Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25

Nagising si Isla dahil sa alarm ng kanyang selpon. Naalala niyang nakapag-alarm nga pala siya upang hindi na siya tanghaliin magising. Kinakapa-kapa niya ang kanyang tabi at natagpuan niyang mag-isa na lang pala siyang nakahiga.

Marahil ay mas maagang nagising si Clay kaysa sa kanya. Agad naman siyang bumangon at naupo. Tinanaw niya ang nakabukas na bintana kung saan tanaw na tanaw niya ang hardin. Bigla niyang gustong bumalik sa rest house na siyang ipinakita ni Clay sa kanya noon.

Sinasaliw naman ng hangin ang kurtina at doon ay nakita niya na mayroong nakahaing pagkain sa maliit na mesa. Inihanda siguro ito ni Faroda sa kanya.

Tumayo naman siya at kumuha ng tuwalya sa kabinet at tumungo sa banyo. Maaga siyang maliligo ngayong araw dahil mayroon siyang gagawin. Gusto niyang magpinta at bibili siya ng kanyang mga materyales.

Naalala niya ang pagpasok ni Clay sa kanilang kwarto at ang pagtabi nito sa kanya. Hindi niya lang maalala ang mga sinabi nito.

Lumalagaslas ang tubig sa kanyang katawan dahilan upang makaisip siya ng kanyang gustong ipinta. Matagal-tagal na rin simula nang huli siyang nakahawak ng brush. Kahit papaano ay mayroon naman siyang sarili niyang perang nakatago at hindi na niya kailangan pang humingi sa kanyang mga magulang at kay Clay. Simula nang maikasal siya ay hindi siya kailanman humingi ng pera kay Clay o sa kanyang mga magulang.

Ibinalot niya ang kanyang katawan ng tuwalya nang matapos na siya. Tumungo siya sa lababo at nagsipilyo ng kanyang ngipin. Nang matapos siya ay lumabas na rin siya ng banyo at nagtungo sa kanyang kabinet. Kumuha siya ng isang bulaklaking damit na abot tuhod. Kulay asul ito na ang mga nakaburdang bulaklak ay puro maliliit na baby's breath.

Inihagis niya ang tuwalya sa kama at naiwan siyang hubo't hubad. Kumuha siya ng puting silk underwear at isang tube na brassiere. Nang makapagbihis na siya ay napatalon siya mula sa kanyang kinatatayuan nang may nagsalita mula sa kanyang likuran.

It was Clay.

Dahan-dahan niya itong nilingon at pulang-pula ang kanyang mukha at tainga. Hindi niya man lang ito napansin sa kanyang paglabas. Presente itong nakaupo na nakadekwatro at nakahalukipkip. Titig na titig ito sa kanya.

Naroroon na ba ito kanina pa habang siya ay nagbibihis? Ang buong akala niya ay mag-isa lamang siya kanina.

Clay pointed her to take her seat.

Tumugon naman siya sa utos nito. Nang makaupo siya ay ramdam niya pa rin na nag-iinit ang kanyang mga tainga. Hindi niya alam kung ano ang naging hitsura niya kanina. Gusto niyang sampalin ang kanyang sarili sa kung ano-ano ang tumatakbong mga tanong sa kanyang isipan.

"Eat," wika niya Clay sabay turo ng mga mata nito sa mga pagkaing nakahain sa kanilang harapan.

Hindi niya alam na may kape dahil wala naman ito nang magising siya. Umuusok pa ito at halatang bagong timpla. Sa isang maliit na mesa ay tila napupuno ito ng mga pagkaing nakatatakam kainin.

Pinagkatitigan niyang mabuti at tama nga siya. Scrambled egg na may halong dahon ng sibuyas at fried garlic, isa sa mga paborito niyang luto sa scrambled egg. Amoy na amoy niya rin ang bango ng kape. Mayroon ding napritong tikoy na limang mahabang hiwa. Pritong talong at piniritong okra na siyang ipinagtaka rin noon ni Faroda sa kanya. May nahiwa ring pipino na may sibuyas, bawang at maanghang na suka. Higit pa roon ay mayroon ding brazo de mercedes sa isang gilid. Parang tumutulo ang kanyang laway habang pinagkatitigan ang mga pagkaing nakahanda. Lahat iyon ay paborito niya.

"Ngayon lang ako nakakita at nalamang pwedeng gawin 'yan sa okra. What are you?" tanong ni Clay at bahagya naman siyang natawa rito.

"Tikman mo at tiyak akong magugustuhan mo rin. Kain na tayo," wika niya at nauna ng kumain.

Umiling naman ito sa kanya. "I'm okay with the coffee. Go ahead and eat then we'll talk," wika nito at tumango naman siya.

Hindi niya alam kung ano ang kanilang pag-uusapan ngunit saka niya na lamang ito iisipin kapag tapos na siyang kumain.

Sarap na sarap naman sa pagkain si Isla at kitang-kita ito ni Clay dahilan upang may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi habang nagbabasa ng kanyang diyaryo. Ugali na niyang magbasa sa diyaryo ng mga balita kaysa online. Kahit na nasa makabagong panahon na sila ay mas gusto niya pa rin ang mga dating nakagawian dati.

Isa sa mga pag-uusapan nila ay ang pagbisita nila sa kanilang mga magulang sa probinsya. Probinsya kung saan ang farm ng kanilang mga magulang na siyang pinaghatian nila dahil sa kasunduang kasal. Gusto itong ipakita ni Clay kay Isla upang walang maging lingid sa kaalaman nito at hindi mag-isip ng kung ano-ano. Parang isang buong probinsya ang kalupaang nakuha ng kanilang mga magulang. May mga taniman ng palay, tubo, mais, mangga, saging at iba pa. It was a complete pack of a farm called VerDal Farm, where people can freely visit and snap pictures due of the atmosphere and natural image. Higit pa roon ay mayroon din itong batis.

Bukod sa pagbisita ay ipapaalam niya rin ang pagbabalik niya sa kamara. Mayroon kasing proyektong matagal na niyang inaasam noon at siya ang napili para maging bida. It will be his biggest break kapag nailabas ito sa sinehan.

"Liligpit ko lang ito sandali at babalik din ako," wika ni Isla dahilan upang bumalik sa huwisyo si Clay.

Hindi na nakasagot pa si Clay nang bitbit-bitbit na ni Isla lahat ng pinagkainan nito sa iisang tray at lumabas na ng kwarto.

Itiniklop naman ni Clay ang diyaryo dahil wala naman siyang naintindihan sa mga balita dahil sa mga naiisip niya kanina.

Wala pang limang minuto ay bumalik nga agad si Isla at naupo itong muli sa upuan nito.

"Bibisitahin natin ang VerDal Farm. Nandoon ang mga magulang natin abala sa pamamalakad nito. Gusto kong makita mo ang naging puno't dulo ng lahat ng mga ito," wika niya at tila umiba naman ang kulay ni Isla.

Naiintindihan niya ang nararamdaman nito at nababasa niya ito. "I also want you to know that I accept a project which I will be working on next month," dagdag pa niya.

Tahimik naman si Isla at wala naman siyang magagawa roon. Bibisitahin daw nila ang VerDal Farm at parang ipinamumukha sa kanya ang naging bunga ng kanilang arranged marriage. Palihim namang naikuyom niya ang kanyang mga kamay. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman.

"Isla, are you mad?" tanong ni Clay na titig na titig sa kanya.

Umiling naman si Isla sa kanya habang nakatanaw sa labas.

"Then why aren't you looking at me?" tanong ni Clay na para bang naiirita ang tono ng boses nito.

Nilingon naman siya ni Isla at tumayo. "Naiintindihan ko na. Dadalawin natin ang lupang nakuha nila dahil sa naisanla tayong dalawa sa isang arranged marriage. Babalik ka sa showbiz at ako... maiiwan na naman akong mag-isa tulad ng dati. Isa pa rin akong lihim na ayaw ninyong lahat na isawalat lalong-lalo na ikaw. Itong senaryong ito parang mas pinapatunayan mo lang ang lahat sa akin," wika niya at mabilis na naglakad patungo sa pinto ngunit bago niya pa man ito mabuksan ay nagsalitang muli si Clay.

"Isla! Please! I want you to have my babies!"












Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro