CHAPTER 43
"Tulala ka na naman," puna ni Lexus habang inaayos ang mga tools papunta sa kanyang sasakyan.
Limang taon na rin ang nakalipas simula nang gabing hinayaan niya ang babaeng bumalik mismo sa taong tingin niya ay mahal pa rin ito. Alam niya sa kanyang sarili na tama ang kanyang naging desisyon. Ngunit sa limang taon na iyon ay hindi ni minsan nawala sa kanyang isipan si Isla. Pilit niyang ibinabaling ang kanyang atensyon sa iba ngunit lagi naman siyang nabibigo. Marahil ay hahayaan na muna niya ang kanyang sarili na malunod sa kalungkutan hanggang sa kaya na niyang iahon ang kanyang sarili.
Umiling naman siya at napabuntong-hininga. Kauuwi niya lang din kasi galing ng Quebec. Akala niya kahit papaano ay makalilimutan niya si Isla ngunit mas lalo lang yata siyang nangulila. Hindi rin kailanman siya nagkaroon ng ibang karelasyon.
"Alam mo malala ka na. Siguro it's time to move on atsaka may nabalitaan din naman ako," wika nito dahilan upang lingonin niya ito. "I heard that he is trying to fix their marriage," dugtong nito.
Tila may gumuhit namang pait sa kanyang puso nang marinig niya ang balitang ito. Parang hindi pa siya nasanay sa sakit o ini-enjoy niya na lang ang bawat sakit na nararamdaman niya.
Napangiti naman siya ngunit hindi abot sa kanyang mga mata.
"Alam kong masakit at mahirap dahil I was you way back then," wika nito at humila ng bangko at naupo. "I can give you an advise but in the end it will always be on you. Lahat kami ay nakasuporta sa 'yo but in the end ikaw pa rin ang tutulong sa sarili mo," dagdag pa nito at halatang seryoso.
Tumayo naman siya at napamulsa. "I better get going. I'm tired at gusto ko ng matulog," wika niya at akmang aalis na sana siya nang muling nagsalita si Lexus.
"Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Baka nalilimutan mong limang taon na ang lumipas, Matthias," wika nito at alam niyang nag-aalala lamang ito sa kanya. "Nalimutan ka na niya. May asawa na siya.," dugtong pa nito ngunit agad din siyang naglakad paalis.
Agad niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan sa daan. Para siyang tulala sa pagmamaneho at kahit na maraming sasakyan na paroo't parito ay wala siyang pakialam sa bilis ng kanyang pagpapatakbo.
Walang ano-ano ay nakita na lamang niya ang kanyang sarili na tila naluluha at nakikinita na ang mga ugat sa kanyang mga kamay dahil sa mahigpit na pagkahawak niya sa manubela.
"There's no one to blame but me." He gritted his teeth.
Lubos na rin siyang nangungulila kay Cerius at gusto niya na rin itong makita at mayakap man lang. Kailangan na rin ba niyang tuluyang kalimutan si Isla?
Kailangan niya ba niyang magsimulang muli? Ngunit papaano kung isang araw ay bumalik ito sa kanya? Handa pa ba siyang tanggapin ito? Ano nga ba ang gusto niya? Naalala niya pa ang mga sinabi nito sa kanya noong araw na ikinumpisal niya ang lahat-lahat dito.
Kung sana ay nakokontrol at nadidiktahan na lang ang puso siguro ay matagal na niyang nakalimutan si Isla. Marami na siyang naging plano para sa kanilang tatlo at iyon ay ang maibahay ito sa isang magandang tahanan. Isa pa 'yon sa binisita niya sa Quebec. Ang ipinatayo niyang bahay para sa kay Isla at Cerius. Kaya rin na mas lalo siya nakaramdam ng pangungulila.
Sa sobrang dami niyang naging plano ay nakabili na rin siya noon ng singsing na lagi niyang dala-dala at sa tuwing magkasama sila ni Isla noon ay laging nasa bulsa niya ito. Lagi siyang nagdadalawang isip na ilabas ang singsing dahil lagi siyang nauunahan ng pagdadalawang-isip.
"How can I forget you?" utal niya at mas lalong pinabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan. Hindi na niya pinigilan ang kanyang sarili at hinayaan na lamang na tumulo ang kanyang mga luha.
Wala siyang pakialam kung isang pagkabawasan ng pagkalalaki ang pag-iyak ngunit hindi na niya kaya pang dalhin ang sakit. Kailangan niyang ilabas lahat. Masakit at mahapdi sa lalamunan. Hindi niya mawari kung kaya niya pang makaahon sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Parang naninikip ang kanyang puso sa sakit. Hindi niya kayang isipin na mawawala na lamang si Isla sa kanya ng ganoon na lang.
Kailangan niya bang puntahan ito? Wala siyang pakialam kung naroroon man si Clay. Upang maging matiwasay na lamang sa kanya ang lahat. Gusto niyang marinig mismo sa mga bibig nito kung sino sa huli ang kanyang pinipili.
Isang kahibangan kung makikita ng ibang mga tao dahil kung tutuusin ay kaya niyang magmahal ng iba ngunit walang itutulad si Isla sa ibang mga kababaihan.
"I love you so much that I can't live without you. Tiniis ko ang ilang taong hindi kita nakikita at nakakasama. I want to end this pain once in for all," wika niya saka malakas na kinabig ang manubela papaliko.
The weight of loving someone who has chosen another can feel like carrying a storm inside—a relentless ache that echoes in every quiet moment. It's not just the loss of her love; it's the loss of a future imagined, of dreams built in the solitude of his heart. Yet, in his pain lies proof of something profound: his capacity to love deeply, selflessly, even when it hurts. It’s a bittersweet reminder that love, at its truest, seeks the happiness of the other—even if that happiness is found elsewhere.
Ngunit huli na nang makita niyang may makasasalubong siyang isang malaking truck.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro