Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 45

Tila tumigil ang mundo at tanging sila lang ang tao. Pinagkatitigan niyang mabuti ang binata. May mga ilan itong galos sa katawan at nakabenda rin ang ulo nito. Para siyang nauupos na kandila at dahan-dahang lumapit dito.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili na hawakan ang ulo nito. Para siyang naiiyak ngunit pinipigilan niya lamang ito.

"Ano'ng nangyari?" mahinang tanong niya.

Napasinghap naman siya nang hawakan ni Matthias ang kanyang kamay na kanina ay humahaplos sa ulo nito.

"You're here," mahinang wika nito at agad namang nagtama ang kanilang mga mata. "I'm okay and there is nothing to worry about me here now that you're here," dagdag pa nito at hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.

Umiling naman siya. "You're not okay. Ano'ng nangyari? Mabuti at ito lang inabot mo but it pains me to see you in this situation," wika niya at hinaplos ang pisngi nito.

Napapikit naman ang binata sa sandaling tumapat ang mga palad ni Isla sa kanyang pisngi. Labis siyang nangulila kay Isla sa ilang taon na hindi sila nagkita. Ilang taon din ang kanyang pagpipigil na kitain ito.

"I miss you so deeply that it tears me apart just thinking about you leaving me again so soon," malungkot na wika nito at kitang-kita sa mga kanyang mga mata ang sakit at kalungkutan.

Hindi napigilan ni Isla na hindi yapusin ng yakap si Matthias dahil kahit hindi niya man sabihin ay nangungulila rin siya nang husto sa binata. Marami na rin ang kanilang pinagsamahan hanggang sa lumaki si Cerius ay ito na rin ang tumayong ama nito. Malaki ang utang na loob niya rito at ngayon ay ito naman ang nangangailangan ng tulong niya kaya hindi niya ito pababayaan.

"Hindi kita pababayaan. Tell me the truth wala na bang ibang komplikasyon sa 'yo?" tanong niya at tila sinusuri pa ito.

Bahagya namang natawa si Matthias at umiling. "I was nearly taken to the ICU because I was unconscious, but I regained consciousness and discovered that I only needed to be admitted for suturing and debridement. I contacted my lawyer to sort everything out and informed Dad about the situation. I’ll be discharged soon, so there’s no need to worry about me anymore," mahabang lintanya nito ngunit hawak-hawak pa rin ang kanyang mga kamay.

Hindi naman lubos maisip ni Isla na ganoon kalala ang naging kalagayan ng binata. Hindi rin biro ang ICU sa iilang mga pasyenteng nailalagay doon. Mabuti na lang din at nagising ito.

"Sinabi ko kay Clay na sisilipin lang kita but it looks like hindi ko masusunod kung ano ang sinabi ko kanya. May gusto ka bang ipabili? Kainin? Pwede ka na bang kumain? May mga bawal ba sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong ngunit agad naman siyang natigilan nang bigla siyang higitin ng binata at biglang naglapat ang kanilang mga labi.

Nagulat siya sa mga pangyayari at mulat ang kanyang mga matang nakatingin sa malapit na mukha ni Matthias. Nang maghiwalay na silang dalawa ay bahagyang napangiti naman si Matthias sa hindi malamang kadahilanan.

"I thought you were just here for a quick visit."

Para namang napako si Isla mula sa kanyang kinatatayuan nang may biglang nagsalita malapit sa pinto. Hindi na niya ito kailangan pang lingunin dahil alam na niya kung kaninong boses ito galing. Para siyang nanlalamig sa kanyang pwesto. Hindi niya alam kung sinadya lamang ni Matthias na halikan siya kanina. Alam na ba nito na nandito ito?

Dahan-dahan niyang nilingon ito. "Clay..." mahinang tawag niya.

Walang emosyong tinitigan naman siya nito ngunit bakas sa mga mata nito na tila ba nasasaktan sa nasaksihan nito. Pormal lamang itong nakatayo at inilipat ang mga tingin kay Matthias.

"I'm sure you’re fine. If you ever need anything, I trust you can handle it yourself—you are a Del Fuego, after all. If you can’t, call me. I’ll help. Just don’t involve my wife; it’s not exactly appropriate," malamig na tugon nito at naglakad papalapit sa kanilang direksyon.

Nanlamig naman ang kanyang mga kamay nang kunin ni Clay ito.

"Let's get you home," wika nito.

Bago pa man siya tuluyang hilahin nito ay hinigit din ni Matthias ang kanyang kamay dahilan upang matigilan siya gayun na rin si Clay.

Umiigting naman ang panga nitong nakatitig kay Matthias. "Let go of my woman," wika nito.

Kinabahan naman nang husto si Isla dahil ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

May sumilay namang nakalolokong pagngisi sa mga labi ni Matthias. "Or else what?" maanghang na tanong nito.

"Matthias please," wika niya upang hindi umabot sa awayan ang dalawa.

Nilingon naman siya ni Matthias at tila isang maamong tupa itong nagbago ng anyo at dahan-dahang kinalas ang pagkahahawak sa kanya.

"That's right. Know your place, Del Fuego. And while we’re at it, let me make something clear—stay away from my wife. Whatever business you think you have with her, it ends now. If there’s a problem, you deal with me."

Iyon lang at agad na hinila ni Clay si Isla palabas, ang mga mata niya’y malamig at ang kilos niya’y puno ng awtoridad, tila nagbabadya na walang sinuman ang maaaring humadlang sa kanya. Sa kabilang banda, si Matthias ay nanatiling nakaupo sa lugar nito, hindi maikubli ang tensyon na kumalat sa paligid. Hindi niya mapigilan ang paglalim ng kanyang paghinga habang mahigpit na nakuyom ang kanyang mga kamao, halos bumaon ang mga kuko niya sa sariling palad. Ang galit na nadarama niya ay unti-unting bumalot sa kanya, ngunit walang magawa kundi panoorin ang dalawa habang sila’y palayo. Ang bawat hakbang nila ay tila isang dagok sa kanyang pagkatao.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro