CHAPTER 10
Nang makauwi si Isla ay gulat siyang sinalubong ng pamilya ni Clay bukod sa kanyang sariling pamilya. Agad siyang dumiritso sa bahay ng kanyang mga magulang. Ngunit wala roon sa Clay, dahil naging abala ito sa isa pa nitong set para sa huli nitong pelikula. Bali-balita nga ay nakapagdesisyon itong tumigil na muna sa pag-aartista ng isang taon.
"So glad that you're back iha," wika ng ina ni Clay at marahang tumango naman siya at hinalikan sa pisngi ito pagkatapos magmano.
Hindi rin magkandaugaga sa pangangamusta ang sarili niyang ina gayun na rin ang kanyang ama. Matapos nang halos isang oras na kuwentuhan ay minarapat ni Isla na magpaalam at umuwi sa bahay nilang mag-asawa. Alam niyang wala pa roon si Clay ngunit kahit na ganoon ay naisip niyang tama lang ang kanyang ginagawa dahil sa papel ay kasal silang dalawa.
Nangako rin siya sa kanyang mga magulang na dadalaw-dalawin niya ang mga ito ngunit babalik din siya agad sa Batanes sa makalawa. Nakaramdam naman ang ina ni Clay na tila may nangyayari sa dalawa ngunit mas minaigi niya itong hayaan na lang muna.
Nang makauwi naman si Isla ay agad siyang sinalubong ni Faroda na halos abot-langit ang ngiti. "Naku! Na-miss kitang bata ka! Mabuti naman at umuwi ka na," wika ni Faroda habang tinutulungan itong kunin ang mga dalahin niya.
"Hindi rin naman po ako magtatagal Nanang. Babalik din po ako sa Batanes," sagot naman ni Isla tinatanaw ang kabuoang bahay.
Maganda at sumisigaw ng karangyaan ang buong kabahayan ngunit hindi maililingid dito ang kalungkutang bumabalot sa loob.
"Uuwi po ba siya?" tanong niya na ang tinutukoy si Clay.
Malungkot na tinitigan naman siya ni Faroda at kahit na hindi na siya nito sagutin ay alam na niya ang kasagutan sa kanyang katanungan. Lihim naman siyang nasaktan dahil sa halos isang buwan niyang nawala ay wala pa rin pa lang nagbabago. Akala niya kahit papaano ay magbabago kay Clay. Na kahit papaano ay mangungulila ito sa kanya. Ngunit siya lang pala itong umaasa sa wala.
Isa siyang ilusyonada.
"Maliligo na po muna ako at magpapahinga. May pupuntahan din po ako mamaya," wika niya at nagpaunang lumakad.
Kita naman ni Faroda ang kalungkutan sa mga mata ni Isla. Minsan na rin niyang kinausap si Clay, at bilang kanyang tagapag-alaga nito ng ilang taon ay kinausap niya ito nang masinsinan. Hindi niya ito pinagalitan bagkus sinabi niya rito kung ano ang dapat nitong gawin kung uuwi na si Isla ngunit tila hindi naman siya nito pinakinggan.
Pagkatapos maligo ni Isla ay sumalpak naman siya sa kanyang higaan. Kahit basang-basa pa ang kanyang buhok ay wala siyang pakialam. Napapikit siya ng kanyang mga mata at gustuhin niya mang umiyak ay tila wala siyang mailalabas na mga luha.
Dahan-dahan naman siyang naupo sa gilid na kanyang kama at kinuha ang kanyang cellphone sa loob ng drawer. Hindi niya ito dinala kaya ganoon na lang din ang hirap sa pagkontak sa kanya.
Sinubukan niya itong i-on at gulat naman siya nang ma-on ito ngunit kulay pula na ang baterya nito. Wala ring guhit ng signal at marahil ay dahil sa tinagal na hindi niya ito nagamit ngunit babalik din naman agad sa normal na signal ito. Agad naman niyang isinaksak sa sarili nitong charger at hihintaying mapuno ang bar nito bago siya tuluyang umalis.
Bibili kasi siya ng bago niyang undergarments at mga damit bago siya tuluyang bumalik sa Batanes. Bibili na rin siya ng ipangsasalubong kay Matthias. At kung hindi siya magkamamali ay isa sa paborito ng binata ang butterscotch kaya ibibili niya ito mamaya.
Minsan hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na hindi isiping sana si Matthias na lamang ang kanyang napangasawa. Sa pag-iisip na iyon ay hindi niya rin mapigilang hindi makonsensya dahil pakiramdam niya ay para siyang nagtataksil kay Clay.
Ipinilig niya ang kanyang ulo sa kanyang mga naiisip. Napabuga naman siya ng kanyang paghinga. "Ano ba 'tong mga pinag-iisip mo, Isla?" tanong niya sa kanyang sarili saka kinuha ang suklay sa isang gilid at sinimulang suklayin ang kanyang buhok.
Habang nasa kalagitnaan ng kanyang pagsusuklay ay ang siya namang pagbukas ng pinto na ikinagitla niya.
Iniluwa nun si Clay at agad namang nagtama ang kanilang mga mata. Ni hindi man lang nito nagawang kumatok sa pinto at basta-basta na lamang na pumasok.
"You're back," wika nito at tumango naman si Isla. Amoy na amoy niya ang mamahaling pabango na hindi masakit sa ilong ni Clay. Pansin niya rin na tila may namumuong pawis sa noo nito at hindi malaman kung saan ba talaga galing ito at parang hinahabol pa ang paghinga.
Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa at hindi naman makakilos ng maayos si Isla dahil ramdam niya ang mga mata ni Clay sa kanya.
"May kailangan ka ba?" tanong niya na tuluyang binasag ang katahimikan.
Umismid namang mukha ni Clay at nag-iwas ng tingin. "Let's have dinner tonight," wika nito at hindi na hinintay pa ang sagot ni Isla at agad ding umalis sa kwarto nito.
Tila lumukso naman sa kaba ang puso ni Isla ngunit ipinilig niya ang kanyang ulo dahil pinakiramdaman niya na naman ang kanyang sarili na parang aasa na naman.
"Walang kahulugan 'yon," usap niya sa kanyang sarili at tumango-tango.
Nang makaalis na nang tuluyan si Clay ay ang siya namang pagtayo niya ngunit narinig niya naman ang kanyang selpon na tumunog hudyat na mayroon siyang natanggap na mensahe.
Kunot-noong kinuha niya ito at tiningnan kung sino. Nagulat naman siya at wala sa phonebook niya ito dahil tanging numero lamang ang naka-display sa screen.
Walang pagdadalawang-isip na binasa niya ito at nalamang kay Matthias galing ang mensahe.
'Maayos ba ang pag-uwi mo? I'll wait here. Matthias.'
Iyon lamang ang nakapaloob sa mensahe. Natatandaan niya pa lang ibinigay niya rito ang kanyang numero bago siya tuluyang umalis. Hindi niya lubos maisip kung saan pa kumuha ng signal ang binata para lang makapag-text sa kanya. Napangiti naman siya at napagdesisyonang mag-reply dito.
Nang matipa na niya ang send ay agad niyang ibinalik ang kanyang selpon sa maliit at babasaging mesa.
Halos tumalon naman ang kanyang puso nang may nahagip ang kanyang mga mata. Nang tapunan niya ito ng tingin ay napagtantong si Clay ito at nakakrus ang dalawang kamay nito at matiim siyang tinititigan na animo ay may ginawa siyang masama. Nakasandal din ito sa gilid ng pinto. Hindi niya pala naisara ang pintuan niya kanina.
Malamig ang mga tingin nito sa kanya at nakapagdagdag pa roon ang lamig ng aircon.
"Who are you flirting with? It's not nice," wika nito sa baritonong boses.
Namula naman sa hiya si Isla at napakagat ng kanyang pang-ibabang labi. Ang kang diritsong mga tingin sa binata ay napalitan ng pag-iwas. Kahit sa sarili niya ay hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kanyang reaksyon kung gayun ay wala naman siyang ginagawa.
"Mali ang iniisip mo-" mahinang sagot niya at tumalikod naman si Clay bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin.
"I doubt," malamig na sagot ng binata at tuluyan nang nawala sa paningin ni Isla.
Napahawak naman si Isla sa kanyang dibdib dahil tila naramdaman niya na namang muli ang naramdaman niya noon kay Clay. "Hindi kita maintindihan, Clay."
Hindi niya na rin alam kung matutuloy pa ba ang dinner nila mamaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro