Chapter 2
Kelra's POV
"Bad mood na bad mood si sir buong araw. Ano kaya nangyari do'n?" kunot noong tanong ni Jena.
Naalala ko na naman ang sagutan naming dalawa kahapon. Gusto kong tumigil na siya sa kahibangan niya. Hindi ba siya nandidiri sa ginagawa niya? Everything he did was so wrong, may mali din naman ako at pilit kong tinatama ang lahat ngayon.
Nasa canteen kami ngayon at kumakain ng pagkain dahil break time namin. Mukhang ngayon lang din ako nakahinga dahil sa mukha ni Sir Klaxon kanina na nakakamatay. Sobrang intense ng klase niya, nakakabingi ang katahimikan. Sobrang seryoso, ang dami niya ding binigay sa aming schoolworks. Nilubos-lubos talaga.
"Hindi ko rin alam." Sagot ko at nilantakan ang tinapay na may suka. Kita ko naman ang pag ngiwi ng mukha ni Jena. Kanina pa 'yan, mukhang nagdududa na. Pero wala talaga akong pakialam. Ito ang gusto ko. Ito ang kakainin ko.
"Siguro dahil kay Jomar Climente. Kakausapin mo pa ba 'yon?"
"Hindi na!"
"Mabuti naman. Huwag na huwag na talaga, Kelra. Layuan mo na ang baliw na 'yon. No'ng una okay naman siya, pero habang tumatagal, nababaliw siya."
Tumango-tango habang puno ang bibig. Gusto ko ring makipaghiwalay sa kaniya dahil sa pananakit niya sa akin. May rason naman ako bakit ko siya hihiwalayan, I can't endure any more pain again, parang ngayon lang pumasok sa isip ko ang lahat ng ito. Natatakot ako sa kaniya dahil para siyang baliw, sinasaktan niya ako kapag nagtatalik kami, hindi normal na sakit lamang iyon. Ininda ko ang lahat dahil mahal ko siya, ginawa ko ang lahat para sa kaniya pero ito ang sinukli niya sa akin, sakit. Mahirap man siyang kausapin, gagawin ko pa rin.
"Anong ginawa ni sir sa'yo kahapon? Pinapunta ka niya ng office, right?"
Napatigil ako sa pagkain nang maalala ko kung paano ako sumbatan ni Tito Klaxon kahapon.
Hindi ako sumagot.
"Ayos ka lang ba talaga?" muling tanong nito. Pinunasan ko ang labi ko, amoy na amoy ang suka sa bibig bago ko hinarap si Jena na diring-diri sa kinain ko. Gutom na gutom na kasi ako at nasarapan naman ako sa kinakain ko.
"Bakit, may problema ba?"
"Kakaiba ang kinikilos mo ngayon. Para kang naglilihi o ano. Biruin mo tinapay 'yan tapos ginawa mong sawsawan ang binagre? Seryoso, Kelra?"
Lumunok ako. Hindi niya pwedeng malaman. Gusto kong ako muna ang makakaalam nito. "Gutom lang talaga ako, Jena." Sagot ko at pinagmamasdan ang mga taong andito ngayon sa canteen. Kani-kaniyang may mga kausap. Tila walang problema sa buhay, nagtatawanan. Samantalang ako, ang laki ng problema ko.
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Saka ang sarap kaya, try mo nga!"
"Yuck! Mandiri ka nga, Kelra!"
Napangiti ako. Ang arte arte.
"Tumigil ka!"
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Mommy. Galit na galit talaga siya sa akin. Hindi niya din sinabi kay Tito Klaxon ang tungkol sa dinadala ko, parang walang nangyari. Pero kapag nagkaharap kami sa iisang lamesa, nagpapanggap si Mommy na ayos lang kami. Baka kasi magduda si Tito Klaxon. Ayaw niyang mangyari iyon.
"Saan punta mo ngayon?"
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Niligpit ko ang pinagkainan ko habang si Jena naman ay handa nang umalis. Ewan ko saan ang punta niya ngayon. May kailangan pa kasi akong gagawin at iyon ay ang maghanap ng trabaho. Saan kaya ako puwedeng mag-apply? Wala pa naman akong alam sa anumang gawaing bahay dahil may mga kasambahay kami. Simula no'ng nawalay sa amin si Daddy, nawala rin ang mga pinaghirapan niya.
"Maghahanap ng trabaho,"
Mabilis na kumunot ang noo ni Jena. "Anong maghahanap ng trabaho ang sinasabi mo riyan? Wala ka ngang alam sa gawaing bahay,"
"Kailangan ba talagang ipa-mukha?" irap na sagot ko. Ngumisi naman siya at inayos ang buhok ko. "Seryoso nga? Bakit? Anong nangyari? Sigurado ka bang papayagan ka ng Mommy mo na magtrabaho sa labas? Napaka-delekado, Kelra."
"Kailangan kasi, Jena. Gusto ko rin kumita,"
"Baka mapano ka."
"Kaya ko 'to ako pa!"
"Para kang tanga! No'ng isang araw ang lungkot lungkot mo, tila pasan mo ang langit at lupa, tapos ngayon? Magtra-trabaho ka?"
Nagpakawala ako ng malamim na hininga at pumikit panandalian. "Basta. Mauna na ako sa'yo, Jena."
"Maghahanap ka talaga ng trabaho sa mukhang 'yan? Sa lagay na 'yan? Girl, may midterm exam tayo next week. Iyon na lang kaya ang pagtutuusan mo ng pansin kaysa iyang trabaho na 'yan, ano?"
"Shhh. Ayos lang ako, Jena. Sige na!"
Hindi ko na hinintay na sumagot si Jena. Baka hindi matapos-tapos 'tong usapan namin dahil sa mga tanong niya. Parang nang-iinterview e. Trabaho lang naman iyon saka gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Hindi namin kailangan si Sir Klaxon sa buhay namin, I can raise my child alone. I don't need his help. Ginusto ko rin naman ito kaya panindigan ko 'to.
Lumabas ako ng gate at tinungo ang malapit na store. Baka hiring sila, mukhang madali lang din ang trabaho.
Nang malapit na akong makarating sa store. Nagulat na lamang ako nang may biglang humila sa kamay ko. Hinila ako nito sa gilid ng kalsada. Jusko!
"Ano bang prob—Sir Klaxon?!" gulat na sambit ko nang mamukhaan ko ang magulong awra ni Sir Klaxon. Para siyang ginahasa sa lagay niya ngayon.
"A-Anong ginagawa niyo po rito, Sir Klaxon?" iniiwasan kong hindi mangamba at manginig sa presensya niya.
"Are you okay?"
"P-Po? Oo naman, Sir Klaxon. Huwag po kayong mag-alala ayos lang ako. B-bitawan niyo ako."
Para akong tanga sa harapan ni Sir Klaxon. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko, tila ba wala siyang planong bitawan iyon. Jusko! Ayokong ma-isyu kami sa labas ng campus kayat pwersahan kong tinanggal ang kamay ko.
Agad namang kumunot ang noo niya.
"What are you doing?"
"Ah, ang kamay ko po, Sir. Nasa public po tayo baka anong isipin ng mga tao," kahit na mukhang bata pa siya, at mukhang magka-edad kami. Ayoko pa ring makita kami ng mga tao sa gano'ng lagay. Malaswa iyon at hindi ka aya-aya sa ibang tao.
"I don't care, let me hold your hand, Kelra. I missed it." Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ang malumay ngunit magaan sa pakiramdam na boses.
"Hindi po ta..."
"But you let that bastard hold your hand? Hindi ka ba nandidiri sa adik na 'yon?! Fuck!"
"..."
"P-Po?"
"Go home and rest." Iyon lang ang huli niyang sinabi saka lumisan sa harapan ko. Anong problema no'n?
Pinanood ko siyang humakbang palayo sa akin. Sinipa niya pa ang bato sa harapan niya bago sumakay sa sarili niyang kotse. Ano na naman kaya ang sumapi sa kaniya? Ang badtrip-badtrip niya naman ngayon.
"Nababaliw na talaga siya."
Pumasok muli ako sa shop at nagtanong kung kailangan pa ba nila ng taga-serve. Ngumiti naman ang nagbabantay sa akin at tatawagan ako kapag sumangayon ang amo nila.
"Maraming salamat po!"
"Walang anuman, iha. Mag-iingat ka ah!"
Makahulugan itong ngumiti sa akin. Hindi ko na lamang pinansin, tinungo ko ang waiting area. Naghihintay ng taxi pauwi.
***
NANG makauwi ay kaagad kong tinawagan si Jenie. Nilagay ko ang bag ko sa kama saka hinubad ang medyas gano'n din ang jacket ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming imikan ni Mommy.
May nakahanda ng mga pagkain sa ibaba pero hindi ako tumigil, dumeretso lang ako sa loob ng kwarto ko. Ayokong sumabay sa kanilang dalawa ni Tito Klaxon. Hindi ko masisikmura iyon, sa mukha pa lang ni Mommy na tila nandiriri at sa tingin ni Tito Klaxon na nakakamatay.
Jenie: Ang aga aga, Kelra ah. Anong kailangan mo?
Kelra: May alam ka bang trabaho, Jenie? 'yung matino sana.
Jenie: Bakit? Namumulubi ka na ba?
Kelra: Gusto kong magtrabaho, Jenie. Gusto kong kumita ng sariling pera.
Jenie: Saan mo naman gagamitin? Kayang-kaya ka namang buhayin nina Tita at Tito Klaxon ah.
Lumunok ako. Kahit anong mangyari, hindi ako hihingi ng pera kay Tito Klaxon.
Jenie: May problema ka ano?
Si Jenie ay pinsan ko. Isa siya sa mga gusto kong pinsan kasi kapag may kailangan ako andyan siya, sabay din kaming lumaki. Mukha na nga kaming magkapatid e.
Kelra: Kailangan ko ng sariling ipon.
Jenie: Hays, meron akong alam na trabaho kaso baka pagalitan ka nina Tita.
Kelra: Hindi naman nila malalaman.
Jenie: Sigurado ka ba riyan? Kasi kung oo, ipapasok kita sa pinagtra-trabahuan ko.
Ngumiti ako.
Kelra: Oo!
Jenie: Magkita tayo bukas sa labas ng school niyo. Huwag na huwag kang magpapakita kay Tito Klaxon, patay talaga tayong dalawa.
Kelra: Sige! Salamat, Jenie.
Jenie: Walang anuman. Bukas susunduin kita sa labas, ah?
Kelra: Yes!
Jenie: Nga pala, Kelra, may sasabihin ako.
Kelra: Ano 'yon?
Jenie: Mahal ba talaga ni Tito Klaxon ang Mommy mo? Parang kaedad lang kasi natin si Klaxon e.
Kelra: Syempre naman! Papakasalanan niya nga raw si Mommy.
Jenie: Mommy mo ba talaga ang papakasalan niya?
Kelra: Sa tingin mo?
Jenie: Hindi e, may something sa Klaxon na 'yon.
Jenie: Hindi ko naman maipagkaila na gwapo at hot ang Klaxon na 'yon, hindi ko lang maintindihan bakit siya pumatol sa may anak na? Pasensya kana ah, huwag ka sanang ma-offend sa sinabi ko. May mali kasi.
Kelra: Huwag na lang natin pakialaman ang relasyon nila, Jenie. Mahal na mahal nila ang isa't isa, sigurado ako do'n.
Humiga ako sa kama. Binaba ko ang cellphone ko at pipikit na sana nang may kumatok sa pintuan ko.
"Kelra, are you there?"
Napabangon ako bigla sa kama when I heard his voice.
"W-What do you want po, Tito Klaxon?"
"Dinalhan kita ng pagkain. Open the door and eat."
"B-Busog pa po ako, Tito!" bigla akong ginapangan ng kaba.
"Don't make me mad, Kelra, you won't like it."
Kahit medyo kinakabahan ay lumapit pa rin ako sa pinto.
Nang nabuksan ko na ang pintuan. Isang malambot na labi ang sumalubong sa akin dahilan nang pag-atras ko at panlalaki ng mga mata ko.
Damn it!
"Time to eat your dinner, Kelra."
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro