CHAPTER 17
Nakatayo lamang si Isla sa labas ng kwarto ni Clay. May isa ring katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan at iyon ay ang itinawag ni Matthias dito. Sa halip na kumatok siya sa pinto ay pinili niyang bumba naa lamang at hanapin si Faroda upang tanungin tungkol sa totoong pangalan ni Clay.
“Carson?” bulong niya na nakakunot ang kanyang noo habang hinahanap si Faroda.
Papaanong hindi jiya man lang alama ng totoong pangalan nito? Kasal nga silang dalawa tapos heto siya ngayon at punong-puno ng pagtataka. Hindi niya man lang naisip na screen name lamang nito ang pangalang Clay.
Wala si Faroda sa kusina kaya lumabas siya at pumunta sa bakuran. Nakita niya ito na abala sa pagdidilig at paglilinis sa hardin. “Nanang,” tawag niya rito nang lapitan niya ito.
Nagtatakang nilingon naman siya nito. “O iha, akala ko ba ay may pupuntahan kayo?” tanong nito na walang kaalam-alam sa nangyari kanina.
Umiling naman ito at naupo sa isang upuan na malapit dito. Mayroon din kasing mauupuan sa hardin kung may gustong tumambay at magpahangin. “May tatanong po sana ako,” wika niya at dahan-dahan namang tumayo si Faroda at iniwan ang kanyang ginagawa.
Pinunasan nito ang butil-butil na pawis na namumuo sa noo nito gamit ang bimpo. Naupo na rin siya sa tabi ni Isla. “Ano ba ‘yon, iha?” tanong nito at nagsalin ng malamig na inumin sa basong inihanda nito kanina.
“Matagal na po ba kayong naninilbihan sa mga Verdera?” tanong niya at tumango naman si Faroda.
“Dalaga pa lang ako kasama ko na ang aking ina sa paninilbihan s akanila hanggang sa ito at matanda na ako. Hindi na nagkaasawa. Hindi ko rin naman ito isinisisi sa kanila dahil wala naman talaga akong balak na mag-asawa. Sa halip ang lahat ng sahod na nakukuha ko ay ipinapadala ko sa aking mga pamangkin sa probinsya simula nang pumanaw ang aking kapatid. Ako na rin ang nagpapaaral sa kanila ngunit malapit na rin silang matapos sa kolehiyo at ilang taon na lang ay makakapagtrabaho na rin sila,” mahabang sagot nito sa kanya at ngayon lamang niya narinig ang mga ito.
Napagtanto niyang hindi niya pa pala alam ang buhay ni Faroda. Nakaramdam siya ng kaunting kalungkutan dito ngunit masaya siya dahil hindi nito pinabayaan ang kanyang mga mahal sa buhay. “Lumaki si Clay na ako ang kasa-kasama. Kaya nga naririto pa rin ako sa tabi niya hanggang sa ngayon na magkaroon na siya ng asawa ta ikaw ‘yon, iha,” dugtong pa nito at ngumiti.
“Bukod po riyan at may gusto pa po akong itanong sa inyo. Clay po ba talaga ang pangalan niya?” tanong niya at walang pagdadalawang-isip na umiling sa kanya si Faroda.
“Sa sobrang haba ng pangalan ng batang iyan ay ipinalayaw lamang sa kanya ang pangalang Clay hanggang sa ipinagpatuloy niya ang kagustuhang maging artista ay iyon na ang pinili niyang maging screen name,” paliwanag nito sa kanya at napatango-tango naman siya.
“So para po bang acronym ang pangalang Clay?” tanong niya at tumango naman ito bilang kasagutan.
“Carson Lachlan Alexander Yver, iyan ang totoong pangalan niya. Hindi mo ba iyon nabasa nang magpirmahan kayo ng kontrata nang maikasal kayo?” tanong naman nito sa kanya at pinamulahanan naman siya ng hiya.
Pumipirma lamang siya na hindi nagbabasa at ngayon niya lamang nalaman ang totoong pangalan nito kung hindi niya pa narinig kay Matthias.
Napakamot naman siya ng kanyang batok at natawa naman dito si Faroda. “Ayos lang ‘yan iha at mabuti nga ay naitanong mo ‘yan. Gusto mo rin bang malaman ang mga paborito niyang kainin? Ulam, meryenda, kulay at iba pang nalalaman ko,” tanong nito at nakangiting tumango naman siya rito.
Nangingiti naman si Faroda at tila aliw na aliw sa kanya. “Ang paborito niyang ulam ay adobong pininyahang manok atsaka maraming patatas ‘yon na ‘yon ang gusto niya. Naku! Panigurado talagang mahuhulog ang loob nun sa ‘yo kapagka nilutuan mo siya nun,” wika niya at tila napangiwi naman siya nang marinig ito.
“Hindi po ako marunong magluto pero pag-aaralan ko po. Pwede po bang turuan ninyo ako one of these days?”
“Walang problema, iha. Masaya akong turuan ka. Ang paborito naman niyang kulay ay puti at kulay kape. Iyan ang mga gusto niyang kulay. Mahilig din siya sa matatamis at malalagkit na mga kakanin. Minsan nga ay umu-order pa siya ng bila-bilaong bibingkang galapong na maraming latik. Isa rin sa paborito niya ay ‘yong plain na tikoy tapos ipinapapaprito niya ‘yon sa akin.” Mahabang lintanya nito at doon niya lang napagtantong marami pa rin pala siyang hindi nalalaman kay Clay na ngayon ay asawa na niya.
“Ang dami ko pong nalaman sa inyo. Pwede po bang samahan ninyo akong mamili ng mga kakailanganin para sa adobong manok? Tara po!” masiglang wika niya at agad na hinila si Faroda patayo.
Natatawang natatango na lamang ito sa kanya. “Sige iha, magbihis ka na at mamamalengke tayo. Ililigpit ko lang ito at magbibihis na rin,” wika nito sinimulang ligpitin ang mga gamit na nagkalat,.
Lakad at takbo ang kanyang ginawa papasok sa bahay. Sabik siyang matuto at ipagluto si Clay ng paborito nitong ulam. Nang malapit na siya sa pintuan ng kanyang kwarto ay ang siya namang pagbukas ng kwarto ni Clay at nagtama naman ang kanilang mga mata.
Nginitian naman niya ito at walang ano-ano ay nag-flying kiss siya rito na siya namang ikinagulat ni Clay at tila nanigas sa kinatatayuan nito. Agad naman siyang pumasok sa kanyang kwarto at kumuha ng damit na maisusuot.
“Pag-aaralan ko talaga ang magluto at ipagluluto kita,” wika niya na nakangisi habang tinititigan ang kanyang repleksyon sa salamin.
Isa sa mga goal niya ngayon ay ang paibigin at paamuhin nang husto si Carson Lachlan Alexander Yver Verdera sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro