Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 13

A/N: I'm proud of myself HAHAHAHA wala lang, proud lang ako HAHAHAHA di joke lang, I'm so proud of you'll because you made it this far, mag-iingat kayo palagi at kapag may problema kayo, wag kayong mahihiyang mag open up sa mga kaibigan nyo, at least kahit papaano ay gumagaan ang nararamdaman nyo, wag nyong hayaang lamunin kayo ng kalungkutan, that's not good in our health, pakatatag lang tayo palagi and think positive thoughts okay? Iloveyou all, mwuah 😽❤️

___

XANDER ACE HENTROV

"What's that?" Mabilis kong naisara ang maliit na box at tinago yun kung saan nakalagay.

"Why are you here? Do you need anything?" Kunot noo kong tanong kay Zach.

"I'm here to tell you that your wife cook an amazing adobo for you, but you didn't go home that's why you didn't taste it." Umupo siya sa upuan ko at pinaglaruan ang ballpen ko.

"Pumunta ka sa bahay?" Taka kong tanong.

"Bakit parang galit ka? Lagi naman akong pumupunta do'n ah," Napangisi siya bago tumayo. "Binisita ko lang si Xy, but your wife is improving, hindi siya sanay na gawaing bahay pero ang galing niya magluto. Another achievements of Synier, I'm very proud of her." Tumayo siya at pumunta sa pinto.

"If I were you, I'll go home immediately. Sayang yung effort ni Synier, hindi mo naa-appreciate yung mga bagay na ginagawa niya para sa pamilya mo, tingnan mo, unti-unti niya ng natatanggap si Xy kahit hindi niya naman tunay na anak, siya yung nag adjust para sa'yo kahit lagi mo siyang pinapahirapan, and also ang dami niyang sugat dahil sa nga bagay na gusto mong gawin niya." Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. May point siya pero dapat lang sa kaniya yun dahil sa ginawa ng pamilya niya sa amin.

"Hindi mo man aminin sa akin, alam kong may puso ka Ace, hindi mo pwedeng pigilan ang puso mong magmahal ulit, alam kong natatakot kang sumugal uli dahil iniisip mong masasaktan ka na naman, pero isipin mo, kasal na kayo ni Synier, kahit ayaw nyo sa isa't isa nakatali na kayo habang buhay," lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Bakit hindi mo subukang buksan ulit ang puso mo at subukan ulit magmahal? I'm saying this as your best friend, kasama na kita simula pagkabata at alam ko ang tumatakbo sa isip mo. Forgot your past, Ace, hindi habang buhay magkukulong ka sa nakaraan mo."

"She need to pay-"

"Pay for what? Sa kasalanang hindi niya naman ginawa? Mabuting tao si Synier, hindi kailan man nagkaroon ng kaugnayan si Synier sa pagkamatay ni Cassandra and your parents."

"But she's fucking Fruxell."

"Fruxell siya, pero wala siyang alam sa nangyari sa nakaraan!" Sigaw niya sa akin.

"Umuwi kana." Utos ko dito.

"Kung nabubuhay si Cassandra ngayon, malamang nabatukan ka na kahit matangkad ka sa kaniya. Hindi mo ginagamit ang utak mo kahit matalino ka, nakain kana ng galit at poot, nabalot na ang puso mo ng paghihiganti at hindi ka na marunong magmahal." Iling-iling niya akong tinalikuran at lumabas ng pinto.

"Tandaan mo, hindi pa sigurado kung may kinalaman nga ba ang pamilya ni Synier sa pagkamatay nila." Pahabol niya bago ko narinig ang pagsara ng pinto.

Napapikit ako dahil sa inis sa sarili, inis na inis ako dahil tama si Zach, all this time ang nasa isip ko lang ay pahirapan si Synier at gumanti sa pamilya niya. Anong magagawa ko? Sinaktan nila ako at parang pinatay na rin nila ako dahil sa ginawa nila.

"Ace, let's go, kailangan na nating magmadali." Tawag sa akin ni Cassandra, lumapit naman ako kay Mommy at Daddy at nagtago sa likuran nila.

"Ano ba yan Ace? Pumasok na kayo sa kotse." Utos naman ni Daddy. Tuwang-tuwa akong pumasok ng kotse at nagmadaling nagtago, kaya pagpasok ni Cassandra ay agad ko siyang ginulat.

"Ahhhhh!!!" Kunwaring sigaw niya. "Nagulat talaga ako Ace, grabe." Napasimagot naman ako ng makita ko siyang umirap.

Sumakay na rin ng kotse si Mommy at Daddy, si Daddy ang nagmamaneho ng kotse, I don't know where we going pero ang alam ko masaya ang araw na 'to.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang matataas na buildings na nadadaanan namin, hindi ko kasi makausap si Cassandra dahil naka headphones siya, ayaw magpa istorbo.

"Daddy, where we going?"  I ask him but he's busy talking to my mom that's why he can't hear me.

"I think Fruxell family is  also there." My Dad said.

"I also think of that, but it's not matters because we're there for a business not to argue with them." Sagot naman ni Mommy.

I don't know what they're talking about.

Maya-maya pa ay huminto na ang kotse at mabilis akong bumaba, akala ko kung saan kami pupunta pero isang mataas na building ang bumungad sa amin.

"Hey Ace, come on." Hinila na ako ni Cassandra sa loob, sumama na lang ako sa kanila dahil ayaw ko rin namang maiwan.

After a moment, the event start, hindi ko makita si Mommy at Daddy dahil sa dami ng tao, tanging si Cassandra lang ang kasama ko.

"Ice cream?" Tanong niya.

"Ayaw ko." Sagot ko naman. Hindi niya naman ako pinansin at nagpatuloy lang kumain.

Tumayo ako nang hindi niya napapansin, naglakad ako papunta sa pintuan at nang palabas na ako ay may nakasabay akong batang babae. Sabay kaming tumakbo palabas ng pinto.

"Where I can hide?" Tanong niya.

"I don't know." Sagot ko naman habang tumatakbo kasabay niya.

"I'm not talking to you, insane." Inirapan niya ako habang patuloy pa rin kaming tumatakbo.

"I'm the only one here, except you're with someone I can't see." Nanlaki naman ang mata niya.

"#$#!!" Tawag ng kung sino, hindi cleared sa pandinig ko ang tawag na yun pero alam kong siya yung tinatawag.

"Shit, I need to hide!" Mas binilisan niya pa ang pagtakbo hanggang sa makalayo kami sa building na yun. Tumawid kami sa pedestrian lane at nakisabay sa ibang tumatawid doon.

"What's your name?" Tanong ko sa kaniya.

"Just call me #$#." Tumango naman ako.

"I'm Ace."

Nakarating kaming dalawa sa amusement park malapit sa building na yun. Sumakay kami sa mga rides na pwede naming paglaruan hanggang sa nakita ko ang roller coaster. Nung una ay ayaw niya pang sumakay dahil takot siya pero sa huli ay napilit ko naman.

Nang matapos kami doon ay bumaba na kami, nagulat ako dahil putlang-putla na siya hanggang sa nawalan ng malay. Hindi ko alam kung saan hihingi ng tulong, may ilang mga tao na tumulong sa amin at dinala siya sa hospital, ako naman ay bumalik sa building para humingi ng tulong kay Cassandra pero laking gulat ko ng makarinig ng pagsabog.

"MOMMY!!! DADDY!!! CASSANDRA!!!" Umiiyak kong sigaw dahil yung building na sumabog ay kung saan naroon sina Mommy at Daddy pati na rin si Cassandra.

It's fucking traumatizing.

___

Idinilat ko ang mga mata ko at iniligpit ang mga gamit ko, dito na sana ako matutulog sa opisina dahil may room naman ako dito, pero dahil sa mga sinabi ni Zach ay na curios din ako.

Mabilis akong nagmaneho pauwi ng bahay, nang makarating ako doon ay patay na lahat ng ilaw. Wala kaming katulong o kaya naman ay guard, tanging mga cctv lang ang kasama nila dito sa bahay.

Umakyat ako sa taas matapos kung buksan ang mga ilaw. Dumaan ako sa kuwarto ni Xy at mahimbing na siyang natutulog. Paglabas ko ay napatingin ako sa kuwarto ni Synier na bahagyang nakabukas.

Naglakad ako papasok sa kuwarto niya at inayos ang mga gamit niyang nakatumba sa side table. Napatingin ako sa mukha niya hanggang sa napunta ang tingin ko sa braso niyang puro marka na parang sugat.

What's this?

Hinawakan ko ang kamahmy niya at napansin ang paso doon. Malamang na masakit 'to, hindi man lang ginamot ang sarili.

Lumabas ako ng kuwarto niya at kumuha ng first aid kit. Dinala ko yun sa kuwarto niya at nilagyan ng gamot ang mga sugat niya. Napapahinto ako kapag napapadaing siya sa sakit. Halata sa mukha niya ang pagod kaya hindi magising-gising.

Ano bang ginawa nito?

Naalala ko bigla yung sinabi ni Zach na nagluto siya para sa dinner sana namin. Kaya mabilis kong ginamot ang mga sugat niya.

"Hindi kasi nag-iingat." Napahinga ako ng malalim saka pinatay ang ilaw sa kuwarto niya, I open her lamp shade at sinaraduhan na ang pinto.

Bumaba ako sa kusina dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Pagbukas ko ng kaldero ay naamoy ko kaagad yung adobo na sinasabi kanina sa akin ni Zach.

It's smell good kaya naman lalo akong nagutom. Agad akong naghanda ng kakainin ko. Nang matikman ko yung adobo niya ay nagulat ako, siya ba talaga nagluto nito? Imposible naman kasing lumabas siya para lang bumili.

Habang kumakain ako ay bigla na lang nag ring ang dala kong cellphone. It's fucking midnight.

"What is it?" Inis kong tanong kay James.

["Bad news, wala na ang kampo nila Llander sa kagubatan."]

"Nakuha nyo ba yung pinapakuha ko?"

["Hindi na namin sila naabutan eh, kaya hindi."]

"It's okay, as long as nasa atin ang necklace, bantayan nyo si Red, the diamond is in her hands, kailangan nating makuha yun."

["Yes boss."]

Mas mahalaga pa ring makuha ang Black diamond kay Llander. Hindi ko alam kung bakit kaming tatlong ang naghahabulan? Ang alam ko ay hawak lahat ni Red ang Red diamond, Black diamond and the diamond necklace na hawak ko.

Nakuha ko ang necklace na 'to dahil sa kapabayaan niya, I didn't know na it's so expensive, si Zach at ako lang ang nakakaalam kung bakit lagi kaming naghahabulan ni Red.

Matapos kong kumain ay umakyat na ako sa kuwarto ko para magpahinga, hanggang ngayon iniisip ko yung sinabi ni Lola at sinabi ni Zach.

Give my heart a chance to love someone?

How can I do that when in the first place I don't know how to love someone? Ang alam ko lang ay pumatay, yun lang ang tanging kasiyahan ko.

"Nakain kana ng galit at poot, nabalot na ang puso mo ng paghihiganti at hindi ka na marunong magmahal."

Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang sinabi na yan ni Zach, gano'n na ba ako kasamang tao?

Hindi ako makatulog dahil sa mga iniisip ko maya bumangon ako at nagsuot ng hoodies, lumabas ako at kinuha ang motor ko sa garahe.

Hindi ko alam kung saan pupunta, pero nung palabas na ako ng garahe ay bigla na lang may sumigaw at tinutukan ako ng ilaw sa mukha.

"Fuck you!" Sigaw sa akin ni Synier.

"Can you put the light down? My eyes is hurting." Inis kong sabi sa kaniya. May dala pa siyang pamalo na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Gabing-gabi na ang ingay-ingay mo." Sabi niya naman.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko naman.

"Eh bakit nandito ka? Akala ko ba hindi ka uuwi?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. "At saka kanina pa ako tulog, ang ingay mo kaya nagising ako." Dagdag niya pa.

"Pumasok kana sa loob, mag pupuntahan lang ako-"

"Gabi na ah, bakit hindi ka pa matulog?"

"Ano bang pakialam mo?"

"Oo nga pala, ayaw mo ng pinapakialaman ang buhay mo. Good night." Naglakad siya pabalik sa loob.

Sa hindi ko maintindihan na dahilan ay hindi na ako tumuloy sa plano ko, ibinalik ko sa dati ang pagkakalagay ng motor ko.

"Xander!!" Taranta akong pumasok sa loob ng bahay nang marinig ko ang sigaw ni Synier. Wala siya sa baba kaya malamang na nasa taas siya.

"What happened?" Nag-aalala kong tanong lalo na nung makita ko siya sa kuwarto ni Xy.

"Ang init ni Xy." Mangiyak-ngiyak niyang sabi. Agad akong lumapit kay Xy at pinakiramdaman ko siya.

Shit, ang taas ng lagnat ni Xy.

"Dalhin na kaya natin siya sa hospital?" Hindi ko siya pinansin.

"Kumuha ka ng maligamgam na tubig at malinis na towel." Utos ko. Kunot noo naman siyang bumaba.

Ito yung ginagawa sa akin ni Lola dati kapag inaapoy ako ng lagnat, kapag hindi bumaba ang lagnat ay saka ako dinadala sa hospital.

"Anong gagawin mo dito?" Taka niyang tanong.

"Pwede ba 'wag kana muna magtanong? Akin na yan."

Pinunasan ko si Xy ng basang towel, pinalitan ko na rin siya ng damit. Nang matapos yun ay nakita ko si Synier na parang natataranta pa rin.

"Matulog kana, ako na ang baha dito-"

"Ayaw ko, dalhin na natin siya sa hospital-"

"Ano ba kasing ginawa nyo at nagkasakit ang anak ko?" Sandali siyang nag-isip pero umiling din.

"Hindi naman kami lumabas eh, dito lang kami sa loob ng bahay." Napailing na lang ako dahil sa kapabayaan niya.

Umupo siya sa may paahan ni Xy habang nakatingin sa bata, nag-aalala pa rin ang mukha niya. Ang laki ng pinagbago niya, parang nakaraan lang hindi niya pa tanggap si Xy pero ngayon.

Napangiti na lang ako sa kawalan lalo na nung nakatulog siya habang nakahawak ang kamay kay Xy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro