Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 33

Naghihintay na lamang si Isla na maluto ang brownies nang may narinig siyang busina ng sasakyan sa labas. Tiyak siyang si Matthias na ito. Nagpunas naman siya ng kamay sa kanyang suot na apron habang papalabas ng bahay upang salubungin ito.

May gumuhit namang ngiti sa kanyang mga labi nang magtama ang kanilang mga mata. "Akala ko ay sa isang linggo ka pang mawawala," salubong niya rito habang papalapit upang tulungan sa mga dalahin.

Umiling naman si Matthias at ngumiti. "Natapos ko na rin kasi lahat and Dad's already there," sagot nito sabay kuha ng kanyang mga pinamili.

Nanlaki naman ang mga mata niya nang mapagtantong sobrang dami ng pinamili ni Matthias. "Sa abroad ka ba galing at para kang nagdala ng kabuhayan package," birong sambit niya dahilan upang matawa silang dalawa.

"Good thing medyo alam ko lahat ng mga kailangan mo especially sa kusina. Namili na rin kasi ako," wika nito habang sabay silang pumasok sa loob dala-dala ang mga pinamili nito.

Pagkatapos ibaba lahat ni Matthias ang kanyang mga ipinamili ay ang siya namang pag-ayos ni Isla ng mga gamit sa kusina. Sakto ring tapos na kanyang bini-bake.

"Ano'ng oras ang uwi ni Cerius?" tanong ni Matthias habang binabalatan ang mansanas.

Ugali na niya itong gawin sa tuwing bibili siya dahil iyon ang gusto ni Isla. Lagi niya itong pinagbabalatan kapagka nakabibili ito.

"Mamaya pa mga alas tres ay uwi na nila," sagot niya naman habang ngumunguya ng nahiwang mansanas.

"Ako na ang susundo sa kanya," wika nito sabay lapag ng kutsilyo. "May binili kasi akong pasalubong sa kanya and I want to surprise him. Matagal na niya itong gusto," dugtong pa nito.

"Masyado mong ini-spoil si Cerius. Baka hanap-hanapin niya 'yan. Ayokong masaktan ang anak ko," wika niya na nakatingin ng diritso sa mga mata ng binata.

Ayaw niyang masaktan ang kanyang anak sa huli dahil alam niyang hindi naman permanenteng nariyan si Matthias sa tabi ng kanyang anak.

Sumeryoso naman si Matthias at napabuntong hininga. "Hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa 'yo, Isla at alam mo 'yan. I confessed my feelings yet you turned it down. But I am still here," wika nito habang titig na titig din sa kanya.

Napalunok naman siya dahil tila isang maling hakbang ang pagtitig niya rito. "Sa tingin ko kasi ay hindi ako ang nararapat na babae para sa 'yo, Matthias. Kasal ako, may anak . . . tingnan mo ang buhay ko. Tingnan mo kung ano ang mayroon ako. I will be a burden to you," mahinang sagot niya at agad na nag-iwas ng mga tingin.

Bahagyang lumapit naman si Matthias. "I will carry things for you. I will be the father of your child. I will do everything you ask . . . you wish for. Just be my wife every day. You deserve everything in this world, Isla."

Hindi pa rin siya makatingin sa mga mata ng binata. "Gamit na ako ng iba, Matthias," mahina niyang sambit.

"Making love to you is not the first thing in my mind, Isla. You and Cerius will be my priority no matter what the situation. If you ask me to fight for the two of you then I will. I will fight for you. I will defend you even in smallest situations. I fell in love with your soul before I could even touch your skin if that isn't true love then tell me what it is, Isla?" tanong nito at dahan-dahang kinuha ang mga kamay ni Isla.

Napalingon naman siya sa binata na ngayon ay tila nangingilid na ang kanyang mga luha. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Parang may bumabara sa kanyang lalamunan.

Masakit at mahapdi.

Kumikirot ang kanyang puso. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng lahat ay may lalaking magmamahal sa kanya nang husto at totoo. Ramdam naman niya noon ang pagmamahal sa kanya ni Clay ngunit sa tuwing imumulat niya ang kanyang mga mata kinaumagahan ay parang naglalaho ang lahat sa pagitan nilang dalawa na parang isang panaginip. Inaamin niyang minahal niya nang husto si Clay ngunit nalimutan na rin niya na mahalin ang kanyang sarili. Hindi niya na alam ang totoo sa hindi kung magkasama silang dalawa. Hindi niya alam kung ano nga ba ang totoo nilang estado kahit na sa papel ay mag-asawa sila.

Ngunit kay Matthias ay iba. Sa kanya niya naramdaman ang totoong kahulugan ng pag-ibig na walang hinihinging kapalit. Ngunit kaya niya bang harapin ang lahat? Papaano niya ipapaliwanag sa kanyang mga magulang ang lahat? Iniisip niya pa lang ito ay naguguluhan na siya.

"Huwag mong kalimutan na hindi ka nag-iisa. Nandito kami ni Cerius," wika nito na siya namang ikinangiti niya at doon na rin bumuhos ang kanyang mga luha.

Napayakap naman siya sa binata at niyapos naman siya nito pabalik. "Everything will go smoothly, Isla. Just be with me, okay?"

Tumango naman siya. "Kaya ko ba ang lahat?" nangangambang tanong niya.

Mag-aanim na taong gulang na si Cerius at naniniwala siyang malalaman at malalaman din ng lahat ang totoo at ayaw niya ring masaktan ang kanyang mga magulang dito. Hindi niya rin alam kung papaano kahaharapin si Clay ngunit isa lang ang alam niya at iyon ay hindi sa habang buhay ay magtatago siya. May karapatan din ang kanyang anak na makilala ang kanyang mga lolo at lola. Balang araw din kasi ay itatanong nito ang lahat sa kanya at ayaw niyang dumating ang punto na kamumuhian siya mismo ng kanyang anak. At ngayon na naririto si Matthias sa kanyang tabi ay para bang tinutuwid at inaayos nito ang kanyang buhay.

"You're a brave woman, Isla. Hindi mo lang nakikita. I will be with you every step of the way," wika ni Matthias sabay himas ng kanyang buhok at halik dito.

Niyakap naman niya ito nang mahigpit at tumango. "Let's fight together." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro