CHAPTER 12
Hatinggabi na at heto sila ngayon at bumabyahe. Hindi niya alam kung saan sila patungo. Hindi niya rin magawang tanungin di Clay dahil nasa daan ang buong atensyon nito at takot siyang ibuka ang kanyang bibig at magtanong.
Tanging liwanag lamang ng poste at buwan ang kanilang liwanag sa daan. Mabilis din ang pagtakbo nito sa sasakyan ngunit mabuti na lang din at wala nang gaanong sasakyan sa daan. Kahit papaano ay nakaramdam din siya ng takot dahil bilis ng pagpapaandar ng sasakyan ni Clay. Para kasing nasa karera ito.
Kita rin niya ang mga namumuong ugat sa mga kamay nito sa manubela. Kanina niya pa ito sinisilip at kating-kati na siya na kausapin ito.
Humugot naman siya ng paghinga bago ibinuka ang kanyang bibig. "Clay," mahinang tawag niya rito at tila may sariling isip ang kanyang kamay na hinawakan ang braso nito. Kahit siya ay nagulat sa kanyang ginagawa.
Tila nagulat naman ito sa kanyang ginawa at ang kaninang mabilis na sasakyan kanina ngayon ay nasa katamtamang bilis na lamang.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya at nakatitig pa rin dito. Kita naman niya ang pagtaas-baba ng adams apple nito.
"To my secret place. I want to celebrate my birthday there . . . with you," sagot naman nito ngunit nasa daan pa rin ang buong atensyon nito.
Nagitla naman siya dahil nalimutan niya na kaarawan pala nito. Gusto niyang matunaw sa hiya dahil wala siyang kaalam-alam. Hindi naman kasi sila nagdiriwang ng kaarawan nito. Ito rin ang kauna-unahang beses na mangyayari ito. Hindi niya mapigilang hindi murahin ang kanyang sarili dahil asawa niya ito ngunit nalimutan niya ang importanteng araw nito.
"I know you forgot," dugtong pa nito at mas lalong pinamulahan naman siya.
Hiyang-hiya siya rito ngunit napasinghap siya nang hawakan nito ang kanyang kamay at bahagyang pinisil. "It's okay as long as you're with me," dugtong naman nito at bigla namang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.
Hindi siya sanay sa ganitong Clay at kahit kailanman ay hindi niya pa nahahawakan ang kamay nito, ngayon lang. Hindi niya alam kung ano'ng nangyayari at kung bakit tila umiba ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa.
"Clay . . ." tawag niya at parang nanghihina ang kanyang mga tuhod.
Bahagya namang natawa ito at kahit tunog ng tawa nito ay eleganteng pakinggan.
"Kanina mo pa ako tinatawag sa pangalan ko. Ano ba 'yon?" marahang tanong naman nito sa kanya.
Napalunok naman siya ng kanyang laway at kahit na sobrang lamig ng aircon sa loob ng sasakyan ay para siyang namamawis ng malagkit. Hindi niya kaya ang presensyang ibinibigay nito sa kanya. Damang-dama niya kung bakit nahuhumaling ang mga kababaihan sa kanya lalo na sa kamara. Lagi rin itong nali-link sa iba't-ibang artista.
May gumuhit namang kirot sa kanyang puso nang maalala niya ito. Kung tutuusin ang mag-asawa silang dalawa ngunit ni publiko ay walang nakakaalam na kasal na ito. Kaya ganoon na lang ang mga umiikot na mga isyu nito sa mga balita. Alam niyang wala siyang karapatan para sumbatan ito dahil hindi naman sila totoong nagmamahalan. Siya lang naman itong ilusyunada na nag-iisip na mamahalin din siya nito.
Noon pa man ay may lihim na siyang pagtingin rito hanggang sa nahulog na lamang siya nang nahulog. Kahit na mahirap itong mahalin at labis-labis na rin siyang nasaktan ay hindi niya magawang waksiin ito sa kanyang puso't isipan. Para bang isang haplos lang nito sa kanyang puso ay agad siyang bibigay.
"Happy birthday," mahinang bati niya at kahit na hindi ito nakaharap sa kanya ay kitang-kita niya ang pagkislot ng ngiti sa mga labi nito.
Kahit na malamig ang aircon sa loob ay hindi siya nakaramdam ng panlalamig dahil hindi pa rin inaalis ni Clay ang pagkahahawak nito sa kanyang kamay. Mainit ang kamay nito at halos sakop nito ang kanyang mga kamay sa kaliitan.
Kung pagmamasdan ay mahuhumaling ang sinumang makakikita kay Clay dahil elegante pa rin itong nagmamaneho kahit iisang kamay lang ang nakahawak sa manubela. Bukod pa rito ay ang hindi maitatangging kakisigin at kagwapuhan nito. Kahit sinong babae ay mahuhulog dito.
Kung kanina ay takang-taka at nababagot siya sa tagal at layo na ng kanilang tinatahak ngayon naman ay tila ayaw na niyang matapos ang oras na ito na kasama si Clay.
Halos isang oras din ang kanilang binyahe at hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising na lamang siya nang may marahang tapik ang naramdaman niya sa kanyang balikat. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nagitla nang malamang halos isang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha nila.
"We're here," wika ni Clay at amoy na amoy niya ang mala-mentol na hinga nito. Nakaramdam naman siya ng hiya dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang itsura kanina at baka tumutulo ang kanyang laway.
Lumabas naman si Clay sa sasakyan at para naman siyang tood na pinagkatitigan lamang ito na papunta sa direksyon niya.
Pinagbuksan siya nito ng pinto at muling hinawakan ang kanyang kamay sa kanyang pagbaba.
Iginiya naman siya nito papunta sa isang malaking bahay. Yari ang lahat ng ito sa muwebles na kahoy at halatang mamahalin. Isang palapag lamang ito ngunit napakalapad. Para siyang nasa isang bahay bakasyonan at kahit na madilim ang kapaligiran ay kitang-kita niya ang magandang tabas ng damu sa kanyang paligid. Gayun na rin ang mga naggagandahang mga orkids na nakapaligid dito. Sa tulong na rin ng liwanag ng buwan ay mas lalo pang gumanda ang lahat.
"This is our rest house. I constructed this for you, but I never got to show it to you. This was meant to be your safe place. The land title and the house are in your name," wika nito na siya namang ikinagulat niya.
Para siyang nabingi sa tinuran nito at hindi makapaniwala. Para siyang nananaginip dahil tila hindi si Clay ang kanyang kaharap. Kung panaginip man ay ayaw na niyang magising pa.
Napalingon naman siya sa gawing direksyon ni Clay at tila tumigil naman ang pag-ikot ng mundo dahil nakatitig na pala ito sa kanya.
"Let's start a new beginning from now on, Isla."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro