KABANATA 31
A/N: sorry for the long update, busy lang po sa school hehe. May maganda akong balita HAHAHAHA siyempre maganda na ako HAHAHAHA anyway, 1st place ako sa poem writing na sinalihan ko huhu, I'm so proud of myself, kala ko di na ko mananalo eh HAHAHAHA. Yun lang skl.
___
SYNIER FRUXELL-HENTROV
Pagkatapos naming mag-usap ng babae na yun ay umuwi na ako, nakalimutan ko pa lang itanong sa kaniya kung anong pangalan niya.
Nakakapagtaka lang dahil yung maskara niya ay kagayang-kagaya sa mga naka-maskara noong pumunta kami sa isang Mall dahil may event doon at bigla na lang nagkagulo at lumitaw ang kung sino-sino.
Hindi kaya kalaban siya ni Xander? Hindi kaya isa siya sa nga nando'n? Pero bakit niya pa ako tinulungan? Dapat di ba pinatay niya na ako at ginamit na pain para kay Xander?
Napahinto ako sa pagpasok sa bahay nang biglang pumasok sa ala-ala ko yung ginawang pagpatay ni Xander sa babae kanina. How can he be so rude like that? Hindi lang siya basta isang masamang tao, mamamatay tao pa.
Paano mamahalin ang isang kagaya niya?
Lumuluha akong pumasok ng bahay, parang ang hirap na ihakbang ang mga paa ko papasok dito, isang kriminal ang kasama ko. Sa huli ay wala din akong nagawa kundi ang pumasok sa bahay.
Paakyat na ako sa kuwarto ko ng bigla naman may mag doorbell. Alam kong si Xander yun dahil wala pa yung kotse niya pag-uwi ko, mabuti na lang at hindi niya ako naabutang wala dito sa bahay.
Hindi naman naka-lock ang pinto kaya pwede niya yung buksan, ayaw ko pa siyang makita, hindi ko pa kaya.
Hahakbang na ulit sana ako paakyat pero may bigla na lang sumigaw sa labas.
"Synier, gising ka pa ba?!" Boses yun ni Zach, dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto para pagbuksan siya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Xander na hawak-hawak ni Zach sa kaniyang balikat.
"Anong nangyari diyan?!" Taka kong tanong. Nasugatan ba siya?
"Wag ka mag-alala, lasing lang siya." Sagot naman niya. Pumasok siya sa loob ng bahay at inalalayan si Xander papunta sa couch.
"Bakit ngayon lang kayo umuwi? Saan ba kayo galing at lasing na lasing yan?" Kunwari kong tanong.
"Napadami lang ang inom niya, may problema ata eh, nag-away ba kayo?"
Sinungaling.
"Wala naman, ang aga niya nga umalis kanina eh," sagot ko. Pati sa'yo Zach, ang hirap na ring magtiwala.
"Kausapin mo na lang siya bukas, kailangan ko na talagang umuwi." Sagot niya naman.
Hinatid ko naman siya hanggang sa labas ng pinto at nagpaalam na. Pagbalik ko sa couch ay gano'n pa rin si Xander at tulog na tulog.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa'yo. Ang sama mong tao.
Baka tama nga yung babae kanina.
"Alam mo Synier, minsan gusto ko na lang maging stars sa langit, liliwanag kapag madilim." Napatingin naman ako sa langin. Walang buwan pero maraming stars.
"Ako, gusto ko lang maging masaya." Sagot ko dito.
"Sa buhay na pinasok mo ngayon, hindi ka magiging masaya, kasama mo ang hari ng impyerno eh." Natatawa niyang sagot.
"Ang hirap pala talaga ng walang kaibigan 'no? Wala kang mapuntahan kaoag kailangan mo ng kausap, wala kang malapitan kapag malungkot ka-"
"What do you mean? Wala kang kaibigan?" Taka niyang tanong.
"Wala, ayaw ko kasing magtiwala sa tao, pero ngayon hindi ko alam kung bakit sumama ako sa'yo." Natatawa kong sagot.
"Isa lang ang ibigsabihin niyan, mapapagkatiwalaan ako, at isa pa pwede mo naman akong maging kaibigan, you can always call on me, lagi akong available para sa'yo." Sagot niya naman.
"Paano mo nga pala ako nakilala?"
"Matagal na kitang kilala, isa kayo sa mayamang pamilya hindi ba? So sa tingin mo walang makakakilala sa'yo? Lalo ka pang nakilala ng tao nung nagpakasal ka kay Xander." Sagot niya naman.
"Una pa lang ayaw ko na sa plano nila Daddy, pero dahil gusto ko ring malaman kung bakit biglang bumait sa amin ang pamilya niya, pumayag na ako, at ngayon nga na nalaman ko, hindi ko naman alam ang gagawin ko." Nanlulumo kong sagot.
Totoo ngang yun ang una kong plano, pero ano na ang susunod? Hahayaan ko na lang na patayin nila kami?
"Ede tuturuan kita." Napatingin naman ako sa kaniya.
"Ng?"
"Kung paano lumaban, kung paano ipagtanggol ang sarili at ang mahal sa buhay, gusto mo ba?" Nag-isip naman ako.
Kapag marunong akong ipagtanggol ang sarili ko, alam ko na ang mga gagawin ko.
"Sige." Sagot ko.
"Lahat ng nakapaligid sa'yo hindi totoo, lahat ng nakikita ko, pawang kasinungalingan lamang, maging si Xander na 'yong asawa ay demonyo, mag-iingat ka."
Yun ang huli niyang sinabi bago tumayo at sumakay sa motor niya.
"Sandali-"
"I will call you." Sagot niya at mabilis na nagpatakbo ng motor.
Paano ko makikilala ang mga taong totoo sa akin? Paano ko makikilala ang nagpapanggap lang?
Tumayo ako at aalis na sana para magpahinga sa kuwarto ko, pero aalis na sana ako nang biglang hawakan ni Xander ang kamay ko.
"Where are you going?" Lasing niyang tanong, napatingin naman ako sa kaniya pero nakapikit pa rin siya.
"M-Mag papahinga sa kuwarto ko." Sagot ko naman.
"D-Don't leave me... P-Please..." Napatigil ako sa sinabi niya.
Nakakunot ang noo akong umupo habang hawak niya ang kamay ko na subrang higpit na parang ayaw niya na akong bitiwan.
Ano bang nangyayari sa'yo?
Nananaginip ba siya? Imposible naman na malaman niyang aalis ako sa tabi niya dahil mahimbing ang tulog niya.
"I can't leave without you." Dagdag niya pa.
Nananaginip nga.
"I swear, I didn't kiss her." Ano bang panaginip yan? May kaaway? Selosan?
Pilit kong tinatanggal ang kamay ko na hawak niya, pero pahigpit ng pahigpit ang pagkakakapit niya dito.
"Xander, masakit na." Reklamo ko at pilit siyang ginigising.
"Please... Don't..." Napatingin ako sa kaniya ng bigla na lang tumulo ang luha niya.
The hell?
"Don't leave me, I love you..." Napahinto ako sa ginagawa ko habang pinagmamasdan siyang umiiyak.
Sinong umaalis? Gano'n ba kahalaga ang taong yun sa kaniya? Babae ba?
Dahil hindi ko naman alam kung sino yun, dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa mukha niya. Naaawa ako sa kalagayan niya ngayon, kanina ang tapang-tapang niya, ngayon naman ay parang batang umiiyak dahil iiwan ng nanay.
Tumigil siya sa pag-iyak nung lumapat na ang kamay ko sa mukha niya.
"I won't leave you." Bulong ko.
Lumuwag ang pagkakakapit niya sa kamay ko atang isa niya namang kamay ay kinuha ang kamay kong nasa mukha niya at dinala yun sa labi niya para halikan.
"I love you... I love you... I love you..." Paulit-ulit niyang sabi.
Bigla na lang tumulo ang luha ko, bakit ako nasasaktan? Bakit parang sakit makita siyang ganito? Hindi pwede, hindi ka pwedeng mahulog sa patibong niya. Kailangan mong umalis sa buhay niya kung gusto ko pang mabuhay.
Dali-dali akong tumayo nung kumalma na siya, mabilis akong umakyat sa kuwarto ko at sinara yun. Bigla na lang akong napa-upo sa sahig sa di malamang dahilan, sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
Paano na? Tuluyan na ba talaga akong nahulog sa kaniya? Hindi ko kayang tanggapin sa buhay ko ang kagaya niyang mamamatay tao. Pero bakit hirap na hirap ako?
Bakit?
___
ZACHARY KLIENS
"Where are you? Pauwi na ako."
"I'm still at the party, bye." Napakunot ang noo ko dahil sa sagot niya. The hell? Hindi man lang siya nagpaalam sa akin?
I try to contact her again pero hindu ko na matawagan ang number niya, ayaw talagang magoa istorbo eh.
Wala na rin naman akong nagawa kundi ang umuwi sa condo ko, hindi na muna ako pupunta sa condo niya. Pagdating ko sa condo ko ay kaagad akong pumasok sa kuwarto ko para magpahinga.
Nakakapagod ang araw na 'to. Hindi ko alam kung saan ako kakampi, hindi ko alam kung sinong dapat kong tulungan. Masama na ba akong tao? Ayaw kong pumatay pero wala akong choice.
"Paano kapag pamilya mo ang pinatay niya?"
Fuck. Tama na, ito na naman tayo.
Pinilit kong ipikit ang mga mata ko at matulog, pero wala pa ring epekto. Pagod na ako at gusto ko ng matulog pero ayaw akong patahimikin ng isip ko.
"Paano ka ba naging kaibigan ni Ace? Gaano ba kalaki ang utang na loob mo sa kaniya at bakit hinding-hindi mo siya maiwan?"
Kung alam nyo lang kung gaano kalaki ang natulong niya sa akin, gustuhin ko mang iwan siya, di ko magawa.
Napahawak ako sa ulo at sinambunutan ang sarili ko. Paano ba ako mapapayapa? Paano ba matatapos lahat ng 'to?
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yun.
Mama.
Kaagad ko yung sinagot at mabilis na tumayo.
"Ma, may problema po ba?" Nag-aalala kong tanong.
["Ang Papa mo kasi..."] Nataranta ako ng marinig ang boses ni Mama. Umiiyak.
"Bakit po? Ano pong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.
["Nandito kami ngayon sa hospital, sinugot namin siya dahil inatake siya sa puso kanina, anak... Kailangan namin ng tulong mo... Kailangan na siyang ma operahan kaagad."]
Mabilis akong bumaba ng condo ko at pumunta sa kotse ko.
"Saang hospital po yan? Papunta na po ako."
Matapos masabi sa akin ang address aya kaagad na akong nag drive papunta doon. Habang nasa byahe ay isang tawag na naman ang na received ko.
["Where are you?"] Lasing na tanong ni Mia. ["Pick me up please?"]
"Mia, may kailangan akong puntahan na mas importante, please?"
["Saan? Sa babae mo?"]
"Fuck, Mia, wala ako sa mood magpaliwanag ngayon-"
["Mas importante pa ba yan kaysa sa akin?! I'm girlfriend!"]
"Girlfriend lang kita kapag kailangan mo ng boyfriend! You not even love me, Mia!" Natahimik siya sa sigaw ko. "I'm sorry, but I'm in a hurry." Kaagad ko ng pinatay ang tawag at nag focus sa pagmamaneho.
Sana naman walang mangyaring masama kay Papa. Kailangan ko pang bumawi sa kaniya, gusto ko pang mapatawad niya ako.
Nang makarating ako sa hospital na sinabi ni Mama ay kaagad akong pumunta ng counter.
"Iniego Kliens?" Kaagad kong tanong. Tinitigan lang ako ng nars kaya mabilis akong nainis. "Miss, where's my father's room?!" Sigaw ko sa kanila. Mabilis naman siyang naghanap sa log book nila.
"E-Emergency room, sir." Mabilis ko na silang tinalikuran at pumunta sa emergency room, nakita ko naman kaagad si Zian at Mama.
"Kuya..." Umiiyak na lumapit sa akin si Zian at si mama naman ay tumayo.
"Nasaan po si Papa?" Mabilis kong tanong.
Hindi pa nakakasagot si Mama ay lumabas na amg doctor galing sa loob.
"Where's the family?" Mabilis naman kaming lumapit ni Mama.
"Kumusta na po si Papa?" Kaagad kong tanong.
"Sa ngayon hindi maganda ang kondisyon niya, kailangan na namin siyang operahan para maagapan ang sakit niya, hindi nyo ba alam na may sakit siya sa puso?" Umiling naman si Mama.
"Doc, gawin nyo na po ang lahat, please po, pagalingin nyo po ang Papa ko." Paki-usap ko.
"Doc, pagalingin nyo po si Papa." Umiiyak na sabi ni Zian.
Si Mama ay hindi na makasalita sa kakaiyak.
Tumango namam ang Doctor at kaagad na pumasok sa emergency room. Ilang sandali pa inilabas na nila si Papa na wala pa ring malay, maraming mga hose na naka-kabit sa kaniya. Sinundan namin siya hanggang sa labas ng Operating room.
Kaagad naman akong niyakap ni Mama at Zian na iyak pa rin ng iyak.
"Zach..." Hinagod ko ang likod ni Mama para pagaanin ang loob niya, pero maging ako ay naiiyak na rin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, paano ko babayaran ang hospital bills? Saan ako kukuha ng pera?
Sa kita nyo ni Ace.
Hindi ko pwedeng galawin yun, hindi ko pwedeng pakialaman ang pera ng iba. Ayaw kong ibigay kay Papa ang galing sa masama. Paano?
Lahat ng binibigay na pera sa akin ni Ace ay nasa bangko lang, although sa akin na yun pero ayaw kong gamitin yun para sa pamilya ko. Kung pwede ko nga lang tanggihan ang binibigay niya sa akin gagawin ko eh, pero hindi pwede eh, dahil once na hindi ko tinanggap yun ay ako ang papatayin niya.
Mahilig ako magpanggap pero tangina, paano ko itatago itong nangyayari sa akin ngayon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro