CHAPTER 46
Mahigpit na hawak ni Clay ang braso ni Isla habang sila’y papasok sa bahay. Nasa bahay sila ni Isla dahil ayaw nitong masaksihan ng kanilang anak ang kanilang pag-aaway. Kasalukuyang may nagbabantay kay Cerius, at hindi magtatagal ay pupuntahan din siya ng ina ni Clay.
Pwersahang itinulak ni Clay mismo si Isla papaupo sa sofa. Napasinghap naman si Isla at naghahalong takot at pangamba ang kanyang nararamdaman. Ayaw niyang masaktan dahil minsan ng nangyaring sinaktan siya nito. Iba magalit ang tulad ni Clay.
"Care to explain what I just witnessed between the two of you? And what exactly did I just hear?" marahas nitong sambit sabay suklay sa buhok nito. Hindi rin ito mapakali sa palakad-lakad.
Kahit siya ay nagulat nang malaman niyang naroroon pala ito at ngayon ay mistulang narinig pa nito lahat ng kanilang pinag-usapan.
Hindi naman niya magawang tumingin ng diritso sa mga mata ni Clay dahil sa alam niya may kasalanan din siya. Ngunit alam niyang mas malaki naman ang kasalanan nito kontra sa kanya.
Kahit na ganoon ang kanyang isipin ay taliwas pa rin ang lahat upang makaramdam siya ng kapanatagan dahil mukhang hindi siya patatahimikin ng kanyang isipan.
Pakiramdam niya’y isa na iyong pagtataksil—pero pagtataksil nga ba talaga? Kung gano’n, bakit si Clay pa rin ang laman ng puso niya? Bakit, sa kabila ng lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan niya noon, kasama ang anak nila, si Clay pa rin ang iniisip niya? Dapat ay sarili niya ang inuna niya. Dapat ay iniwasan na niya ito. Pero hindi gano’n kadali. Tama nga ang sabi ng karamihan—nakakabobo ang pag-ibig. Ginagawa kang tanga, ginagapos ka kahit alam mong dapat ka nang bumitaw. Sa lahat ng pinagdaanan niya, bakit, kahit pilit niyang umiwas, si Clay pa rin ang sinisigaw ng puso niya?
Ibang-iba kay Matthias. Kung titingnan ay mas matimbang si Matthias sa lahat ngunit . . .
"Matagal kaming hindi nagkita," tipid niyang sagot sa mahabang katahimikan habang nakadungaw sa labas.
Ayaw niyang matitigan sa mga mata ito.
Bakas ang lalim ng tensyon sa mukha ni Clay habang umiigting ang kanyang panga, ang mga mata niya’y matalim na nakapako kay Isla. Pilit niyang nilalabanan ang init ng kanyang dugo, hinahamon ang sariling magtimpi, kahit ramdam na ramdam niya ang takot na bumabalot kay Isla. Napansin niya ang maliliit na kilos nito—ang paglalaro ng mga daliri, ang panginginig ng kamay—at lalo lamang niyang naramdaman ang paninindigang huwag bumitaw sa kontrol. Siya ang may hawak sa sitwasyong ito, at hindi niya hahayaan na ang anumang takot o pangamba ang maglayo sa kanila.
Napapikit siya at pilit huminga nang malalim, sinusubukang pigilan ang galit na nag-aalab sa kanyang dibdib. Gusto niyang sapakin si Matthias, lalo’t alam niyang sinadya nito ang paghalik kay Isla. Pero hindi niya magawa. Paano kung kamuhian siya ni Isla pagkatapos? Paano kung tuluyan itong lumayo? Hindi niya kayang isugal ang tiwalang unti-unti pa lang niyang nabubuo. Kaya’t sa halip na galit, pinili niyang magtimpi—kahit ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao ay humihiyaw na gumanti.
"I'm sorry," mahinang sambit nito saka lumuhod sa harap ni Isla. "I didn't mean-" hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin at napayuko na lamang.
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa ngunit hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa.
"Alam kong mahirap ang sitwasyon natin, at alam kong ako ang dahilan kung bakit tayo nandito. Pero sinusubukan ko, Isla. Lahat ng kaya ko, ginagawa ko. Alam kong hindi ito sapat, at alam kong hindi ito ganun kadaling tanggapin. Pero kung pagbibigyan mo lang ako—kung pagbibigyan mo tayo—pangako, hindi ko ito sasayangin. Aayusin ko lahat ng nasira ko. Bigyan mo lang ako ng isang taon. Isang taon para ipakita sa’yo na kaya kong itama ang lahat ng mali. Pero kung sa huli, magkulang pa rin ako, ako na mismo ang magpapalaya sa’yo," mahabang wika niya at ramdam sa bawat salita nito ang sakit ang kalungkutan.
Hindi naman umimik si Isla sa halip ay nilingon niya ito. Kasalukuyan pa rin itong nakayuko sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot o ano ang maaari niyang isagot. Ayaw niyang masaktan ito dahil alam niya ang pakiramdam kung papaano masaktan. Hindi na rin niya maintindihan ang kanyang sarili.
Kailangan niyang kausapin ang kanyang ina. Kailangan niyang may makausap na ibang tao. Kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin.
"You don’t have to answer me right now, I swear you don’t—but please, don’t run away from me. Don’t leave me like this. I’m begging you—I can’t go through losing you again. I can’t. Please, I’ll do anything, just don’t shut me out. Stay with me. Stay by my side. Please, I need you more than anything."
Hindi maintindihan ni Isla ang kanyang nararamdaman. Ilang taon ang lumipas bago niya muling marinig ang mga katagang ito—mga salitang matagal na niyang hinintay, ngunit ngayong naririnig na niya, para bang hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya lubos maisip, hindi kapani-paniwala—si Clay, ang taong iniwasan niyang asahan muli, ang nagsasabi ng mga ito. Totoo ba ito? Bawat salita ay parang alon na paulit-ulit na sumasalpok sa kanyang puso, ngunit hindi niya matiyak kung papayagan niya itong lamunin siya ng tuluyan. Si Clay ba talaga ito? Siya ba talaga ang nagsasalita ng mga salitang akala niya’y hindi na maririnig kailanman?
Pinisil niya nang banayad ang kamay nito, isang galaw na nag-udyok kay Clay na lingunin siya. Malambing ang tinig niya nang magsalita, puno ng pag-aalaga. "Umuwi na tayo," ani niya, ang mga mata’y puno ng lambing at pang-unawa habang saglit silang nagtama ng tingin. "Naghihintay na si Cerius sa atin." Sa kabila ng bigat ng kanilang pinagdaanan, naroon ang tiyak na init ng kanyang mga salita, para bang sinasabing: Hindi mo kailangang mag-isa, nandito ako.
Marahang ngumiti si Clay, bakas sa kanyang mga mata ang bahagyang ginhawa. Tumango siya at hinawakan niya ang kamay ni Isla, at sabay silang tumayo. Ang katahimikan sa pagitan nila’y puno ng hindi maipaliwanag na katiyakan. Kasabay ng malamig na simoy ng hangin sa labas, iniwan nila ang bahay, dala ang bagong simula—at ang pangako ng hindi na muling pag-iisa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro