CHAPTER 22
Isa malakas na sunod-sunod na katok ang ginawa ni Clay sa dressing room ni Michelle. Alam niya kasing may taping ito at hindi siya nagdalawang-isip na sugurin ito kahit na mag-aalas sais pa lang ng umaga. May naalala siyang ipinabasa sa kanya noon ng dalaga at tila nakita niyang nai-record niya ito. Marahil ay ito ang narinig ni Isla sa mga oras na iyon ngunit hindi ba nito napansin na tunog recorder ito?
Kung ano pa man iyon ay alam niya kung ano ang totoo. Kailangan niya lang bigyan ng leksyon si Michelle.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Maila, ang manager ni Michelle. "Clay?" tawag nito at agad namang napaatras nang pumasok na lamang siya sa loob.
Tumayo naman si Michelle mula sa kanyang pagkauupo at para bang kinakabahan at hindi mapakali ang mga matang hindi makatingin sa kanya.
"You know why I am here, Michelle," malamig niyang sambit habang dahan-dahan na lumalapit sa direksyon ng dalaga.
Atras naman nang atras si Michelle ngunit wala na rin siyang aatrasan pa dahil nakorner na siya. "Clay, let me explain," sagot nito na hindi makatitig sa kanyang mga mata.
Naikuyom naman niya ang kanyang mga kamay dahil kumpirmang-kumpirma na niya na siya nga ang may pakana ng lahat. Hindi niya alam kung papaano nito nagawa naag lahat ngunit iisa lang ang alam niya at iyon ay tuturuan niya ito ng leksyon. Kung saan nagkamamabutihan na sila ni Isla ay may tao namang sisira nito.
"Hindi ako nananakit ng babae pero baka ikaw pa lang. Explain and apologize to my wife," wika niya at kita naman niya ang paglunok nito.
"Bakit ko naman gagawin 'yan? Wala akong pakialam sa inyo. Get out of here, Clay," sagot naman ni Michelle na nakataas pa ang kilay nito kahit na ang mga binti nito ay nanginginig na sa takot sa presensya ni Clay.
Hindi na nagdalawang-isip at binigyan pa ng pagkatataon ni Clay ang dalaga at agad niyang kinaladkad ito patungo sa labas kung nasaan ang kanyang sasakyan. Nakasunod naman ang manager nito na inaawat siya sa paghila sa kanyang alaga. Humihingi naman ng tulong si Michelle kay Maila.
"Maila, don't forget the favor that you owe me. You might regret this," wika niya at napaatras naman si Maila na siyang ikinagulat naman ni Michelle.
Para itong binuhusan ng malamig na tubig dahil wala siyang kalaban-laban. Nagpupumiglas paa rin siyang makawala mula sa pagkahahawak ni Clay ngunit tila isang batong hindi naman ito natitibag.
Nang makapasok sila sa loob ng kanyang sasakyan ay agad din niyang pinaharurot sa bilis ng takbo at halata sa hilatsa ng pagmumukha ni Michelle ang kaba dahil sa napakaraming sasakyan ang nasa kanilang harapan ngunit parang nakikipaglaro naman ng patintero si Clay.
"Are you going to kill us? Slow down!" sigaw ni Michelle at tila hindi naman siya nito narinig.
"Explain and apologize to her. That is all I ask of you, Michelle. After this, I'll pretend it didn't happen," wika niya at inismiran naman siya nito. "Narinig kong lubog na kayo sa utang kaya kahit extra ay kinukuha mo. I will even pay your debts if you do this right," dagdag pa niya.
Tila nalulusaw naman sa kahihiyan si Michelle. Huli na nang malaman niyang mahal niya si Clay simula nang tumigil ito sa panliligaw. Nagbago ang lahat nang mabalitaan niyang may importanteng tao ang dumating sa buhay ng mga Verdera. Hindi ito kumalat at hindi rin nailagay sa mga headlines dahil malaki ang ibinayad ng mga Verdera upang itago ito. Nagkaroon ng leak si Michelle ukol dito at hindi niya aakalaing aabot siya sa pagiging isang stalker. Nalaman niyang kasal na pala ito kaya naghanap siya ng paraan upang maghiwalay ang dalawa.
"We're here and she's inside," wika ni Clay at nagpasiunang lumabas at hindi na pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ang dalaga.
Mabigat sa loob na lumabas ng sasakyan ang dalaga at inilibot ang kanyang tingin sa buong kabahayan. Nakaramdam siya ng inggit dahil tila naalala niya ang mga kwento sa kanya noon ni Clay kung ano ang gusto nitong maging tahanan kapag sinagot niya ito. Napalunok siya ng kanyang laway at pinagmasdan si Clay na naglalakad patalikod sa kanya. Bumukas naman ang pinto ng bahay at iniluwa nun ang isang matandang babae. Pinasadahan naman siya nito ng tingin at bumati ngunit hindi niya ito pinansin.
"Pakitawag po si Isla," wika ni Clay at tumango naman si Faroda.
Pinaupo naman ni Clay ang dalaga. "Let's wait for her."
"Clay, are you still in love with me?" Michelle asked frankly, prompting Clay to gaze at her emotionlessly. "Look at this house. This is how you pictured us to be when you were courting me, so I assume you are still in love with me, correct? We can work this out, Clay and-" Bigla siyang natigilan sa pagsasalita nang malamig siyang tinitigan ni Clay.
"That was in the past. Don't overstep the bounds since I respect you as a person. Honor my wife, who is the owner of this house," wika niya at agad na nag-iwas ng mga tingin nang marinig niya na may bumababa sa hagdan.
Umatras naman ang dila ni Michelle at naikuyom ang kanyang mga palad. Nagkasalubong ang mga tingin nila ng babaeng pababa ng hagda. Hindi niya mapigilang hindi mapamangha sa angking kagandahan nito. Halatang walang kolorete ang mukha nito ngunit napakaganda pa rin. Isa pa iyon sa kinaiinggitan niya kaya niya nagawa ang lahat ng mga iyon. Hindi niya tanggap ang lahat.
Namayani ang katahimikan sa kanilang tatlo. Magkaharap si Isla at Michelle, samantalang nasa gitna naman si Clay.
"I am Michelle and I work alongside him. I'm here to say sorry for anything you may have heard that day. It wasn't Clay. I was the one who orchestrated it by recording scripts and then editing them. I ask for your forgiveness for whatever is happening between the two of because of what I did." Pagbasag ng katahimikan ni Michelle.
Tumango naman si Isla at napalingon sa gawi ni Clay na nakatingin na rin pala sa kanya. Para itong isang maamong tupa na nakatingin kay Isla ngunit isa namang mabangis na hayop pagdating sa iba.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Isla at ikinagulat naman iyon ni Clay dahil hindi iyon ang kanyang inaasahan.
Tumango naman si Michelle at hindi makatingin ng diritso sa mga mata ni Isla. "I should really get going kasi may taping pa ako. Sumadya lang talaga ako rito. I need to go Clay, hindi mo na ako kailangan pang ihatid pa. I can manage myself," baling nito kay Clay. "I'm sorry for the trouble that I have caused," dagdag pa niya nang muli niyang harapin si Isla.
Nang tuluyan nang makaalis si Michelle ay hindi naman alam ni Clay ang kanyang gagawin dahil tila malamig ang pakitutungo ni Isla sa kanya kahit na may nangyari sa kanila kagabi lamang.
"Isla," tawag niya rito ngunit hindi siya pinansin at nilagpasan lamang.
Sinundan niya lang ito ng tingin paakyat sa kanilang kwarto. Hindi niya lubos maintindihan kung ano pa ang kanyang ginawa. Para siyang mababaliw sa kaiisip. Napahilamos naman siya ng kanyang mukha at napansin naman ito ni Faroda.
"Iho, mukhang hindi naman ito ang gustong mangyari ni Isla. Siguro ay tingnan mo nang maayos ang lahat bago ka umaksyon."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro