Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

Makalipas ang isang taon . . .

Simula noong araw ng pagdating ni Isla ay ang siya namang araw na ikinasal sila ni Clay. Isang pribadong kasal ang isinagawa at dahil sa kaagarang pagkasal sa kanilang dalawa ay hindi nakadalo ang mga magulang ng dalaga.

Kahit siya ay nabigla nang malaman niyang ikakasal din pala siya agad. Nakahanda na rin pala ang kanyang susuotin na para bang siya na lang ang hinihintay.

Isang taon na ang makalipas simula nang magpakasal siya ngunit imbes na maging masaya siya ay kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam niya ay isa siyang hangin na hindi nakikita ni Clay. Maliban sa mga magulang nito na pamilya kung ituring siya ay salungat naman noon ang pagtrato sa kanya ng binata.

Ni hindi niya pa nga ito nakakausap kahit nasa iisang bubong lang sila nakatira. Pati sa hapag kainan ay hindi niya uto mahagilap. Minsan lang din ito kung umuwi sa kanilang bahay. Higit pa roon ay magkaiba sila ng silid na tinutulugan.

Nasa balkonahe si Isla at tinatanaw ang pagdilig ng mga namumukadkad ng mga bulaklak sa hardin. Napabuntong hininga siya bago humigop ng kanyang tsaa. Sawa na siya sa tila araw-araw na paulit-ulit na ginagawa niya sa pang-araw araw. Lagi siyang nasa bahay at walang ginagawa.

Ang buong akala niyang magiging masaya ang kanyang pamumuhay kasama si Clay bilang kanyang asawa ay pawang kasinungalingan lamang. Sa dalawang buwang iyon ay tila lubos na niyang kilala ang binata.

Malayong-malayo ito sa kanyang mga inaakala. Maamo ito kung mapapanood sa telebisyon at sa mga pelikula ngunit salungat ito sa totoo nitong buhay.

Naranasan niya na ring masigawan ng binata dahil sa isang pagkamamali na hindi naman niya sinasadya. Simula noon ay sunod-sunod na ang malamig na pakikitungo nito sa kanya.

Dahil sagrado ang kasal ay hindi siya basta-basta umayaw. Saka niya lang napansin na napakalaking tanga niya. Ni hindi niya man lang naisip kung may nakatagong lihim sa kanilang kasal na konektado sa kanilang mga yumaong lolo.

Nalaman niya ito noong isang araw na nagpasya siyang dumalo sa mga magulang ni Clay. Ipinagluto niya pa ang mga ito.

Iginala niya ang kanyang sarili sa buong kabahayan hanggang sa makapasok siya sa isang pribadong libraryang opisina ni Mr. Verdera. Nahumaling siya sa mga librong kanyang nakita hanggang sa tila may nabunggo siya. Agad niya itong nilingon at puros mga itim na envelope ang nagkalat sa sahig. Ang ibang mga laman ng mga envelope ay nagkalat din.

Napalingon-lingon pa ang dalaga at tiniyak na nag-iisa lamang siya sa silid. Dali-dali niyang inayos ang mga nagkalat at ibinalik sa pwesto nito hanggang sa may nahagilap ang kanyang mga mata.

Nakuha nito ang kanyang atensyon. Wala sa loob niyang kinuha ito at sinuri.

Once Verdera and Randal have married, our attorney will give each of you the joint account we have created. In addition, there are assets that Atty. Orton will show you. The married couple will also have their own shares, carrying on the Verdera and Randal's legacy.

Isa lang pala siyang susi upang makuha ang mga naiwang kayamanan ng kanyang lolo at lolo ni Clay. Ngunit iisa lang ang tumatakbo sa kanyang isipan at iyon ay kung may nalalaman doon ang binata. Hindi niya rin lubos maisip na kaya itong gawin sa kanya ng mismong sarili niyang mga magulang. Para siyang isinanla sa isang papel na kapalit ay kayamanan.

Gustuhin niya mang kumprontahin ang kanyang ina at ama dahil sa matinding galit ngunit kalaunan ay nahimasmasan siya dahil sa huli ay wala na rin naman siyang magagawa dahil tapos na. Ngayon lang siya nagising sa katotohanan.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Faroda, ang mayordoma ng bahay at nagsisilbing lola niya. Para niya kasi itong lola kung mag-alaga sa kanya at dahil doon ay nangulila siya kaya't pumayag si Faroda na tumayong lola na kahit na hindi sila magkadugo.

Umiling naman si Isla at bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan.

"Iha, baka nakalilimutan mong walang nagbabawal sa'yo rito. Pwede kang lumabas at gumala-gala. Libangin mo ang sarili mo tutal naman ay wala naman dito ang iyong asawa," wika niya na bahagyang natawa pa sa huling salitang kanyang nabanggit. "Kung asawa nga ba siyang maituturing," dugtong pa niya.

"Nanang, mamahalin niya pa kaya ako? Matututunan niya kaya akong mahalin?" tanong ni Isla dahilan upang pagkatitigan siya ni Faroda.

"Iha, kung ako ang tatanungin mo ay nasa iyo na ang lahat. Marahil ay hindi lang nararapat sa'yo si Clay. Ang problema kasi sa mga magulang ninyo ay akala nila kapag pinagsama kayo sa iisang bahay ay magkakamabutihan na kayong dalawa. Aba! Ano'ng akala nila?" lintanya ni Faroda habang pinupunasan ang mesa.

Napabuntong-hininga naman si Isla at nilaro ang dulo ng kanyang buhok. "Isang taon na rin kasi Nanang. Parang hindi naman ako nagagawang tingnan ni Clay. Ni mag-usap nga kami ay napakaimposible tapos kung umuwi siya rito ay madalang lang," wika ng dalaga at nakanguso.

Hinawakan naman ni Faroda ang balikat ng dalaga. "Hindi natin alam ang panahon iha, ngunit ito lang ang masasabi ko. Kailangan mo ring lumabas ng bahay na ito. Gumala ka para naman maibsan ang kalungkutan mo. Makikita mo at gagaan ang iyong pakiramdam," wika ni Faroda at kinuha ang tasa na wala ng laman. "O siya sige at pupunta na muna ako sa kusina. Maiwan na muna kita rito," dugtong pa nito at tumango na lamang ang dalaga kahit na ayaw pa nitong iwan siya.

Napaisip siyang mukhang tama ang abiso sa kanya ni Faroda kaya dali-dali naman siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at pumanhik sa kanyang kwarto.

Matagal-tagal na rin simula noong magamit niya ang kanyang sasakyan. Lagi niya lang itong ipinapagamit kay Mang Julio upang hindi ito tumambak lamang sa garahe.

Pagkatapos niyang mag-ayos at papalabas na ng gate habang sakay-sakay ng kanyang sasakyan ay ang siya namang pagluwa ng sasakyan ni Clay.

Swabe itong pumasok at iginarahe ang kanyang sasakyan sa loob. Nanigas naman si Isla sa kanyang pagkauupo at hindi malaman ang gagawin kung lalabas ba siya o manatili lamang sa loob ng sasakyan.

Nang lumabas ang binata sa sasakyan nito ay tinapunan naman siya ng tingin na animo ay saktong-sakto sa mga mata ng dalaga kahit na tinted ang sasakyan nito.

Ilang segundo ang makalipas ay walang emosyong pumasok ang binata sa bahay. Ang kaninang kumakabog-kabog na dibdib ng dalaga ay napalitan ng panlalamig.

Walang ano-ano ay agad siyang bumaba sa kanyang sasakyan at sinundan ang binata.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro