Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Kelra's POV

Kinaumagahan nagpasya ako na umuwi na sa amin. Inayos ko ang mga gamit ko, nilagay ko lahat sa loob ng bag ko saka binaba ang mga hindi kakailanganin. Babalik pa naman ako rito, hindi nga lang agad-agad. Tatapusin ko muna ang pag-aaral ko, kapag nagka-ipon ako ay babalik ako rito, pansamantalanag maninirahan sa kanila. Ayaw ko kasing malaman ni Klaxon na buntis ako, kaya habang maaga pa at hindi pa masyadong halata ang tiyan ko ay aaksyon na ako.

"Bumisita ka ulit dito, Kelra, ah?" sabi ni Juanito. Ngumiti lamang ako at tumango.

Nagpaalam na ako sa kanilang lahat. Hindi ako sumabay kay Klaxon baka ano pa ang isipin nila sa amin. May taxi namang tinawag si Manang Sales kayat doon ako sasakay. Hindi muna ako uuwi ngayon, pupuntahan ko pa kasi si Jenie sa kaniyang condo. Hindi kasi natuloy 'yung usapan namin dahil umalis kaagad ako.

"Jenie, nasa condo ka ba?"

"Bakit? Ngayon ka na pupunta?"

"Oo sana. Bukas pa naman ang pasukan."

"Sige-sige, maghihintay ako sa labas."

Hindi naman kalayuan ang condo ni Jenie kayat hindi mahaba ang biyahe. Pagkadating ko binigay ko kay manong ang bayad. Mabuti na lang may pera pa ako rito. May five hundred na lang ako, hindi pa kasi ako binibigyan ni Mommy ng allowance. Galit pa rin siya at naiintindihan ko naman. Dito na muna ako kay Jenie, ayoko munang isipin ang ibang tao. Saka, time na rin nilang dalawa ito. Paniguradong wala ngayon sa school si Klaxon, uuwi iyon dahil akala niya umuwi ako.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at inangat ang tingin. Nakita ko si Jenie kabababa lang. Nang makita ako ay niyakap niya agad ako.

"Antagal ah! Mas lalo kang gumanda at... tumaba?"

Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Hilaw naman akong ngumiti sa kanya. "Malamang, lakas ko kumain e!" angil ko. Tinawanan niya lamang ako at iginaya na sa kaniyang tinutuluyan.

Malaki ang pinagbago ni Jenie. Noon ay sobrang payat niya, maiksi din ang kaniyang buhok, lagi siyang tinutukso noon na kalansay dahil sa kaniyang katawan at pananamit. Ngayon, mas lalo siyang pumuti at tumangkad. Ano kayang sikreto niya? Sigurado naman akong afford niya ang mga skincare dahil may trabaho siya. Mabuti'y napagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho.

"Ang laki ng condo mo ah. Magkano renta mo dito?" tanong ko. Tinungo ko ang kaniyang high class na kitchen at kumuha ng mansanas doon. Ang taray ng condo niya, pang high class talaga.

"Hindi ito renta, Kelra. Binili ko ito,"

"Talaga? Wow naman, dami mo sigurong pera, ano? Pautang naman oh!"

"Gaga ka! Wala pa akong sahod saka naparito ka naman dahil sa trabaho, hindi ba? Tamang-tama may posisyon akong ibibigay sa'yo sa kompanya,"

Mas lalong nalaglag ang aking panga. Nakakagulat naman kasi, she has this luxurious condominium and she works in a company? Student pa naman siya tulad ko pero ang taas na nang kaniyang narating ah. I didn't know this, hindi naman kasi siya laging nag-uupdate sa akin. Hindi niya naman ako shota noh.

"Puwede ba ako riyan? Nag-aaral pa ako eh." Tila nawalan ng pag-asa. Sure na sure kasi akong hindi ako matatanggap. I'm still a student you see. Kompanya iyong papasukan ko hindi lang part-time o sa isang shop kung kailan ko gustong pumasok. Dito ay kailangan kong pumasok ayon sa schedule ng trabaho.

"Oo naman. Kilala ko naman ang may-ari ng kompanyang iyon. Kinausap ko na siya no'ng nakaraan, pumayag naman siya at may own sched ka na rin dahil student ka like me."

"Talaga ba? Ambait naman ng taong 'yan!" hindi ko maiwasang hindi matuwa sa balitang ito. Finally, magkakaroon na ako ng sarili kong pera. Ang tanong, kakayanin ko kaya? I'm pregnant at hindi ito alam ni Jenie. May tiwala naman ako sa kaniya pero natatakot ako. Sa akin na lang muna ito.

"Anong klaseng trabaho naman 'yan?"

"Magchi-check ka lang naman ng mga papel na permado na mula sa kaniya. Sa'yo ipapasa gano'n saka may kukuha naman sa'yo niyan after mong ma-check ang papers. Suriin mo talaga ng mabuti dahil importante ang pirma niya." Mukhang bigatin ang taong ito ah.

"Ah, kung gano'n... kailan ako magsisimula?"

"Ayos lang ba sa'yo ang trabaho? Sinigurado ko talaga na hindi ka mabibigatan since first time mo,"

Ngumiti ako at mabilis na tumango. "Salamat, Jenie ah! Hindi ko talaga alam ang gagawin kung wala ka!" Nilapitan ko siya at niyakap.

"Walang anuman. Nga pala, kumusta sina Tito Klaxon at Tita? Goods pa rin ba sila?"

Napaiwas kaagad ako sa kaniyang tanong. Kung alam mo lang, Jenie. Sasakit din panigurado ang ulo mo.

Binalik ko ang atensyon sa kaniyang kitchen at kumuha muli ng mansanas doon. Sumunod naman siya sa akin, hinihintay ang sagot ko.

Kumagat ako. "Sa tingin ko naman ay ayos lang sila. Pinaplano na nga yata nila ang kasal nila," wala sa sarili kong sagot. Ang totoo niyan, si Mommy lang talaga 'yung atat na atat na planuhin ang kasal nila. Dahil sa sobrang busy ni Klaxon ay nauudlot lagi ang planong iyon.

Wala naman akong problema sa relasyon nila. Kay Klaxon oo, malaking problema na kailangan kong iwasan. Hindi na maganda itong nangyayari sa pagitan namin, he's my professor and soon to be my father. Fuck it lang talaga. Ang laswa pakinggan na nakikipag-sex ako sa father ko? Tangina, nabuntis pa. Well, he doesn't look old talaga but may Mommy na siya at wala akong balak maging sabit sa buhay nila. I have my own, with this child inside my tummy.

"Tagal na no'n ah. Hanggang ngayon plano pa rin?"

"Ewan. Busy yata sila pareho." Nilabas ko ang aking cellphone. Laking gulat ko nang bumungad ang pangalan ni Mommy sa aking screen. Damn it!

"Oh?"

"Sasagutin ko lang itong tawag ni Mommy."

Tumango siya. Tinungo ko ang sofa niya saka sinagot ang tawag ni Mommy.

"Mom?"

"Where are you, Kelra?! Kanina ka pa hinahanap ni Klaxon!"

Napalunok ako. Ano na naman ang kailangan ng lalaking iyon sa akin. Ayoko ngang makita ang mukha niya kayat huwag na huwag niya akong hahanapin. Hindi pa rin talaga nadadala.

"Hindi muna ako uuwi ngayon, Mom. Kasama ko si Jenie ngayon at sa kaniya muna ako makikitulog." Sagot ko sabay tingin kay Jenie na kumakain sa harapan ko.

"Are you crazy?! May pasok ka pa bukas at wala kang damit diyan!"

Kumunot ang noo ko sa reaksyon ni Mommy. Para bang hindi siya mapakali, atat na atat masyado.

"Papahiramin naman ako ni Jenie, Mom, huwag ka—"

"Umuwi ka ngayon, Kelra! Kung hindi ka uuwi wala ka na talagang uuwian!" sigaw niya at pinatay ang tawag.

"Anong nangyari?"

Bumuntonghininga ako. Anong problema niya? Halos gusto niya nga akong itaboy noon tapos ngayon aakto siya ng ganito? And about naman kay Klaxon, bakit niya naman ako hahanapin? Gago talaga.

"Pinapauwi ako ni Mommy,"

"Bakit daw?"

"Hindi ko rin alam e. Masyado yata siyang agresibo ngayon, may problema yata..."

Si Klaxon ang problema.

Binalik ko muli ang tingin sa aking cellphone. Unknown number iyon. Binuksan ko dahil nagtataka ako kung kanino 'yon galing.

Napasinghap ako nang mabasa ang mensahe na galing kay K-Klaxon.

"Kelra, I know you don't want this to happen, right? Go home, baby. I will wait here."

Mabilis kong tinago ang aking cellphone. Naramdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay dahil sa mensaheng iyon. Wala naman siguro siyang ginawa sa Mommy ko, hindi ba?

He said na mahal niya ang mama ko. Papakasalan niya ito, but...

I don't know what's happening.

Bakit ako nakaramdam ng takot sa mensaheng iyon? Kakikita lang naman namin kahapon at puros kahihiyan ang ginawa ko pero walang bakas na takot sa aking dibdib non. Tibok lamang ng aking puso, pero ngayon ay kakaiba.

Tumunog muli ang aking cellphone. Napansin kong gumalaw si Jenie sa aking tabi dahilan nang pag tayo ko.

"Aalis na ako, Jenie. May importante pa kasi akong gagawin sa bahay. Text na lang kita, okay?"

"Ayos ka lang ba? Okay lang naman sa akin na rito ka muna, Kelra,"

"Maraming salamat, Jenie, pero kailangan ako ni Mommy ngayon..."

"Tatawag ako ng taxi para sa'yo!"

Hindi na ako nakapalag dahil mabilis itong umalis. Binalik ko muli ang tingin sa aking cellphone, bagong mensahe na naman mula kay Klaxon. Sigurado akong siyang-siya ito.

"Matagal pa ba, Kelra? I want to feel your body against mine, baby. Galit na galit ako ngayon. Hindi mo naman sigurong nanaisin na makitang galit ako hindi ba? Go home!"

Pinikit ko ang aking mga mata. Is this true? My gosh! I can't believe this! I need to go home, kahit labag sa loob ko.

"Damn you, Klaxon!"

***
Hope you like it! Don't forget to vote and leave a comment. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro