KABANATA 52
A/N: Parang ang hirap namang e-let go ng story na 'to, ang dami ng nag-aabang HAHAHAHA malapit na 'to matapos 😭 bahala na kung anong mangyari HAHAHAHA kung may maisip pa akong iba, baka sakaling dumami ang chapters HAHAHAHA pero ang nasa outline ko yun ang masusunod HAHAHAH enjoy reading guys, love love ko kayo palagi, mwuah 😽💜
_____
SYNIER FRUXELL-HENTROV
Zachary Kliens
Hi, I'm Blue, my code name that Red gave me since I enter this goddamn organization. Nung una nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako dito o hindi, inutusan ako ni Ace na pumasok sa Red Dragon para magmanman at sabihin sa kaniya lahat ng pinapakay ni Red, oo yun ang totoo kaya ako nandito sa organization, pero tangina. Hindi ko kayang bumaliko kay Red.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa background ni Zach. Alam ba ni Red 'to? Imposible namang hindi niya alam dahil nasa kaniya ang aklat na 'to.
Napatuloy ako sa pagbabasa dahil takang-taka na ako.
I was afraid of Ace, I'm his fucking friend- oh, hindi pala, he never treated me one of his friends, siguro nasanay lang akong nasa tabi niya palagi since tinulungan niya ako. Tinulungan? Nagtataka kayo kung anong tulong 'no?
Natatawa ako sa mga sinusulat niya haha, si Zach na si Zach.
He helped me study medicine, nagkakilala kami sa bar, lasing ako nun dahil depressed na depressed ako about sa family ko, hindi ko nun alam na nagra-rant na pala ako sa kaniya, mabuti na lang hindi ko nasabing may pamilya pa ako.
He said, papag-aralin niya ako ng gusto kong course pero ang kapalit ay magtrabaho ako sa kaniya at sasahuran niya ako. Nung una ay akala ko magandang offer kaya tinanggap ko, pero katagalan doon na ako namumulat sa mga illegal na gawain ng pamilya nila.
Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kaniya, he teach me how to use a gun, knife and other weapon that they always using. Hindi man lang ako makatanggi, takot na takot ako kapag sinasama nila ako sa palitan ng baril sa druga.
Siguro habang sinusulat 'to ni Zach umiiyak siya at inaalala ang lahat ng nangyari noon?
I was afraid, may pamilya pa ako na gusto kong uwian at gusto ko pang magkaroon ng maraming girlfriend at magka-anak ng sampu.
Siraulo talaga, maraming girlfriend? Sampung anak? Seryuso ba siya? Paano si Mia?
Kahit kailan talaga. Buti na lang hindi diya binatukan ni Red dahil sa mga sinulat niya dito.
Mahaba pa naman ang space, magkwento muna ako hahaha.
Isang paragraph lang yun, kaya tawang-tawa ako.
Tinuruan ako ni Ace humawak ng baril at gunamit ng kutsilyo para panlaban sa nga kalaban nila. Nung lumalaban na ako at saktong nasugatan si Ace sa tagiliran dahil sa kagagawan ni Red, ako ang gumamot sa kaniya, do'n ko lang na realize na kaya niya ako pina-aral ng medicine ay para may gumamot sa kaniya.
Simula noong 15 years old ako, si Ace na ang lagi kong kasama. Oo 15 years old ako nung nag-aral ako ng medicine. Nung una hinahayaan ko lang dahil may naipapadala ako kay Mama at Papa pati na rin sa kapatid ko. Pero simula din nun, hindi na ako pinapasin ni Papa at ayaw niyang tanggapin ang mga binibigay ko sa kanila.
Simula nun tinakwil na ako ni Papa at hanggang ngayon hindi pa rin kami magka-ayos dahil iniwan ko sila at sumama ako kay Ace, akala kasi niya nagrebelde ako, oo illegal ang ginagawa ko pero para naman sa kanila yun eh.
Then dumating si Red. She helped me with my Mom, dahil ayaw tanggapin ni Papa ang mga binibigay ko, binigyan niya ng trabaho si Mama at doon sinasahuran ng malaki ni Mama sapat lang para sa pang araw-araw nilang kailangan, at doon ko din sinasama ang mga binibigay ko.
Si Red ang naging daan para makatulong ako sa pamilya ko at hindi ko alam kung paano yun ginagawa ni Red.
Napakunot ang noo ko dahil do'n, alam ni Red na may pamilya si Zach? Bakit ba hindi ko alam na may pamilya itong lalaki na 'to? Si Ace ba alam niya?
Kaya hindi ko magawang mag traydor kay Red, kaya sinabi ko kay Ace na hindi ko kayang tumagal sa organization ni Red dahil delekado at naniwala naman siya sa akin, pero ang totoo, kakampi pa rin ako ni Red.
Alam kong para ko na ring trinaydor si Ace, wala akong choice, naintindihan ni Red ang mga ginagawa ko at alam niyang kapag nagipit ako ay si Ace ang una kong tutulungan.
Hirap na hirap ako kung saan kakampi kapag nagsasagupaan si Ace at Red, kaya minsan ang ginagawa ko na lang ay nagtatago at lalabas lang kapag tapos na ang laban. Para wala akong masugatan at masaktan sa kanilang dalawa.
Hindi naman talaga masamang tao si Ace eh, nahihila lang siya ng kaniyang Lolo dahil sa pagkamatay ng Daddy at Mommy niya pati na rin ng kapatid niyang si Cassandra.
Iniisip ko kung anong iniiisip ni Red habang binabasa niya 'to. Imposible namang hindi siya naiyak dito.
Simula nung mamatay sila, para na rin siyang namatay kasama nila. Hinihiling ko nga na sana makahanap na 'to ng babaeng mamahalin niya eh. Ako na siguro ang pinakamasayang tao kapag nakita ko 'tong ngumiti ulit.
Bigla kong naalala si Ace, hindi nga siya palangiti pero minsan ko siyang nahuhuli lalo na kapag nakatingin sa akin.
Subrang cute niya nung kumakain ng cotton candy nung dinala niya ako sa amusement park.
Kung sino mang babar yun, napaka swerte niya at the same time malas dahil siguradong masasaktan 'to kapag nalaman niyang isang mafias boss si Ace. Pero siguro naman maiintindihan niya si Ace.
Ako naman, ang gusto ko lang si Mia Pauline Niez, kaya lang wala siya ngayon sa Pilipinas dahil nasa US siya, ito kasing si Ace ayaw ako pasunurin doon eh, alam niya namang crush na crush ko si Mia kahit ang crush ni Mia ay si Ace.
Aware din naman si Ace do'n yun nga lang hindi sila talo dahil kaibigan lang ang turing ni Ace kay Mia.
Yun lang, masyado na 'tong mahaba Red, wag mo na basahin, baka maiyak ka pa at maisipang ipa mmk itong istorya ko.
I am Zachary Kliens as Blue of Red Dragon. Wabyu.
Gusto ko siyang batukan kung nandito lang siya ngayon. Kainis para akong nagbabasa ng wattpad story dahil sa sinulat niya, ang haba-haba akala mo nga pang mmk na.
Ang dami ko tuloy tanong sa kaniya pero paano ko nga ba itatanong? Kapag nagtanong ako sa kaniya mahahalata niyang hindi ako si Red.
Gusto ko ding makita ang pamilya niya, pero paano? Saan ko naman sila hahanapin? Wala naman siyang iniwang pangalan dito at address.
Kainis.
Sinarado ko na ang aklat at sa susunod na araw na lang babasahin ang iba pang miyembro ng Red Dragon. Sa kapal nito baka abutin ako ng isang buwan para matapos 'to.
Tumayo ako at lumabas ng kuwarto para umuwi na, kailangan kong mag-isip ng plano para sa pagsugod namin sa Jinzu.
Sinabihan ko na sila na wag papakialaman si Mia pero ang titigas din ng ulo, hindi ba talaga sila nakikinig kay Red? Gano'n ba katakot si Red sa kanila?
Bahala na.
MIA PAULINE NIEZ
"Bye Mia, bukas ulit." Ngumiti lang ako sa isang kasama ko dito sa studio bago kumaway at nagpaalam.
Mayro'n kasi kaming pictorial for one product na kailangan naming e-model.
Matapos kong makapag-paalam sa kanila ay lumabas na ako ng studio para antayin si Zach.
Paglabas ko ng studio ay may naramdaman kaagad akong kakaiba. There is someone looking at me.
Hindi ako nagpahalata na may napapansin ako hindi ko lang alam kung saang direction siya.
Love
Where the fuck are you?!
Mabilis kong text kay Zach pero hindi siya nagrereply.
Love
There is someone looking at me here in the studio, please pakibilisan.
Hindi ko alam kong paparazzi ba o mga reporters, kaya kinakabahan ako dahil kung iba man yan siguradong mga kaaway namin yun.
Ilang beses ko ng tinawagan si Zach pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Imposible namang nasa meeting na siya dahil may usapan kaming sabay kaming pupunta sa mansion ni Red.
"A-Ate?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may kumalabit sa akin na bata.
"Why?" Tanong ko sa kaniya at medyo lumayo dahil natatakot ako.
"Baka gusto nyo pong bumili ng sampaguita? Wala pa po kasi akong kain eh," napatingin naman ako sa kaniya mula ulo hanggang paa.
Wala siyang tsinelas, marumi ang damit at puro dungis ang mukha.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Angela po," nakangiti niya namang sagot. "Bibili po kayo?" Nakangiti niyang tanong.
"May pamilya ka pa ba?" Nag-aalala kong tanong pero umiling siya bilang sagot. "ilang taon kana?"
"Eight po,"
"Tara, kain tayo sa Jollibee, gusto mo?" Bigla namang sumigla ang mukha niya, pero bago yan, may hihintayin muna tayo tapos maligo ka para malinis ka mamaya." Dagdag ko dito at excited naman siyang tumango.
Mukha naman siyang inosente eh, mukha din siyang mabait kaya siguradong magkakasundo sila ni Zian.
Maya-maya pa ay dumating na si Zach.
"Tara?" Yaya ko dito at tumango naman siya. Pinasakay ko siya sa likod ng kotse ni Zach at ako naman ay umupo sa driver seat.
"Ang tagal mo!" Reklamo ko sa kaniya.
"Sino yan?" Tanong niya at tinuro si Angela.
"Si Angela, umuwi muna tayo at kailangan nating bihisan yan, tapos kumain muna tayo sa Jollibee at idaanan natin siya sa inyo, bago tayo dumeritso sa mansion." Paliwanag ko sa kaniya.
"Bakit?" Kunot noo naman niyang tanong.
"Mamaya na ako magpapaliwanag." Inis kong sagot sa kaniya.
Wala naman siyang nagawa kundi ang mag drive paalis. Kagaya ng sabi ko ay sinunod niya naman. Pagkarating namin sa bahay ay kaagad ko siyang pinapasok sa loob at pina-asikaso ko siya sa mga maids.
"Mia, sino yun?"
"Si Angela nga!" Sagot ko kay Zach.
"Bakit mo dinala dito?"
"Wala na siyang pamilya, naawa ako kaya bibihisan ko siya at papakainin kahit ngayong araw lang." Sagot ko ulit.
"Bakit nagtiwala ka kaagada?! Malakas ang kutob kong may masamang balak ang bata na yan-"
"Zach, bata yan, bakit mo pinag-iisapan ng ganiyan ang inosenteng bata?!" Inis kong sigaw sa kaniya.
"Mia, nag-aalala lang naman ako sa'yo, hindi pa maayos ang sitwasyon natin ngayon, delekado pa."
"Zach, bibihisan at papakainin ko lang siya, wala namang masama do'n di ba?!" Inis akong napa-upo sa sofa dahil sa mga sinasabi niya.
"Mia-"
"Zach, pabayaan mo muna akong gawin 'to, wala ng pamilya si Angela kaya nagbibinta na lang siya ng sampaguita sa kalsada at wala pa siyang kain, pwede ba suportahan mo na lang ako?!"
Napahinga naman siya ng malalim saka tumabi sa akin, hinawakan niya ang kamay ko at malungkot akong tiningnan.
"Nag-aalala lang naman ako sa'yo."
"Oo alam ko, mag-iingat ako, wag kang mag-alala." Sagot ko sa kaniya at yumakap sa kaniya.
Niyakap naman niya ako pabalik.
"Anong balak mo?" Tanong niya sa akin.
"Kapag maayos na siya, dalhin natin siya sa Jollibee kasama si Zian, tapos do'n muna siya sa inyo, hindi natin siya pwedeng isama sa mansion, tapos babalikan ko siya mamaya at ihahatid sa kanila." Paliwanag ko at tinanguan niya naman ako.
"Baka di sila magkasundo ni Zian." Sabi niya.
"Bakit naman? Eh halos magka edad lang naman silang dalawa eh."
"Babae si Angela at lalaki si Zian, baka kung ano pang mangyari mamaya niyan."
"Wala yan, mukha namang mabait si Angela eh, malakas ang kutob kong magkakasundo sila."
Maya-maya pa lumabas na galing cr si Angela at nakabihis na ng damit na dati ay ako ang nagsusuot ngayon ay suot-suot niya na.
Kung kanina ay subrang dungis niya ngayon naman ay subrang ganda niya ng tingnan. Maputinang kaniyang kutis at bagsak ang kaniyang mga buhok na para bang hindi ito galing sa lansangan.
"Sigurado ka bang wala ka ng pamilya?" Kunot noong tanong ni Zach at tumango naman ang bata.
"B-Bakit po?" Kinakabahan namang tanong ni Angela.
"Wala, tara na, sa Jollibee." Tumayo si Zach at inalalayan naman ako.
"Yeheyy!" Sigaw naman ni Angela kaya napangiti ako.
Cute.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro