Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 30

Hindi gumalaw si Faroda sa kanyang kinauupuan at nakatanaw ito sa kanyang likuran na para bang nagulat. Agad din niya itong nilingon at nahagip ang kanyang paghinga nang mapagtanto kung sino ito.

Hindi nila alam kung narinig ba nitong lahat ang kanilang pinag-usapan o kung bago lang ito.

"Clay," sambit niya at napahawak pa sa kanyang tiyan dahil doon ito nakatingin.

Dahan-dahan itong naglakad patungo sa kanilang direksyon.

"Iho, 'di ka man lang nagpasabi na uuwi ka pala," wika ni Faroda at hindi man lang siya nito binigyang pansin.

"Kung ipinaalam ko ay hindi ko maririnig ang pinag-usapan ninyo," malamig nitong sagot na ngayon ay titig na titig na sa mga mata ni Isla. "Gusto mo bang bumalik sa dati ang lahat? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, Isla. I thought we were starting all over again but I was wrong," dugtong pa nito.

"It changed when you found out that I am pregnant," sagot niya at ramdam niyang nangingilid naman ang kanyang mga luha dahilan upang maikuyom niya ang kanyang mga kamay upang pigilan ang kanyang sarili na maiyak. Tila may gumuhit pa na pait sa kanyang lalamunan.

"Ibabalik natin sa lahat ang dati," kaswal na wika ni Clay. "If you will get rid of that child," dugtong pa nito.

Tila hindi naman makapaniwala si Isla sa kanyang mga narinig. Hindi pa rin nito tanggap na siya ay buntis at ito mismo ang ama. Hindi pa rin ito naniniwala sa kanya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at tinaga ng ilang ilang beses. Ano'ng gusto nitong gawin? Ang ipalaglag ang batang nasa kanyang sinapupunan?

Nababaliw na ba ito?

Sariling dugo at laman niya ang ipinapatay niya?

"Alam kong kay Matthias ang dinadala mo. Huwag mo nang ipagkaila. Ano nga naman ang ginawa mo sa Batanes noon hindi ba?" wika ni Clay na nakangisi.

"Clay!" sigaw ni Faroda na halatang pigil na pigil sa galit ngunit inawat siya ni Isla.

"What? Gusto mo akong sampalin? Go ahead alam kong kanina ka pa nagpipigil. Halatang-halata sa mukha mo, Isla," sambit ni Clay.

Tama nga ito. Kanina niya pa gustong sampalin ito ngunit nagpipigil lamang siya. "Dugo't laman mo ito, Clay. Papaano mong nasasabi ang lahat ng mga 'yan? Kung ayaw mo sa kanya ay aalis-" Agad na naputol ang kanyang sasabihin nang biglang magsalita ulit si Clay.

"Aalis ka? Lalayas ka? I doubt, my little Isla. Hindi mo kakayanin. I know you can't live on your own. You needed me, Isla. Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo. Everything will go smoothly as soon as you follow me. I will even announce our marriage. Think about it and tell me when will be the abortion. Nasa opisina lang ako." Iyon lang at tumalikod na ito at naglakad papasok ng bahay.

Dahan-dahan namang naupo si Isla at inalalayan naman siya nito ni Faroda. Walang umimik sa pagitan nilang dalawa ngunit ramdam pa rin ang tensyon.

Hindi pa rin makapaniwala si Isla sa kanyang mga narinig at tila hindi na rin niya kilala si Clay. Wala siyang pinagsisihan na umalis siya at pumunta sa Batanes dahil kagustuhan naman nilang dalawa iyon. Walang nangyari sa kanilang dalawa ni Matthias at tila mas gugustuhin niya pa ngang kay Matthias na lang siya umibig kaysa sa lalaking walang puso katulad ni Clay.

Naupo naman si Faroda at pinanood lamang si Isla na umiyak. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin ngunit mas minaigi niyang samahan na lamang ito at manahimik. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa inasal ni Clay sa mismo niyang asawa.

"Nanang, tingnan mo nga sa kusina kung may pagkain pa tayo," utos ni Isla na ikinakunot naman ng noo ni Faroda.

"Bakit iha? May ipapaluto ka ba?" tanong naman ni Faroda.

"Umakyat ka sa itaas at sabihin mo sa kanya na may bibilhin ka lang sandali," wika niya at bago pa man makapagsalitang muli si Faroda ay may kausap na si Isla sa selpon nito.

Nangungunot ang noong tumalima naman si Faroda at pumasok sa loob.

"Nasaan ka ngayon?" tanong ni Isla sa kabilang linya. Hindi niya na alam kung kanino tatakbo kaya agad niyang naisipang tawagan si Matthias.

Wala na siyang pakialam sa kung ano pa ang iisipin ni Clay sa huli. Ang importante sa kanya ngayon ay ang makalayo rito. Isasama niya si Faroda. Saka na lang din niya iisipin kung ano ang sasabihin niya sa kanyang mga magulang. Hindi niya kikitilin ang buhay ng kanyang anak kahit na wala na itong amang makagigisnan.

Agad niyang pinatay ang tawag nang makita niya si Faroda na papalabas. Magkikita sila ni Matthias sa airport at pupunta na rin daw ito doon at hihintayin na lamang siya.

"Nakapagpaalam na ako," wika ni Faroda nang makalapit na ito sa kanya.

Tumango naman si Isla. "Tumungo ka agad sa airport at naroon si Matthias naghihintay. Mauna kang umalis at maya-maya ay sisibat na rin ako. Ngayon tayo aalis, Nanang," wika niya at tila hindi naman makapaniwala si Faroda sa kanya.

"Hindi na ba tayo mag-aalsa balutan?" tanong nito at bahagya naman siyang napailing.

"Hindi na dahil ayokong makahalata siya. Mauna ka na, Nanang para maaga tayong makaalis. Ano'ng ginagawa niya sa taas?" tanong niya at tila kinakabahan naman si Faroda sa kanilang gagawin.

"May kinakausap sa telepono kaya agad din akong nakalabas pagkatapos kong magpaalam," sagot nito at naghinala naman si Isla kung sino kaagad ang kausap ni Clay.

Ipinilig naman niya ang kanyang ulo dahil wala na dapat siyang pakialam kung sino man ang kausap nito.

"Dali, Nanang, Magkita na lang tayo," wika niya at dali-dali namang naglakad si Faroda habang nag-aalalang nilingon si Isla.

Nang tuluyan nang makaalis si Faroda ay pumasok na muna si Isla sa loob ng bahay at pumunta sa kusina. Pinakiramdaman niya na muna ang loob. Nang masiguro niyang abala nga si Clay sa itaas ay dali-dali na siyang lumabas. Pinili niya sa likuran dumaan upang hindi makita ni Clay sa itaas ng kanyang opisina.

Bago pa man siya makalabas ay pinagmasdan niya pa nang huling pagkatataon ang bung kabahayan. Hindi niya lubos maisip na sa ganitong sitwasyon mawawala ang lahat.

"Goodbye, Clay."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro