Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at napagtantong umaga na pala. Ang kwartong kinalalagyan niya ay mayroong napakalaking bintana na yari sa salamin. Kitang-kita ang isang magandang tanawin ng bakuran. Berdeng-berde ang mga damu at may mga magagandang nakahilerang mga namumukadkad na orkids.

Napalingon siya sa kanyang gilid kung nasaan si Clay ngunit wala na ito. Mag-isa na lang pala siya sa kwarto. Napakagat siya ng kanyang ibabang labi nang maalala ang nangyari sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala dahil mukhang napakabilis ng mga pangayayari sa kanilang dalawa.

Ibinalot niya ang kanyang sarili sa kumot dahil hubo't hubad pa siya. "Ang ganda naman dito," utal niya na hindi maalis-alis ang mga tingin sa labas.

Pinagmasdan niya ang buong silid at napakalawak pala nito. Nasapo naman niya ang kanyang noo nang mapagtanto niyang wala pala siyang dalang mga gamit. Wala siyang maisusuot. "Paano na 'to?" tanong niya at napalingon sa bandang kaliwa niya at nakakita na may nakasabit na puting tshirt at itim na cycling.

Mukhang inihanda ito ni Clay para sa kanya. Wala naman siyang magagawa kung hindi ang suotin na lamang ito. Hindi naman siya nag-abala pang magsuot ng bra at panty dahil wala na ang kanyang mga damit sa kwarto. Marahil ay kinuha ito ni Clay kanina.

Agad naman siyang pinamulahan nang maisip ang mga bagay na iyon. "Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko?" wika niya at napagdesisyonang lumabas.

Tahimik ang buong kabahayan at walang kahit na anong ingay hindi gaya sa syudad. Gusto niya ang ganitong katahimikan. Nakapag-iisip siya ng maayos. Habang patungo siya sa kusina ay may namataan ang kanyang mga mata na tila usok na nagmumula sa bakuran.

Tumungo naman siya roon at unti-unti niyang naaamoy ang usok at nalaman niyang sigarilyo pala ito. Hindi niya gusto ang amoy ng sigarilyo pero iba ang amoy nito at pamilyar sa kanya. Kung hindi siya nagkamamali ay pareho ito sa sigarilyo ng kanyang ama, ang treasurer black.

"You're awake," wika ni Clay na hindi siya nililingon.

Nagulat naman siya rito dahil hindi naman siya lumilikha ng kahit na anumang ingay ngunit ramdam naman nito agad ang kanyang presensya. Tumango naman siya at naupo sa bakanteng upuan katabi nito.

Pinagmasdan niya naman si Clay at kahit na bagong gising lang din ito tulad niya ay hindi ito halata dahil nakapagwapo pa rin nito. Parang hindi sila bagay dahil mas marami itong nakasasamang mga magagandang artista. Hindi tulad niya na isang plain woman.

"You can stare at me all you want, Isla," wika nito at inupos ang hinihithit niyang sigarilyo kahit na hindi pa ito ubos.

Nagtama ang kanilang mga mata at halos mahigit naman niya ang kanyang paghinga dahil sa mga tingin ni Clay sa kanya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at ibinaling ang kanyang buong atensyon sa mga naggagandahang mga orkids.

"Alam kong ayaw mo rin ng amoy ng sigarilyo and this will be the last time that you will see me smoke," wika nito sa kanya at hindi niya naman alam kung ano ang magiging reaksyon niya rito ngunit hindi niya maitatangging kinilig siya rito.

"I heard you love French vanilla coffee so I made one. Try this," dugtong pa nito at nagsalin ng kape sa nakahandang tasa.

Tumango naman siya bilang sagot at kitang-kita niya ang nag-uusok pang kape. Amoy na amoy niya rin ang aroma ng kape. Mas lalo pa yata itong sumarap dahil siguro sa inihanda ito para sa kanya ni Clay.

"Thank you," wika niya nang iniabot na sa kanya ang kape.

"Dahan-dahan mainit at baka mapaso ka," wika ni Clay sa malamyos na tinig nito.

Hindi siya sanay sa ganitong Clay na kaharap niya ngayon at tila hindi pa siya sanay. Ngunit nakararamdam pa rin siya ng takot. Takot dahil na rin sa baka dumating ang araw na bumalik sa dati ang lahat. Natatakot siyang kapag naging komportable na siya rito ay bigla naman itong bumalik sa dati.

"Mahilig ka pala sa orkids?" tanong niya para lang umiba ang hangin sa pagitan nilang dalawa.

Nagkibit-balikat naman ito. "I'm not particularly fond of flowers, but I discovered that orchids are to your liking, so I looked for a gardener who can cultivate these plants. I hope you liked it," wika nito at bigla namang nag-init ang kanyang mga tainga at alam niyang pulang-pula na siya ngayon.

Bakit lagi siyang pinamumulahan dito? Ang buong akala niyang wala na siyang nararamdaman dito ay hindi pa pala. Mahal niya pa ito.

Nakangiting napatango siya. "Sobrang ganda nila," wika niya habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa malayuan.

Lihim namang napangiti si Clay sa kanyang narinig na sagot at tumango. Marami na siyang napangiting mga babae ngunit iba ang pakiramdam niya ngayon na kasama niya si Isla. Marahil ay hindi niya lamang ito napapansin noon dahil nasa iba ang kanyang atensyon.

"Magtatagal tayo rito ng marahil isang linggo," wika ni Clay na siyang ikinagulat naman niya ngunit bago pa man siya makapagsalita ay nagsalita itong muli. "Huwag kang mag-alala dahil ipinaalam ko na ito sa mga magulang natin kung saan tayo pupunta," dugtong pa nito at tumango naman siya.

"Ganoon ba? Paano 'yan at wala tayong mga gamit dito? Papaano yung set mo? Hindi ba't may bago kang project?" sunod-sunod na tanong niya at tumango naman ito.

"Huwag kang mag-alala dahil bibili tayo ng mga gamit natin sa kabilang bayan. May maliit na bayan dito. Walang malalaking mga mall ngunit may mabibilhan tayong mga damit. I declined the project that was given to me. I chose to have my own break, away from the media . . . for now," sagot nito sa kanyang mga katanungan at malamlam na tinitigan siya nito.

"O-okay," sagot niya na tila nasasamid sa mga titig na ibinibigay nito sa kanya.

"I understand how overwhelming this sudden change between us, but I want you to know that I am sincere, Isla. I am serious about you. Sorry if it takes me longer to figure this out."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro