Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Kelra's POV

Maaga akong nagising kinabukasan dahil may trabaho ako. Ginawa ko ang karaniwang ginagawa ko tuwing umaga. Naligo, nag-ayos, at nagluto. Hindi pa gising sina Jenie at Klarissa kaya ako na ang kumilos para sa kanila. Sabado rin ngayon, kaya walang pasok ang prinsesa ko.

Binaba ko ang switch ng rice cooker saka pinatay ang stove. Pagkatapos, nilapag ko sa malaking mesa ang niluto kong bacon, fried rice, fried egg, and plain rice. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang hinain ko. Taray! Ngayon lang ako nagkaroon ng maraming oras sa umaga dahil madalas ay nauuna pang gumising si Jenie. Ngayon lang yata siya tinanghali ng gising. Ewan ko rin kung bakit mas maaga pa ako sa sikat ng araw ngayon. Pakiramdam ko tuloy may magandang mangyayari sa opisina. Sana nga.

Saka kung puwede ay iiwasan ko muna si Klaxon dahil sa walang hiyang sinabi niya kagabi. Sino namang matutuwa no'n, hindi ba? Bigla ka na lang sabihan nang gano'n. Hindi naman sa mukhang oa, ano May pinagdaanan kasi kami noon at hindi madali ang lahat. We both hurt ourselves too. Ngayon na nagkita ulit kami. Parang nothing happened lang. Muntikan ko nang makalimutan na siya ang pala dahilan bakit ako lumayo noon sa kaniya.

Argh! Enough with this, Kelra. Naka-move on ka na. Hindi niya pa kilala si Klarissa kayat hanggat maaari, magiging maingat ako. Alam niya rin naman siguro kung saan lumugar. Kahit natatakot ako minsan sa presensya niya, susubukan kong hindi makaramdam nang gano'n.

Pumikit ako ng mariin bago binuksan ang refrigerator. Kumuha ako ng fresh milk at sinalin ito sa basong palaging ginagamit ni Klarissa. Naglabas din ako ng kape para kay Jenie. Sakto namang kumukulo na ang tubig.

Akma ko nang isasalin ang tubig sa mug nang biglang bumukas ang pinto sa gilid. Napangiti ako nang makita ang bagong gising na mukha ni Jenie-kunot ang noo habang gamit ang kamay na sinusuklay ang buhaghag niyang buhok.

"Good morning!" bati ko.

"Ang aga natin ngayon, ah. Anong meron? Saka bakit ka late umuwi kagabi, Kelra? Alam mo bang pinagalala mo si Klarissa? Tawag siya nang tawag sa'yo hindi mo sinasagot,"

Napanguso ako. Hindi ko nasagot ang mga tawag nila dahil himbing na himbing ang tulog ko. Hindi rin ako inabalang gisingin ni Klaxon. Siraulo talaga.

"Sorry. Nakatulog kasi ako sa office. Alam mo namang kulang ako sa tulog no'ng nakaraang araw,"

Umupo siya saka kinuha ang kape na hinanda ko sa kaniya.

"Kung nakita mo lang ang mukha ni Klarissa kagabi. Alalang-alala sa'yo ang bata. Hindi ko rin naman siya puwedeng iwan dito at puntahan ka dahil ayokong may mangyaring masama at mas lalong hindi ko siya puwedeng isama sa kumpanya baka makita siya ng ama niya,"

Napabuntonghininga ako. Akma na sana akong uupo sa kaniyang harapan nang makarinig ako ng yapak galing sa ikalawang palapag. Unti-unting umangat ang aking ulo upang salubungin ang aking anak na bagong gising. Kusot-kusot pa nito ang kaniyang mga mata habang nakahawak sa hagdan ang isang kamay.

Sumilay ang ngiti sa aking labi. Lumapit ako sa kaniya at dinaluhan siya. Gulat na gulat naman siya nang makita niya ako sa kaniyang harapan ngunit niyakap ko lang siya at paulit-ulit na humingi ng tawad sa kaniya. "Sorry, baby, kung natagalan si Mommy kagabi. Hindi na mauulit," mahina kong sabi.

Ngumiti lang naman siya. Hinawakan niya ang mukha ko at binigyan ako ng mabilis na halik sa pisnge. "Okay lang po, Mommy. Ang mahalaga ay safe po kayo at nandito sa tabi ko,"

Niyakap ko ulit siya. This time ay sobrang higpit na. Kung hindi lang tumikhim si Jenie, walang bibitaw sa aming dalawa.

"Wow! Ang dami naman nito, Mommy! Halos favorite ko pa! And there's milk too!"

Natawa na rin si Jenie. Inalayan niya ito sa sariling upuan saka binigyan ng plato upang makapagsimula na sa pagkain.

"Nga pala, kumusta naman ang trabaho mo? Hindi mo naman siguro kasama ang lalaking 'yon kagabi, hindi ba?"

Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot. Pero base naman sa naging reaksyon niya, alam niya nang kasama ko kagabi si Klaxon. Hindi ko rin naman ginusto 'yon. Siya ang nag-utos sa akin na matulog. Naging irresponsible lang talaga ako dahil hindi ko namalayan ang oras.

"Alam mo naman siguro ang mangyayari kapag pinagpatuloy mo ito, hindi ba, Kelra? Kung kinakailangan ay iwasan mo si Klaxon. Kapag malaman niya ang tungkol sa anak ninyo paniguradong ilalayo niya ito,"

"Hindi niya malalaman ang tungkol kay Klarissa." Mapait kong sagot. Tila hirap na hirap ilabas ang salitang 'yon. Wala rin naman kasi akong intensyon na ipakilala sa kaniya ang anak niya. We're done at hanggang doon na lamang.

"Kilalang-kilala mo ang lalaking 'yon. Alam mo rin kung ano ang kaya niyang gawin,"

Hinaplos niya ang buhok ni Klarissa. Ngumiti siya dito at tumango habang abala ang anak ko sa sarili nitong pagkain. Walang pakialam sa pinag-uusapan namin.

"Ano bang ginawa niyo kagabi? Don't tell me-"

"Wala kaming ginawang kababalaghan, Jenie! Nakatulog lamang ako, okay? Iyon lang at wala nang iba." Mabilis ko namang angil. Ayan na naman siya sa madumi niyang utak. Kung ano ang iniisip.

"Ang defensive mo, ah. Malay ko bang hindi lang tulog ang ginawa ninyo?" ngumisi siya nang nakakaloko.

"Ewan ko sa'yo! Kung ayaw mong maniwala, itanong mo sa kaniya kung anong ginawa ko buong araw sa opisina niya." Gigil kong sagot saka nagpasya na lantakan na lang ang sariling pagkain.

After breakfast, I said goodbye to them and promised to answer their calls from now on. I also mentioned that I might not come home early since I often work late. It's not up to me-it's up to Klaxon because he's the boss.

Nang makarating sa kumpanya, unang bumungad sa akin si Ellen na mukhang natataranta. Ano na naman kaya ang nangyari sa babaeng 'to?

"Kelra! Mabuti naman at dumating ka na!"

Hindi naman siguro ako late, hindi ba? Saka may ten minutes pa ako bago ma-late. Anong kinataranta ng babaeng 'to? May regla na naman kaya ang boss namin kaya siya ganito umakto?

"Bakit, anong nangyari?"

Umupo ako sa upuan ko. Sinaksak ko ang saksakan ng monitor at binuksan ko ito habang nakatingin sa kaniya. Napansin kong balisang-balisa na ito ngayon. Hindi maipinta ang kaniyang mukha.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Ano ba kasi ang nangyari? Galit na naman ba ang boss natin?"

"H-Hindi! Ano kasi...nasa itaas si Mrs. Alma..."

"Tapos?"

"Kanina pa namin naririnig ang bagsakan ng mga gamit sa itaas. Nagdadalawang isip kami kung aakyat ba o hindi. Baka may mangyaring masama kay Mrs. Alma kapag hindi natin siya pinuntahan!"

Napalabi ako. Pabalik-balik ang tingin ko sa monitor at sa mukha ni Ellen. Napansin ko rin na wala dito ang iilan naming kasama. Mukhang nakichismis din sa itaas. Kaloka.

"Ayoko rin masangkot sa gulo nila, Ellen. Kaya naman siguro ni Mrs. Alma 'yon," kibit-balikat kong sagot saka binuksan ang browser ng monitor.

Ni-log in ko ang account ko at akma na sanang pipindutin ang enter nang bigla na lamang kumalabog ang ikalawang palapag. Nagmula sa opisina ni Klaxon.

Shit. Ano ba kasi ang nangyayari? Si Klaxon ba ang may kagagawan ng mga kalabog na 'yon?

"Sure ka bang kanina pa 'yan?" tukoy ko sa sunod-sunod na kalabog.

Mabilis siyang tumango. Napasinghap na lamang ako. Kahit hindi ko minsan gusto ang ugali ni Mrs. Alma, boss pa rin namin siya. Hays! Pero ano namang gagawin ko sa itaas? Baka kapag makita ako ni Klaxon itatapon niya sa mukha ko ang mga gamit.

"Hindi ko alam ang gagawin, Ellen. Baka pagalitan tayo ni Mrs. Alma kapag pumunta tayo doon," giit ko pa pero tila walang narinig si Ellen. Bigla na lang ako nitong hinila papuntang second floor.

"Ellen!"

"Kailangan ka namin, Kelra. Hindi namin kayang pasukin ang opisina ni Sir Klaxon kaya..."

"Kaya hinintay mo ako para pumasok sa opisina ng madman nating boss?"

Mabilis niya namang tinakpan ang bibig ko. "Shhh! Baka marinig ka! Kahit lagi siyang galit, huwag na huwag mo siyang sasabihan nang gan'yan baka mawalan tayo ng trabaho!"

Totoo naman kasi. Ano na naman ang kinaputok ng butchi ng lalaking 'to. Kahapon ang sweet sweet niya tapos ngayon parang asong nagwawala? May saltik ba ang hayup na 'to?

Napapikit ako nang makarinig ulit ng kalabog. Ilang mura ang pinakawalan ko dahil sa biglaang tunog na hindi ko inaasahan. Buwesit! Dito yata ako aatakehin sa puso.

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ng opisina ni Klaxon. Lakas loob pa akong kumatok nang tatlong beses bago ito binuksan. Gano'n na lamang ang gulat ko nang masaksihan ang buong opsina ni Klaxon.

Ang kalat.

Maraming babasaging bagay sa sahig, sirang-sira din ang upuan na bagong bili ni Mrs. Alma, basag ang maliit na tv at marami ding mga punit na papel sa sahig.

Maingat akong humakbang. Hinanap si Mrs. Alma. Sa isang madilim na parte, nakita ko siyang nakatayo. Hawak ang sariling dibdib habang nababalot sa takot ang kaniyang mga mata. Mabilis naman akong lumapit sa kaniya, hinawakan ko ang kaniyang kamay na labis niyang kinagulat. Akala ko itataboy niya ang kamay ko, subalit mahigpit niya itong hinawakan.

"I-Ilabas mo ako dito, please..." nagmamakaawa ang boses.

Marahan naman akong tumango. "Humawak lang po kayo sa akin, Mrs. Alma." Sagot ko at inalayan siyang palabas ng opisina.

Wala namang nangyari pagkatapos non. Wala nang kalabog at sigawan. Sa halip ay namayani ang katahimikan. Walang imik si Mrs. Alma habang kinakausap siya ng mga kasamahan namin. Hindi na ako nag-abala na lumapit sa kanila dahil naiwan ang atensyon ko sa silid ni Klaxon. Wala siya sa loob, tanging ang sira-sirang kagamitan lamang ang naiwan.

Nasaan kaya siya? Bakit gano'n na lamang ang naging reaksyon ni Mrs. Alma. Para siyang natatakot. Kay Klaxon kaya? But wala siya sa loob.

Damn.

"Miss Hadjehel."

Muntikan na akong mapasigaw sa gulat nang biglang sumulpot sa aking harapan si Henderson. Kasama niya na naman ang tatlong bodyguard na naghatid sa akin kagabi.

Medyo may kakaiba sa mukha niya ngayon. Napansin kong marami siyang hiwa sa mukha. O baka hindi ko napansin kagabi dahil medyo madilim?

"Nasaan si Klaxon?"

Kumunot ang kaniyang noo. "Bakit mo siya hinahanap? Nasa loob malamang," walang kangiti-ngiti nitong sagot.

"Mukha ba akong tanga sa paningin mo, Mr. Henderson? Wala siya sa loob! Tanging si Mrs. Alma lang ang nadatnan ko kanina. Ano ba talaga ang nangyari sa lalaking 'yon? Bakit siya gumawa ng eksena sa sarili niyang kumpanya? Is he insane?!" sigaw ko sa galit, ngunit tila hindi siya natinag. Sa halip, tahimik niyang binuksan ang pintuan.

Pumasok siya at sinipa ang basag na bote bago naupo sa sirang sofa, na mukhang tinadtad ng kutsilyo.

Sino'ng mapangahas ang gagawa nito sa sarili niyang opisina? Nababaliw na ba talaga siya?

"You don't know him," sabi niya nang malamig.

"Kailangan ko pa bang kilalanin ang boss mong may saltik sa ulo?" balik ko nang may gigil.

Tumawa lang siya, isang nakakatindig-balahibong tawa.

"Hindi mo talaga siya kilala, Miss Kelra. Naniniwala ka bang kaya niyang gawin lahat 'to?"

"Malamang! Siya lang naman ang nandito kanina!"

"Are you sure? Kailan ka lang ba dumating? Sa pagkakaalam ko, hindi ka pa narito nang mangyari ang kaguluhan. Paano mo nasabing si Klaxon ang may gawa nito?"

Napaatras ako nang lumapit siya sa akin. Ang seryosong ekspresyon niya, kasabay ng bahagyang ngisi sa labi, ay nagpadala ng kaba sa dibdib ko. Putang ina. May problema rin ba sa ulo ang assistant ni Klaxon? Sino pa ba ang dapat sisihin kundi siya?

Pagmamay-ari ni Klaxon ang silid na ito, at mahigpit niyang ipinagbabawal ang pagpasok nang walang pahintulot. Sino'ng sisisihin? Si Mrs. Alma? Eh, kitang-kita ko naman ang takot sa mukha niya kanina.

"Alam mo bang mapapahamak ka sa ginagawa mong 'to, Kelra?"

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko, napalunok sa kaba.

"Hindi mo dapat nasaksihan ito. Hindi mo dapat malaman ang totoo. Dahil kapag lumagpas ka sa linyang hindi dapat tawirin, maaaring manganib ang buhay mo. Klaxon did everything to hide and protect you from those people, pero masyado kang pakialamera."

Napaatras muli ako, wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. "But, I guess wala na akong magagawa pa. Hindi ko hawak ang buhay mo, kaya gawin mo ang gusto mo. Pero kapag napahamak si Klaxon dahil sa'yo, wala akong pakialam sa ibang tao. I will kill you, Mrs. Kelra. Hindi ako magdadalawang-isip."

May inilabas siya mula sa bulsa-isang supot. "Bring this to him. Kailangan niya ito."

Tinitigan ko lang iyon, natatakot na baka bomba ang laman.

"Medicine kit 'yan," dagdag niya. "Kailangan niya 'yan ngayon. Wala akong oras para gamutin siya. Kaya imbes na tumunganga ka sa labas ng opisina niya, why don't you treat him? He'll love it. Kahit papaano, masuklian ang kabutihang ginawa niya para sa'yo."

At saka siya umalis, kasama ang tatlong bodyguard na nakasunod sa likuran.

Hindi ako gumalaw. Ilang minuto akong nakatayo, bitbit ang supot na iniabot sa akin ni Mr. Henderson. Ang daming tumatakbo sa isip ko. May bahagi ng utak ko na sinasabing huwag maniwala sa sinabi niya, pero may bahagi rin na nagsasabing totoo ang lahat.

Argh! Gumising ka na sa katotohanan, Kelra! Hindi ordinaryong tao si Klaxon. Kahit hindi siya ang gumawa nito, masama pa rin siyang tao! But damn it, ano'ng ibig niyang protektahan? Mukha bang kailangan ko ng proteksyon? Kaya ko naman ang sarili ko!

Hindi ako ligtas sa kaniya. Nanganganib din ang buhay ko dahil sa kaniya. Ugh!

Iritado akong lumabas ng kumpanya. Narinig ko pa ang ilang tawag ng mga empleyado sa pangalan ko, pero hindi ko na sinagot. Diretso akong lumabas hanggang sa makita ko ang sasakyan ni Mr. Henderson. Nasa labas siya, abala sa pag-uusap sa cellphone.

Walang emosyon akong lumapit sa kaniya at masama siyang tinapunan ng tingin.

"Where is he?" tanong ko, inis na inis.

Nilayo niya nang kaunti ang cellphone sa tainga at itinuro ang loob ng sasakyan.

Inirapan ko siya saka padabog na binuksan ang pintuan. "Buwesit talaga. Hindi niya naman ako asawa para gawin ko 'to-KLAXON?!"

Nabitawan ko ang supot at mabilis siyang nilapitan. Napalunok ako sa nakita kong kalagayan niya.

"Anong nangyari? Bakit ang daming dugo?!" tanong ko, nanginginig sa kaba. "Sumagot ka!"

"H-Hey...what are you doing here?" sagot niya, hirap na hirap magsalita. Pero binalewala ko iyon at dali-daling pinulot ang supot na binigay sa akin.

Putangina! Napamura ako nang makita kong wala sa loob nito kundi condom. CONDOM?! Seriously?!

"Putangina talaga. Dadalhin kita sa hospital!" sigaw ko sa galit, pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Ano? Ayaw mo? Gusto mo bang magpakamatay?!"

Halos maiyak na ako sa galit at awa. Halos hindi ko na siya makilala dahil sa dami ng dugong bumabalot sa kanya. May mga sugat sa braso, dibdib, at binti na kailangang tahiin. Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko kakayanin.

Pumikit ako nang mariin, pilit na pinapakalma ang sarili. Kinuyom ko ang kamao at hinarap siya.

"Dadalhin kita sa hospital!" mariin kong sabi.

"No... don't bring me there. Mahahanap nila ako," bulong niya.

"Sino ba 'yang naghahanap sa'yo, ha? Gusto mo bang mamatay?"

"Are you concerned about me?"

"Sino'ng hindi mag-aalala sa kalagayan mo? Kung gusto mong magpakamatay, bahala ka sa buhay mo! Buwesit ka!" inis kong sigaw. Tinapon ko ang supot sa tabi at akmang lalabas nang bigla siyang dumaing.

"Putangina talaga! Saan mo ba gusto at nang magamot ko na 'yang mga sugat mo?!"

Wala akong choice. I had to drive him wherever he wanted. Sa tabi niya, dalawang bodyguard ang abala sa pagpigil ng pagdurugo ng mga sugat niya. Hindi ako mapakali habang nasa biyahe, lalo na sa naririnig kong mga impit niyang daing sa sakit.

"Kailangan natin ng doktor!" sigaw ko.

"Let her treat my wounds. Huwag kayong tumawag ng doktor... kundi papatayin-"

"Nababaliw ka na ba talaga?! Gusto mo bang mamatay?!"

Ngumisi lang siya, lalo akong nainis.

"Call a doctor. But... I want you to stay, Kelra. I want you here beside me. If you leave, I-"

Iritado akong lumapit sa kaniya. "Hindi ako aalis kaya tumigil ka sa kaartehan mo!"

HINDI ako umalis sa tabi ni Klaxon habang ginagamot siya ng doktor. Tahimik lamang siya, nakapikit ang mga mata habang iniinda ang bawat galaw ng karayom at sinulid. Nasa tabi ko rin si Mr. Henderson, walang ibang ginawa kundi buwesitin ako.

"Nagustuhan mo ba 'yong medicine kit na binigay ko?" nakangisi niyang tanong.

Inirapan ko siya nang todong-todo. "Hindi ka naman siguro tanga para hindi malaman na condom ang laman ng binigay mo sa akin at hindi medicine kit, ano?" iritado kong sagot.

Tumawa na naman siya. Isang nakakainis na tawa na parang gusto ko nang tahiin pati bibig niya. Bakit ba nandito pa siya? Hindi naman siya kailangan ni Klaxon. Ako ang pinilit niyang mag-stay sa loob kahit gusto ko na talagang umalis.

Paano ako makakaalis nito?

"Huwag mo nang balaking umalis. Hindi ka pa rin papayagan niyan," komento nito na tila nagbabasa ang iniisip ko.

"Hindi niya naman ako kailangan dito. Ikaw na lang kaya ang magbantay? Tutal assistant ka naman," mataray kong tugon. Sarap sabihin na wala siyang kwenta dahil hinayaan niyang masaktan ang boss niya ng ganito. Kung saan man natamo ni Klaxon ang mga sugat niya, wala akong pakialam. Kung hindi lang dahil sa konting pag-aalala, kanina pa ako umalis.

Ilang oras ang ginawang pagtatahi sa mga sugat ni Klaxon. Nakatulog siya sa pagod, kaya nagdesisyon kaming iwan muna siya sa kuwarto niya. Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa balcony na tanaw ang malawak na karagatan.

Oo, tama kayo. Malapit sa dagat ang bahay ni Klaxon. Napapalibutan ito ng malalaking bato at makakapal na puno. Sa baba, may ilang tao akong nakikitang naliligo. Tunay ngang napakaganda ng lugar, pero hindi ito ang dahilan kung bakit ako nandito.

Inayos ko ang buhok ko nang biglang tangayin ito ng hangin. Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay upang salubungin ang malamig na simoy, ngunit napatigil ako nang biglang may kamay na bumalot sa aking baywang.

Nataranta ako at akmang sisigaw na sana nang marinig ko siyang magsalita.

"Don't move, baby. Let's stay like this for a bit."

Napalunok ako. Gusto ko sanang sigawan siya at tanungin kung bakit siya gumalaw, pero pinili kong manahimik na lang at palihim na napamura sa ginawa niya.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Sa bawat pag-ihip ng malamig na hangin sa aking mukha, siya namang pagdampi ng mainit niyang hininga sa leeg ko.

Ilang beses na akong napalunok. Hindi ko mapigilang mailang sa posisyon namin. Kung puwede lang, hinawi ko na sana siya, pero pinigil ko ang sarili ko. He's still hurt-I don't want to make it worse.

"Masaya ka bang iniwan mo ako noon, Kelra?" basag niya sa katahimikan. Kasabay nito ang malakas na hampas ng alon mula sa dagat.

Hindi ako agad nakasagot. Nanatiling nanigas ang katawan ko habang sinasabayan ang hanging walang sawang yumayakap sa amin.

Naging masaya nga ba ako? tanong ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay wala ring sagot na maibigay.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Don't forget to remind me also para tuloy-tuloy po ang ating update.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro