Chapter 17
To be continued.
Umalis ako dahil iyon ang sa tingin ko'y tama.
Binalingan ko ng tingin si Mr. Henderson. Nasa tabi ko siya, nakatayo at seryosong pinagmamasdan ang payapang natutulog na katawan ni Klaxon. Kanina pa siya dito sa loob, wala ni isang naglakas-loob na magsalita sa aming dalawa.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, malapit nang mag-alas nuwebe ng gabi. I wanted to go home and rest since I had work tomorrow, but Klaxon refused to let go of my hand. Oo, hawak niya ang kamay ko habang mahimbing siyang natutulog. Kanina ko pa gustong alisin ito, pero sa tuwing susubukan ko, mas lalo lamang niyang hinihigpitan ang hawak niya.
Argh.
Thankfully, I had already texted Jenie, letting her know that I wouldn't be coming home tonight because of an emergency at work. She seemed to understand gano'n din ang anak ko.
Napabuntonghininga ako at sumandal sa upuan. Napansin kong tumingin sa akin si Mr. Henderson, pero hindi siya nagsalita. Ang tanging ingay sa loob ng silid ay ang mabibigat naming paghinga. Kating-kati na akong magsalita, pero ano naman ang sasabihin ko? Kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako bibitawan ni Klaxon.
How did we even end up in this situation?
Matapos naming mag-usap kanina sa labas, biglang tumawag si Jenie. Tinanong niya kung kailan ako uuwi. Sasagot na sana ako na ngayon na, pero sumingit si Klaxon. Binantaan niya akong kakaltasan niya ang sweldo ko kung uuwi ako agad. Kesyo kailangan niya pa raw ako, at hindi naman daw libre ang lahat, babayaran niya ako.
Siyempre, hindi ako pumayag.
Hanggang sa napilitan niya akong pumayag. Tangina.
Hinatid ko lang naman siya sa sarili niyang kuwarto. Akala ko, pagkatapos noon ay makakaalis na ako. Pero hindi. Bigla niya akong hinawakan at sinabing mag-stay ako sa tabi niya. At ang mas nakakainis? Ginawa ko nga.
Hindi ko lang inaasahan na ganito katagal akong ma-stuck sa sitwasyong ito.
Argh.
Gusto ko ring matulog! Hindi ba siya aware na tao rin ako at kailangan ko rin ng pahinga? Nandito naman si Henderson, isa pang gago. Sa halip na siya ang magbantay sa boss niya, ako ang hinayaan niyang mag-alaga.
Damn this.
Hindi ko nga dapat ginagawa ito. I don't want to be involved in Klaxon's life again. I already learned my lesson. That was enough. Ayoko nang dagdagan pa.
Pero paano kung siya mismo itong lapit nang lapit?
Mapapamura na lang talaga ako.
Napahikab ako at inalalayan ang pisngi ko gamit ang isang kamay habang ang siko ko naman ay nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
Pakshit. Antok na antok na ako. Hindi ba napapansin ni Mr. Henderson iyon? Prente pa rin siyang nakatayo, parang estatwa, walang pakialam sa paligid.
Hindi pa ba siya nangangalay sa katatayo? Ang tindi naman pala ng taong ‘to.
Dahil hindi ko na talaga kayang labanan ang antok ko, hinayaan ko na lang itong dumalaw. Kasalanan mo 'to, Klaxon. Akala mo naman mamamatay ka.
Who cares. Wala rin naman tayong alam sa buhay ng tao.
NAALIMPUNGAN ako dahil sa init na tumama sa aking balat. Marahan kong minulat ang aking mga mata hanggang sa tuluyan nang masilayan ang sikat ng araw.
Wait...sikat ng araw?
Nanlaki ang aking mga mata at akma na sanang tatayo nang marealized kong wala na ako sa upuan kundi nasa kama na ni Klaxon.
Oh shit.
Dali-dali akong bumangon at inayos ang sarili ko, pati na rin ang damit kong medyo nagusot. Wala na si Klaxon sa kama, tanging ang kumot na nakatabon sa akin ang naiwan.
Kung hindi dahil sa sikat ng araw, paniguradong natulog pa ako nang mas matagal.
Inayos ko muna ang kama bago napagdesisyunang lumabas ng kuwarto.
Pagkababa ko, wala akong nakitang bakas nina Mr. Henderson at Klaxon. Tanging ang alon ng dagat ang maririnig, malayang humahampas sa dalampasigan. Tahimik. Malinis din ang buong bahay, na para bang walang trahedyang nangyari kagabi.
Dahan-dahan akong lumapit sa kusina at napansin ang isang sticky note na nakadikit sa ref. Hindi ko sana ito papansinin, pero may nakasulat na pangalan ko sa itaas.
Eat first before you leave.
Thank you for taking care of me last night, Kelra.
Iyon ang nakasulat sa papel.
I rolled my eyes. "So they really did leave."
Malamang. Walang katao-tao rito. Saka, ang linis-linis ng bahay, parang walang nangyari. At may pa-note-note pa si Klaxon?! Baka nga kanina pa sila umalis ni Henderson para pumasok sa trabaho.
Wait… speaking of work—
Shit. May trabaho rin pala ako!
Sandali. Kakain muna ako! Kanina pa kumakalam ang sikmura ko, tiniis ko lang dahil may hiya pa naman ako. To be honest, kagabi pa ako gutom, pero ayoko lang mag-demand dahil sobrang seryoso ng sitwasyon. Hindi nga rin sila kumain. Bigla na lang natulog si Klaxon.
Natiis niya ang gutom?
HINDI na ako nagtagal sa bahay ni Klaxon pagkatapos kumain. Umuwi kaagad ako at ni-locked ang kaniyang bahay. For sure naman may sariling susi iyon dahil bahay niya 'yon e. Ayoko rin namang iwan na nakabukas o hindi lock. Baka pagkamalan akong magnanakaw. Wala pa naman gaanong CCTV doon. Hindi ko alam.
Masyado siyang kampante.
"Ay taray! Umuwing hindi sabog. Kumusta naman ang trabaho?"
"Nasaan si Klarissa?" tanong ko agad, hindi pinansin ang pang-aasar ni Jenie.
Mukha siyang good mood ngayon. Ang daming nakahandang pagkain sa mesa, parang may inaasahang bisita. Sobrang linis din ng bahay.
"Hinatid ko na sa school." Nakangiting sagot nito habang nakatitig pa rin sa aking ang mga mata.
Bahagya namang umarko ang kilay ko dahil hindi ako sanay sa paraan ng kaniyang titig. Para bang may binabalak na hindi maganda.
"Ang daming pagkain, ah. May inaasahan ka bang bisita ngayon?"
Hinubad ko ang coat ko saka nilagay sa malaking basket na nasa tabi ng pintuan. Nilapag ko rin sa ibabaw ng lamesa ang aking cellphone habang pinapanood naman ako ni Jenie.
Ang creepy talaga ng gagang 'to.
"Para kang tanga. Tapatin mo nga ako, Jenie. May hindi ba ako alam?"
Napabuntonghininga siya. Lumapit siya sa hapag at umupo doon. "Dadalo dito mamaya ang jowa ko,"
Nanlaki ang mga mata ko. "May jowa ka na?"
"Haliparot! Malamang. Ano sa tingin mo sa akin wala? Matagal na akong may jowa, Kelra. Hindi ko nga lang masabi-sabi sa'yo dahil wala naman akong balak at pakialam sa kaniya. Lagi itong busy sa trabaho, madalang lang din magpakita sa akin. Madalas tumatawag pero hanggang doon lang. Wala na. Tapos ngayon dadalo siya. Abat!"
Sumilay ang ngisi sa aking labi. "You still love him?"
She rolled her eyes. "Ay malamang! Sino namang hindi magkakagusto doon e ang perfect na. Parang modelo sa ibang bansa! Kahit kuripot iyon sa atensyon, mahal ko pa rin,"
"Kung gano'n, hahayaan ko muna kayong dalawa dito. Ako na ang magsusundo mamaya kay Klarissa."
Umarko ang kaniyang kilay. "Are you sure? Hindi ka ba pagagalitan ng boss mo?"
"Hindi ko alam, but I'll try. Mas importante ang anak ko, Jenie. Kaya sulit-sulitin mo na ang araw na ito at huwag mo nang pakawalan 'yang siyota mo! Naku ka talaga."
"Talagang-talaga! Sige na, umalis ka na! Papunta na raw siya dito,"
"Wow?"
Ngumisi siya. "Kidding. But thank you, Kelra. Don't worry, mas iigihan ko pa ang pagbabantay kay Klarissa."
Tumango lamang ako at ngumiti. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, nagpaalam na ako sa kaniya na mauuna na ako. Mukhang excited naman ang gaga. Kanina ko pa napapansin ang ngiti niya. Talagang inaasahan niya talaga ang araw na ito.
Napailing na lamang ako at napangiti rin.
Sumakay ako sa aking sasakyan. Since may ten minutes pa ako, napagdesisyunan kong dalawin muna sa school ang anak ko. Quick visit lang. Pakiramdam ko kasi ang tagal-tagal kong nawala sa tabi niya. I want to spend more time with her. Kapag may break ako dadalhin ko siya sa lugar na gusto niya. Medyo matatagalan pa nga lang. I need money din kasi para sa financial na needs namin since ako na lang ang natirang magulang ni Klarissa. Nandiyan naman si Klaxon, pero hindi niya alam na may anak siya at wala rin akong balak ipaalam sa kaniya.
Habang sa kalagitnaan ng biyahe, pahinto-hinto ang naging takbo ng aking sasakyan dahil sa traffic. Ngayon, tuluyan na talagang hindi nakausad ang kotse ko.
Pambihira! Ano bang nangyayari at bakit sobrang traffic ngayon. Hindi makausad ang sasakyan ko!
Binuksan ko ang bintana upang tingnan kung anong nangyayari sa harapan. Maraming mga taong bumaba sa kani-kanilang sasakyan upang makichismis din sa unahan. Halata ang gulat at takot sa mukha ng iilang tao.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng sasakyan. Bumaba ako at akmang lalapit na sana sa pinanggalingan ng traffic nang matigilan ako.
"Bata! May batang nasagasaan! Ang daming dugo!"
"Maraming dugong nawala sa batang 'yon at mukhang hindi na humihinga!"
"Bakit ang tagal ng rescue! Hindi puwedeng galawin ang bata!"
"Jusko po. Sino ang nanay ng bata. Kailangan na kailangan siya ngayon."
Hindi ko alam bakit ako biglang ginapanangan ng kaba sa mga naririnig kong hiyawan ng mga tao. Dahan-dahan akong sumiksik, hindi pinansin ang mga reklamo ng mga tao. Pabilis nang pabilis ang aking hakbang hanggang sa masilayan ko na ang punot-dulo ng traffic.
Parang gumuho ang aking mundo sa nakita. Bumilis din ang tibok ng aking puso, nakakabingi. At nakakatakot.
Nanginginig ang aking katawan habang unti-unting nilalapitan ang batang nakahilata sa kalsada. Duguan, naka-uniporme at pikit ang mga mata. Tumilapon din ang kaniyang mga gamit sa sulok ng daan, gano'n din ang laruan nitong manika na regalo...
Regalo ko.
"KLARRISA!" isang nakakabinging sigaw ang aking ginawa kasabay nang unti-unting pagbagsak ng aking mga luha.
Tumakbo ako papalapit sa kaniya. My entire body is trembling with fear. I wanted to pick her up, to hold her, but I knew I shouldn't move her. My heart pounded so violently it drowned out the voices around me.
Nakakabingi ang bulungan, parang naging slow motion ang mga tao sa aking paligid. Iyak ako ng iyak habang pilit inaabot ang kamay ni Klarissa, ang nag-iisa kong anak.
"Baby...mommy is here..."
"Help! Help!"
"Baby, hold on, please..."
Please, fight my little princess. Mommy won't leave you. Please, don't leave me.
Hindi ko alam ang gagawin. Natataranta ako habang hawak ang aking cellphone. Hindi ko namalayan na may tumawag sa akin, bigla ko na lamang itong sinagot habang humahagolgol.
"Please...kung sino ka man, help me! Help my daughter! Help us! I need you, please! My daughter is dying! I need an ambulance!"
Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari. I was losing strength. My knees buckled as I watched the rescuers take her away. Pinasok nila ito sa ambulance kasabay nang pagdating ng isang sasakyan.
Hindi ko namukhaan ang lalaking nakatuxedong lumabas. Nanlalabo ang aking paningin, hindi dahil sa luha kundi sa kaba at takot na maaaring kahahantungan ng aking anak.
"Fuck! Kelra!"
Nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon, muli na naman akong napahagolgol at napayakap nang mahigpit sa kaniya. Kahit nanlalambot ang aking buong katawan.
"Shhh... I'm here, baby. She will be okay, I promise."
Whoever he was… I owed him everything.
"Kelra, look at me."
His strong hand cupped my face, tilting it upward. My blurred vision slowly cleared, and the moment my eyes focused, my breath hitched.
Klaxon.
His sharp features were tense, his jaw clenched so tightly it looked painful. But what caught me off guard was the raw emotion in his eyes.
Natatakot siya.
"Breathe," bulong niya, his voice rough but steady. "She needs you."
Parang akong nagising sa katotohanan nang marinig ko ang mariin niyang boses.
I gasped for air, my chest heaving as I finally snapped out of my frozen state. Klarissa. I had to be with my daughter.
"I need to—" My voice broke as I turned towards the ambulance.
"I know," sagot nito, mas lalong humihigpit ang kaniyang pagkakahawak sa akin. "I'm coming with you."
Wala na akong lakas na makipag-bangayan. Tanging nanginginig na tuhod na lamang ang naging aking sandalan
The paramedics moved quickly, their voices sharp and professional as they worked on Klarissa. One of them turned to me, motioning for me to get in.
"Are you the mother?"
"Y-Yes! Please, is she..."
"She's still breathing, but we need to move now."
That was all I needed to hear.
I climbed in, and before I could even register what was happening, Klaxon was right behind me. The doors shut, and within seconds, the ambulance sped off, sirens wailing.
The ride to the hospital felt like the longest in my life.
Klarissa's small frame lay motionless on the stretcher, oxygen mask strapped to her face. I could hear the beeping of the machines monitoring her vitals, each sound sending another wave of panic through my chest.
Huwag mo akong iwan, baby.
"Baby, Mommy's here…" mas lalong nanikip ang aking dibdib. "You'll be okay. I promise, you'll be okay."
Hindi siya gumalaw.
Didn't even twitch.
I bit down on my lower lip to stop myself from crying harder. I couldn't break down now. Klarissa needed me to be strong.
Isang mabigat na kamay ang humawak sa akin. Gulat akong tumingala kay Klaxon. His gaze was unreadable, but his grip was firm and warm. should have pulled away. I Should have told him I didn't need his comfort.
But I didn't.
For the first time in years, I let him hold my hand. Because right now, nothing else mattered.
Nang makarating kami sa hospital. The paramedics rushed Klarissa into the emergency room. I tried to follow, but a nurse blocked my way.
"Ma'am, please stay here. The doctors need space to work."
"No! I need to be with her!" sinubukan ko ulit na sumunod, but Klaxon grabbed my arm and pulled me back.
Tangina.
"Let them do their job, Kelra," mariin niyang sabi. "She’s in good hands."
Hinang-hina akong humarap sa kaniya. Umigting ang kaniyang panga. "She's all I have, Klaxon." My voice cracked. "She's my everything."
Something flickered in his eyes, but he didn't say anything. Instead, he tightened his grip on my arm, grounding me.
"Sit," he ordered gently. "You're shaking."
Kahit nanginginig, pinatatag ko pa rin ang aking sarili. He pulled a chair and let me sit there. Habol ko pa rin ang aking hininga, kinakabahan habang pinagmamasdan ang emergency room.
"Paano kung..." mas lalong bumigat ang aking pakiramdam. "Hindi na siya mag–"
“She will," Klaxon said firmly.
I looked at him, searching for even a hint of doubt. But there was none.
He was completely sure. I wanted to believe him. God, I wanted to believe him.
But the fear inside me wouldn't let me.
The minutes dragged on. Every second felt like torture. Hindi ako makapali sa sariling kinauupuan. Para akong ewan na hindi makapaghintay.
Maya-maya pa ay bumukas ang emergency room at lumabas ang isang doctor. Tumango siya sa akin dahilan nang ikinatayo naming dalawa ni Klaxon.
"Family of Klarissa Hadjehel?" tawag nito sa matinis na english. Parang may lahi dahil sa boses nitong hindi tulad sa amin.
"Yes! I'm her mother!"
The doctor gave me a reassuring smile. "She's stable for now. The bleeding has stopped, and her vitals are improving."
Nakahinga ako ng maluwag pero nandon pa rin ang takot kasabay ng aking mahinang paghikbi. "C-Can I see her?"
"Yes, but she's still unconscious. We'll need to keep her under observation for the next 24 hours."
Marahan akong tumango. Hindi na makapaghintay. "That's fine. I just...I just need to see her."
Iginaya kami ng doctor sa sariling kuwarto ni Klarissa. Habang tinatahak ang daan papasok, hindi ko mapigilan ang matinding pagtibok ng aking puso.
My daughter was laying on the hospital bed, her small frame covered in blankets. An IV was attached to her arm, and a heart monitor beeped steadily beside her.
She looked so… fragile.
Dahan-dahan akong lumapit, and gently took her tiny hand in mine.
"Mommy's here, baby," bulong ko habang dinadampihan ng halik ang kaniyang noo. "I'm not going anywhere."
Pumikit ako ng mariin. Naramdaman ko ang presensya ni Klaxon sa aking likuran. Nasa pintuan siya, nakatayo habang nanood sa aming dalawa ni Klarissa.
I turned to face him.
For the longest time, I had done everything in my power to keep Klarissa a secret from him.
But now, standing in this hospital room, with him right in front of me…
I knew.
Wala na itong atrasan dahil nandito na. Nagkita na ang hindi dapat magkita.
His expression was unreadable, but I knew him well enough to see the storm brewing in his dark eyes.
Napalunok ako. This is it.
The moment I had spent the past five years avoiding. The moment I had feared would one day come.
He knows.
He knows she's his.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro