Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 42

Makalipas ang limang taon . . .

Sa limang taon na lumipas ay tila ba isang ihip ng hangin lamang ang lahat. Buong akala ni Isla na magiging maayos na ang lahat at magsisimula silang muli ni Clay ay salungat sa kanyang mga naisip. Para bang naulit ng kahapon at hindi na nadala. Hindi naman siya minamaltrato ni Clay ngunit mas malamig na ito sa yelo kaysa noon.

Tumatayo na rin ito bilang ama ni Cerius at alam na rin ng publiko na siya ay kasal na. Malimit na rin siya kung lumabas ng bahay dahil hanggang ngayon ay gustong makuha ng press ang kanyang opinyon bilang maybahay ni Clay. Mas lalong tumanyag nang husto ang pangalan ni Clay sa industriya.

Mabait na ama si Clay at halos spoiled na spoiled nito si Cerius ngunit simula nang bumalik sila sa poder nito ay bihira lamang sila kung makapag-usap. Hindi rin sila nagsasama sa iisang bahay dahil may sarili siyang bahay na kasama si Cerius dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang mga magulang.

Masaya ang mga ito at bahagyang mga tampo sa kanya nang malaman na buhay ang kanyang anak na siyang una nilang apo ngunit sinisisi rin nila ang kanilang mga sarili dahil sa mga nangyari. Lingid doon ay napatawad naman niya ang lahat at hindi nagtanim pa ng sama ng loob.

Sampung taon na si Cerius at lumalaking gwapo ito. Habang tumatanda rin ay nakinikinita niya ang ilang ugali ni Clay rito.

Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan ang hardin. Mag-isa na naman siya sa isang malaking bahay ngunit dito ay malaya niyang nagagawa ang kanyang. Malayong-malayo noong magkasama pa sila ni Clay noon. Bigla rin siyang nangulila kay Faroda at gusto niya nga itong tawagin ngunit alam din niyang hindi na rin ito pwede dahil walang magbabantay at mag-aalaga sa pamilya nito.

Kaya naman niyang mag-isa kahit na walang kasama sa bahay. Maigi na rin iyon upang may pagka-abalahan siya.

"Ganito na lang lagi," utal niya habang nakatingin sa kisame.

Nasa isang practice session ngayon si Cerius sa chess kaya mag-isa lamang siya. Halos araw-araw ay ganito ang lagi niyang routine. Gustuhin niya mang lumabas at gumala-gala ay hindi niya magawa dahil na rin sa pinagbawalan siya hanggang sa walang pahintulot ni Clay. Kung lalabas man siya ay kailangan pa siyang sunduin ng mga guwardiya mismo ni Clay, isa sa mga ayaw niya dahil hindi siya makakilos nang maayos.

Limang taon na rin simula nang maghiwalay din sila ni Matthias. Wala na rin siyang narinig dito. Nakaramdam siya nang matinding pangungulila rito dahil sa tagal na rin ng kanilang pinagsamahan. Minahal niya na rin si Matthias dahil hindi naman ito mahirap mahalin. Inaamin niya ring lubos siyang nasaktan ngunit mas pinili niya kung ano ang tama at ayaw niyang mas lalo siyang masaktan lalong-lalo na si Matthias.

Sinubukan niya ring tawagan ito ngunit tila nag-iba na ito ng numero. Maigi na rin siguro iyon para sa kanilang lahat. Habang buhay niya tatanawing utang na loob ang mga tulong na ibinigay nito sa kanya at sa kanyang anak. Kung maaari nga ay hihilingin niya sa mga bituin na si Matthias na lang sana ang kanyang minahal ay hiniling na niya.

Ngunit hindi na rin naman iyon importante dahil ang mas importante sa kanya ay ang kapakanan ni Cerius. Ayos na sa kanya ang lahat at matuto na lamang siyang makuntento rito.

Tatayo na sana siya nang napasinghap siya sa gulat nang may nagsalita banda sa kanyang likuran. Sa tono pa lang ng boses nito ay alam na niya kung kanino ito galing.

"Clay . . ." mahinang tawag niya nang magtama ang kanilang mga mata.

Nakatayo lamang ito sa isang sulok. Nakasuot ito ng puting longsleeve polo at nakaitim na trouser. Tila ba hindi kumukupas ang kakisigan at angkin nitong kagwapuhan.

Dahan-dahan naman itong lumapit sa kanyang direksyon at humila ng bangko at naupo. Sinenyasan naman siya nito na maupo kaya naupo na rin siya sa tabi nito.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nakatanaw lamang sila sa kawalan ngunit ramdam niya ang ibang tensyon ni Clay.

"How are you?" basag nito sa katahimikan.

Lumingon naman siya sa direksyon nito. "Ayos lang," tipid niyang sagot.

"May gusto ka bang puntahan o bilhin?" sunod nitong tanong at umiling naman siya rito.

"Ano'ng sadya mo rito? May mahalaga ka bang sasabihin? Tiyak akong importante ang ipinunta mo rito dahil dati rati ay ipinapatawag mo lang naman sa mga tauhan mo sa telepono kung may nais ka mang itanong," wika niya at narinig naman niya ang pagbuntong hininga nito.

"Do you still love him?" Walang alinlangang tanong nito sa kanya.

Natigilan naman siya sa tanong nito at tila umurong ang kanyang dila. Hindi niya inaasahan na itatanong niya ito sa kanya. Limang taon na ang lumipas ngunit tila parang kahapon pa rin ang lahat.

"Bakit mo naman 'yan itinatanong?" tanong niya sabay iwas ng tingin.

"Answer me with a yes or no, Isla. Simple as that," malamig na tugon naman nito sa kanya.

Hindi naman siya sumagot sa halip ay tumayo at akma na sanang aalis nang muli itong nagsalita.

"It's always the silence means yes. You can't even answer a simple question. It's been five years. I waited for five years to see if you don't love him anymore yet you're actions speaks louder than your words," wika naman nito at tumayo.

Nilagpasan naman siya nito at bago pa man ito tuluyang makalabas ay tinapunan muna siya nito ng tingin. "Give me a year to fix our marriage and if you still can't answer my question then we can file for an annulment," wika nito at tumalikod. "Back then I want to see you cry yet now I want you to love me back," dugtong pa nito at tuluyan nang umalis.




PS: Cerius and Matthias


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro