Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 31

Nanlalamig ang mga kamay ni Isla habang pababa sa taxi. Malayo pa lang ay tanaw na niya si Matthias at Faroda at bakas sa kanilang mukha ang matinding pag-aalala sa paghihintay sa kanya.

Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang ginawang desisyon ngunit ngayon na naririto na siya ay wala ng atrasan pa. Agad naman siyang nasilayan ni Matthias at tumakbo ito patungo sa kanyang direksyon.

"Isla! God, are you okay?" tanong nito at tumango lang naman siya.

Sinalubong naman siya agad ni Faroda at agad na naglabas ng puting dyaket ngunit hindi ito gaanong makapal. Hindi niya maalala kung may dala si Faroda na mga gamit kanina. Nang tuluyan na silang makasakay sa sasakyan ni Matthias ay doon na alng din nagtaka si Isla kung bakit hindi sila pumasok sa airport kung sa gayun na iyon ang kanyang gusto.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong niya at sandaling nilingon naman siya ni Matthias bago ibinalik ang atensyon nito sa daan.

"Kung aalis ka ay mas mabuting pasekreto kaysa sa airport ka pupunta. Clay will easily track you there. He has connections deeper than you know," sagot ni Matthias at natahimik naman doon si Isla.

"Nagugutom ka ba iha?" biglang tanong ni Faroda at bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya.

Umiling naman si Isla ngunit inabutan pa rin siya nito ng kanyang paboritong sandwich. "Kumain ka dahil hindi na lang ikaw ang kumakain ngayon dahil dalawa na kayo. Binili itong lahat ni Matthias," dugtong pa nito at tinitigan ang kanyang tiyan.

Tumango naman siya at kinuha ang sandwich. Napalingon siya kay Matthias na ngayon ay seryosong nakatingin lamang sa daan at tila malalim ang iniisip. Sa makatuwid ay hindi niya alam kung papaano tatanawin ng loob ang lahat ng mga ginagawa nito.

"Mahaba pa ang byahe natin. Pwede na muna kayong matulog para makapagpahinga lalo na ikaw, Isla. Gigisingin ko na lamang kayo kapag malapit na tayo," wika ni Matthias dahil pansin niya rin na tila pagod at puno ng pag-aalala si Faroda sa likod.

Umayos naman si Faroda ng kanyang pagkakapuwesto at nahiga. Maluwag ang loob ng sasakyan na tila sasakyan ng mga artista. Pinili namang matulog na lamang ni Faroda ngunit hindi naman mapakali si Isla.

Kahit na nasa daan ang buong atensyon ni Matthias ay inabot niya ang kamay ni Isla at bahagyang pinisil. "Everything will be alright, Isla. Please don't stress yourself. It's bad for the baby," wika nito at tumango naman si Isla.

Habang kinakain ang sandwich ay hindi niya mapigilang hindi isipin kung ano na ang ginagawa ngayon ni Clay. Kung nakapansin na ba ito na siya na lang ang tao sa bahay. Hindi na niya namalayang ubos na ang kanyang kinakain at agad naman siyang inabutan ni Matthias ng tubig.

"Hindi kita tatanungin ngayon but I expect you to answer my questions tomorrow," wika ni Matthias at tumango naman dito si Isla.

Alam niyang karapat-dapat niyang bigyang paliwanag si Matthias. Malaki ang tulong nito sa kanya na walang katanungan kaya susuklian niya rin ito.

Noong araw na bibisitahin sana ni Matthias si Isla ay ang siya ring nalaman niyang nagdadalang-tao na pala ito. Kinuwento ito ni Faroda sa kanya habang nasa sala sila kung saan naabutan sila ni Clay na nag-uusap. Sa maikling oras na pag-uusap noon nila Faroda ay sapat na para malaman niyang tila hindi aproba si Clay sa pagbubuntis ni Isla.

Nakaramdam naman ng galit si Matthias doon at agad na kinumpronta si Clay. Hindi niya pa nga ito lubos na kilala ngunit hindi niya dapat minamaltrato si Isla na siyang asawa na nito. Sa mga oras na iyon ay gusto niyang itakbo si Isla ngunit alam niyang mahihirapan lang ito at baka ikapahamak pa ng nasa sinapupunan nito.

"I want you to know that Lexus is waiting for us," dugtong pa nito at tila kinabahan naman si Isla na siyang inaasahan na ni Matthias.

"Ha? Bakit? I know him and he's friend of-" Hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin nang pinutol siya agad ni Matthias.

"I know and they are best of friends but I think things changed and he is the one who will be helping us. To think na kaibigan niya si Clay ay alam na nito kung paano mag-isip si Clay. Just trust us because I can trust Lexus," wika nito at agad na iniliko ang sasakyan sa isang ruta.

"Malapit na tayo," dagdag pa niya.

Iginala naman ni Isla ang kanyang tingin sa kanilang dinaraanan at hindi siya pamilyar sa lugar ngunit kung susumahin ay para itong isang pribadong lugar. Wala naman siyang magagawa kung hindi ang pagkatiwalaan ng buong-buo si Matthias. Kahit siya ay walang kaplano-plano sa kanyang pagtakas.

Nilingon naman niya si Matthias at magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Hindi niya alam ngunit tila sakop na sakop nito ang kanyang mga kamay. Kung sana ay ito na lang ang una niyang minahal siguro ay wala siya kung nasaan man siya ngayon. Bahagya siyang napahawak sa kanyang tiyan at bilib din siya sa kapit ng kanyang anak. Hindi siya nito pinapahirapan. Mamahalin niya ito at ibibigay ang lahat kahit na wala na itong magigisnang ama.

Ipinarada naman ni Matthias ang sasakyan sa isang gilid at ginising si Faroda.

"Nanang, nandito na po tayo," gising niya kay Faroda at dali-dali namang naupo ito at nag-ayos.

Inalalayan naman siya ni Matthias sa pagbaba ng sasakyan at agad naman silang sinalubong ni Lexus. Kilala na niya noon pa man si Lexus ngunit ni minsan ay hindi pa sila nagkakausap. Ang alam niya lang ay matalik itong kaibigan ni Clay. Hindi niya alam kung dapat niya nga ba itong pagkatiwalaan.

Tila nakaramdam naman si Matthias. "Don't worry," mahinang wika nito.

Napabuntong hininga naman si Isla at tumango. "Thank you, Matthias."

"Isla," tawag ni Lexus at ngumiti naman si Isla ngunit hindi ito abot sa kanyang mga mata.

"Lexus," tawag niya rin. "Maraming salamat sa tulong mo na ito ngunit gusto ko lang sanang siguraduhin na hindi ito makaaabot kay Clay," dagdag pa niya.

Tumango naman si Lexus at kitang-kita sa mga mata nito ang pagkatapat. "You have my word, Isla. Tayo na sa loob at nang makaalis na tayo," wika niya at tumango naman si Isla.

Isa itong private plane at tama nga si Matthias. Hinding-hindi sila mati-trace ni Clay .

Hindi niya alam kung bakit sasama pa ang mga ito sa kanila ni Faroda ngunit wala siyang karapatan na itanong ito sa kanila. Isa lang ang alam niya at iyon ay ang hindi na magpapakita pa kay Clay.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro