KABANATA 39
SYNIER FRUXELL-HENTROV
Naiilang ako sa kaniya ng bumaba kami ng ferris wheel, habang si Xy naman at tuwang-tuwa.
"Uuwi na po tayo?" Tanong niya.
"Ihahatid na natin ang Mommy mo." Sagot naman si Xander at hinawakan ang kamay niya.
Ngumiti naman si Xy at hindi na nagreklamo. Kagaya kanina ay sa backseat ulit kami sumakay ni Xy hanggang sa makarating sa mansion ay tahimik lang ang buong kotse.
"Bye Mommy, thanks for your time." Hinalikan ako ni Xy sa pisnge bago ako bumaba ng kotse.
Nang makababa na ako ay kaagad akong pumasok sa mansion at hinanap sila Mommy at Daddy pero wala pa rin sila.
"Akala ko kung saan kana pumunta, iniwan mo kagabi yung pagkain mo eh." Sagot sa akin ni Manang.
Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala alam ang pangalan ni Manang.
Kaagad akong umakyat sa kuwarto ko at kinuha ang cellphone ko, kaagad ko namang tinawagan si Mommy at Daddy pero parehong cannot be reach.
Pero okay naman siguro sila di ba? Okay sila.
____
MIA PAULINE NIEZ
Hindi pa rin ako okay, nagpapagaling pa rin ako hanggang ngayon dito sa bahay.
"Ma'am, kailangan nyo na pong uminom ng gamot." Sabi ng isa sa mga maids namin.
"Give it to me." Kaagad kong ininom ang gamot ko at umalis naman siya kaagad.
Mabuti na lang naitago kaagad nila Mommy ang nangyari sa akin kaya hindi na yun kumalat pa. Kapag nagkataon sikat na sikat na naman ako sa social media.
"Wala pa rin bang update si Mia?"
"Wala na akong nakikitang post niya recently."
"Ano kayang nangyari sa kaniya?"
"Baka busy lang sa iba niyang trabaho sa buhay."
"We have different life, huwag kayong atat, busy lang yun."
Halos ganiyan ang karamihan na nababasa ko sa twitter. Hindi ko na lang yun pinapansin at kailangan ko ng gumaling dahil ang manager ko ay tawag na sa akin ng tawag.
Alam niya rin naman na naaksidente ako kaya hindi niya ako pinipilit pero tanong ng tanong kung pwede na daw ba ako mag shoot.
["We have a big project to offer you, game ka ba sa acting?"] Halos mapanganga ako ng banggitin sa akin yun ng manager ko.
"Yes Ma'am, tatanggapin ko po." Mabilis kong sagot.
["Ready yourself, you have a bug role for this project."] Sagot niya naman.
Ako kaya ang bida? Sana huhu.
Acting is my biggest dream, akala ko hindi ako qualified for that kaya ang pinursue ko ay ang modeling. Kaya kailangan ko ng gumaling dahil may malaking opportunity ang naghihintay sa akin. Alam kong babaguhin nito ang buhay ko as a model.
"Mia?" Napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Zach.
Nandito kasi ako ngayon sa garden at nagpapahangin.
"What are you doing here?" Malamig kong tanong.
"I heard tinanggap mo yung project?" Tanong niya na hindi man lang tumitingin sa akin.
"So what?" Mataray kong tanong.
"Nothing, good for you, pangarap mo yun di ba?" Nakangiti niyang sagot.
"So ano nga ang ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit, tumikhim siya bago kinuha ang isangupuan tumabi sa akin.
"We need to talk." Mabilis niyang sabi na para bang hindi kinakabahan. Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Kabado.
"Talk about what?" Malamig kong tanong.
"Us."
"Akala ko wala ng tayo eh." Natatawa ko kunwaring sabi.
"Mia, I'm sorry-"
"No, ayaw ko ng paliwanag mo."
"Please, let me explain." Sagot niya naman.
"Ano pang ipapaliwanag mo? Malinaw naman na galit ka sa akin kaya hindi mo ako pinapansin!" Sigaw ko sa kaniya.
"What?! Hahaha." Tawa siya ng tawa habang ako naman ay nakasimangot ngayon.
"Ano? Bakit ba kasi hindi mo ako pinapansin?" Nakasimangot kong tanong.
"Dahil ba do'n kaya ka galit sa akin?" Natatawa niyang tanong.
"Bakit, may iba pa ba?"
"Akala ko nagalit ka sa akin nung- nevermind, sorry na, hindi na mauulit," Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Can you forgive me now?" Pa-baby niyang tanong with his puppy eyes.
"Ano pa nga bag magagawa ko?" Mas lalo siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo, pababa sa ilong ko hanggang sa mapunta yun sa labi ko.
I response to his kiss, fuck I miss him.
We continue kissing until we heard a loud scream coming from our house. Kaagad kaming tumayo ni Zach at inalalayan ako, dahil mayron ba akong bandage sa braso.
"Sino yun?" Kaagad kong tanong sa mga maids, nagkakagulo sila ngayon dito sa sala habang nanunuod ng tv.
Napatingin naman kami doon ni Zach at napatakip ako ng bibig ko ng makita ang nasa tv.
Isang kilalang maimpluwensiya sa ating bansa si Mr. Niez na isang may-ari ng Niez University, kung saan natagpuang bangkay na sa kaniyang opsina sa loob mismo ng kaniyang paaralan. Hanggang ngayon ay iniimbestigahan na ang nangyaring krimen.
Sa kabilang dako ay nagbigay ng konklisyon ang ibang nitizen kung bakit ang kaniyang anak na si Mia Pauline Niez na isang model ay walang paramdam. Ang kanilang sinabi ay baka daw ang model ay nagtatago sa mga gustong pumatay sa kanila at ang nauna ay ang kaniyang Ama.
Ako nga pala si Dhana Reyes for News Report.
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mommy, pero hindi ko ma-contact, iyak ako ng iyak habang nagta-type ng message ara kay Mommy.
Sinubukan ko ring tawagan si Daddy pero naka power off na ang kaniyang cellphone.
"Zach, si Daddy!" Sigaw ko habang umiiyak sa dibdib niya.
"Shhh," sabi niya lang.
"Wala na si Daddy Zach!" Dagdag ko.
Wala akong magawa sa nangyari, hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi ko naman alam kung nasaan sila. Hindi man lang ako iniform ni Mommy sa nangyari kay Daddy.
Bakit sa balita ko pa malalaman? Ano bang nangyari?
"Wag ka mag-alala, tutulong ako." Rinig kong bulong ni Zach.
Iyak lang ako ng iyak sa dibdib niya, tangina, wala akong magawa.
____
RED
"Naka handa na ba lahat ng gagamitin?" Tanong ko kay Purple.
"Yes madam." Sagot niya naman.
"Let's enter in the school without noticing, okay?" Tumango naman su Brown at Purple.
Kaming tatlo lang ang nakakaalam ng plano na 'to, kailangan naming makapasok sa school ng walang nakakahalata na may balak kami.
Sa likod kami ng school dumaan kung saan lagi naming sinusundo si Xy, magubat yun at napakasukal, ito lang ang tanging daan na walang CCTV.
Dahan-dahan kaming pumasok, hapon na 'to at halos wala ng estudyante ang nasa loob, wala na ring faculty and staff maliban na kang sa mga nag overtime.
Lagi namang namdito si Mr. Niez kaya alam kong hindi kami mabibigo sa plano. Mabilis na nakapasok si Brown sa loob para patayin lahat ng CCTV sa aming dadaanan.
Habang naghihintay kami ni Purple sa labas ay nakatanggap naman ako ng tawag.
["Madam, nakapatay na po ang lahat ng CCTV-"]
"Good-"
["Hindi po ako ang may gawa, may iba pong pumutol ng mga wires dito sa electric room."]
"What? Sinadya?" Taka kong tanong.
["Yes Madam."] Nagkatinginan kami ni Purple. Malamang na iisa lang kami ng iniisip.
"Meet us on Mr. Niez office."
Kaagad kaming tumakbo papunta sa opisina niya, siniguro muna namin na hindi kami mapapansin.
Naka lock ang opisina niya nang makarating kami. Kumatok kami ng ilang beses pero walang sumasagot.
Nagtataka na kami kaya mabilis na kinuha ni Purple ang silent gun at pinutok yun sa door knob at mabilis kaming pumasok sa loob.
Napatakip ng bibig si Purple at gulat naman ang reaction namin ni Brown.
"Shit, who did this?" Tanong ni Brown at lumalit kay Mr. Niez.
The bloon is all over the place, magulo ang buong opisina, ang mga papel at aklat ay nagkalat sa sahig. Habang siya naman ay nakahandusay sa sahig.
"Naunahan tayo." Sagot ko naman.
"Jinzu Family," Napatingin ako kay Brown at a hawak niyang papel. "Hindi niya ata penermahan ito kaya pinatay siya."
Inilagay ko yun sa bulsa ko at naghanap pa ng pwedeng ebedensiya. Nang wala na kaming makita ay dali-dali na ulit kaming lumabas. At ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarinig na kami ng sigaw na nanggagaling sa loob ng school.
"Ano namang atraso ang Niez family sa Jinzu Family?" Tanong bigla ni Purple habang nagmamaneho.
"Gustong kunin ang school." Simpleng sagot ko habang binabasa ang nakalagay sa papel na napulot kanina ni Brown.
"Dahil ayaw ibigay ni Mr. Niez, pinatay na lang nila ito." Sagot naman ni Brown.
"So, si Mia na ang magmamay-ari ng school?" Tanong ni Purple.
"Sino pa ba? Eh sa kaniya ipinamana yun, wala namang ambag ang Mommy niya don eh, iniwan pa nga sila eh." Sagot naman ni Brown.
Mas may alam pa sila eh.
"Madam, sa mansion?" Tumango naman ako kay purple.
Siguradong umiiyak ngayon si Mia dahil sa nangyari. Gustuhin ko mang tumulong, hindi pa rin maaari.
Wala kaming masamang plano sa Daddy niya, ang gusto lang namin ay makausap ito para sa magbago at hindi na maging corrupt, pero huli na.
Nang makarating kami sa mansion ay kaagad akong pumasok sa kuwarto ko at ni-lock yun. Ring ng ring ang cellphone ko at alam kong tatawag at tatawag talaga si Mia sa akin.
"Hey?"
["I know you already heard the news?"] Bungad niya kaagad habang umiiyak. ["Please, just this onces, help me again, please Red, my father is innocent, help me please!"] Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan.
"Mia-"
["I know na ayaw mong mangialam, pero ikaw at ang grupo lang ang makakatulong sa akin para makaganti, hindi nila pwedeng makuha ang pag-aari namin, please Red."] Mas lalo pa siyang umiyak ngayon.
Napahinga ako ng malalim, malaking desisyon ang gagawin ko, nakasalalay dito ang pwedeng mangyari sa akin at sa grupo ko. Paano?
"I will of that." Sagot ko sa kaniya.
["Thank you so much, Red."]
Pagkatapos naming mag-usap ay napa-upo ako sa kama ko. Bakit kinakabahan ako? Bakit iba ang pakiramdam ko sa mangyayari kung sakali man na tumulong ako?
Hindi pa ako tapos sa away namin ni Black at Llander, may Jinzu Family na naman.
Tinanggal ko ang mask ko at napahilamos sa mukha ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, parang hindi na ako yung dating Red na laging may plano tuwing may problema.
Nang iangat ko ang ulo ko ay nakita ko ang reflection ko sa malaking salamin dito sa kuwarto ko.
Napahawak ako sa mukha ko na may peklat, sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang maalala ko na naman ang nangyari dati.
Pero kaagad ko yung inalis sa isip ko dahil dapat kinakalimutan ko na yun. Hindi ko na dapat yun inaalala pa dahil nakalipas na. Tinuruan na akong maging matapang, kaya wala ng dahilan para alalahanin ko pa yan.
Mabilis kong pinunasan ang mukha ko hanggang sa makarinig ako ng katok sa kuwarto ko. Dali-dali kong sinuot ang mask ko bago ko binuksan yun.
"Mommy-"
"Oh Kahel? Bakit? Tapos ka na ba sa training mo?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman ito.
Mabilis siyang pumasok sa kuwarto ko at siya na ang nag-sara nun, ni-lock niya pa maya nagtaka ako.
"Bakit?" Naglakad siya papunta sa lamesa ko at may pinatong doong box. "Ano 'to?" Taka kong tanong.
"It's a gift." Kunot noo kong dahan-dahang binuksan yun at laking gulat ko ng makita ko doon ang red necklace.
"Xy, paano-"
"Kinuha ko po kay Daddy." Mabilis niyang sagot at ngumiti sa akin.
"Hindi ka ba nakita? Bakit binibigay mo sa akin 'to ngayon?" Tanong ko.
"Because, its your's, sa'yo naman talaga di ba yan?" Napatanong naman ako.
Halos maiyak ako ng inangat ko yun, sa wakas bumalik na siya sa mga kamay ko, sa wakas hawak ko na ulit ang kwentas ko.
"Thank you so much, Xy!" Dahil sa subrang tuwa ay napayakap ako sa kaniya.
"You're welcome, Mommy!" Niyakap niya rin ako pabalik.
Ang saya ko, sa kabila ng nangyari ngayon para akong nabuhayan ng dugo at gusto kong tumalon ng tumalon sa subrang saya na nararamdaman ko.
Kitang-kita ko ang ngiti ni Xy habang nakatingin sa akin.
"Next target, Black diamond." Sagot niya na ikinataka ko
Nasa kamay ni Llander yun.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro