Inihiga ni Matthias sa kanyang kama si Isla. Humihikbi pa rin ito at ayaw na niyang itanong kung bakit. Ramdam niya ang dala-dala pa ring sakit nito na tila ba hindi napapawi.
Agad naman niya itong kinumutan at pinagmasdan. Pikit na ang mga mata nito na para bang pagod na pagod kahit na tila masigla naman ito kanina.
"Dito ka na muna at ako na muna ang bahala kay Cerius. Get some rest and don't hesitate to call me kung may kailangan ka," wika niya bago tuluyang lumabas.
Kung sana nga ay siya na lang ang minahal nito ay sisiguraduhin niyang hindi nito mararanasan ang sakit na danas nito ngayon.
"Lexus," tawag niya at nilingon naman siya nito.
Ikakasal na ito at masaya siya dahil nakatagpo na ito ng babaeng mamahalin. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na may pagtingin din ito kay Isla dahil kitang-kita niya sa mga kilos nito.
Nakatutuwang isipin dahil sa halip na magkatunggali ang turing nila sa isa't isa ay nagmistulang naging malapit na silang magkaibigan. Bukal sa loob nito ang pagtulong kay Isla hanggang sa magsilang ito.
Ngunit agad din itong nagparaya nang isang araw ay naglakas loob itong ikumpisal ang kanyang nararamdaman dito. Hindi nagtanim ng samang loob si Lexus kay Isla at nirespeto nito ang kanyang desisyon. Simula rin noon ay napagdesisyonan nitong umalis na muna ngunit bago ito umalis ay tiniyak niya munang maayos ang magiging sitwasyon ni Isla.
"Alam ko ang iniisip mo," tipid nitong sagot sabay titig sa invitation card. Hindi naman kasi siya ang naglagay ng pangalan ni Clay sa imbitasyon ngunit ang kanyang magiging asawa.
Gusto kasi nitong magkaayos silang dalawa.
Inaamin niyang medyo naalarma rin siya rito dahil alam niyang hindi malabong magkita ang dalawa at malalaman nito ang lahat. Lalo pa at ring bearer pa si Cerius sa kasal.
"Hindi lang yata ako handa na magkita silang dalawa," mahina niyang sambit saka tumingin sa kawalan.
"Bakit? Natatakot ka bang biglang mawala siya sa 'yo?" seryosong tanong nito. "First, she is not yours and you know from the start kahit na ako na siya ay kasal kay Carson. They are still married and no one owns her but him. Let's just face the fact but . . . who knows what fate's waiting. We can't tell, Matthias. It's all about taking the risk," dagdag pa nito sabay latag ng card sa ibabaw ng mesa.
"She is worth taking the risk. Kung sa huli man ay hindi umayon sa akin ang lahat ay maluwag ko itong tatanggapin dahil sa una pa lang ay alam ko na ang pinasok ko. Alam ko na kung ano ang magiging resulta ngunit heto pa rin ako umaasa. I know it's crazy but people do crazy things when they're in love," mahaba niyang lintanya at narinig naman niyang bahagyang natawa si Lexus.
"You are hell one of a crazy man. But she is really worth the risk. For the second time I give way. I hope you will soon have your own happiness," wika nito bago tumungga ng alak.
"Inaalala ko rin si Cerius. Ayokong dumating ang araw na masaktan siya," wika niya habang sumasalin ng alak sa kanyang baso.
Tumango naman si Lexus. "Kahit naman ako. I love that kid pero hindi naman natin hawak ang kapalaran. Mangyayari ang dapat na mangyari," wika niya sabay lapag ng kanyang baso na wala ng laman. "Sa tingin ko ay pupunta siya. Iba pa rin ang lukso ng dugo kahit mabasa lang ang pangalan and come to think of it he is using the last name Randal," dagdag pa nito.
Bumalik sa kanyang huwisyo si Matthias nang marinig niya na tila may mga maliliit na yabag ang papalapit sa kanyang direksyon.
Alam niyang si Cerius ito at tiyak siyang gugulatin siya nito. Umakto naman siyang walang alam at hinintay na lamang ang paglapit nito.
"Boo!" isang maliit at kyut na boses ang bumulaga sa kanya.
Umakto naman siyang nagulat at agad na kinarga si Cerius. Pumapagak naman ito sa katatawa dahil akala rin nitong totoong nagulat siya.
"Nasasanay ka na sa paggulat sa akin ha," wika niya at natatawang kinikiliti ito.
Tawa naman sila nang tawa hanggang sa iupo niya ito sa bakanteng upuan. "Pinagpawisan ka na. Ano'ng gusto mong kainin ngayong umaga?" tanong niya at nagpalinga-linga naman siya sa paligid marahil ay hinahanap si Isla.
"Tulog pa si mama. Hayaan na muna natin siyang makapagpahinga," dagdag pa niya at tumango naman ito.
"Mama is always tired," wika nito at lumungkot ang mukha.
Hindi naman siya umimik bagkus nagpainit na lamang siya ng tubig upang ipagtimpla ito ng gatas.
"One day she will be okay, Cerius," wika niya at tumango naman ito.
"Alam ninyo po Tito, minsan naiisip ko na sana ikaw na lang ang totoong papa ko," wika nito na siyang ikinagulat naman niya.
Sa murang edad nito minsan ay tila marami nang nalalaman sa mundo. Para na rin itong matanda kung makapagsalita.
"Bakit mo naman 'yan nasabi?" tanong naman niya habang iniaabot ang gatas nito.
Malumanay namang tinitigan ni Cerius ang isang baso ng gatas. "Kasi ikaw ang nag-aalaga sa aming dalawa. Lagi kang nandiyan para sa amin," sagot naman nito.
Napatitig naman siya kay Cerius at napabuntong hininga. Alam niyang wala siyang karapatan na maging masaya sa naging turan nito. Dahil kung tutuusin ay wala naman siyang lugar sa dalawa.
"Gusto mo ba na bumili tayo ng strawberry cheesecake para i-surprise si Mama?" tanong niya at tila kumislap naman ang mga mata nito.
"Sige po!" masiglang sagot nito at agad na ininom ang gatas. "Excited na rin po ako sa kasal ni Tito Lexus," dagdag pa nito.
Ngumiti naman siya rito ngunit sa loob-loob niya ay may pangamba. Alam niya rin sa kanyang sarili na hindi habang buhay ay maitatago niya ang mag-ina kay Clay.
Sa darating na linggo ay magkikita na rin silang apat.
Author's announcement: Magandang hapon po sa inyong lahat. Nais ko lang pong ipaalam sa inyo na na-hacked po ang aking Facebook page na "Heitcleff WP". Nasasayangan din ako sa page ko kasi nasa 43k followers na siya para akong naiiyak isipin na ganoon na lang na mawawala. Gagawa po ako ng panibagong Facebook page at sana po ay i-follow ninyo rin po ako roon.
Maraming salamat po!
UPDATE: Hello sweets! May new facebook page na tayo ❤ Back to zero pero ayos lang. Everything happens for a reason. Follow me on my Facebook page!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro