Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

"Clay, this is the deal," wika ng kanyang ama sabay turo ng isang papel na nakapatung sa mesang salamin.

Walang emosyong tinitigan lamang ito ni Clay at hindi siya makapaniwala na sa iisang papel ay kaya nitong baguhin at diktahan ang kanyang buhay. Gustuhin niya man itong punutin at magmura sa harap ng kanyang mga magulang ay wala pa rin namang magbabago.

Napahilot siya sa kanyang sentido at natawa ng mapakla. "I don't get the point on why you are telling me this when in fact I don't have a choice," wika nito at tinitigan naman siya ng kanyang ina na may lungkot sa mga mata nito.

"Anak," tawag ng kanyang ina at akmang lalapitan na sana niya si Clay nang biglang pinigilan siya ng kanyang asawa.

"Miranda, stop spoiling your son. Kaya lumaki 'yang laki sa layaw," wika ng kanyang ama at bumalik naman ang kanyang asawa sa kanyang kinauupuan. "Look at Noah, he's a successful man. Alam niya kung saan siya lulugar," dugtong pa nito at iyon ang isa pang ikinagagalit ni Clay at ito ang ikumpara siya sa kanyang kuya. 

Wala siyang galit sa kanyang kuya dahil mahal na mahal niya ito at kita niya ang malaking sakripisyo na ginawa nito para sa kanilang pamilya. Lagi nitong sinusunod ang kanilang ama at iyon din ang dahilan kaya ayaw niyang maging katulad sa kanya.

Isang sikat na artista si Clay at dahil na rin sa sariwa pa ang kanyang pangalang namamayagpag sa industriya ay napagpasyahan pa rin ng kanyang mga magulang na ituloy ang pinagkasunduan noon ng magulang ng kanyang ama. Bata pa lang si Clay ay naipagkasundo na siya. Bagaman ay hindi pa ito nakikilala o nakita ni Clay ay wala siyang pakialam dito. Isang pribadong kasal ang gagawin at nais ni Clay na ganapin ang kasal sa ibang bansa dahil madali ang makipagdiborsyo.

Kahit naman na hindi na mag-artista si Clay ay mayaman ang kanilang angkan ngunit gustong gumawa ni Clay ng kanyang sariling pangalan.

Hahayaan niya na muna ang kanyang mga magulang na diktahan siya sa lahat ngunit unti-unti na niyang pinaplano ang lahat sa kanyang isipan hanggang sa makalaya siya sa mga ito. Kapag nangyari iyon ay papakasalan niya ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso at hindi niya hahayaang maitali sa isang babaeng hindi naman niya mahal.

"Would that be all? Kailangan ko na ring umalis at may taping pa kami," ani ni Clay at tumango naman ang ama nito na hindi siya nito nililingon.

Humalik naman siya sa kanyang ina bilang paalam. "Mag-iingat ka anak," wika ng kanyang ina at tumango naman si Clay.

Malapit si Clay sa kanyang ina dahil ito lamang ang kanyang naging kakampi. Ngunit takot ito sa kanyang ama at lagi nitong sinusunod kung ano ang iuutos sa kanya.

Pagkalabas nang pagkalabas ni Clay sa silid ay napabuntong-hininga at agad na kinuha ang susi ng kanyang sasakyan sa bulsa ng kanyang dyaket.

Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hindi pinansin ang mga kasambahay na bumabati sa kanya. Walang araw na hindi ito nasisira ng kanyang ama at kahit na ano'ng gawin niya at ilang tagumpay ang masungkit niya ay kulang pa rin ito para sa kanyang ama.

Iba ang gustong mangyari ng kanyang ama at iyon ay ang mamahala sa kanilang negosyo ngunit hindi iyon ang gusto ni Clay. Pinagbigyan naman siya nito ngunit isang malaking kondisyon ang kapalit. Labag man sa kanyang kalooban ay sumang-ayon siya makuha lamang ang kanyang pangarap. Pagpasok niya bilang artista ay doon niya nakilala ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso, si Rebecca.

Ngunit habol siya ng habol sa dalaga dahil hindi naman siya nito pinapansin. Kahit na ganoon ay hindi pinanghinaan ng loob si Clay dahil alam niyang mapapaamo niya rin ito balang araw.

Pinaharurot naman ni Clay ang kanyang sasakyan papunta sa bahay ng kanyang kaibigan, si Lexus. Hindi totoong may taping pa siya at nagdahilan lamang sa kanyang ama upang makaalis.

Sa pagkakaalam niya ay itong araw din ang daging ng babae na ipapakasal sa kanya. Galing ito sa labas at ilang taon din bago ito tuluyang makauwi.

Napahigpit naman ang hawak ni Clay sa manibela kung iisipin niyang magpapakasal siya sa isang babaeng ngayon niya lang nakilala. Ni pangalan ay hindi nga niya alam. Gusto niyang matawa sa pinanggagawa ng kanyang mga magulang na animo ay isa siyang proyekto ng isang haysul na kailangan lagyan ng mga objectives at elements na parang ididikit lamang at ipapasa. Ganoon lang kadaling diktahan ang kanyang buhay.

Ngunit siya rin naman ang sumang-ayon kaya kahit nais niyang mag-amok ay wala na rin namang magbabago.

Iniisip niya kung ano ang ipinakain sa kanyang mga magulang upang sundin pa rin ang utos ng kanyang lolo kung sa gayun ay patay na ito. Alam niyang may nakatagong rason dito at malalaman at malalaman din naman niya ito sa huli.

"I hope you know what you are getting into," wika niya habang ang kanyang buong atensyon ay nasa daan.

NANG makarating siya sa bahay ni Lexus ay saktong nasa labas din ito ng kanilang gate. Natanaw naman nito ang kanyang sasakyan at nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Wala naman kasi silng usapan na magkikita sila ngayon.

Pagkababa niya ng kanyang sasakyan ay agad siyang sinalubong ng tanong ni Lexus. "Clay, may nakalimutan ba akong usapan natin ngayon?" tanong nito at umiling naman si Clay bilang kasagutan.

Tila nahalata naman ni Lexus at mukhang alam na nito kung ano ang nangyari sa binata. Para na kasi itong routine sa kanya.

"Ano'ng gusto mong gawin ngayon?" tanong naman ni Lexus at tila nabasa naman nito agad kung ano ang nais na ipahiwatig ni Clay.

"Let's race," wika naman ni Clay at napabuntong-hininga naman si Lexus at walang magawa kung hindi ang tumango na lamang sa kagustuhan nito.

Isa sa mga libangan ni Clay ang pagkarera gamit ang kotse. Delikado ngunit doon naibubuhos lahat ng binata ang kanyang galit at hinanakit.

"Hindi ba ngayon ang dating niya?" tanong ni Lexus at walang ganang tumango naman si Clay. "O hindi ba't ikaw ang susundo sa kanya?" dugtong pa nito dahilan upang bahagyang matawa si Clay.

"Matanda na siya at may isip. Kaya na niya ang kanyang sarili."









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro