Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 35

SYNIER FRUXELL-HENTROV

"Kasama pa ba 'to?" Napatingin ako kay Mia ng ituro niya ang wedding picture namin ni Xander.

"Iwan mo na yan." Sagot ko naman at nagpatuloy sa pag-iimpake.

"Synier, may I ask you a question?"

"Hmm?" Sagot ko ng hindi siya nililingon.

"It is personal, okay lang?"

"Ano ba yun?"

"Bakit ka nagpakasal kay Xander?" Napahinto ako sa ginagawa ko dahil sa tanong niya.

"Para ma-isalba ang company nila."

"Yun lang yung reason mo?" Natatawa niyang tanong.

Para malaman ko ang plano ng pamilya niya sa pamilya ko.

Ngayong alam ko na, wala na akong dahilan para manatili pa dito maliban kay Xy.

"Bakit? May iba pa ba dapat?"

"H-Huh? I... I thought there's other reason why you agreed."

"Alam ko naman na may gusto ka kay Xander una pa lang, di naman ako tanga para di ko yun maramdaman."

"H-Huh? H-Hindi ah."

"Kaya lang, hindi ka niya gusto, pero itong si Zach, patay na patay sa'yo." Natatawa kong sabi.

"H-Huh?"

Kung hindi pa nalasing si Zach di ko pa malalaman.

"Wag kana tumanggi, alam ko ang lahat sa inyo." Sagot ko.

Hindi na kami nag imikan dahil nahiya ata siya bigla. Nang matapos ako ay dala ko ang dalawang maleta ko, si Mia naman ay yung isa kong maleta ang dala.

Mabuti na lang at wala dito si Xander, sana lang di kami maabutan.

"Synier, bilisan na natin." Tarantang sabi ni Mia at inunahan akong pumunta sa kotse. Kaagad niyang binuksan ang compartment ng kotse at inilagay doon ang mga gamit ko.

"Bakit? Anong nangyayari?" Taka kong tanong.

"H-Huh? W-Wala ah, baka lang maabutan tayo ng asawa mo." Sagot niya naman.

Tama, baka nga maabutan kami. Nang maayos na namin lahat ay sumakay na kami sa kotse. Sandali pa akong napasulyap sa bahay nang papalayo na kami.

Sana maging maayos ang buhay mo Xy, mag-iingay ka palagi.

Pansin kong parang balisa si Mia, palaging tumitingin sa side mirror at ang bilis magmaneho.

"Hey, okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong.

"May sumusunod sa atin." Sagot niya na nagpakaba sa akin. Napatingin din ako sa side mirror at may sumusunod nga na kulay itim na kotse. Hindi pa kami nakakalampas sa kagubatan na 'to, delekado pa.

"W-Who are they?" Kinakabahan kong tanong.

"Just hold on tight." Sagot niya at binilisan pa lalo ang pagmamaneho.

Fuck this mafia world.

Nang malapit na kami sa labas ay may nakita akong kotse na papasok.

"Mia, may kotse!" Sigaw ko sa kaniya dahil subrang bilis ng takbo niya.

"I know, kumapit ka ng mahigpit." Sagot niya naman sa akin.

"Wala kang dadaanan diyan, ihinto mo." Kinakabahan kong sigaw.

"Kapag huminto tayo, patay tayo." Sagot niya.

"What?!"

"Pagsinabi kong dapa, dumapa ka!" Mahigpit ang ginawa niyang paghawak sa manubela at ako naman ay sa upuan.

Ano bang nangyayari?

"Dapa!!!" Sigaw ni Mia at sinunod ko naman. Do'n ay rinig na rinig ko ang putukan na kotse ni Mia at tinatamaan.

"Mia?" Kitang-kita ko ang dugo na tumutulo galing sa kaniyang braso.

"H-Hawakan mo'to, barilin mo kung sinong makita mong papalapit." Sagot niya sa akin at inabot ang isang baril.

"I...I don't know how to use this." Sagot ko.

"B-Basta..ahhh." wala akong choice kundi ang gamitin 'to, may alam ako, hindi niya lang pwedeng malaman.

"Mia?" Pilyong tawag sa kaniya ng kung sino galing sa labas.

Dito na ba kami mamamatay?

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan ang una kong nakita sa recent calls ko.

"Help!" Umiiyak kong bulong.

["Fuck, where are you?"] Rinig kong sigaw ni Xander.

"Bahay." Tipid kong bulong habang umiiyak.

"Mia? Alam kong may kasama ka." Rinig na rinig na namin ang nga yapak nilang papalapit sa amin.

Napatingin naman ako kay Mia na namimilipit na sa sakit, ano bang gagawin ko?

"Mia, come out, come out wherever you are." Napapikit ako ng marinig ko siya malapit sa bintana sa side ko.

Bilisan mo Xander, please.

Subrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Sana pala pinagbukas ko na lang ang pag-alis hindi pa sana kami napahamak.

Sino ba sila in the first place?

Rinig kong sinusubukan niyang buksan ang pinto, dahil madilim ay hindi niya ako makita sa loob ng kotse.

"Fuck." Mura niya.

Maya-maya pa ay sunod-sunod na putukan na ang narinig ko. Sana si Xander na yan.

"Mia?" Tawag ko sa kaniya pero hinang-hina na siya.

"Boss, si Black." Rinig kong sabi ng isa sa kanila.

"Tangina, anong ginagawa niyan dito?!" Inis na tanong niya.

Tatayo na sana ako para tulungan si Mia pero rinig kong binasag ang salamin ng kotse ni Mia kaya kaagad akong kinabahan dahil sa tapat ko ang binabasag.

Mahigpit kong hinawakan ang baril ko at itinutok yun sa bintana. Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Mia dahil hinang-hina na siya.

"Tangina, lumabas kayo diyan!" Sigaw nung lalaki sa labas.

"Boss, andiyan na sila!" Takot na sumbong naman nung isa.

"Hoy!!" Rinig kong sigaw ni Zach. Kaagad naman silang nagpaputok sa side ni Zach kaya nawala sa amin ang atensyon.

Humiga ako sa upuan at itinutok ang baril sa lalaki. Ayaw kong pumatay ng tao, pero sorry po.

Kinalabit ko ang gatilyo at pumikit, nakarinig naman ako ng pag-inda ng sakit kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko saka ko nakitang unti-unting tumutumba yung lalaki sa harapan ko.

"S-Sorry." Umiiyak kong sabi.

Maya-maya pa ay nandito na si Zach sa harapan ko, napatingin muna siya sa lalaking nakahandusay saka tumingin sa akin.

"Synier?" Tanong niya.

"Zach, tulungan mo kami, please." Kaagad kong binuksan ang pinto at inalalayan si Mia. "S-Si M-Mia."

"What?! Kasama mo si Mia?" Mabilis siyang umikot sa kabila at kinuha si Mia. "Mia, gumising ka, Mia?!"

Bumaba ako ng kotse at doon ko nakita kung gaano kagulo ngayon, nakita ko si Xander na nakikipag-away pa sa iba sa kanila.

Kinuha ko yung baril na hawak ko kanina at sumunod kay Zach papunta sa kotse niya.

"Bitawan mo yan, Synier!" Utos ni Zach.

"Anong bitawan? Gusto mo bang mamatay tayong lahat?!" Inis kong sigaw sa kaniya. Hindi na siya umalma at inilagay na si Mia sa kotse niya. "Bilisan mo, dalhin na natin siya sa hospital!" Umiiyak kong sagot.

"Hindi, hindi natin siya pwedeng dalhin sa hospital, ako na ang gagamot sa kaniya." Inis akong tumingin kay Zach.

"What?"

"Just trust me for this." Kinuha niya ang baril niya at tumingin kay Xander saka bumaba ng kotse at tinulungan ang kaibigan niya.

"Tangina, si Mia mauubusan na ng dugo!" Sigaw ko habang umiiyak pero hindi nila ako pinakinggan. Namimilipit na sa sakit si Mia. "Mia, sandali na lang."

Bumaba ako at pinuntahan sila.

"Tangina, pumasok ka sa kotse!" Sigaw sa akin ni Xander pero hindi ko siya pinakinggan.

Kinalabit ko ang baril na hawak ko at binaril ang nasa likuran namin. Hindi pwedeng titingin na lang ako do'n.

"Tapusin na natin 'to para magamot na si Mia!" Sagot ko pero tumutulo ang luha sa nga mata ko.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya.

"Synier!" Sigaw ni Xander at tumakbo papunta sa harapan ko.

Nanlaki ang mata ko makita kong may daplis siya sa braso. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat.

"Mamatay na kayong lahat!!!" Sigaw naman ni Zach at sunod-sunod na pinaputok ang baril niya. Hindi naman siya nabigo dahil ubos ang nga kalaban.

Nabalik ako sa ulirat ng tumuba si Xander sa akin kaya nasalo ko siya, pero pareho pa rin kaming natumba sa lupa.

"X-Xander?" Tawag ko.

"Ayos lang ako." Sagot niya naman at pinilit na tumayo. Inalalayan ko naman siyang tumayo.

"Tara na, kailangan nating magamot si Mia." Inalalayan din ni Zach si Xander papunta sa kotse.

"Zach, sa hospital na, bilisan mo!" Sigaw ko sa kaniya.

"H-Hindi nga pwede-"

"Bilisan mo na!!" Umiiyak kong sigaw sa kaniya.

Inis naman siyang nagmaneho papunta sa hospital. Hindi na nagsasalita si Mia pero inda siya ng inda ng kaniyang braso, si Xander naman ay nakahawak lang sa braso niya.

Nang nakarating kami sa pinakamalapit na hospital ay kaagad akong bumaba at inalalayan si Mia.

"Pakibilisan po," pagmamaka-awa ko sa mga staff at nurse na kumukuha ng hospital bed. Kaagad naman nilang dinala si Mia sa OR at si Xander naman ay sa ER.

Umupo ako sa upuan doon at si Zach naman ay pabalik-balik ang lakad at di alam kung saan pupunta.

Umiiyak kong tiningnan ang kamay ko na puno ng dugo ni Mia at ni Xander. Kasalanan ko talaga 'to lahat. Sana talaga di na lang ako nagpasama sa kaniya.

"Synier?" Tawag sa akin ni Zach at huminto sa harapan ko. "What happened? Bakit siya may bala sa braso?" Nag-aalala niyang tanong.

Umiiyak na lang din ako dahil pakiramdam ko ako ang sinisisi niya kung bakit nandito ngayon si Mia sa hospital. Hindi ko naman ginusto 'to, ni hindi ko nga kilala kung sino ang mga yun eh.

"H-Hindi ko alam!" Umiiyak kong sagot.

"Paanong hindi mo alam?! Ikaw ang kasama niya the whole time." Sigaw niya sa akin.

Tama, ako nga.

Umiiyak akong umiiling sa kaniya, napasambunot ako sa buhok ko at pinilit alalahanin lahat.

"P-Paalos na dapat kami... P-Pauwi sa b-bahay-"

"Saang bahay? Kay Xander?! Saan ba kayo galing?!"

"S-Sa b-bahay namin..." Umiiyak king sagot.

"What?!"

"T-Tinulungan n-niya akong k-kunin ang mga g-gamit ko sa b-bahay ni Xander..."

"Synier?! Bakit ka aalis sa bahay nyo?!"

"Ikaw ba, kapag nakita mo yung asawa mong may kahalikang babae, matitiis mo pang kasama siya sa iisang bubong?!" Sigaw ko sa kaniya at natahimik naman siya. "Ilang beses na akong nag-titiis, pero this time hindi ko na kaya!" Dagdag ko habang sunod-sunod na tumutulo ang luha sa mga mata ko. "Kaibigan mo siya, alam mo kung anong mga ginagawa niya, pero minsan ba naisip mong sabihin sa akin lahat?! Di ba hindi?! Kaya wag mo akong tatanungin kung bakit aalis ako sa bahay na yun?! Sawang-sawa na ako!"

"P-Paano si Xy?" Mahina niyang tanong.

"Nakaya niyang wala ako dati, kaya niya din ngayon," sagot ko. "Ikaw na din ang nagsabi na umalis na ako do'n dahil nanganganib ang buhay ko, kaya wag mo'kong sisihin."

"Pero bakit nando'n si Mia?! Bakit siya pa?!"

"Sa tingin mo sinong lalapitan ko?! Sa tingin mo ba may kaibigan ako?! Sa ginagawa sa akin ng kaibigan mo para akong preso na nakakulong sa bahay na yun, walang kasama kundi si Xy, sa tingin mo sinong tatawagin ko?!" Sigaw ko sa kaniya. "Si Mia ang tumawag sa akin matapos kung mahuli si Xander na may kahalikang babae sa office niya kanina, kaya siya na lang din ang sinabihan king tulungan akong kunin ang mga gamit ko sa bahay." Dagdag ko.

Pero nagtataka ako kung bakit si Mia ang hinahanap nila, hindi ba dapat ako? Dapat ako yung patayin nila at hindi si Mia dahil asawa ko si Xander?

Pareho kaming natahimik, iyak ko na lang ang naririnig ko dahil ang buong hospital ay tahimik na dahil nagpapahinga na ang iba. Hating gani na ba naman kasi.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor galing sa ER, tapos na nilang gamutin si Xander.

"Maayos na ang pasyente, kailangan na lang niya ng pahinga para mabilis gumaling ang sugat niya." Sabi ng doctor at iniwan kami.

"S-Si M-Mia po?" Umiiyak kong tanong.

"Nasa OR pa rin po sila Ma'am." Sagot naman ng isang nurse.

"Please po, gawin nyo po lahat ng makakaya nyo." Sabi naman ni Zach na tinanguan lang nila.

Umupo ulit ako sa upuan at napatulala.

"Hindi mo ba pupuntahan ang asawa mo?"

"Hindi ko pa siya kayang harapin." Sagot ko naman. Napahinga ng maluwag si Zach bago tumayo at pumasok sa loob.

Pagod na akong magpanggap na okay lang kami, na okay lang lahat ng nakikita at naririnig ko. Nakakapagod din. Nung una, gusto ko lang naman mabuhay ng masaya, pero dumating sa buhay ko si Xander, lalo lang gumulo eh, lalo lang pinalala ang sitwasyon.

Paano na ako nito babangon sa umaga?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro