Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

Kinabukasan nagising na lamang si Isla sa tapik ni Faroda sa kanya. Halos tinanghali na pala siya ng gising. Inabot kasi siya ng tanghali at gabi sa pagluluto ng adobong manok na hindi niya pa makuha-kuha.

"Nanang," mahinang tawag niya habang kinukusot-kusot ang kanyang mga mata. Nasisinagan na kasi siya ng sikat ng araw.

"Iha, ayusin mo na ang iyong mga gamit at lilipat ka na raw sa master bedroom," mahinang wika ni Faroda habang tinutupi ang kanyang kumot.

Tila nagising naman siya sa walang oras at napalingon kay Faroda. "Po? Master bedroom? Bakit po? Sino pong may sabi?" sunod-sunod niyang tanong.

"Si Clay, dahil simula raw ng araw na ito ay magsasama na kayo sa iisang kwarto kaya ayusin na natin ang mga gamit mo roon," masayang sagot naman sa kanya ni Faroda.

Matagal na niyang inaasam-asam na mangyari ang panahong ito at ngayon ay nagkatotoo na ang lahat. Nangingiting tumango naman siya at dali-dali tumalon paalis ng kanyang kama at tumungo sa aparador.

Hindi niya maipaliwanag ang saya ng kanyang  nararamdaman. Umiiling naman sa ngiti si Faroda dahil alam na alam niyang noon pa ito pinangarap ni Isla.

"O siya sige maiwan na muna kita rito at magluluto pa ako. Isa-isa lang sa pagdala ng mga gamit mo ha at huwag kang magmadali," wika ni Faroda at tumango naman siya.

"Nasaan po pala si Clay?" tanong niya habang ipinapatong ang ilang damit sa lagayan.

"Umalis at may pupuntahan na raw munang importante," sagot naman ni Faroda at tumango-tango naman siya.

Halos mga damit niya pa lang ang kanyang nailalagay sa loob at maigi niya itong inayos. Magkaiba rin sila ni Clay ng closet at doon niya lang napansing napakalawak ng master's bedroom.

Nang matapos na niyang maayos ang lahat ay agad namang kumalam ang kanyang sikmura. Hindi pa pala siya nakapag-umagahan at kanina pa siya tinatawag ni Faroda upang kumain.

"Nanang? Pwede po bang gawan ninyo ako ng sandwich? Bibihis lang po ako at lalabas. Gusto ko po kasing bumili ng banana cake. Hindi po ba't paborito ninyo po 'yon? Pagbibilhan ko po kayo," wika niya at tila kumislap naman ang mga mata ni Faroda sa saya.

Dali-dali naman siyang nagbihis at sa byahe na lamang niya kakainin ang sandwich. Marunong naman siyang magmaneho ngunit sa katagalan na rin ay hindi na niya nai-renew ang kanyang lisensya. Mag-iingat na lamang siy at hindi gaanong lalayo upang hindi mahuli. Sa susunod ay magpapasama siya kay Faroda na ayusing muli ang kanyang lisensya.

May alam siyang isang malapit na kilalang bakery. May kamahalan ang bakery dahil para na rin itong may restaurant sa kabilang kwarto. Ngunit mas maigi na rin iyon kaysa sa lumayo pa siya at ikapahamak pa niya. Mga trenta minutos lamang ang kanyang magiging byahe at kung papalarin na hindi masyado trapik ay makakaya niyang makarating ng hindi aabot sa trenta minutos.

Habang nasa byahe ay kinakain niya naman ang binaon niyang sandwich at busog na busog na siya rito. "Ano pa kaya ang bibilhin ko?" utal niya habang nag-iisip.

Tanaw na niya ang Heathmans Bakery at naghanap na rin siya agad ng mapaparadahan. Nang makahanap siya ng spot at makababa ng kanyang sasakyan ay namataan niya ang isang pamilyar na sasakyan. Nilingon niya ito tiningnan ang name plate.

Kumunot naman ang kanyang noo dahil sasakyan iyon ni Clay. Marahil ay dito ang meeting nito. Napangiti naman siya dahil mukhang susurpresahin niya ito sakaling magkita silang dalawa.

May ngiti sa kanyang labi habang papasok siya ng bakery at papunta sa counter habang palinga-linga sa paligid. Minamataan kung nasaan si Clay.

"Pwede po bang iwan ko na po muna ito rito? Makikibanyo po muna ako at naiihi ako," pabulong niyang wika sa isang matandang babae at ngumit naman ito sa kanya.

"Sa kabila ka na muna makigamit iha, at pansamantala kasing inaayos ang comfort room dito," wika naman nito at agad naman siyang nagpasalamat.

Habang tinatahak ang kabilang kwarto ay pansin na pansin niya ang mga nakapormal na suot ng mga kalalakihan at kababaihan. Mukhang may nangyayaring event ngunit palinga-linga pa rin ang kanyang mga mata at umaasang mahagilap si Clay.

Malapit na siya sa banyo nang mapansin niyang naalis ang pagkasinta ng kanyang sapatos kaya agad niya rin itong inayos.

"It was nice seeing you again, Clay. Akala ko hindi ka na tutupad sa usapan natin."

Natigilan siya nang marinig ito. Nanigas ang kanyang mga tuhod at kumabog nang husto ang kanyang dibdib. Hindi siya makatayo.

Tono iyon ng isang babae at pamilyar sa kanya. Tila narinig na niya ito sa telebisyon.

"I told you to wait. Don't make this happen again and just wait for me. I'm planning everything smoothly."

Alam niyang kay Clay galing ang boses na iyon at gustuhin niya mang silipin ang mga ito ay hindi pa rin siya makagalaw. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa ngunit isa lang ang nararamdaman niya at iyon ay ang hapdi na gumuguhit sa kanyang puso.

"When will you get rid of her?"

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Clay. "Don't rush me!" tila pasigaw na wika nito at ramdam niya ang kilabot sa mga salita nito.

Hindi niya pa kailanman naririnig si Clay na magalit.

"I just want us to be together again. Pinapaibig mo siya nang pinapaibig sa mga matatamis mong mga salita. Then here come Matthias Del Fuego ha parang ang swerte mo naman at dumating ang taong 'yan na hindi mo inaasahan. This can save us both. Look happily married then turned into a sad marriage because of cheating. Is that it? Parang babaliktarin mo ang babaeng iyon?"

Naikuyom naman niya ang kanyang mga palad at nangingilid sa sakit ang mga luhang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata. Nananakit ang kanyang lalamunan at nanlalamig ang kanyang mga kamay.

"Have patience."

Hindi na niya pinatapos pa ang pakikinig sa usapan ng dalawa at naluluhang bumalik sa counter ng bakery at kinuha ang kanyang binili.

Nagtataka namang sinundan siya ng tingin ng matandang babae.

Sa kanyang paglabas ay ang siya namang pagbuhos ng malakas na ulan ngunit wala siyang pakialam at nilakad pa rin ito patungo sa kanyang sasakyan. Malapit lang ang kanyang pinaradahan ngunit sa bawat yapak niya ay para bang napakabigat at napakalayo.

Kasabay ng malakas na ulan ay ang pagbuhos naman ng kanyang luha.







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro