Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 35

"Lexus! Lumabas ka riyan!" pang-ilang ulit nang sigaw ni Clay sa labas ng gate.

Kasalukuyan siyang nasa labas ng bahay nito. Malakas ang kutob niyang may kinalaman ito sa pagkawala ni Isla. Una niyang hinanap si Matthias ngunit bigo siya. Nag-utos na rin ng mga tao upang hanapin ito at baka bukas ay may makuha na siyang resulta. Wala siyang pakialam kahit gabi na at tulog na tulog na ang mga tao.

"Lexus!" sigaw niya ulit at may nakita siyang tila umilaw sa isang kwarto.

Alam niyang naririnig siya nito at ayaw lang siyang labasin. Bumukas ang malaking pinto at iniluwa nun ang binata. Nakapangtulog na ito at halatang napukaw yata sa mahimbing na pagkatutulog.

"Clay," mahinang tawag nito nang makalapit na ito sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo rito at nag-iiskandalo ka? Tulog na ang mga tao sa mga oras na ito. Alam mo ba kung ano'ng oras na?" sunod-sunod nitong tanong habang nakapamulsa. Hindi nito binuksan ang gata upang pormal silang makapag-usap.

Clay smirked. "Alam kong alam mo kung bakit ako naririto. Huwag na tayong magtanga-tangahan. Malakas ang kutob kong may alam ka," usal niya dahilan upang bahagyang matawa si Lexus.

Lexus crossed his arms and smirk. "Bakit? Ano'ng nangyari at sa akin mo hinahanap ang asawa mo? What makes you think that she's with me? Nawawala ba ang asawa mo?" wika nito at hindi mawala-wala ang nakalolokong ngiti nito sa mga labi.

Naikuyom naman niya ang kanyang palad ngunit kailangan niyang maging kalmado. Hindi ito oras upang patulan niya ito. Ang kailangan niya ngayon ay kasagutan. "Look, if you know where she is just tell me," wika niya sa kalmadong tono.

"If she's your wife then you know where she is. I don't know what's going on between you two but all I know is mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita. From the last time that we spoke you hated her and wished she wasn't your wife. Well I guess your wish had come true. Good night, Clay," wika nito at akmang tatalikod na sana.

"And you wish she was yours," malamig na tugon niya dahilan upang lingonin siya ni Lexus.

Seryoso itong nakatingin sa kanya. "Seriously bro? We knew each other for a long time. I admit she was my first love but I give way because I knew that she likes you kahit na ni minsan ay hindi mo siya tinapunan ng tingin. I wish she was mine because I can take good care of what she truly deserves. You treat her like a shit and now you are here looking for her? It's kind of ironic isn't it? Masyadong makapal ang mukha mo sa parteng 'yan. I wish she was mine because a jerk like you don't deserve a gem like her so get out of my property, Carson." Iyon lang at tumalikod na ito ang naglakad papalayo.

Hindi naman siya nakaimik sa kanyang kinatatayuan at pinanood lamang ang kanyang matalik na kaibigan papasok sa bahay nito. He was his best of friend but now he got it all screwed. He screwed up pretty bad.

Tahimik na pumasok siya sa kanyang sasakyan at pinaandar ito. Paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang naging sagutan nilang dalawa ni Lexus. Dumagdag din doon ang naging sagutan nilang dalawa ni Noah. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya at walang dapat na sisihin dito kung hindi ang kanyang sarili. Siya ang may kagagawan ng lahat.

Kung sana ay naging bukal na sa kanya at naipakilala na niya si Isla sa buong mundo at naimulat na niya ang kanyang sarili na siya ay may asawa na ay hindi siguro mangyayari ang lahat ng ito. Kung sana ay hindi niya pinag-isipan ng mali si Isla. Kung sana ay naniwala siya rito. Nawalan na siya ng anak. Wala na ang kanyang anak.

Itinigil niya ang sasakyan sa isang dulo at doon ay napatabon siya ng kanyang mga mata gamit ang kanyang bisig. Nararamdaman niyang umiinit ang gilid ng kanyang mga mata na nagbabadyang lumuha. Umuukit sa kanyang lalamunan ang pait at sakit sa kanyang dibdib.

Tila ngayon lang unti-unting sumagi na sa kanyang isipan ang lahat. Siya ang pumatay ng kanilang magiging anak. Pinatay niya ang kanyang anak at walang kapatawaran ang kanyang ginawa. Pinatay niya ang kanyang sariling dugo't laman.

"Isla . . ." paos niyang sambit at patuloy pa rin sa pag-agos ang kanyang mga luha. "I'm sorry. Where are you? Please let me find you. I'll make it up to you. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako." Napasuklay siya ng kanyang buhok at napahilamos siya ng kanyang mukha.

Kinuha niya mula sa kanyang bulsa ang kanyang selpon. Wala pa rin siyang natatanggap na mensahe. Wala pa ring lead kung nasaan si Isla at Matthias. Wala rin daw ito sa condominium na inuupahan nito.

Hindi niya alam kung magkasama ba ang mga ito. Kung ano ang ginagawa ng mga ito sa ganitong oras. Napahawak siya sa manubela at muling pinaandar ang sasakyan. Lilipad siya papuntang Batanes.

Sa pangalawang pagkatataon ay babalik siya ulit doon at nagbabasakaling nandoon na si Isla. Wala na siyang alam kung saan pa ito pupunta. Ngayon niya lang din napagtanto na wala pala siyang gaanong kaalam-alam sa kanyang asawa. Ni paborito nitong kulay ay hindi pa siya sigurado. Ni bulaklak ay hindi niya rin alam kung hindi pa siya nagtanong sa ina nito ay hindi niya malalamang orkids ang paborito nitong bulaklak kaya ipinatanim niya ito sa rest house.

Hindi mahirap mahalin si Isla ngunit nabulag lamang siya ng iba niyang adhikain at kay Rebecca at Michelle. Isa nga siyang gago kung tutuusin.

Bakat na bakat ang mga ugat sa kanyang mga braso dahil sa higpit ng kanyang pagkahahawak sa manubela. Mabilis ang kanyang pagpapatakbo na para bang nakikipagpatintero sa mga sasakyan.

"While I breath, I hope."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro