Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

Makalipas ang isang buwan . . .

Hindi makapaniwala si Isla na isang buwan na pala ang inilagi niya sa Batanes. Hindi rin gaano kalakas ang signal para makakonek siya sa internet at kailangan niya pang dumayo sa bayan upang makatawag sa kanyang ina. Mayroon din naman silang telepono sa kanilang rest house ngunit dahil na rin sa tagal na hindi ito nagagamit at naputol na ang linya nito. Hindi na rin siya nag-abala pang ipaayos ang linya sa kanilang caretaker dahil pakiramdam niya ay hindi niya naman ito madalas na gagamitin at ayaw niyang maistorbo.

Sa tuwing mag-uusap sila ng kanyang ina ay lagi rin nitong tinatanong kung kailan siya uuwi at ngayong nag-isang buwan na ang kanyang pamamalagi ay napag-isip isip niya ring umuwi kahit panandalian lamang. Wala na rin siyang gaanong balita kay Clay dahil wala rin siyang telebisyon para mapanood ito. Ang huling balita niya ay naging isang malaking successful ang pelikula nito sa mga sinehan at masaya siya para rito.

"May magbabago pa ba sa pagbabalik ko?" tanong niya sa kanyang sarili habang abala sa pagtupi ng kanyang iilang damit na ilalagay sa loob ng aparador.

Nakabihis na rin siya at nakapag-ayos ng kanyang gamit na dadalhin ngunit tila nagdadalawang isip pa siya kung tama ba ang kanyang desisyon umuwi o ipagpaliban na muna. Ngunit kalaunan ay naalala niya na malapit na pala ang kaarawan ng kanyang ama.

"Babalik din naman ako ulit dito," wika niya saka tumango-tango habang pinagmamasdan ang kanyang sarli sa salamin.

Sa isang buwan ay pansin niya ang inihaba na ng kanyang buhok. Maliit lang naman ang inihaba nito ngunit para sa kanya ay kapansin-pansin ito. Ganoon na rin ang pag-aalaga niya sa kanyang sarili. Noon ay akala niyang hindi niya kayang mag-isa at takot siyang isipin na mag-isang mamuhay ngunit nang mkatapak siya sa Batanes at mag-isa sa kanilang rest house ay napagtanto niyang kaya niya.

Habang abala sa iba pang mga bagay ay sandali siyang natigilan nang may narinig siyang pagkatok sa pintuan. Kumunot naman ang kanyang noo sa pag-iisip kung sino ito.

Nang buksan niya ang pinto ay kita niya ang nakangiting si Matthias at may bitbit itong paperbag na may lamang pagkain. "Magandang umaga," ngiting bati nito sa kanya.

Ngumiti naman pabalik si Isla sa kanya at niluwagan ang pagbukas ng pinto. "Ang aga mo naman ngayon, Matthias?" tanong niya at pinapasok ito.

Pansin naman agad ng binata na tila ayos na ayos si Isla at hindi pa rin nito mapigilan ang hindi mapahanga sa angking kagandahan ni Isla. Kababata niya si Isla noon pa man at naghiwalay lamang sila ng landas ng umalis ito sa Batanes at sa muli ay ngayon lamang sila nagkita.

Si Matthias ang naging kasa-kasama niya sa kahit na anumang lakad niya at isang tawag niya lamang ito kung kailangan niya ng tulong ay lagi niyang naaasahan. Laki si Matthias sa isang mayaman at kilalang pamilya sa Batanes. Nag-aaral din ito bilang doktor dahil malimit lamang ang doktor sa kanilang lugar.

"Saan naman ang lakad mo ngayon?" tanong ni Matthias at nilingon naman siya agad ni Isla.

"Uuwi na muna ako," sagot naman ni Isla at kumuha ng baso at nagsalin ng orange juice rito. Dahan-dahan niyang inilapag ang dalawang baso sa mesa at naghila ng bangko.

Natulala naman si Matthias sa kanyang narinig at tila lumungkot ang mga mata nito. "Aalis ka na?" tanong nito at lumapit sa direksyon ni Isla at inilapag ang dala-dala nitong paborito mismo ni Isla na kainin.

Tumango naman si Isla. "Hindi naman ako magtatagal doon dahil kaarawan ng aking ama at kailangang naroroon ako sa araw na 'yon," sagot niya at tila naintindihan naman ito ni Matthias. "Ano ba 'yang dala-dala mo?" dugtong pa niya at binuksan ang paperbag.

Tuwang-tuwa naman si Isla na may kinang sa kanyang mga mata nang malaman niya ang laman nito. Isang strawberry cheesecake. "Akin ba 'to?" tanong niya at nakangiting tumango naman si Matthias.

Nakaramdam ng kalungkutan ang binata sa pag-iisip na aalis na namang muli ang dalaga at walang tiyak na araw kung kailan ito babalik. "Magtatagal ka ba roon?" tanong niya at bumuntong-hininga naman si Isla.

"Hindi, sa tingin ko naman ay hindi ako magtatagal doon dahil sa kanya," sagot nito at alam ni Matthias kung sino ang tinutukoy ni Isla.

Hindi lingid sa kaalaman ni Matthias na kasal ito sa nagngangalang Clay Verdera. Hindi niya man lubos na kilala ang lalaki ay hindi naman lingid sa kanya na isa itong artista. Noong una ay halos hindi pa siya makapaniwala sa ikinuwento sa kanya noon ni Isla ngunit kalaunan ay naniwala na rin siya sa mga ipinakita ni Isla sa kanya.

Ngunit hindi iyon naging balakid na itigil ang paggusto kay Isla dahil ramdam niyang hindi naman nagmamahalan ang dalawa. Sa makatuwid ay kita niya ang sakit na nararamdaman ni Isla sa hindi pagsukli ng pagmamahal nito ng kanyang asawa.

"Hihintayin ko ang pagbabalik mo," wika ni Matthias at seryosong nakatitig sa mga mata ni Isla.

Tumango naman si Isla at ngumiti. "At sa pagbalik ko siguraduhin mong may dala kang cheesecake ha," wika niya dahilan upang matawa naman silang dalawa habang pinagsasaluhan ang dala ng binata.


VERDERA'S RESIDENCE

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha, Clay?" tanong ng kanyang ama at bakas sa mukha nito ang nagtitimping galit. Inaawat naman siya nito ng kanyang asawa.

"Kausapin mo nga 'tong anak mo," dagdag pa nito at padabog na umalis sa kwarto ni Clay at naiwan silang dalawa ng kanyang ina.

Lumuhod naman sa harapan ang kanyang ina at kinuha ang kamay nito. "Anak, what's wrong?" tanong ng kanyang ina at nasasaktan na nakikita ang kanyang anak na ganito.

Umiling naman si Clay dahil kahit siya ay hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya nagkagaganito. Simula nang mawala si Isla ay gumaan naman ang kanyang buhay dahil nabawasan ang kanyang mga inaalala at naging masaya pa nga siya dahil kahit papaano ay nagagawa na niya ang kanyang mga gusto. Ngunit habang tumatagal ay tila ba nababaliw na siya sa kaiisip kay Isla. Nagawa niya pa nga itong tawagan ngunit hindi niya matawagan ito sa sarili nitong telepono.

Tinanong niya rin mismo ang ina ni Isla kung nagkauusap din ba ang mga ito at nadismaya lamang siya sa naging sagot nito sa kanya. Napapatanong siya sa kanyang sarili na baka ay iniiwasan siya mismo ni Isla dahil sa inutos nito sa kanya na magpakalayo-layo.

"Pagod lang po ako Ma. Papahinga lang po ako at magiging ayos na rin po ako mamaya," wika naman nito at waala namang magawa ang kanyang ina kung hindi ang tumango na lamang.

"Sige, mukhang kailangan mo nga iyan at nang makadalo ka nang maayos para sa kaarawan ng ama ni Isla. Balita ko ay uuwi ito ngayong araw," wika ng kanyang ina at dahan-dahang tumayo.

Nakuha naman nito ang kanyang atensyon at pinagkatitigan ang kanyang ina at tila nabasa naman ng kanyang ina ang ekspresyon ng kanyang anak."Yes, Isla will be returning home." So get some rest, iho." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro