CHAPTER 40
Madilim na nang buksan ni Isla ang kanyang mga mata. Nakatulog pala siya at kasalukuyan pa rin silang umaandar. Sa paningin niya ay malayo na sila dahil hindi pamilyar ang lugar sa kanya. Sinilip niya si Cerius na ngayon ay himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Mistulang naging kama kasi ang upuan sa likod at marahil ay kinumutan ito ni Matthias kanina habang tulog siya.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Medyo malapit na tayo pero dadaan tayo sa isang kainan dito para pagdating doon ay makapagpahinga na rin kayo kaagad. Nakatawag na rin ako roon kanina pa para ayusin ang magiging kwarto ninyong dalawa," wika ni Matthias at tumango naman siya.
Pangalawang beses na naman nito siyang tinutulungan. Hindi niya alam kung papaano makapagpasasalamat sa binata ngunit hindi ito ang gusto niya. Hindi niya gusto na habang buhay ay magtatago at tatakas silang dalawa ng kanyang anak. Gusto niyang kaharapin ang problema ngunit nang magkita silang dalawa ni Clay ay bigla naman siyang naurong.
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayos lang ako. Kinakabahan pa rin ako, Matthias. Hindi ito ang ginusto ko. Sa makalawa ay gusto kong umuwi tayo. Kailangang malaman na nina Mama at Papa ang lahat," sagot niya at tumango naman ito sa kanya habang ang atensyon nito ay nasa daan.
Iniliko nito ang sasakyan at sandaling nilingon si Isla. "Puwede mo nang gisingin si Cerius dahil kakain na muna tayo," wika ni Matthias at agad namang tumalima si Isla at ginising ang anak.
"Cerius," mahinang tawag niya sabay halik sa pisngi nito. "Gising na. Kakain na muna tayo," dugtong pa niya at dahan-dahan namang iminuklat ni Cerius ang kanyang mga mata.
Kinusot-kusot naman nito ang kanyang mga mata at ngumiti nang magtama ang mata nilang mag-ina. "Gutom na po ako," mahinang sambit nito at marahan namang natawa si Matthias na nakatingin sa salamin.
"Get up now little dude because we're going to dig in real big," wika naman ni Matthias at tila kumislap naman ang mga mata ni Cerius.
Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Itatama na niya ang kanyang desisyon at hindi niya hahayaang magulo ng mga ito ang lahat nang dahil lamang kay Clay.
Ipinarada naman ni Matthias ang sasakyan. "Naririto na tayo. Masarap ang pagkain dito. Lutong bahay but I guarantee you the dishes they serve here is excellent. Tara na," masiglang wika ni Matthias at nangingiting pinagmasdan naman niya ang pagkapit ni Cerius sa leeg ng binata sabay karga.
Alam niyang pinapagaan lamang ni Matthias ang sitwasyon at nagpasasalamat siya roon. Sa paningin niya nga ay mahal na niya si Matthias. Ngunit bago niya pa man ito sabihin dito ay kailangan niya munang siguraduhin mismo sa kanyang sarili.
"Mauna na kayo roon at kukunin ko lang ang ibang gamit dito para mabihisan si Cerius diyan. May dala naman akong mga damit at magbabanyo na rin muna ako. Hanapin ko na lang kayo sa loob," wika niya at tumango naman sa kanya ang dalawa.
Nang makapasok ang dalawa sa loob ay agad naman niyang kinuha ang maliit na bag na may lamang damit ni Cerius. Mabuti na lang din at may dala siyang extra nitong damit. Pababa na sana siya nang biglang tumunog ang kanyang selpon hudyat na may tumatawag sa kanya.
Kumunot naman ang kanyang noo dahil galing ito sa isang unknown number. Hindi niya alam ngunit biglang kumabog ang kanyang dibdib. Malakas ang kutob niyang si Clay ang tumatawag sa kanya. Nanlalamig ang kanyang mga kamay at hinanap kung nasaan si Matthias. Hindi niya ito mahagilap mula sa labas.
Patuloy pa rin sa pag-ring ang kanyang selpon hanggang sa namatay na lamang ito. Hihinga na sana siya nang maluwag ngunit nag-ring na naman ulit ito. Dahan-dahan siyang naupo at humugot nang malalim na paghinga bago tuluyan itong sinagot.
Nanginginig ang kanyang mga kamay na inilapat ang selpon sa kanyang tainga.
There was silence . . .
A cold, husky voice greeted her, "Isla." She knew immediately who it was.
Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik. Napalunok na lamang siya at pinagmasdan ang kanyang kamay na nanginginig.
"I know you're there, and I know you can hear me," he said, followed by the sound of a heavy breath. "You’ve been messing with him all this time. There's nowhere to hide, Isla. I'll burn down and destroy anyone who stands in my way. I will find you." Iyon lang at agad nitong pinatay ang tawag.
Nanginginig namang ibinaba ni Isla ang selpon at doon na lang niya napansing lumuluha na pala siya sa takot. Hindi niya alam kung bakit siya nakararamdam ng ganitong takot. Hindi siya natatakot para sa kanyang sarili ngunit natatakot siya para sa kanyang anak.
Agad naman niyang pinahid ang kanyang mga luha at napatingin sa salamin. Ayaw niyang mapansin ni Matthias na may nangyari sa kanya. Isinukbit naman niya ang bag na may lamang mga gamit ni Cerius at pumasok na sa loob. Hindi na siya magbabanyo dahil baka magtaka ang dalawa dahil sa kanyang katagalan.
Nang makita niya ang mga ito ay agad naman siyang tumungo sa kanilang direksyon.
Nagtatakang tinitigan naman siya ni Matthias ngunit hindi lamang nito ipinahalata. "Everything okay?" tanong nito at tumango naman siya.
"Naka-order na kayo?" tanong niya at tumango naman si Cerius.
"Mama, nag-order kami ng sinigang tapos chicken wings," sagot naman ni Cerius at ngumiti naman siya.
Napalingon naman siya kay Matthias at tila alam nito na may tinatago siya. Magsasalita na sana ito ngunit saktong dumating naman ang kanilang order.
"Mag-uusap tayo mamaya," wika ni Matthias na siyang ikinagulat naman ni Isla.
Tumango naman siya at ngumiti. "Okay."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro