Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29

Makalipas ang dalawang buwan...

Nasa bakuran at abala sa pagdidilig si Isla ng mga halaman. Naging kagawian na niya ito araw-araw. Dalawang buwan na rin na hindi sila masyadong nagpapansinan ni Clay.

Nasa iisang kwarto na nga sila ngunit malimit na lang kung umuwi ito sa kanilang bahay. Simula nang bumalik ito sa kamara ay halos wala na itong oras kay Isla. Kahit na sabihin pang ibinibigay naman nito ang lahat ng kanyang pangangailangan ay hindi pa rin iyon sapat sa kanya. Higit pa sa mga materyales na bagay ang atensyon at alaga ni Clay sa kanya ngunit naglahong parang bula ang mga iyon simula nang siya ay magdalang tao.

Hindi maikukubli ang lungkot at sakit sa mukha ni Isla at saksi sa lahat ng mga iyon si Faroda. Inaaliw na lamang siya nito sa ibang mga bagay ngunit kulang pa rin.

"Iha, makasasama sa iyo ang laging pag-iyak at pansin kong lagi kang malungkot," wika ni Faroda sabay lapag ng dalawang baso ng orange juice sa lamesa.

"Nanang, umibig na po ba kayo?" tanong niya at tila nabigla naman doon si Faroda.

Humila naman ito ng upuan at naupo. Bahagyang nangiti ito ngunit hindi abot sa mga mata. "Noon... ngunit mas pinili ko na magpakalayo dahil iyon ang nararapat. Ayokong masira ang pangarap niya nang dahil sa akin. Ayokong dumating sa punto na papipiliin siya ng kanyang mga magulang kung pangarap niya o ako," walang pag-aalinlangang sagot ni Faroda.

Nagulat naman si Isla at nalungkot para rito. Hindi niya lubos maisip kung gaano iyon kasakit para kay Faroda.

"Ngunit nakalipas na iyon at nabalitaan kong may pamilya na rin siya. Alam kong masaya na siya ngayon," dugtong pa nito at uminom.

"Ang laki po ng puso ninyo, Nanang. Bukod po pala sa pamilya ninyo ay may masakit kang nakaraan," wika niya habang nakatitig sa kanyang baso.

"Alam mo ba na bukod doon minsan ay naisip ko paano kung hindi ako umalis? Papaano kung mas sinunod ko ang puso ko? Siguro magsusumikap naman kami para magkaroon ng kaginahawaan sa buhay at maging masaya," wika nito na may ngiti sa mga labi.

"Sa tingin ko po ay magkakaroon ka ng isang masayang pamilya," sagot niya na may ngiti sa kanyang mga labi.

Tumango naman si Faroda. "Kaya ikaw kung ano man ang sinasabi ng isipan mo ay mas maiging itimbang mo rin sa puso mo. Dahil sa isang desisyon mo sa buhay mo ay magdudulot ng malaking epekto na hinding-hindi mo na mababago. Pag-isipan mo nang mabuti ang lahat, Isla dahil alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan mo," wika ni Faroda dahilan upang lingonin siya nito.

"Nanang," mahinang tawag niya at tumango naman si Faroda sa kanya. "Hindi ko na po alam ang gagawin. Mahal ko po si Clay ngunit ayoko pong maging ganito habang buhay. Lagi na lang po akong umiiyak at malungkot. Ayoko pong makita ako ng aking anak sa susunod na ganito," dagdag pa niya at tumango namang muli si Faroda.

Nang mabalitaan ng kanyang mga magulang na siya ay buntis ay abot langit ang kanilang mga ngiti at kagalakan ngunit salungat nun lahat para kay Clay. Lingid kasi sa kaalaman ng mga ito ay ang totoong sitwasyon nilang dalawa. Humingi rin ng kapatawaran ang kanyang mga magulang sa kanya kahit matagal na niya itong pinatawad. Mahal niya ang kanyang mga magulang at gayun na rin ang mga magulang ni Clay.

Sa dalawang buwang lumipas ay hindi na niya maramdaman si Clay. Hindi na niya maramdaman kung mahal pa ba siya nito. Sigurado naman siyang kung papipiliin si Clay kung siya o ang pangarap nito ay alam niyang mas pipiliin nito ang pangarap.

"Ano'ng plano mo, iha?" tanong ni Faroda.

"Aalis po ako, Nanang. Naghahanap lang po ako ng tamang tiyempo," sagot niya at nalungkot naman ang mga mata ni Faroda. "Gusto ko po sanang kasama kayo, Nanang," dagdag pa niya.

Tumango naman si Faroda. "Sasamahan kita dahil mas mag-aalala ako kung hindi kita kasama lalo na sa kalagayan mo. Handa ka ba sa gagawin mo? Mawawalan ng ama ang anak mo," wika ni Faroda at binuksan ang hawak-hawak niyang dyaryo dahilan upang matigilan ito.

Napansin naman ito ni Isla at napatingin sa hawak-hawak nitong dyaryo. Bumungad sa kanya ang mukha ni Clay sa isang headline.

Ayon sa balita ay may ka-live in daw itong isang artista at maghahalos isang buwan na itong magkasama sa isang condo unit.

Nang mabasa ito niya ito ay halos mamutla siya nang makita niya ang mukha ng babae sa diyaryo. Pamilyar sa kanya ang mukha ng babae at kung hindi siya nagkakamali ay ito ang babaeng dinala ni Clay sa kanilang bahay upang humingi ng tawad.

Para namang hiniwa ang kanyang puso nang maigi niyang pinagmasdan ang litrato na kuha ng isang paparazzi. Tama nga ang kanyang hinala na may iba na si Clay.

Napahawak siya sa kanyang tiyan at nangingilid na ang kanyang mga luhang nagbabadyang kumawala. Kinisap-kisap niya ang kanyang mga mata at nilingon naman siya ni Faroda.

Wala itong sinabi ngunit sapat na ang katahimikan para ipabatid sa kanya ang lahat. Si Clay ang ama ng kanyang nasa sinapupunan ngunit mas nanaisin niya na lang na isipin ni Clay na hindi siya ang ama ng kanyang dinadala. Mas maigi na iyon upang makalimutan siya nito at maging payapa ang kanyang pagkawala.

Siguro ay mas magiging masaya pa si Clay kapag nalamang wala na siya sa buhay nito.

"Nanang, kailangan na po nating umalis."





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro