Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

"Hindi ko inaasahan na aalis ka sa bahay na 'yon. Lahat naman binigay ni Klaxon sa'yo, ah? Ano pa bang kulang?" mariin na tanong niya. Nasa loob pa rin kami ng sasakyan kaharap ang malaking pharmacy kung nasaan si Klaxon nanggaling kanina.

Bumuntonghininga ako. Nakikita ko na ang pagsikat ng araw at dahan-dahang pagdami ng mga sasakyan sa highway.

Bakit ito ang usapan namin? Gusto ko lang naman lumayo dahil ayaw kong sirain ang buhay ni Mommy. Mahal niya si Klaxon kaya aalis ako. Kapag nandoon ako, hindi ako titigilan ni Klaxon. Pupwede naman akong tumawag sa kanila kung iyon ang gusto nila. Sa ngayon ay aalis muna ako, may bata sa sinapupunan ko na hindi dapat malaman ni Klaxon. I can raise this child alone, isa na 'yon sa rason ko kung bakit ako lalayo. Napapansin ko na ang pagbabago. Ayaw kong mapansin rin iyon ni Klaxon.

Baka kapag malaman niya iiwan niya ang Mommy ko. Hindi ako naniniwala na ginawa niya 'yon dahil sa akin. Natatakot ako na tanggapin ang kasinungalingan na 'yon. I don't want to ruin everything. Nag-aaral pa ako ngayon at wala pang ibubuga. Walang pera! Huling dalawang taon ko na sana ito sa kolehiyo ngunit nangyari ang hindi inaasahang mangyari.

Binalik ko ang aking tingin sa kaniya. "Do you really know that person? Kung gano'n, bakit ka huminto? Bakit hindi mo pinaalam sa kaniya na aalis ako, huh? Anong gusto mong iparating?" seryoso kong tanong. Pinipigilang huwag tumingin sa likuran baka magsisi na naman ako. I saw his car, naka-park lang iyon sa likuran namin. Baka isusumbong nga talaga niya na ako kaya nandito ngayon si Klaxon. Naghihintay na lalabas ako. Fuck!

"This is for your own safety, Kelra. Ayaw niyang may mangyari masama sa'yo,"

"Masama? Naririnig mo ba ang sarili mo? Kung hindi ako aalis sa bahay na iyon magiging masama ako sa tingin ng nanay ko! I don't want ro ruin everything they had! This is the best way for me to move forward and find my own peace!" galit na sambit ko sabay kuyom ng aking kamao.

"You don't understand. Wala ka ngayon sa posisyon ko."

I heard him sighed. Tumalikod siya at bumalik sa manibela. "Kilalang-kilala ko si Klaxon. Kapag umalis ka ngayon magwawala 'yan."

Pinaandar niya ang sasakyan. Hindi siya bumalik sa dating daan namin sa halip bumalik siya sa highway at tinahak ang tamang daan patungog destination namin.

Tumikhim ako, hindi magwawala iyon.

Kailangan niyang panagutan ang sariling desisyon. He chose my Mom, nangako siyang papakasalan niya iyon. I can't just stand and watch him played with me. I did wrong too, hinayaan ko siyang ganunin ako kaya ito ang naging resulta ng aking kagagahan. May nabuo. No'ng una ay nagsisisi ako, ngayon ay tinanggap ko na lang dahil wala na akong magagawa pa. Nangyari na e.

Kailangan ko pang pag-isipan kung anong gagawin ko sa Cagayan. Anong trabaho ang papasukan ko. Hindi madali 'to panigurado.

"Fuck!" malakas na mura niya dahilan nang pagbaling ko sa kaniya. Napansin kong patingin-tingin siya sa kaniyang salamin. Igting ang panga.

"What's wrong?" kunot noo kong tanong. Hanggang ngayon ay pinipigilan pa rin ang sariling huwag lumingon sa likuran dahil ayaw kong maghinala. Ayaw kong tanggapin ang katotohanang iyon.

"Alam kong mangyayari ito! Kahit hindi mo sabihin sa kaniya, malalaman at malalaman niya pa rin ito!"

"W-What?" bigla na namang nanumbalik ang aking kaba sa dibdib. Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ni Klaxon kanina. Mula sa malayo wala na akong nakitang sasakayang nakaparada doon. Wala na ang kaniyang sasakyan kundi...

"What the hell is he doing!"

Gulat at pangamba ang aking naramdaman nang mapagtantong sinusundan na kami ni Klaxon ngayon. Pinilit niyang dinidikit ang nguso ng sasakyan sa sasakyan namin. Tangina!

"Ano, tutuloy ka pa ba? Mukhang alam niya nang aalis ka!"

"Did you tell him?! Are you really my friend's friend, huh?!" inis ko na namang singal sa kaniya. Halos durugin ko na ang sarili kong daliri sa sobrang panggigigil. How could he!

"No, I didn't tell him, Kelra!"

"Then what is this! He's fucking following us! Hindi ako makakaalis kapag nakasunod siya! Putangina, gusto ko lang naman lumayo-layo muna dahil nasasakal na ako sa pamamahay na iyon! Sapat na ang kabastusan naming ginawa! I can't face my Mom everyday na parang walang nangyari, na okay lang! Kailangan kong lumayo dahil may rason ako!"

Marahas na niliko niya ang sasakyan. Muntik pa kaming makabangga, mabuti na lang nakontrol niya iyon. Wala pa ring tigil si Klaxon. Nakasunod pa rin ang kaniyang sasakyan. Hindi ko makita ang kaniyang mukha, hindi ko mahuhulaan ang kaniyang iniisip. Damn, ano na naman ang kailangan niya sa akin? Hindi pa ba tapos ang usapan namin kagabi? He walked out. Umasa ako na tapos na iyon! Ano na naman ngayon?

"I can take you there pero si Klaxon, sumusunod sa atin. I can't stop him, Kelra. Sa tingin ko'y galit na galit na 'yan ngayon dahil binabangga niya ang sasa—fuck!"

Tangina. Iritado kong kinagat ang labi. Binangga niya ang sasakyan nito at naramdaman ko ang kaniyang sasakyan sa aming gilid. Pinapantayan niya ang takbo ng aming sasakyan.

Maya-maya pa ay binaba nito ang bintana. Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga, magulong buhok at madilim na mga mata nang lingunin niya ang puwesto k-ko...

"Shit! I think I will die here! He knows, Kelra. Tutuloy pa ba t—tangina talaga! Sisirain yata ng gagong 'to ang sasakyan ko!"

Pumikit muli ako. Pinipigilan ang pagtulo ng mga luha. Tangina naman, Kelra! Bakit ang hina-hina mo! Ayaw ko nang bumalik sa bahay na iyon, lalo na kay Klaxon! Kung gusto niyang makipagtalik maghanap siya ng iba! Tapos na ako sa kaniya, ayaw ko nang ulitin ang pagkakamaling 'yon kaya pinili kong lumayo but he followed us here. Hindi ko alam hanggang kailan ito matatapos. Baka mamaya may maghahabol sa amin dahil sa bilis ng aming sasakyan.

I can't risk everything. I'm carrying his child. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sa amin.

Minulat ko ang mga mata ko, galit na galit na ngayon ang mukha ng lalaki. Pilit niyang iniiwasan ang marahas na pagtama ni Klaxon sa amin.

"Stop..."

"What?!"

"I said stop! Tumigil ka sa gilid ng kalsada. Haharapin ko siya."

Isang malakas na naman na mura ang kaniyang pinakawalan. "You can't do that, Kelra! Hindi mo nanaiising makita ang galit niyang mukha ngayon. Kapag tumigil tayo hindi lang ako ang madadamay dito!"

I know. Kitang-kita ko naman sa mukha niya ang pagdilim ng dalawang mata niya. He's really mad. Paniguradong susumbatan na naman ako kapag nakalabas na.

"I will deal with him." Pinal na desisyon ko.

Kinakabahan man ay pinatatag ko ang aking sarili. Pairap na hininaan niya ang pagtakbo ng sasakyan. Unti-unti siyang lumapit sa gilid nang sasakyan at huminto roon.

Malakas na hininga ang kaniyang pinakawalan. He punched the steering wheel at galit na lumingon sa akin. Nanlaki ang mata ko roon, naramdaman ko ang mainit na pagdalos ng aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Tangina mo talaga e! Alam mong delekado ang taong 'yon gusto mo pari—" hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin nang biglang nabasag ang bintana sa kaniyang harapan.

Gulat kaming napatingin kay Klaxon sa labas. Nasa harapan siya ng sasakyan. Nag-aapoy sa galit ang mga mata.

S-Shit.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko. He won't stop chasing you, Kelra, kahit gaano pa man 'yan kalayo. Hahanap-hanapin ka pa rin niya talaga!"

Yumuko ako. Umiwas ngunit isang boses ang nagpatindig ng aking balahibo.

"How dare you leave my house without my permission, Kelra!"

Nanlamig ako sa kinauupuan. Naramdaman ko rin ang unti-unting panginginig ng aking mga tuhod.

Ito ang kinatatakutan ko. Ang malalim na boses ni Klaxon, nangunguna ang galit.

"How dare you leave without me! I waited for you last night! Tapos ngayon aalis ka na naman kasama ang hayup na 'to? Ito ba ang bago mo, Kelra? Gusto mo rin bang patayin ko 'to kagaya ng ginawa ko kay Climente, huh? Tangina, sagutin mo ko!"

"Shit!"

Umiyak ako. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Nanghihina ang buong katawan ko. Hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata dahil natatakot ako na baka pagsisisihan ko na naman ito!

Pagod na ako, Klaxon! Gusto kong piliin na naman ang sarili. Huwag ganito!

"Pinapatay ko ang mga taong hadlang sa atin, Kelra. Wala akong pakialam kung kadugo mo man 'yan o kaibigan mo. If you disobey me again, hindi lang 'yon ang gagawin ko. Come here, baby. Let's go home and rest please..."

Nanlaki ang aking dalawang mata. Patuloy na umaagos ang aking mga luha. Hindi ko na kaya!

"If you stay, no one will hurt, baby. I will let this bastard live."

***
Don't forget to vote and leave a reaction. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro