Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 18

A/N: 2024 na, dapat magbago na kayo HAHAHAHA choss. I hope 2024 is good to us, wala na sanang iyakan na magaganap sa taon na 'to. Pagod na pagod na yung mata ko nung 2023 jusq, sa dami ng problema hindi ko alam kung paano ko yun nalampasan pero salamat sa Ama at hindi niya ako pinabayaan. Kaya kayo rin, sana maging maganda na ang 2024 para sa ating lahat 😽❤️

___

XANDER ACE HENTROV

"Sino pa ang mga kasabwat mo?!" Mahinahon kong tanong sa isa kong tauhan, pero hindi na ngayon.

"W-Wala na..." Matapang niyang sagot kahit hindi na siya makilala dahil sa mukha niyang puro dugo at makatali pa ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang likuran.

"Wala?! Sigurado ka?!" Natatawang tanong ni Zach.

"Wala na!!" Sigaw niya.

Nakakairita ang kaniyang boses. Kinuha ko ang baril sa lamesa at kinasa yun.

"Gaano ba kasakit matamaan ng bala sa ulo?" Tanong ko at tumingin naman sila sa aking lahat, kita sa mata ng lalaki na 'to ang takot ng makita niya ang baril na hawak. "Hindi ka ba natatakot sa pwede kong gawin kapag nalaman ko kung sino ang kasama mong nagta-traydor sa akin?!" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Hindi!" Sigaw niya. "Dahil balang araw, babagsak ka din, mag-iingat ka lalong-lalo na ang asawa't anak m-" hindi ko na siya pinatapos at pinutukan siya sa ulo.

"Itapon nyo kung saan makikita ng publiko." Utos ko.

"Yes Master." Sagot naman ni James at Zach.

Nagkamali siya ng binutawang salita, may balak pa akong buhayin siya hangga't hindi pa nakikita ang kasabwat niya, pero dahil sa sinabi niya ay nairita ako. Natakot din ako para sa pamilya ko, alam kong hindi madali para kay Synier ang tanggapin lahat pero kailangan niya ng malaman ang totoo kong pagkatao.

Mabilis na akong umuwi ng bahay kahit hindi pa 7 pm, dahil sa pag-aalala. This is the first time I feel this. Ngayon lang ako kinabahan sa buong buhay ko. Bawat araw na lumilipas simula nung nagpakasal ako ay lagi na akong ganito, hindi ako mapakali hangga't hindi ko nasisigurong ligtas ang pamilya ko.

Anong ginawa mo sa akin Synier?

Nang makauwi ako ng bahay wala akong nadatnan sa sala kagaya ng lagi kong nadadatnan sa bahay na naunuod si Synier at Xy ng TV.

"Synier? Xy?" Sigaw ko.

Napatingin naman ako sa pinto palabas ng pool. Nando'n si Syniet at Xy, kumakain.

Naglakad ako papunta doon at kita ko ang panlalaki ng mata ni Synier.

"I thought, 7 pm pa ang uwi mo?" Gulat niyang tanong.

"Hindi ba ako pwedeng umuwi ng maaga?" Tanong ko sa kaniya at umupo katabi ni Xy.

"Hindi." Sagot niya naman kaya napatingin ako sa kaniya. "Hindi pa kasi ako nakakaluto ng hapunan." Sagot niya naman at nakangirit pa.

"Ako na magluluto." Sagot ko.

Tumayo na ako at nagbihis muna ng pambahay bago bumaba sa kusina at nagluto.

___

SYNIER FRUXELL-HENTROV

"Anong nakain ng Daddy mo?" Taka kong tanong kay Xy.

Nagkibit-balikat naman siya bilang sagot saka magpatuloy sa pagkain ng graham cake.

Hindi pa nakakailang minuto ay bumalik si Xander, nakabihis na siya ngayon ng pambahay.

"Magbihis kayo." Utos niya.

Ehh?

"Bakit?" Taka kong tanong.

Ano na naman kayang gagawin namin?

"Pupunta tayong bayan, mamimili ng kailangan dito sa bahay, and doon na rin tayo mag dinner." Hinila niya na si Xy na tuwang-tuwa dahil sa wakas, pumayag din siyang lumabas kami.

Ilang linggo na rin nung huli akong nakalabas, kaya hindi ko ma pinalampas pa. Agad akong nagbihis sa kuwarto ko.

I tie my hair as a ban, and nagsuot lang ako ng white dress. Puro dress talaga ang damit ko kahit nasa bahay ako dahil ito na ang nakasanayan ko simula nung nando'n pa lang ako sa mansion.

Pagbaba ko sa sala ay nakahanda na sila, pareho silang bihis na bihis dalawa. Kulang na lang ay magkapareho sila ng suot.

"Hindi naman ako na inform na kailangan pala ay naka black." Sabi ko nang tuluyan na akong nakababa. Paano, pareho silang naka itim. Si Xander naman ay naka long sleeve lang na black, si Xy naman ay naka black na t-shirt. Plain lang yun pareho maliban kay Xander na may kunting tatak sa gilid.

"Tara na." Hinawakan ako ni Xy sa kamay palabas at si Xander na ang nagsarado ng bahay.

Ito na naman tayo sa mabaho niyang kotse.

"A-Ahm... P-Pwede bang ibang kotse naman ang gamitin natin ngayon?" Nahihiya kong tanong kay Xander. Tumingin naman siya sa akin na parang nagtatanong kung bakit ayaw ko ng kotse na lagi niyang ginagamit. "Honestly, hindi ko gusto ang amoy ng kotse mo, hindi ako nakakahinga ng maayos." Pag-amin ko.

Dapat lang malaman niya ang dahilan kung bakit ayaw kong sumakay. Dahil siguradong sa kotse niya na ako lagi sasakay, tutal madami naman siyang kotse eh, bakit hindi palitan?

Wala siyang nagawa kundi ilabas ang isa niya pang kotse. It's Lamborghini Huracán  na black.

"Hop in." Sumakay ako sa passenger seat at si Xy naman ay sa likod. Inayos ko ang seatbelt niya bago ko inayos ang sa akin.

Nang maayos na ang lahat ay nagsimula ng magmaneho si Xander. Mabuti na lang iba ang amoy ng kotse na 'to kaysa sa kotse niyang isa.

"Daddy, where are we going?" Tanong ni Xy sa likuran, dala-dala niya ngayon yung robot niyang laruan.

"Market, restaurant, and Mall." Tipid na sagot naman ni Xander.

"Anong gagawin natin sa Mall?" Taka kong tanong, akala ko kasi mamimili lang kami ng mga kailangan sa kusina, hindi ko naman alam na wala na palang pagkain sa bahay.

Hindi naman ako sinagot ni Xander kaya hindi na long ako magsalita ulit. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang bayan dito sa bahay namin pero mabilis kaming nakalampas sa mga punong nadadaanan namin.

Puro na ngayon building ang nakikita namin, bakit kaya sa maraming puno na yun pinatayo ni Xander yung bahay niya? Wala man lang kapitbahay miski isa.

"Kumain muna tayo." Hininto niya ang kotse sa harapan ng isang luxury restaurant, kaya napanganga ako.

Gusto ko na ulit kumain sa mamahaling restaurant kaya naman hindi na ako nagreklamo. Na miss ko na yung masasarap na pagkain.

Nang makapag-park si Xander ay nagulat ako dahil maraming body guards sa harapan ng restaurant kaya napatingin ako kay Xander.

"Pinauna ko na sila dahil baka pagkaguluhan tayo." Yun lang ang sinagot niya kahit hindi pa ako nagtatanong.

Wala na din akong nagawa dahil nagugutom na rin ako. Pagpasok namin sa restaurant ay nasa pinto pa lang kami bigla na lang silang yumuko kaya napahigpit ang kapit ko kay Xy.

Nakakailang.

Hindi pa rin ako sanay na may mga body guards, dapat talaga payapa ang buhay ko ngayon kung hindi ako pinakilala.

At tama nga si Xander dahil bigla na lang nag dagsaan ang mga media sa labas ng restaurant. Parang wala namang pakialam doon si Xander kaya napakunot ang noo ko.

Lalo pa akong nagtaka ng hawakan niya ang kamay ko at hilain na kami papasok sa loob. Walang tao sa loob maliban sa mga crew na mag-aasikaso sa amin.

Ano ba naman 'to, binayaran niya pa ata itong buong restaurant.

Inabot sa akin ni Xander ang menu at hindi pinapakialaman yung mga tao sa labas na nag-iingay. Hindi naman ako maka focus dahil ang ingay nila. Napatingin sa akin si Xander at maya-maya pa ay huminga ng malalim. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan.

"Get them out of this place, my wife can't eat properly." Kunot-noo niyang utos.

Naistatwa naman ako dahil sa sinabi niya. Kaya ang ginawa ko na lang ay tumingin sa menu at naghanap ng pwedeng kainin.

Nang makapili na ako ay inorder na yun ni Xander, may lumapit sa aming waiter at sinabi naman namin kung anong order namin.

"Mommy, bakit po maraming tao sa labas?" Tanong ni Xy. Paano ko naman 'to sasagutin?

"It's because your Daddy is a famous." Bulong ko naman, busy kasi si Xander sa cellphone niya.

"Ikaw ba hindi?" Tanong niya naman. Napanganga na lang ako ng biglang sumabat si Xander.

"She's famous than me, your Mommy is beautiful that's why they're following us."

Fuck.

Ang bilis nh tibok ng puso ko, minsan lang siya magbigay ng mga ganiyang salita kaya nakakagulat. Gutom lang yan.

Gano'n pala ang feeling kapag pinuri ka ni Xander na dakilang demonyo. Marunong rin pa lang magbigay ng compliment.

Nang dumating ang order namin ay agad na kaming kumain dahil pare-pareho kaming gutom. Anong oras na ba naman kasi 'to tapos wala pa kaming dinner.

Napapikit ako ng malasahan ko ang sarap ng pagkain. I miss this taste. Sawang-sawa na ako sa luto kong hindi ko malaman kung anong lasa, feeling ko mga pinagti-tiyagaan lang yun ni Xander kasi wala siyang ibang kakainin. Nanawa na siguro siya kaya naisipan niyang sa labas kami kumain ng hapunan.

"Mas masarap pa rin ang luto mo dito." Rinig kong bulong ni Xander. Ramdam ko ang bilis ng pamumula ng pisnge ko.

Ano bang nakain nito at panay ang puri sa akin?

Baka naman pinagti-tripan lang ako ng walang hiya? Hindi ko na lang yun pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain para itago ang kaba sa dibdib ko.

Pero sa totoo lang gusto ko ng magwala dahil sa sayang nararamdaman ng puso ko ngayon.

Nang matapos kaming kumain ay umalis na rin kami sa restaurant kaagad. Mabuti na lang talaga umalis yung mga media kanina nung inutos ni Xander.

Pumunta kami ng market kung saan mamimili kami ng mga kailangan sa kusina, pwedeng lutuin at stock na rin.

Kumuha kami ng tatlong shopping cart, yung dalawa ay tulak-tulak ni Xander at ako naman sa isa, nakasakay pa si Xy sa cart ko at siya ang turo ng turo ng mga pagkaing gusto niya. Sa cart naman ni Xander ay puro pagkain sa kusina. Sa kabilang cart naman ay mga delata at noodles and others na pwedeng pangmatagalan.

"Wala ka bang gustong bilhin?" Tanong sa akin ni Xander.

"Wala naman," sagot ko sa kaniya. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga mamahaling gamit, siguro pagkain pwede pa. Pero halos lahat naman nabili na namin, kulang na nga lang bilhin na ni Xander itong buong grocery eh. "Punta na lang muna tayo doon, kukuha lang ako ng harina, gusto ko matuto mag bake ng cake." Turo ko sa isang station kung saan nakalagay ang mga pang-baked.

Tumango naman siya at naunang pumunata roon, iniwan niya muna yung tatlong shopping cart doon malapit sa counter at kumuha pa ng dalawa. Sumakay muli sa isa si Xy pero doon na siya kay Xander na cart.

Mabilis naman kaming nakakuha ng mga kailangan namin, dahil halos lahat pinang-lagay na ni Xander sa cart. Hindi man lang tiningnan kung tama ba yung kinukuha niya.

"Mommy, I want an ice cream." Napatingin naman ako sa tinuro ni Xy, at yun nga, halos lahat ng flavor kinuha na ni Xander.

Natawa na lang ako sa dami ng pinamili namin. Nakakunot naman ang noo ni Xander habang binibilang sa counter ang mga binili namin. Subrang dami nun kaya tatlong cashier ay nagtulong-tulong para mabilang ng mabilis. Marami pa rin kasing nakapila kaya nagmamadali na sila.

Madilim na sa paligid ng makalabas kami ng grocery, tinulungan naman kami ng ilang boy para ilagay yung nga binili namin sa kotse ni Xander, sila lang pala, mabigat kasi yun kaya sila lang ang nag buhat. Akala ko pupunta pa kami ng Mall, pero mukhang hindi na dahil nag drive na pauwi si Xander. Wala din naman akong bibilhin do'n kaya hinayaan ko na lang.

Pag-uwi namin ng bahay ay kaagad kong sinamahan si Xy sa kuwarto niya dahil pagod na daw siya at gusto niya ng matulog.

Matapos ko siyang mabihisan ng pantulog niya at ay inihiga ko na siya sa kama niya at tinabihan. Kagaya ng lagi kong ginagawa ay nagku-kwento ako para makatulog siya, mabuti na lang sinabi ni Zach sa akin kung paano patulugin si Xy.

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako katabi si Xy, pero ang ipinagtaka ko lang nang magising ako ay may kumot na ako na hindi ko naman inilagay kanina dahil ang plano ko lang talaga ay patulugin si Xy.

Ni hindi pa nga ako nakakabihis eh, ilang beses na 'tong nangyayari pero binabalewala ko lang. Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Xy bago lumabas ng kuwarto niya. Bumaba ako sa kusina ng makaramdam ng pagka-uhaw. Nagtaka ako dahil bukas pa ang ilaw sa sala at kusina.

Hindi pa ba tulog si Xander?

At tama nga ako, nag-aayos pa siya ng mga gamit sa kusina, yung mga pinamili namin kanina ay ang iba inilalagay niya sa refrigerator at ang iba naman ay sa cabinet.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Pwede namang bukas na yan?" Tanong ko saka kumuha ng tubig sa ref.

"Marami akong trabaho bukas." Sagot niya.

"Pwede namang ako na lang ang mag-asikaso niyan, matulog kana, maaga ka pa bukas aalis." Sagot ko. Huminto naman siya at tumingin sa akin.

"Ayaw kong mahirapan ka." Seryuso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko mg deritso.

Ano bang nangyayari sa'yo?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro