CHAPTER 24
Hiyawan, sayawan at walang tigil na ingay ang nasa dancefloor. Kasalukuyang nasa Heathman's Club VIP room sina Clay at Lexus.
"Ano bang problema mo? Hindi ka naman ganyan dati," puna ni Lexus sabay tanaw sa ibaba kung saan walang humpay ang mga katawan sa pagsayaw.
Sa kanilang pwesto ay malaya nilang natatanaw ang lahat dahil salamin ang bintana ngunit hindi naman sila kita sa loob. Kilala na sila sa Heathman at sa tuwing dadalo sila ay mayroon na silang nakalaang kwarto.
Napabuntong-hininga naman si Clay at napatingin sa basong wala ng laman. Nakakailang tungga na rin siya ng alak at kanina pa siya tinatanong ni Lexus na halatang iritable na rin ito. "What makes you think that I have a problem?" wika niya sabay hithit ng sigarilyo.
Lexus snorted. "It is because of her right? Parang kahapon lang kating-kati ka na maalis siya sa buhay mo tapos ngayon heto ka at nagpapakalasing dahil lang sa babaeng 'yon," wika nito habang nagsasalin ng alak sa baso.
Tinapunan naman siya ng masamang tingin ni Clay dahilan upang itikom naman ni Lexus ang kanyang bibig.
Palihim namang napakagat si Lexus ng kanyang dila dahil sa kanyang mga sinabi. May parte sa kanya na gusto niyang makuha si Isla palayo kay Clay. Matagal na siyang may gusto rito ngunit pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili.
"Do you love her?" tanong ni Lexus.
Hindi naman agad sumagot si Clay at nakatitig lamang sa basong may laman pang alak. He shrugged his shoulders. "Honestly, I don't know... yet. But I don't want to lose her," sagot niya sabay tungga.
"Hindi naman pwede 'yang ganyan, Carson. She loves you yet you don't reciprocate her love. Just let her go," wika niya dahilan upang titigan siya ni Clay.
Napasandal naman sa upuan si Clay at mariing tinitigan sa mga mata si Lexus. "Tell me, why are you so eager to tell me to let her go? I'm curious about the woman that you secretly admire and I wonder if it is her. Magkaibigan tayo kaya hindi ko hinahayaang mag-isip ng mga ganito but you keep on pushing me. Tell me, Lexus... do you like my wife?" diritsang saad niya na siyang ikinagulat naman ni Lexus.
"You're drunk, I'll get you home," wika ni Lexus at tumayo.
Tatalikod na sana ito nang muling siyang magsalita. "I know what I am saying. I can drive," wika niya saka dahan-dahang tumayo at nilagpasan si Lexus.
Naiwang parang tuod naman si Lexus mula sa kanyang kinatatayuan at pinanood lamang ang pag-alis ng kanyang kaibigan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Alam na ba nito ang kanyang sekreto?
Mabilis na pinaharurot ni Clay ang kanyang sasakyan pauwi. Kontrolado niya ang kanyang sarili kahit na nakainom siya. Hindi siya madaling malasing.
Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit hindi niya man lang nagawang sagutin kanina si Lexus sa tanong nito kung mahal na nga ba niya sa Isla. Isa siyang duwag na hindi maamin-amin sa kanyang sarili kung ano ang kanyang nararamdaman.
Higit pa roon ang nalaman niya ngayong gabi dahil kumpirmado niya na ring may lihim na pagtingin ang kanyang kaibigan kay Isla. Matagal na niya pala itong gusto. Si Isla pala ang babaeng tinutukoy at kinukwento nito sa kanya noon. Wala kasi itong ipinapakitang pictures noon ngunit kita niya kung gaano kahumaling si Lexus sa tuwing nagkukwento ito sa kanya noon.
Napahigpit ang pagkahahawak niya sa manubela. Walang gaanong sasakyan kaya malaya siyang magpabilis ng takbo. Nakaramdam siya ng selos at galit. Akala niya ay iisa lang ang problema niya ngunit mayroon pang isa na nasa kanyang harapan lamang.
Tanaw na niya ang bahay at agad niyang ipinarada sa loob ang sasakyan. Sinalubong naman siya ni Faroda ngunit nilagpasan lamang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Sinulyapan niya ang kanyang relo at mag-a alas dyes na pala ng gabi. Iniisip niyang baka tulog na si Isla at hindi na niya maistorbo.
Maingat niyang binuksan ang pinto ng kanilang kwarto at tama nga ang kanyang hinala.
Tulog na nga ito.
Nilapitan niya ito at pinagmasdan. Patay ang mga ilaw at tanging sinag lang ng buwan sa bukas na bintana ang nagsisilbi niyang ilaw. Kitang-kita ang kakinisan at kaputian na taglay ni Isla. Marahang sinuklay niya ang mahabang buhok nito. Napaupo siya sa gilid ng kama kung saan kaharap na niya si Isla. Mahimbing itong natutulog at mukhang payapang-payapa.
Sinuyad niya ng tingin ang mukha nito hanggang sa tumigil ito sa mga labi ni Isla. Naikuyom niya ang kanyang palad. "Do I love you?" bulong niya at napapikit ng kanyang mga mata.
Napadilat naman siya ng kanyang mga mata nang may marinig siyang ungol.
"Clay?" mahinang tawag ni Isla na papungay-pungay ang mga mata.
"Get back to sleep. I'll just get wash," wika niya at akma na sanang tatayo nang bigla siyang sinunggaban ng mahigpit na yakap ni Isla.
Nanigas naman si Clay at nagulat sa tinuran nito. "Isla...
"Stay..." bulong ni Isla sapat para marinig ni Clay.
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi at tumango. Iginiya niya ulit pahiga sa Isla at tumabi rito. "Get back to sleep now, Isla," wika niya at tumango naman ito sa kanya.
Kasalukuyang nakasubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib. Hapit na hapit naman ang kanyang pagkahahawak sa baywang ni Isla. Marahang ipinikit naman ni Clay ang kanyang mga mata at hinalikan ang ulo ni Isla.
"Tomorrow we will talk."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro