Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16

Nasa gitna ng isang meeting si Clay ng kanyang manager at ng kanyang team tungkol sa kanyang magiging bakasyon. Mawawala na muna siya sa kamara ng isang taon o higit pa. Nag-aalala rin ang kanyang manager dahil magiging malaki ang epekto nito sa kanyang career dahil sa matagal na panahon na mawawala siya lalo na at tanyag na tanyag ang kanyang pangalan. Bumubuhos din ang mga sponsors sa kanya. Iyon ang mga pinangarap niya noon ngunit tila lumihis ang lahat nang dahil kay Isla.

Sa ngayon ay walang laman ang isip niya kung hindi si Isla. Hindi niya maitatangging mahal na niya ito at matagal lang niya napagtanto nang mawala ito sa piling niya.

"Are you even listening, Carson Lachlan Alexander Yver Verdera?" Sita ng kanyang manager si Manuel, dahilan bumalik ang kanyang atensyon sa kanila.

Tumango naman siya dahil kahit papaano ay narinig naman niya lahat ang mga diskusyon kahit na iba ang tumatakbo sa kanyang isipan. "I'm fine with that. This choice is mine and I will not feel remorse for anything. Besides that, I am grateful for all that while having you by my side. I will compensate you for looking after me well," wika niya at halos mangiyak-ngiyak naman ang kanyang manager sa kanyang tinuran.

"Para namang hindi ka na babalik niyan," wika naman ni Manuel na bahagya namang ikinatawa niya.

"Sa tamang panahon po ay babalik ako. Masyado po kasi aong naging tutok sa pansarili ko lamang at nakaliligtaan ko ang isang importanteng bagay," wika niya dahilan upang kumunot noo naman si Manuel.

Hindi pa kasi nito alam na kasal na siya. Noong una ay gusto niyang ilihim ang lahat ngunit ngayon na hiniling niya na magbakasyon na muna ay kukunin niya na rin ang pagkatataong iyon upang ayusin ang lahat at ipakilala si Isla sa buong mundo lalong-lao na sa kanyang mundo.

Iyon ang malaking plano niya ngunit bago niya ito i-anunsiyo ay kauusapin niya na kuna ang kayang mga magulang apti na rin ang mag magulang ni Isla. Pinag-isipan niya rin ito nang mabuti dahil kung tutuusin ay asawa niya si Isla kahit na arrange marriage ang nangyari sa kanilang dalawa ay hindi naman niya maitatangging hindi ito mahirap mahalin.

Kailan niya naramdaman? Paano niya nalaman? Hindi niya rin alam kung kailan at paano ngunit iisa lang ang sigurado siya at iyon ay wala ng atrasan pa. May ipinangako na rin siya kay Isla at ang lahat ng mga iyo ay tutuparin niya.

"Kailangan ko na pong umalis at may pupuntahan pa ako. One of these days Manager Manuel, we will discuss things but not for now," wika niya at dali-daling umalis at hindi na hinintay pa ang sasabihin ng kanyang manager.

Kanina pa siya nanggagalaiting umuwi dahil tila ba may nararamdaman siyang mali at kailangan niyang makita agad si Isla. Halos lumipad ang kanyang sasakyan habang tinatahak pauwi. Sa bilis ng kanyang pagpapatakbo ay tanaw na niya ang bahay. Kunot-noo siyang napatingin sa isang sasakyan na nakaparada sa labas ng kanilang gate.

Kumabog naman nang husto ang kanyang dibdib dahil mukhang tama ang kanyang hinala. Agad naman niyang ipinarada ang kanayng sasakyan sa labas dahil wala siyang balak na ipaalam sa loob na dumating na siya.

Sa kanyang pagpasok naman ay may narinig siyang tila mag nag-uusap at alam niyang si Isla ito at ang isang boses naman ay pagmamay-ari ng isang lalaki. Naikuyom niya ang kanyang mga kamay dahil sa tono pa lang ng pag-uusap ng mga ito ay tila masayang-masaya ang mga ito sa kanilang pinag-uusapan.

Nang masilayan niya ang mukha kung sino man ang kausap ni Isla ay agad niya naman itong nakilala at mas lalo lamang na kumulo ang kanyang dugo. Her woman is talking to a unbelievable man whose name is Matthias.

Rinig na rinig niya lahat ng pag-uusap ng mga ito kaya hindi na rin siya nakapagtiis at lumabas sa kanyang pinagtataguan. "Who said you'd go on a date with him?"

Agad namang tumayo si Isla mula sa kinauupuan nito at kitang-kita niya rin ang pagsilay ng isang nakalolokong ngiti ni Matthias na para bang pinipikon siya nito.

Alam ba nito na kanina pa niya pinapakinggan ang kanilang pag-uusap? Kilala niya si Matthias at isa itong tuso. Pagdating din sa babae ay nakukuha niya lalo na kung gusting-gusto niya ito.

"Clay," tawag ni Isla sa kanya at nang lingonin niya ito ay kitang-kita niya ang maamo nitong mukha at tila nangungusap na mga mata.

Ang kaninang nag-aapoy sa galit ay unti-unting naauupos na apoy. Isa iyon sa mga nakababaliw na ginagawa sa kanya ni Isla ngunit hindi dapat siya madala rito. Wala rin siyang pakialam kung matalik na magkaibigan ang mga ito.

"Matthias . . ."

Tumayo naman ang binata at ngumiti. "It was nice meeting you again, Carson," wika naman nito na mas lalong ikinakulo ng kanyang dugo.

Tila nalilito naman si Isla sa kanilang dalawa dahil hindi pa naman nito alam na magkakilala sila. Kaibigan niya noon si Matthias ngunit naputol lamang ito nang pareho sila ng babaeng nililigawan noon. It was a foolish reason but it was enough for him to cut ties between them for good. Ito naman kasi ang naunang sumira sa kanilang pag-iibigan.

"I think I have to go Isla," wika ni Matthias at hinalikan pa nito mismo ang likod ng kamay ni Isla bago naglakad patungo sa kanyang direksyon. "See you around, Carson," dugtong pa nito nang lampasan siya.

Napakuyom naman ang kanyang mga palad at hinintay ang pag-alis nito bago niya tuluyang harapin si Isla. Nang makumpirma na niyang umalis na ang sasakyan nito ay agad naman siyang humarap dito at nagtama naman ang kanilang mga mata.

"Clay . . ." mahinang tawag nito sa kanya at bago pa man ito makapagsalitang muli ay tumalikod naman siya at iniwang mag-isa ito.

Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili kung bakit niya ito agad na tinalikuran at iniwan ngunit ramdam niya ang poot ng galit sa kanyang puso dahil alam niyang pauunlakan nito si Matthias sa aya nitong lumabas. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng kanyang kwarto at agad na nagtungo sa banyo at maligo upang mahimasmasan.

"Damn it!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro