Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 38

Paradis Cathedral

Kanina pa hindi mapakali si Isla at tila aligaga sa lahat ng kanyang mga kilos. Ngayon ang kasal ni Lexus at halos lahat ay handa na at tanging ang bride na lang ang hinihintay. Nakahanay na rin si Cerius na kanina pa niya tinitingnan. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil kanina pa siya kinakabahan.

Napasinghap naman siya nang hawakan ni Matthias ang kanyang kamay. Nilingon naman niya ito at ngumiti.

"Kanina ka pa tila hindi mapakali," wika ni Matthias at marahang pinisil ang kamay niya.

"Wala ito . . . 'wag mo akong pansinin. Naiihi lang kasi ako pero kaya ko pa namang pigilan," pagrarason niya na lamang.

Tila hindi naman kumbinsido rito si Matthias dahil kahit siya ay hindi rin mapakali. Kanina pa niya sinusuyod ng tingin ang loob ng simbahan dahil ramdam niyang naroroon lamang si Clay.

Walang ano-ano ay narinig nilang paparating na ang bride at agad naman silang umayos.

"Masaya ako para kay Lexus," wika niya at tumango naman doon si Matthias.

Kahit si Matthias ay masaya rin para kay Lexus. "Ako rin, Isla."

Rinig naman nilang dalawa ang pagbukas ng pinto at isa-isang pumasok ang mga flower girls at kasunod naman doon ay ang ring bearer, si Cerius. Halos lahat ng mga mata ay tila nasa kanyang anak o akala niya lang. Napakagwapong bata ni Cerius at hindi ito maiiwasan ng tingin. 

Tumingin naman si Cerius sa kanyang pwesto at bahagya naman itong kumaway sa kanya. Nangingiti siyang kinawayan ito pabalik.

Habang pinapanood ang kanyang anak ay nakaramdam siya na may tila nakatanaw sa kanya ngunit nang lumingon siya sa kanyang kanan ay wala naman. Ganoon din sa kaliwa ngunit wala rin. Hindi niya alam ngunit tila ramdam niyang nasa paligid lamang si Clay.

Oo, si Clay nga ang kanina pa niyang hinahanap dahil alam niyang matalik na magkaibigan si Clay at Lexus. Imposible ring hindi dadalo si Clay kahit na may kaunting hidwaan sa kanilang dalawa.

Humugot naman siya ng malalim na paghinga at kinalma ang kanyang sarili. Siya lang ang nagpapakaba sa kanyang sarili. Isa lang naman ang ikinatatakot niya at iyon ay si Cerius. Ayaw niyang kunin ni Clay sa kanya ang kanyang anak kung gayun na sa una pa lang ay gusto nitong ipalaglag ito. Ramdam niya pa rin ang hapdi at pait sa mga salitang binitawan nito sa kanya na parang kahapon lang. Bigla rin siyang nangulila kay Nanang Faroda.

Agad namang umaliwalas ang kanyang mukha nang makita niyang papasok na ang bride. Namangha ang lahat dahil sa ganda ng bride at mala-prinsesa nitong wedding gown. Halatang pinagkagastusan at hinandaan talaga ito. Maganda rin ang pagkaka-setup ng simbahan at lahat ay ayos na ayos. Pinaghandaan itong lahat ni Lexus.

"Ang ganda niya," usal niya at narinig naman ito ni Matthias.

"Para sa akin wala pa ring makatatalo sa kagandahan mo," mahinang sambit ni Matthias at hindi naman ito gaanong narinig ni Isla.

"Ano?" tanong niya at umiling naman ang binata.

Habang nakikinig ang lahat sa sinasabi ng pari sa ikakasal ay hindi naman mapigilan ni Isla na mainggit. Alam niyang mali ngunit iyon ang kumikirot sa kanyang puso. Gusto niyang ring maikasal sa harap ng mga taong mahal niya sa buhay at hindi ikasal patago hanggang sa tumagal na lang ay nakatago pa rin siya. Gusto niyang matawa dahil noong gabing ikinasal sila ay tila siya lang pala ang totoong nagmamahal. Sino ba naman kasi ang niloloko niya dahil isa naman iyong arranged marriage. Hindi pa naman sila nagkakikilala nang husto ngunit sa tagal ng kanilang kasal ay wala rin namang nangyari.

Muli namang napansin ni Matthias si Isla na tila malalim ang iniisip habang nakatanaw sa dalawa. Kung sana ay siya na lang ang pinakasalan nito ay ipinapangako niyang hindi nito mararanasan ang nararanasan nito ngayon kay Clay.

"Gusto mo bang lumabas na muna? Sa pagkakaalam ko ay may banyo sa labas. Sa paglabas mo ay dumiritso ka lang at kumaliwa ka may makikita ka roong karatula. May nagbabantay din doon at pwede kang magtanong," wika ni Matthias na tila nag-aalala.

Umiling naman siya. "Baka hanapin ako ni Cerius," sagot niya at marahang natawa naman ang binata.

"Sige na ako na ang bahala kay Cerius. Pasasaan ba at naririto naman ako. Hindi ka niyan hahanapin. Sige na para makabalik ka agad," sagot naman nito at tumango naman siya.

Marahil ay tama nga ito. Hindi naman siya naiihi ngunit parang gusto niyang lumabas saglit at makalanghap ng hangin. Para kasi siyang maiiyak sa loob ng wala sa oras. Ang buong akala niya ay tuluyan na siyang nakalimot dahil sa ilang taon na rin ang lumipas ngunit tila gumuhit na namang muli ang sakit sa kanyang puso.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay sinunod niya ang payo sa kanya ni Matthias. Diritso lamang ang kanyang lakad at hinanap ang daan kung saan pwede siyang kumaliwa. Sakto rin at hindi naman siya nahirapan dito. Malawak ang simbahan at hindi mainit dahil sa mga matataas at mayayabong na mga puno. Maganda rin sa mga mata ang paligid dahil sa berdeng-berdeng mga damu at mga namumulaklak nai iba't ibang kulay ng santan. Naalala niya pa noon ay gumagawa siya sa mga bulaklak nito ng mga porselas.

Nangingiti siyang nilampasan ang mga bulaklak dahil parang kahapon lang ay namimitas siya nito at walang dalang mga problema at alalahanin. Tanging paglubog lamang ng araw ang kanyang problema dahil hindi na siya makalalaro nang matagal.

Kumaliwa naman siya at agad na hinanap ang karatula na siyang binanggit ni Matthias. Wala ring taong pwede niyang mapagtanungan kaya wala rin siyang magagawa kung hindi ang hanapin ito sa kanyang sarili. Kailangan niyang maghilamos upang mahimasmasan.

Habang binabaktas ang daan ay napasinghap siya nang may agad na humila sa kanyang pulsohan. Agad naman siyang napasubsob sa isang matigas na bagay at napapikit.

"Are you lost? I'm lost too..."








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro