Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34

Six years ago . . .

Isang malakas na suntok ang ikinatumba ni Clay. Nagdurugo ang kanyang bibig dahil dito dahilan upang lapitan siya ng kanyang ina. Nalaman ng kanyang ama ang kabalustugang ginagawa niya. Kalat na kalat din kasi ito sa internet at tabloids. Ayaw din siyang kausapin ng mga magulang ni Isla.

Bukod sa nalaman ng mga ito ang relasyon nila ni Michelle na wala namang katotohanan ay nalaman din nilang umalis si Isla. Bukod pa roon ay ang kahindik-hindik na balitang nakuhanan daw ito kaya mas piniling magpakalayo-layo. Hindi rin nito sinabi kung nasaan ito ngayon. Alalang-alala naman ang mga magulang ni Isla at hindi malaman ang gagawin.

"Kulang pa 'yan!" sigaw ng kanyang ama at halatang pigil na pigil ito sa galit. "You are a married man! Buntis pa ang asawa mo ngunit ano ang ginagawa mo?" dugtong pa nito at napaupo sa isang silyang malapit sa kanya.

Iginiya naman siya ng kanyang ina paupo at tiningnan ang pumutok niyang labi. Walang imik ang kanyang ina at alam niyang mabigat din ang loob nito sa kanya.

Hindi totoong nagli-live in sila ni Michelle dahil ito mismo ang walang humpay na sumusunod sa kanya hanggang s amay nakakita sa kanilang mga paparazzi at dahil nasa showbiz sila ay iba't ibang tsismis na ang kumalat sa mga balita. Hindi rin kasi siya umuuwi kay Isla noong mga araw na iyon dahil malakas ang kutob niyang hindi niya anak ang dinadala nito.

"Magpasalamat ka at hanggang ngayon ay pribado pa rin ang kasal ninyo ni Isla. Ni minsan ay hindi ko siya narinig na nagreklamo but this is too much. Hindi mo ma lang kami naisip. Hindi mo man lang siya naisip. This is all because of your attitude. Hindi ka pa rin nagbabago," wika ng kanyang ama saka dahan-dahang tumayo gayun na rin ang kanyang ina at lumabas ng kanyang kwarto.

Maya't maya ay muling may kumatok sa pinto at iniluwa nito ang kanyang kuya, si Noah. Matagal-tagal din itong nawala at ngayon lang nakauwi.

Kumuha naman ito ng bangko at naupo. "I think you need to let her go, Carson. If you don't love her then let her go. Tutal nakuha naman nila ang gusto nila dahil sa pagpapakasal sa inyong dalawa. Give her the freedom she deserves," wika nito at doon ay unti-unting umuukit sa kanya ang lahat ng mga nangyari.

Kailangan na nga ba niyang bitawan si Isla. Kaya niya ba itong gawin? Kung kailan minahal na niya ito ay ginawa niya pang miserable ang lahat. Ang buo kasi niyang akala ay may nangyari kay Matthias at Isla sa Batanes.

"Hindi ko alam kung bakit koi to itinatanong but as much as I am concern I much worried about her. She doesn't deserve this. I know you can be better but it was too late, Carson. What do you want? A legal separation or an annulment? Nasa Pilipinas tayo at walang hindi nagagawa rito nang mabilisan," wika nito at bago pa man siya makasagot ay tumayo na ito sa kanyang kinauupuan. "Sa tingin ko ay hindi mo na dapat itong pag-isipan pa nang maigi. Pangatawanan mo ang ginawa mo. It's too obvious," dagdag pa nito and he knew he was disappointed with him.

"Will she forgive me?" tanong niya at muling tumulo ang kanyang mga luha.

"Kung oo ang isasagot ko ibig sabihin nun ay pinapalubag ko lamang ang loob mo. But I think you know the answer," sagot naman nito at tumango naman siya. "Let her go man. She deserves better and that better is not you."

Nang tuluyan na siyang mapag-isa ay doon na bumuhos ang kanyang mga luha. Doon niya lang napagtanto ang lahat ng kanyang mga nagawa. Doon lang umukit ang lahat ng kanyang mga ibinigay na sakit kay Isla. Noong huling araw bago ito naisipang umalis ay kitang-kita niya ang malulungkot nitong mga mata nang itanong niya kung kailan nito ipalalaglag ang bata.

Isa siyang malaking tarantado at ngayon ay pinagsisisihan na niya ang lahat. Hahanapin nya ito at hihingi siya ng kapatawaran. Kung hindi man siya nito mapatawad ay hindi siya titigil hanggang sa mapatawad siya nito. Gagawin niya ang lahat upang maging maayos silang dalawa.

Aalagaan niya ito pati na rin ang kanilang anak. Tatanggapin niya ito dahil sa kanya ito. Mamahalin niya ito ng buong-buo. Isisiwalat na niya sa buong mundo na siya ay may asawa na. Ibibigay niya ang lahat para kay Isla huwag lamang mawala itong muli.

Ngunit saan siya magsisimula? Saan kaya ito nagtatago kasama si Faroda?

Sa Batanes ba sila pumunta? Ano na ang ginagawa nito sa ngayon? Totoo bang nakuhanan ito? Maraming mga katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan. Napahilamos siya at napasuklay ng kanyang buhok.

Nahiga siya sa kama at nagpakawala ng paghinga. "Where are you?" bulong niya at napapikit.

Masyadong maraming nangyari sa araw na ito. Wala na siyang pakialam kung bumagsak man ang kanyang career sa pagiging artista. Wala na siyang pakialam sa iba. Isa lang ang alam niya at iyon ay ang hanapin ang kanyang asawa't anak.

"Ako ang nag-udyok na magsimula tayong muli ngunit ako rin pala ang sisira nito. Mapapatawad mo pa ba ako?" bulong niya kahit na alam niya sa loob-loob niyang malabo ang lahat ng kanyang mga katanungan.

Alam niyang walang kapatawaran ang lahat ng kanyang mga nagawa at tama si Noah dito. Ngunit bago pa man siya tuluyang sumuko ay susubukan niya munang ayusin ang lahat. Aayusin at hindi na niya ito sasayangin pang muli. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro