Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23

Nakatanaw sa malayo si Isla habang hawak-hawak nang mahigpit ang kanyang selpon. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.

May kung ano’ng bumabagabag sa kanya.

Hirap man siyang aminin ngunit tila si Matthias ang hindi mawala-wala sa kanyang isipan. Iniwan niya kasi ito noong panahon na ito ang tumulong sa kanya. Tapos heto siya ngayon at isang kabig lang ni Clay ay bumigay na naman siyang muli.

Ipinaharap pa sa kanya ang babaeng nagngangalang Michella. Naniniwala siya rito na nagsasabi ito ng totoo ngunit hindi pa rin iyon sapat para sa kanya. Iba ang hinahanap niya. Gusto niyang si Clay mismo ang magpaliwanag sa kanya ng maayos dahil maniniwala rin naman siya rito.

Maituturing niyang isa siyang tanga pagdating sa pag-ibig ngunit handa siyang tanggapin kahit na ano pa man.

Napatingin siya sa kanyang selpon at hinanap ang numero ni Matthias. Isang pindot lang ang kanyang gagawin at makakausap na niya ito ngunit tila may pumipigil sa kanyang gawin ito. Para siyang nagtatago ng sekreto kapagka nasasali si Matthias sa usapan.

Napakuyom siya ng kanyang palad at pikit-matang pinindot ang call button saka inilagay sa kanyang tainga. Makailang ring lang ay agad naman itong nasagot sa kabilang linya.

“Isla?” bungad na sagot ni Matthias.
Matagal bago nakasagot si Isla at napahugot ng paghinga bago magsalita.

“Matthias,” tawag niya. “Kumusta ka na? Napatawag ako dahil sa nangyari noong isang araw. Hindi kasi ako nakapagpasalamat ng maayos sa ‘yo. Gusto ko rin sanang humingi ng tawad dahil na rin sa nangyari at-“ Hindi na niya natapos pa ang kanyang pagsasalita nang magsalita ang binata.

“Tumawag ka ba dahil sa nag-aalala ka?” tanong ni Matthias.

Tumango naman si isla kahit hindi ito nakikita ng binata.

“I’m okay Isla. You have nothing to worry about. Ako pa nga ang mas nag-aalala sa ‘yo and I was about to call you naunahan mo lang ako,” dagdag pa nito at napangiti naman si Isla sa kanyang narinig at nakahinga na rin nang maluwag.

“Mabuti naman. Sige Matthias napatawag lang talaga ako para kumustahin ka. Baka nakaistorbo na rin ako sa ‘yo riyan,” wika niya at narinig naman niyang tila bahagyang itong natawa.

“Kailanman ay hindi ka naging abala sa akin, Isla at alam mo ‘yon. Hope to see you again one of these days. Babalik na rin kasi ako sa Batanes at may aasikasuhin pa,” sagot naman nito.

“Ganoon ba? Hindi ka na ba babalik dito?” tanong niya habang naglalakad patungo sa bintana upang ayusin ang kurtina.

“Hindi ko masasabi kung may babalikan pa ba ako rito,” sagot naman ng binata.

Kumunot naman ang noo ni Isla ngunit bago pa man siya makasagot ay may biglang bumunot ng kanyang selpon at nang lumingon siya ay napasinghap siya nang malaman niyang si Clay ito.

Umiigting ang mga panga nitong nakatitig sa kanya. “Stop calling my wife,” wika ni Clay at agad na pinatay ang tawag.

Inihagis nito ang selpon sa kama at hinarap si Isla. “Is it him? Kaya ba ganyan ka? Nakapagpaliwanag na naman ako nang maayos. Why? Tell me! May nangyari na ba sa inyo sa Batanes kaya ka naaasiwa sa akin? Tell me! Ganyan ka ba kadaling makuha?” sigaw nito na nagtatagis ang bagang.

Nanigas si Isla mula sa kanyang kinatatayuan dahil ngayon niya lang nakitang nagalit si Clay sa kanyang harapan. Nakararamdam siya ng sobrang takot sa presensya nito at ramdam niyang tila may nangingilid na mainit na likido sa gilid ng kanyang mga mata.

Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at nilagpasan si Clay. Kung iba pa siguro ay sampal na ang gagawin ngunit hindi niya iyon kayang gawin. Naninikip at sumasakit ang kanyang dibdib. “Mali ka ng iyong iniisip, Clay. Hindi ako ganyang klaseng babae. Kinamusta ko lang siya dahil sa nangyari noong isang araw,” mahinang paliwanag niya at hindi na niya nakayanan at kusa ng nahuhulog ang kanyaang mga luha.

Nakatalikod siya rito kaya hindi kita ang kanyang pagluha ngunit napasinghot siya na agad namang nakakuha ng atensyon ni Clay. Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kama. Dinig niya ang mga yabag ng mga paa ni Clay na papunta sa kanyang direksyon. Lumuhod ito sa kanyang harapan.

Hindi niya magawang matitigan sa mga mata si Clay.

“Are you crying?” tanong nito at isinukbit ang iilang hibla ng buhok ni Isla sa tainga. “Please… stop crying,” dagdag pa niya at napayuko.

Hindi naman sumagot si Isla at nanatili lamang sa kanyang pwesto. Hindi naman mapakali si Clay dahil hindi siya sanay na ganito sa siya sa kanya. Ngayon lang nangyari ang lahat ng mga ito. Kanina ay sumabog siya sa galit ngunit agad ding napawi nang makita niyang tila umiiyak ito dahil sa kanya.

He grabbed her chin and faces her. “I’m sorry. Hindi ko hinihiling na patawarin mo ako dahil sa mga inasal ko. I don’t know what’s going on with me. I’m sorry,” wika niya at dahan-dahang tumayo mula sa kanyang pagkaluluhod.

Nang makalabas si Clay sa kanilang kwarto ay doon lamang nakahinga nang maluwag si Isla. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Nasasaktan pa rin siya sa nangyari.

Ibang Clay ang nakaharap niya kanina. Iyon ang katauhan na hindi niya pa nakikita at ayaw na niyang makita pang muli.

She curled up in the bed and closes her eyes. Hindi niya gustong umalis sa kwarto.

Gusto niyang matulog dahil doon ay wala siyang mararamdaman at payapa ang kanyang buong isipan. Walang batid pa rin ang pagtulo ng kanyang luha.

Hindi niya mapigilang hindi isipin na ganoon ang iniisip ni Clay sa kanya simula nang mawala siya nang halos isang buwan. Hindi niya lubos maisip na kaya siyang pagsalitaan ng ganoon ni Clay. Haharapin niya na lamang ang lahat imbes na umalis nang umalis. Wala siyang matatakbuhan pang muli dahil wala naman siyang naiisip na pupuntahan bukod sa Batanes. Wala na rin si Matthias dahil masyado na rin niya itong naistorbo. Hindi niya rin masabi-sabi sa kanyang mga magulang dahil sa laging abala ang mga ito at ayaw na niyang madagdagan pa ng iisipin ang mga ito.

Pakiramdam niya ay nag-iisa lamang siya sa mundo gaya rin noon. Hindi niya alam kung ano ang kanyang nagawa upang bigyan siya ng ganitong mga sitwasyon. Naikasal nga siya sa lalaking matagal na niyang iniibig ngunit kasalungat ng kanyang kasiyahan ang lahat.

Kailan kaya siya muling sasaya? Huli niyang natatandaan na tumawa siya ng walang kahirap-hirap ay noong nasa Batanes siya kasama si Matthias.

Humihikbi siyang napapikit at hinayaan na lamunin siya ng antok.


















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro