Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw. Kasalukuyang nasa isang abandonadong himnasyo si Clay kasama ang kanyang dalawang alalay at si Lexus.

"Para ninyo na pong awa! Maawa po kayo!" sigaw ng isang binatilyong nagngangalang Balong. Ang lalaking namboso kay Isla.

Agad din pala itong nagtago ngunit hindi naman naging mahirap para kay Clay na hanapin ito.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Clay. "Mercy, you're asking for mercy," he scoffed.

Isang malakas na putok ulit ang umugong dahilan upang manginig sa takot si Balong. Malapit kasi sa tainga nito ang pagbaril ng binata. Sumigaw naman nang sumigaw ang binatilyo na para itong baboy na kinakatay.

"Isusumbong ko po kayo sa pulis!" sigaw ng binatilyo na parang nanghahamon at bago pa man ito muling makapagsalita ay isang suntok gamit ang baril sa baba nito.

Tumalsik ang dugo at ilang ngipin ng binatilyo sa lupa. Napaubo naman ito at tila hinahabol ang kanyang paghinga. Kislot ang isa nitong mata at umaagos ang dugo sa ilong nito. Butil-butil din na pawis ang namumuo sa noo at katawan nito.

"Mahirap kumausap ng mga taong katulad mo," wika ni Clay at bahagyang natawa pa sa huling salitang kanyang nasambit. Muli niyang itinutok ang baril ngunit ngayon ay sa noo na ng binatilyo at bahagyang nabahala roon si Lexus.

"It's getting far enough, Clay," wika ni Lexus ngunit parang binging walang narinig si Clay.

Titig na titig si Clay sa mga mata ng binatilyo at isang kalabit niya lamang sa gantilyo ng baril ay patay ito. Ngumisi ng pagkaloko-loko si Clay at nagsalita. "Ano'ng pwede kong gawin sa'yo maliban dito?" tanong ni Clay at sinundot ang dulo ng kanyang baril sa noo ng binata.

Nanginginig ang mga labi ng binatilyo at hindi makatingin ng diritso sa mga mata ni Clay. "Magpapakulong po ako ng ilang buwan o kung ano ang naaayon sa aking kasalanan. Patawarin ninyo lang po ako," sagot naman ng binatilyo at agad itong lumuhod sa harapan ng binata.

"Alam mo kung kanino ka dapat humingi ng tawad ngunit alam kong ayaw niyang makita ang pagmumukha mo," sagot ni Clay at walang ano-ano ay sinipa niya ang binatilyo dahilan upang masaludsod ang binatilyo at halos mahilamos ang pagmumukha nito sa lupa dahil sa lakas nang pagkasisipa ni Clay.

Sa huling pagkatataon ay pinaulanan ni Clay ng bala ang binatilyo hanggang sa maubos ang bala sa kanyang baril. Hindi niya naman tinamaan ang binatilyo ngunit ramdam at lasap na lasap naman nito ang salitang kamatayan.

"Clean this shit," wika ni Clay saka iniabot kay Daniel, isa sa kanyang mga alalay ang kanyang baril.

Habang patungo si Clay sa kanyang sasakyan ay ang siya namang pagsunod ni Lexus sa kanya. "Akala ko ba ay wala kang pakialam sa babaeng 'yon? Pero tingnan mo naman ngayon para kang isang leading man sa isang pelikula," wika naman ni Lexus na may halong pang-aasar.

Napamulsa naman si Clay at natigilan sa paglalakad. "Ginagawa ko lang ito dahil isa sa mga hindi ko gusto ay ang dinudungisan ang aming pangalan. Dala-dala niya ang pangalan ko. At ngayong bumukod ang lahat ng aming mga negosyo na ngayon ay tinawag bilang Paradis. Kapagka nakarating ito sa pamilya namin ay isang malaking iskandalo ang mangyayari," sagot naman ni Clay at kita naman ni Lexus na seryoso ang kaibigan nito.

Lingid sa kaalaman ng iba ay may ibang mukhang tinatago ang isang Clay Verdera. Kung sa kamera ay halos isa itong anghel at kinahuhumalingan ng mga kababaihan ay salungat naman nito sa mga mata ni Lexus. Clay Verdera is a monster-someone who is merciless. And he is feared by all who know him. Wala pa itong sineseryoso sa isang relasyon dahil nasa iisang tao lamang niya ibibigay ang kanyang puso ngunit nang maikasal ito kay Isla ay nagbago ang lahat.

Tumango naman si Lexus at iwinaksi sa isipan nito ang pag-aakalang nagkakaroon na ito ng pagtingin kay Isla. Kung tutuusin ay matagal na niyang kilala ang dalaga dahil nagkasama na rin sila sa iisang paaralan. Inaamin niyang humanga siya sa dalaga dahil sa angkin nitong kagandahan at kabutihan. Mailap din ito sa tao at lagi niya itong nakikita sa librarya. Sa maikling salita ay nagkaroon siya ng pagtingin sa dalaga hanggang sa lumuwas ito ng bansa at hindi na ito muling nakita pa. Ngunit nang malaman niyang ikakasal ito sa kanyang kaibigan ay tila ba gumuho ang kanyang mundo ngunit sinarili niya lamang ito. Walang nakaaalam ng mga ito kung hindi ang kanyang sarili at wala siyang balak na sabihin iyon kay Clay.

"Ano'ng mangyayari sa kanya?" tanong ni Lexus na tinutukoy ang binatilyo sa loob.

"Maraming nakabinbin na mga kaso niya kaya sila Daniel na ang bahala sa kanya," sagot naman ni Clay sabay kuha ng susi ng kanyang sasakyan.

Napabuntong-hininga naman si Lexus. "Saan ka naman pupunta ngayon?" sunod na tanong niya sabay kamot sa kanyang batok.

"I'd like to see how she's doing," tipid na sagot ni Clay saka binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan at agad na pumasok. "I'll see you at the garage maybe tonight," dagdag pa nito saka hindi na hinintay ang tugon ni Lexus ang agad na isinara ang pinto ng kanyang sasakyan at pinaandar ito.

Habang nasa byahe ay hindi pa rin maalis-alis sa dibdib ni Clay ang poot at galit dahil tila hindi pa sapat ang kanyang nagawa para kay Isla. Mag-aalas dyes na gabi at halos isang oras pa ang kanyang ibabyahe bago siya makauwi ngunit dahil sa mailap lamang ang sasakyan sa daan ay mas pinaharurot pa ni Clay ang pagtakbo ng sasakyan. Sa kanyang takbo ay magiging trenta minutos lamang ay makakauwi na siya.

Hindi na rin siya makapaghintay na makita ang dalaga. Patay na rin kasi ang kanyang selpon at hindi magawang matawagan si Faroda upang tanungin kung ano na ang kalagayan ng dalaga. Nang lisanin niya ang dalaga ay kita niyang humihikbi ito habang tulog. Nakaramdam ng sakit at awa roon ang binata kaya dali-dali niyang ipinahanap sa kanyang mga tauhan ang pinagtataguan ng binatilyo.

"After this, I don't want to experience this feeling again. What are you doing with me, Isla?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro