Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 19

Basang-basa siya ng ulan habang nasa byahe. Wala pa ring pagtigil sa pagtulo ang kanyang mga luha. Akala niya ay magsisimula silang muli ni Clay. Akala niya ay totoo na ang lahat ngunit isa lang pala itong palabas. Kaya pala napakabilis ng lahat. Kaya pala sa isang iglap ay tila umiba ang ihip ng hangin.

Napahigpit ang kanyang hawak sa manubela at malakas pa rin ang buhos ng ulan. Hindi niya alam kung saan siya patutungo ngunit isa lang ang tiyak siya at iyon ay ang hindi umuwi sa kanilang bahay.

"Para akong tanga," utal niya sabay pahid ng kanyang luha gamit ang likod ng kanyang kamay saka ibinalik agad sa paghawak sa manubela.

Hindi rin siya pwedeng umuwi sa kanyang magulang sa ganitong sitwasyon at uulanin lang din siya ng mga katanungan. Agad niyang ipinarada ang kanyang sa sasakyan sa isang gilid at kinapa ang kanyang upang hanapin ang kanyang selpon.

Napasinghot naman siya at inayos ang kanyang nagugulong buhok. "Ganito talaga ang napapala ng mga taong tulad ko," bulong niya nang nahigit na niya ang kanyang selpon.

Agad naman tumambad sa kanya ang ilang missed calls galing kay Clay. "Kailangan ko rin pa lang palitan ang numero ko," wika niya saka tinipa-tipa ang screen ng kanyang selpon. Hindi na niya binasa pa ang mga mensaheng ipinadala sa kanya ni Clay.

He sent him five messages and twenty missed calls.

Hinanap niya ang numero ni Matthias at lihim na nagdarasal na hindi pa ito nakauwi papuntang Batanes. Sa ilang ring lang ay agad naman itong sinagot ng binata.

"Isla?" takang tawag ni Matthias nang masagot nito ang kanyang tawag.

Humugot naman muna ng malalim na paghinga si Isla bago sumagot dahil baka pumiyok ang kanyang boses at malamang galing siya sa pag-iyak. Total ay nakuha naman ng kanyang mga magulang at mga magulang ni Clay ang kanilang gusto nang sila ay maikasal ay napapanahon na rin siguro na tanggapin niya ang lahat. Kung ano man ang kagustuhan ni Clay para sa kanilang relasyon o ipasawalang bisa ito ay malugod niya itong tatanggapin dahil kinakaya niya pa ang sakit at ayaw na niya itong patagalin pa. Dahil kung tatagal pa ang ganitong pagsasama nila ay siya rin sa huli ang magiging mas kawawa.

"Matthias," sagot niya at hindi nga siya nagkamali at halatang pumiyok ang kanyang boses.

"Where are you?" tanong ng binata at halata sa tono ng boses nito ang pag-aalala.

Napalinga-linga naman siya sa kanyang paligid dahil kahit siya ay hindi niya alam kung saan siya tumigil. "Nasa harapan ako ng CM Mall. Nasa sasakyan lang ako nakaparada dito sa isang motorparts shop," sagot naman niya na binigyang detalye kung nasaan siya mismo.

"I'll be there. Don't go anywhere," wika nito at agad na pinatay ang tawag.

Para namang nabunutan ng isang tinik ang kanyang puso dahil kay Matthias. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili at naalala ang mga narinig niya kanina. Para siyang isang laruan at ngayon ay para siyang kaawa-awang nilalang na walang kaalam-alam. Awang-awa siya sa kanyang sarili.

Nanatili siyang nakaupo at habang tumatagal ay nauubo na rin siya sa lamig. Pinatay na rin niya ang aircon ngunit dahil sa basang-basa siya at malakas din ang pagbuhos ng ulan at ng hangin ay lamig na lamig siya na para bang tagos hanggang buto ang lamig.

"May bagyo ba?" mahinang wika niya na parang titiklop na ang kanyang mga mata ngunit kailangan niyang maging gising dahil kay Matthias.

Para na ring nag-iinit ang kanyang paghinga ngunit wala naman siyang nararamdaman na masakit sa kanyang katawan. Nanginginig na rin ang kanyang mga tuhod ngunit wala siyang magawa upang pigilan ito. Awang-awa siya sa kanyang sitwasyon.

Hindi na niya kaya at tila nilalamon na siya ng antok hanggang sa isang may malakas na katok mula sa bintana ng kanyang sasakyan ang pumukaw sa kanyang pansin.

"Matthias," mahinang tawag niya nang makita niya ang mukha nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at lumantad sa kanya ang nag-aalalang mga mata ng binata.

"Shit! What happened?" Natatarantang tanong ng binata habang sinusuyod ng tingin si Isla.

Bago pa man siya makasagot ay ramdam na niya ang tila humahalukay sa kanyang sikmura at pagkaputla ng kanyang mga labi. Nag-init ang kanyang mga tainga at bago niya pa man mahawakan si Matthias at bumaba na ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyan nang nilamon ng kadiliman.


HABANG nasa byahe ay iniwan na lamang ni Matthias ang kanyang sasakyan at ginamit ang sasakyan ni Isla. Tinawag na rin niya ang kanyang dalawang driver na kunin ang kanyang sasakyan. Ipinuwesto niya nang maigi si Isla sa upuan at mabuti na lang din ay nakasuot siya ng makapal na dyaket kaya agad niya itong isinuot kay Isla.

Nag-aapoy ito sa lagnat at tila nagsasalita ngunit hindi niya ito gaanong maintindihan. Hindi niya alam kung saan ito iuuwi dahil may pakiramdam siyang ayaw nitong iuwi sa kanilang bahay at mas lalong sa mga magulang nito. Dahil kung gusto nitong umuwi ay hindi na siya nito dapat tinawagan sa halip na si Clay dapat ang nasa kanyang pwesto ngunit hindi.

"Don't worry, you're safe with me," wika niya habang sumusulyap-sulyap kay Isla.

Kinapa naman niya ang kanyang selpon sa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Agad niyang tinawagan ang doktor ng kanyang ama at ibinigay ang address kung saan sila papunta. Sinabi niya na rin kung ano ang kalagayan ni Isla upang may madalang gamot ang doktor.

Pagkatapos niya itong tawagin ay sinunod niyang tinawagan ay ang caretaker ng bahay upang maayos ang isang kwarto kung saan matutulog si Isla at para na rin makapagluto ito ng mainit na sabaw o sopas para rito. Hihintayin na lamang niya itong magising at hayaang magdesisyon kung ipapaalam niya ba ang sitwasyon nito sa kanyang mga magulang.

Nang marinig niya ang boses nang tumawag ito ay alam na niyang may nangyari rito. Hindi niya ito pipilitin na magkwento kung ano ang nangyari bagkus hihintayin niya lamang ito.

"Kung bakit ba kasi sa kanya ka napunta at hindi sa akin," wika niya habang ang kanyang buong atensyon ay nasa daan. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro