Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

Nang makapasok si Isla sa loob ay agad niyang namataan si Clay na nakaupo malapit sa kusina. Tila kausap pa nito si Faroda ngunit hindi niya gaanong marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.

Napabuntong-hininga naman si Isla at sa halip na puntahan ang binata ay pinili niya na lamang na umakyat sa silid nito. Palagay niya ay matutulog si Clay sa bahay at kailangan niyang linisin ang kwarto nito. 

"Magtatagal kaya siya rito?" bulong niya habang pinapagpag ang kama ng binata.

Kukunin niya na sana ang supot ng mga unan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Clay na may nagtatanong na mga mata.

He tilted his head and crossed his arms. "What are you doing?"

Natigilan naman si Isla sa kanyang ginagawa at kumabog naman nang husto ang kanyang dibdib. "W-wala, nililinisan ko lang ang kwarto mo kasi naisip kong dito ka matutulog," sagot naman ng dalaga na hindi makatingin ng diritso sa mga mata ng binata.

"Stop it. Stop acting as if you are my wife, because you are not. We're only legally married. We discussed this a million times. I'm here because our parents are coming to visit us tomorrow, and then I have to return to the set," wika ni Clay at kahit iilang mga salita lamang iyon ay tagos na tagos ang lahat ng mga iyon sa puso ng dalaga.

Walang imik na tumango naman si Isla at binitawan ang mga hawak-hawak niya. Akmang aalis na sana siya nang biglang nagsalitang muli si Clay. "Stow some of your belongings in your room. You'll sleep here. They might surprise us or we don't know when they'll arrive," wika ni Clay at tumango naman doon si Isla.

"Gusto mo bang kunan kita nung niluto kong bakemac? Marami ang cheese tapos-" Hindi na naipagpatuloy pa ng dalaga ang kanyang sasabihin nang pinutol agad ito ni Clay.

"I do not care. Please do not try to cross our bounds. I'm trying to be nice to you, but maybe the next time I won't be," malamig na pagtugon nito at hindi na nag-aksaya pa ng oras si Isla dahil ramdam na niya na tila pinapawisan na siya ay agad na rin siyang umalis.

Ramdam ni Isla ang mainit na pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. Pilit niyang kinurap-kurap ang kanyang mga mata upang hindi ito kumawala ngunit hindi siya nagtagumpay. Sa tuwing magkikita sila ni Clay ay ganito ang kanyang sitwasyon.

Lagi siyang nauuwing luhaan. Mahal niya ang binata at kahit na pangit ang pakitutungo nito sa kanya ay hindi niya pa rin ito magawang kamuhian. Kaya mas pipiliin niya na lamang na masaktan nang masaktan hanggang sa dumating ang araw na siya na rin mismo ang kusang bibitaw. Naisip niyang mas maigi iyon kaysa sa pilitin niya ang kanyang sarili sa sitwasyong hindi pa siya handa.

Nang makapasok siya sa kanyang kwarto ay agad niya itong isinara at nahiga sa kanyang kama. Gaya ng kanyang laging nakagawian ay ibabaon niya na namang muli ang kanyang mukha sa unan upang isigaw lahat ng namumuong sakit at galit gayun na rin ang kanyang pag-iyak.

Wala na muna siyang pakialam kung mamaya ay magagalit ang binata sa kanya sa hindi kaagarang pagtugon sa utos nito kaysa sa maiyak siya sa harapan ng binata ata ayaw na ayaw niyang mangyari iyon.

Umiyak nang umiyak si Isla na para bang ibinuhos niya na lahat ng kanyang hinanakit hanggang sa lamunin siya ng antok. Iyon na rin ang naging kagawian ni Isla sa tuwing umuuwi si Clay. Nakatutulugan na nito ang kanyang pag-iyak.


ALAS sais na ng gabi nang hindi na napigilan ni Clay na lumabas ng kanyang kwarto at hanapin ang dalaga. Ilang oras na rin ang lumipas at hindi pa rin bumabalik sa kanyang kwarto ang dalaga. Ni hindi niya alam kung naintindihan nito ang kanyang inutos.

Nagkukumahog na bumaba ng hagdan si Clay at hinanap kung saan-saan ang dalaga. Halos libutin niya na ang buong kabahayan ngunit ni anino ng dalaga ay hindi niya mahagilap. Nakita niya naman si Faroda na naglilinis ng kwarto nito.

"Manang, si Isla po?" tanong ni Clay at nagtatakang tiningnan naman siya ni Faroda.

"Ha? Hindi ba't nasa kwarto niya? Nakita ko siyang pumasok doon nang makalabas siya sa kwarto mo kaninang umaga," sagot naman ni Faroda.

Napahilot naman si Clay ng kanyang sentido. "Give me the keys to her room," utos ni Clay at dali-dali naman itong tinugon ni Faroda.

Ilang segundo lamang na nahanap ni Faroda ang susi ng kwarto ni Isla at agad itong inabot sa binata. Nagtataka pa rin ang matanda sa kung ano na ang nangyayari sa dalawa.

Ilang hakbang lamang ang ginawa ni Clay paakyat ng hagdan at nang nasa harapan na siya ng pintuan ng kwarto ng dalaga ay sandali siyang natigilan. Napabuntong-hininga siya at sinubukang katukin na muna ang dalaga.

Ilang katok na ang kanyang ginawa ngunit wala siyang marinig na sagot mula sa loob. Idinikit niya pa ang kanyang tainga sa pinto ngunit kahit ingay sa loob ay wala. Dali-dali niyang isinuot ang susi sa pinto at pinihit ang busol at maingat na binuksan ang pinto.

Tumambad sa kanya ang himbing na himbing sa pagtulog na si Isla. May nakapatong pa na unan sa ulo nito. Suot-suot pa nito ang bestida niya kanina at kitang-kita ang mga hita nito dahil medyo naitaas ang laylayan nito.

Napabuga naman ng paghinga ang binata at kumunot ang noo nitong minasdan ang dalaga. Nilapitan niay ito at inalis ang nakapatong na unan sa mukha nito. Doon niya lang napansin na basing-basang ang ilang hibla ng mahaba nitong buhok na nakadikit sa mukha nito. Mamasa-masa rin ang pisngi nito na tila namumula at ganoon na rin ang labi nito.

Maingat niyang kinarga ang dalaga upang hindi ito magising. Karga-karga niya ito patungo sa kanyang kwarto. Nang maipasok niya ang dalaga ay maingat niya rin itong inihiga sa kanyang kama at kinumutan. Kumuha rin siya ng medyas at isinuot iyon sa mga paa ng dalaga.

Naupo ang binata sa gilid ng kanyang kama at napahilamos ng kanyang mukha. "What the hell am I doing?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro