay katapat ko na naman siya. Mabuti na lang walang traffic at nag practice ako ng husto kaya marunong na ako sa pasikot-sikot.
Para kaming mga nasa movie, mga mafia boss na susugod at papunta sa labanan.
["Mahina ka pa rin."] Sabi niya ng malampasan ako.
"Okay!" Sagot ko at nilampasan siya. Hindi na siya nakahabol sa akin hanggang sa makarating kami ng mansion.
"Madaya ka." Sabi niya ng matanggal niya ang helmet niya.
"Mabagal ka lang kamo, wag mo'ko sisihin kasi talo ka." Sabay na kaminh pumasok ng mansion at nando'n ang lahat.
"Kahel, what are you doing here?" Gulat kong tanong.
"Gusto niya daw pong tumulong," sagot naman ni Pink. "Sinabi ko nga po na bawal kaming dalawa."
"Tagal bawal, hindi pwede!" Sagot ko.
"But I want to help." Sagot naman ni Kahel.
"Mamaya na tayo mag-usap, Ace, sa opisina." Nauna akong pumasok at sumunod naman siya.
"Bakit may bata kang kasama?" Kunot noo niyang tanong. "Hindi mo ba alam na delekado itong organization mo?"
"I know, you don't need to remind me."
"Paano kapag may nangyari do'n? Paano na ang nga magulang niya?"
Siguradong magwawala ka kapag nalaman mong si Xy yan.
"Kaya nga hindi ko pinapasama di ba?" Inis kong sagot sa kaniya. "Anyway, what happened with Mia? Paano siya nakuha? And nasaan si Zach?"
"Wala pa ba siya dito? Ang sabi niya kakausapin ka niya?"
"Fuck." Sabay naming sagot.
Sana naman hindi kumilos si Zach mag-isa.
I tried to call him pero hindi niya sinasagot, maya-maya pa ay sinagot niya ang tawag ni Ace.
"Where the hell are you?!"
["Ace, hindi ko kaya, please tulungan nyo'ko."] Umiiyak niyang sagot.
"Zach, nasaan ka?" Tanong ko.
["Ang daming tao, ang dami nila, Red."] Napasampal ako sa noo ko dahil sa inis.
"Pumunta ka sa mansion ngayon din." Utos ko sa kaniya.
["No, hindi ko iiwan si Mia dito."]
"Mapapahamak ka, hindi ka ba nag-iisip? Lalo mo lang inilalagay ang buhay ni Mia sa piligro, bumalik ka dito." Sigaw ko sa kaniya.
"Zach?"
"Zach, kapag gumawa ka ng action nang hindi nag-iisip, sana matanggap mo ang pwedeng mangyari." Wala siyang naisagot kundi ang iyak.
Naiintindihan ko siya, pero hindi pa kami prepared eh, hindi kami pwedeng sumugod nang basta-basta.
Nang patayin niya ang tawag ay naalarma ako. Mabilis akong tumingin kay Ace na hinihilot ngayon ang tungki ng kaniyang ilong at nagpapatunay na naiinis na siya.
Tumingin ako sa relo ko at nakitang maaga pa, medyo madilim lang sa labas dahil parang uulan pero ala sais pa lang.
"Puntahan mo siya, dalhin mo lahat ng tauhan mo ngayon dito at ngayon tayo susugod!" Utos ko sa kaniya.
"Sigurado ka?"
"Wala kang tiwala sa amin?" Huminga siya ng malalim bago tumango at mabilis na lumabas ng opisina.
Sumunod ako sa kaniya para puntahan ang mga kasamahan ko.
"Purple," tawag ko dito. "Where's Brown?" Lumapit naman sila sa akin pareho.
"Miss?"
"Ihanda lahat ng armas, lahat ng lason, lahat ng baril at pana, pati na rin ang kutsilyo."
"Bakit Madam?"
"Ngayong gabi tayo susugod." Natahimik naman ang lahat at tumingin sa akin.
"Akala ko bukas pa?" Tanong ni Gray.
"Hindi na pwedeng ipabukas, dahil baka patay na si Mia bago pa tayo dumating." Sagot naman ni Yellow.
"Tama, naghanda na din naman tayo, bakit hindi pa ngayon?" Sagot naman ni Green.
Pumalakpak ako ng tatlong beses para sabihing kumilos na ang lahat. Isa-isa naman silang nagtayuan para maghanda.
Hinila ko si Pink at Kahel papunta sa opsina ko.
"Gusto nyo talagang tumulong?" Tumango naman ang dalawa.
"Promise Mommy, magiging ligtas ako." Sagot sa akin ni Kahel.
"Kailangan namin ng monitor habang lumalaban, kaya nyo ba kaming i-guide?" Nagkatingin naman ang dalawa bago sabay na tumango.
"Kaya ko po, magaling ako sa computer." Sagot ni Pink.
"Brown?!" Sigaw ko at mabilis naman siyang pumasok. "Si Brown ang makakasama nyo para mag monitor sa amin, alamin nyo kung saan nando'n si Mia at yung batang kasama niya, hindi kayo lalabas ng mansion, sa inyo nakasalalay ang kaligtasan ng lahat, understand?"
"Hindi po kami gagamit ng baril?" Tanong ni Kahel.
"No, wag nang makulit Kahel!" Sagot ko sa kaniya.
Tumango naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag, tumingin ako kay Brown.
"Kumilos na kayo ngayon, nasa stock room lahat ng radio, bigyan lahat ng team leader na ini-aasign ko." Utos ko kay Brown.
Ilang saglit pa ay dumating na paunti-unti ang mga tauhan ni Ace. Hinati namin sila sa apat na grupo, magkahalo ang grupo ni Ace at ang grupo ko.
"Okay na ba?" Tanong ni Ace.
"I think." Sagot ko, nakatingin kami sa lahat habang naghahanda sila.
Sana hindi kami mabawasan.
"Lahat ng pwedeng manggamot, isang grupo kayo!" Utos ko at isa-isa naman silang humiwalay sa karamihan, marami-rami sila lalo na ang Red Dragon dahil halos lahat ng kasamahan ko ang professional. "Gamitin ang Van at ihanda lahat ng gagamitin nyo para manggamot ng kasamahan natin!" Tumango naman silang lahat at inasikaso na ang gamit.
"Purple, hawak mo ang radio?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya at pinakita ang radio niya suot niya, siya ang team leader ng mga doctors at nurses.
"Nahanda ba ang mga tauhan mo?" Tanong ko kay Ace.
"I guess." Sagot niya. Napailing ako saka pumasok sa kuwarto ni Red.
Hinalungkat ko lahat ng gamit niya at hinanap ang armas niya. Nakita ko naman yun sa isang box. Kinuha ko ang pana, baril at kutsilyo niya na nadoo.
Nilagyan ko ng kutsilyo ang hita at braso ko, may kasama rin yung baril kung sakali mang kailanganin ko, ilang bala na rin ang dinala ko kung maubusan man ako.
Sinuot na rin yung kapa niya at inilagay ang pana sa likuran ko, hindi ko alam na uso pa pala ang pana sa panahon ngayon, akala ko no'ng unang panahon lang ito eh.
Red, sana maging proud ka at sana mailigtas namin si Mia kagaya ng gusto mo.
Nang maayos na ang lahat ay isa-isa na kaming umalis, kasabay ko si Ace na naunang umalis gamit ang mga motor namin.
["Ready?"] Tanong ni Ace.
"Ready!" Sabay kaming nagpatakbo ng motor kasunod ang mga kasama namin.
["Please, be safe."] Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Ace pero binalewala ko yun.
Nang makarating kami sa mansion ng mga Jinzu ay kaagad kong narinig ang boses ni Pink.
["Mommy, nasa isang room si ate Mia kasama yung batang lalaki."] Sabi ni Kahel at alam kong rinig yun ng lahat na may hawak ng radio.
"Got it!" Sagot ko naman.
["May bantay po sa gate at sa likod ng mansion,"] sabi naman ni Pink.
["This is Gray, saan kami pwedeng dumaan?"] Tanong ni Gray.
["Tatlo ang bantay sa likod, pwede nyo silang patahimikin."] Sagot naman ni Brown.
["This is James, kami na ang bahala."] Tauhan yun ni Ace.
["James, siguraduhin nyong walang ingay na mangyayari."] Sagot naman ni Ace.
["Yes boss, copy."]
Ilang sandali pa kaming naghintay sa update nila Brown dahil hindi kami basta-basta pwedeng gumawa ng action.
"Brown, nakita nyo ba si Zach?" Tanong ko.
["Hindi pa namin naghahanap."] Sagot ni Pink.
["Hello, this is Purple, nasa gilid kami ng mansion if ever kailanganin nyo kami."]
["Hello, this is Green, kasama namin si Zach."]
Napahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang.
["This is James, tahimik na sila."]
["Pwede na kayong pumasok sa back gate!"] Sagot ni Brown.
Ito na, labanan na talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro