Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20

Makalipas ang dalawang araw . . .

Napakislot naman sa sakit si Isla nang buksan niya ang kanyang mga mata. Tumama kasi ang sinag ng araw sa kanya. Dahan-dahan niyang inilibot ang kanyang mga mata sa loob. Wala siya sa kanyang kwarto, iyon ang sigurado siya.

Maingat niyang iginiya ang kanyang sarili paupo. Para siyang nahihilo at hindi niya alam kung ano ang dahilan. "Nasaan ba ako?" bulong niya habang palinga-linga sa buong sulok ng kwarto.

Maganda ang kwarto at kulay puti na may halong kulay kahoy ang pinta at gamit sa loob. Mayroon ding dalawang maliit na halaman sa gilid ng mesa. Bukod doon ay mayroong isang malaking salaming bintana sa gilid kung saan tanaw niya ang labas. Berdeng-berde ang damuhan na alagang-alaga at mayroon ding mga mayayabong na mga puno at alam niyang mamahalin ang mga punong iyon. Para siyang nasa isang resort dahil tila may naririnig siyang rumaragasang agos ng dagat.

Tatayo na sana siya nang biglang bumukas aang pinto at iniluwa nun si Matthias. Tama, tanda na niya ang lahat ng nangyari bago pa siya tuluyang mawalan ng malay noong araw na iyon. Pinipilit niya pa ang kanyang sarili na magising ngunit hindi na rin niya kinaya. Iyon ang kauna-unahang pangyayari sa kanyang buhay, ang mahimatay. Hindi pala maganda sa pakiramdam at para pa rin siyang nakalutang at parang lantang gulay ang buo niyang katawan.

"Isla, you should have called. May nilagay akong bell dito and note to ring this bell in case you wake up or need anything," nag-aalalang wika ni Matthias at agad na naglakad patungo sa kanya.

Hinawakan agad ng binata ang noo ni Isla at pinakiramdaman kung mainit pa ito o hindi na. "Hindi ka na mainit," wika nito at naupo sa gilid ng kama. "Heto, tubig uminom ka pero dahan-dahan lang," dugtong pa nito at iniabot sa kanya ang isang baso ng tubig na nakatapong lamang sa mesa.

Tumalina naman si Isla sa tinuran nito. "Salamat. Nasaan ba tayo?" tanong niya at napangiti naman si Matthias.

"I'd like to apologize if I took you here. This is Del Fuego's haven. One of my father's possessions, not mine," wika naman nito saka tumayo mula sa kanyang pagkakaupo at napamulsa sa kanyang pantalon.

Hindi mapigilang hindi mamangha ni Isla sa angking kakisigan at kagwapuhan ni Matthias. Halos magkasing-tangkad lang sila ni Clay kung tutuusin ngunit magkaibang-magkaiba silang dalawa ng ugali. Bigla namang sumikip ang kanyang dibdib nang maalala si Clay. Hindi niya lubos maisip na pinaikot lamang siya nito. Hindi niya ito nakita at hindi niya rin namukhaan ang kausap nitong babae ngunit sapat na iyon upang sabihin na pinaglalaruan lamang siya nito.

Bigla namang uminit ang gilid ng kanyang mga mata at para bang wala sa oras na maiiyak siya at agad naman itong napansin ng binata.

Nag-aalalang nilapitan siya nito at hinawakan sa kamay. "Bakit?" tanong nito na may maaamongs mga mata. Kung nauna niya sigurong nakilala si Matthias ay tiyak siyang ito ang mamahalin niya at hindi siya nakararamdam ng sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Wala ito," wika niya at huli na nang maramdaman niyang tumutulo na pala ang kanyang luha at agad naman itong pinunasan ng binata.

"Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin kung ano ang nangyari sa 'yo noong araw na iyon. But I want to tell you that you are safe here," wika nito at tumango naman si Isla. "Do you want to go home?" dagdag pa nito at hindi naman malaman ni Isla kung ano ang isasagot sa katanungan nito.

"Ilang araw na ba ako rito?" tanong niya at tumanaw sa labas.

Napabuntong-hininga naman si Matthias. "You've been here for two days," sagot naman nito at nagulat naman si Isla sa kanyang narinig.

Dalawang araw na pala siyang nawawala. Hindi naman literal na nawawala siya ngunit sa mga oras na ito ay sigurado siyang nag-aalala na ang lahat sa kanya. Hinanap din ba siya ni Clay? Ano ang ginagawa nito sa mga oras na ito? Maraming mga katanungan ang tumatakabo sa kanyang isipan at tila nababasa naman itong lahat ng binata.

"I called your parents and they visited you here. Nag-aalala sila sa 'yo," wika naman ni Matthias at hindi naman makapaniwala si Isla sa ginawa ng binata.

Nahihiya siya sa pang-iistorbong ginawa niya rito. "Pasensya ka kung nakakaabala na ako sa 'yo. Don't worry uuwi na ako," wika niya at umiling naman ang binata.

Kung alam ng kanyang magulang kung nasaan siya ay paniguradong nakaabot na ito kay Clay ngunit bakit tila wala naman itong paramdam? Ano ba ang inaasahan niya rito? Ang kunin siya? Ang sunduin siya? Pagkatapos ng lahat ng kanyang mga narinig?

"Stay please... kailanman ay hindi ka naging abala sa akin. Kung gusto mong umuwi ay ako na ang maghahatid sa 'yo."

Tatayo na sana si Matthias nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Clay na tila nagtatagis ang mga bagang nang makita si Matthias. "What the hell did you do to my wife?" sigaw nito na halos dumagundong ang buong silid.

Hindi naman umimik si Matthias at pinagkatitigan lamang siya nito. Lumipat naman ang mga tingin ni Clay kay Isla na ngayon ay gulat na gulat sa kanyang presensya. Umiigting ang mga panga nitong naglakad patungo sa direksyon ni Isla.

"Tumayo ka riyan at uuwi na tayo," utos nito sa kanya at hindi naman makapaniwala si Isla sa tinuran nito sa kanya na animo ay may malaki siyang kasalanan. "Don't make me repeat myself again, Isla!" sigaw nito at pumisik naman si Isla sa pagsigaw sa kanya.

"Don't shout on her!" sigaw ni Matthias at dinambaan ng isang malakas na suntok ang mukha ni Clay.

Nawalan naman ng balanse si Clay at napaupo sa sahig dahil sa lakas nang pagkasuntok sa kanya. Ngunit bago pa man siya makatayo ay agad na umawat si Isla at tumayo kahit na masama pa ang kanyang pakiramdam.

"Tama na, Matthias. Uuwi na kami," wika niya at tinapunan ng tingin si Clay at nilagpasan.

Nagulat naman si Clay sa inasal ni Isla sa kanya ngunit agad din naman siyang tumayo at sumunod na parang isang ligaw na aso sa kanyang asawa.

Sinundan naman ng tingin ni Matthias ang paglabas ng dalawa hanggang sa lulan na nito ng sasakyan at mawala na sa kanyang paningin. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro